Chapter 4

Chapter 4

KEI'S P.O.V

Ala-sais na ng gabi kami nakaalis sa Laguna. Sila Tita hindi pa raw sila babalik ng Manila. Nakakainis lang kanina. Wala kasi silang ginawa kundi ang tuksuhin ako dahil sa nangyari sa kalsada. Tuwang-tuwa naman si Kyle dahil nagustuhan ko raw yung halik niya na punong-puno daw ng pagmamahal. Punong-puno ng pagmamahal—o kamanyakan niya?


Nakatuon ang mga mata niya sa kalsada dahil nagmamaneho siya ngayon. Medyo malapit na rin kami sa condo naming. Samantalang ako, nakatanga sa bintana pinapanood yung pagbuhos ng mahinang ulan.

Tumigil siya dahil nag-red light. Laking gulat ko nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko. Hihilahin ko sana 'yon pero natigilan ako nang marahan niyang pisilin iyon. Ang init ng kamay niya at pakiramdam ko nakukuryente ako.


"Malamig ba?" biglang tanong niya, saka inayos yung aircon sa harapan ko. Sandali niyang binitawan ang kamay ko at parang may kinukuha siya sa backseat ng sasakyan niya. Mukhang nagmamadali pa siya dahil 20 seconds na lang green light na.

"Come closer," bulong niya at iniharap niya ako sa kanya, sabay isinuot sa akin yung gray na jacket na kinuha niya sa backseat. Napatitig ako sa mukha niya na parang ang saya-saya. Bumaba yung tingin ko sa labi niya, ang pula nito at ang nipis. Napalunok ako nang maalala ko kung paano niya ako halikan kanina. Biglang may nag-form na ngiti sa labi niya dahilan para mapatingin ako sa mata niya.

"Stop staring. Baka makalimutan kong nasa kalsada na naman tayo," natatawang sabi niya. Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko. Umayos na ako ng upo, at nagulat ako nang sunod-sunod na may nagbusina sa likod namin.

"Tss, masyado silang mainipin," sabi ni Kyle saka pinaandar na ang kotse niya.

Tinignan ko na lang yung frame sa gitna ng sasakyan niya.

"Family ko," nakangiting sabi niya. Mukha namang family picture talaga eh. Nandun siya at may limang babae at isa pang lalaki. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino yung kasama niya dun.

"Wait, si Michael Cando 'to 'di ba?" sabi ko saka kinuha yung frame.

"Yeah, my Dad," sagot niya. Shocks! Oo nga't Cando ang apelyido niya pero hindi ko naman akalain na siya ang anak ng isang sikat na model hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwalang may anak na si Michael Cando!

"Ilang taon na ba ang Daddy mo?" Mukha kasing binata ang Daddy niya.

"Hmm, 39. Parehas sila ni Mom. Ayan si Mom." Biglang turo niya. Mababaliw na yata ako. Si Sabrina Briones 'to eh! Jusko naman, kapatid niya siguro yung apat na babae dito ang gaganda eh! Tapos siya... 'Kay, fine, gwapo si Kyle ayoko lang tanggapin. Kaya siguro photographer siya, kasi yung mga magulang niya model. Nasabi ko na bang may sariling studio si Kyle? Kaya naman pumapasok lang siya kapag gusto niya. Saka isa pa, may mga employee rin siya.

"Solong lalaki ka lang," bulong ko. Sayang naman, nag-iisa lang siya. Wala na bang ibang Cando na kasing edad ko rin? Haha!

"Yeah, panganay pa. Lima lang silang babae sa buhay ko—Ahh, no! Anim na ngayon kasama ka," sabi niya. Parang nag-init na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya nang mag-ring ang phone niya. Ibinalik ko yung frame. Sandali niyang tinignan kung sino ang tumatawag at parang napangiti pa siya nang makita niya 'yon. Ikinabit niya ang earphone niya at sinagot 'yon nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada.

"Hey, Love."

Parang naningkit ang mata ko sa narinig.

"Hmm, malapit na. Yeah, pupunta po ako. Don't forget to cook my caldereta, Love."

Hindi naaalis ang ngiti sa labi niya. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis. Love? Pagkatapos niya akong halikan kanina may katawagan siya ngayong 'Love'? At ano? Ipagluluto pa siya?

"Cake? Sure, bibili ako bago ako pumunta jan. Don't worry, Love, maingat akong magmaneho. Opo, okay. Bye, Love. I miss you too." Oh, edi sila na ang sweet. Kasasabi niya lang kanina na anim lang kaming babae sa buhay niya. Tapos ngayon ganyan siya. Siguro sinabi niya rin 'yon dun sa Love niya. Bolero talaga!

Pagkadating na pagkadating namin sa parking lot ng condo kinuha ko kaagad yung bag ko at nagmadaling bumaba.

"Kei?" tawag niya dahil hindi ko siya pinapansin. Ikaw ba hindi ka maiinis kapag yung lalaking kahalikan mo lang kanina may katawagan na Love?

Sunod-sunod na pagpindot ang ginawa ko sa elevator. Nakasunod lang siya sa akin. Nang bumukas 'yon, mabilis akong sumakay. Ganun din siya.


"Anong problema? Bigla ka na lang nanahimik," tanong niya. Ewan ko sayo, Kyle Cando! Bahala ka sa buhay mo! Tsk, bwisit naman ang tagal mag-8th floor para makapagkulong na ako sa condo ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator dinanggi ko siya at tinignan ng masama. Mabilis akong naglakad at binuksan ang unit ko. Isasarado ko na sana yung pinto pero malakas niya itinulak 'yon saka pumasok sa loob.

Tinalikuran ko lang siya, pero hinila niya ang braso ko.

"Anong problema?" ulit niya sa tanong niya kanina nung nasa elevator.

"Umalis ka na! Di ba aalis ka? May lakad ka pa di ba?! Alis na! Shoo!"

Tumawa lang siya at parang naintindihan niya kung bakit ganito ako. Aish! Masisisi niyo ba ako? Hinalikan niya ako! Putcha! Hindi naman kasi basta halik lang yung ginawa niya! French Kiss yun eh! Tapos may iba siya!

Hinila niya ako palapit sa kanya.

"Nagseselos ka noh? Aminin mo na, Kei," nakangiting sabi niya. Damn! Nakakainis yung ngiti niya!

"Nagseselos?! Kapal ng mukha mo! Bakit naman ako magseselos?" sigaw ko.

"Huling-huli ka na, tatanggi ka pa," pang-aasar niya. Itinulak ko siya. Pero nagulat ako nang hilahin niya ulit ako at hinalikan ang labi ko.

Sobrang init ng labi niya at unti-unti na naman akong nanghihina. Hinawakan niya ako sa braso ko para alalayan ako. Napanganga ako ng kaunti nang maramdaman kong kinagat niya ang ibabang labi ko at dahil d'on mabilis niyang ipinasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Sinabayan ko ang ginagawa niya. Hindi ko namalayang dahan-dahan na kaming naglalakad papunta sa couch. Ipinulupot niya ang dalawang binti ko sa bewang niya at umupo siya dun nang hindi pinaghihiwalay ang labi naming dalawa. Nakaupo na rin ako sa hita niya.

Nakakaadik yung halik niya. Ibang-iba sa first kiss ko.

Naramdaman ko ang pagtaas baba ng kamay niya sa likuran ko dahilan para mapaungol ako ng mahina. Ang init ng palad niya at nakukuryente ako sa pakiramdam na 'yon.

Lalong lumalalim ang halik naming dalawa.

"Hmmm," ungol ko nang dahan-dahan niyang sipsipin ang dila ko. Naramdaman kong pumasok sa loob ng T-shirt ko ang mainit niyang kamay at kasabay n'on ang marahang pagpisil sa kaliwang dibdib ko. Nababaliw ako sa ginagawa niya. Halos masabunutan ko siya sa tuwing mararamdaman kong dumidiin ang pagpisil niya d'on. Bumaba ang halik niya papunta sa leeg ko at napapikit ako nang dahan-dahan niyang sipsipin ang gilid ng leeg ko.

"Uhh..."

Hiyang hiya na ako dahil hindi ko na talaga mapigilan ang paglabas ng impit na ungol sa bibig ko.

"Ahh..."

Itinulak ko siya dahil parang sumasakit yung pagsipsip niya sa leeg ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Bampira ka ba?" nahihiyang suway ko na tinawanan niya lang saka hinalikan ulit ang labi ko. Bakit ganito? paulit ulit na may bumubulong sa isip ko.

Ang sarap niyang humalik.

Naramdaman kong mas lalo niya akong inilapit sa kanya at sobrang init na ng pakiramdam ko. Napahawak ako sa abs niya, samantalang siya dalawang kamay na niya ang nakapasok sa loob ng T-shirt ko. Hindi ko dapat ginagawa 'to pero tinatraydor ako ng katawan at utak ko.


"Ugh." At sa unang pagkakataon narinig kong umungol siya. Kahibangan man pero napaka-sexy sa pandinig ko nang ungol niya. "Kei..."

Nanlaki ang mata ko dahil sa paraan na pagtawag niya sa pangalan ko. At dun ko lang naramdaman na parang may tumutusok sa gitnang parte ko. Pinaghiwalay niya ang labi namin at bigla niya ako niyakap sa ganung pwesto pa rin. Nakatungo siya sa balikat ko at ang bilis ng paghinga naming dalawa.

"Papatayin mo ba ako?" Halata sa boses niya ang hingal at hirap sa pagsasalita. "Nagpipigil ako, pero ahh..."

Narinig ko na namang ungol niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Medyo matagal din bago ako binitawan ni Kyle. Nawala na rin yung kaninang parang tumutusok dun sa gitna ko at alam ko kung ano 'yon dahil ayoko man aminin pero parang nakikiliti ako kanina sa tuwing mararamdaman ko yun.

Tumayo siya at inayos ang damit niya. Hinila niya ako at hinalikan ulit ang labi ko, pero sandali lang 'yon. Parang binasa niyang lang ng laway niya yung labi ko.

"Pasalamat ka may lakad ako," bulong niya saka kumindat. Nanlaki ang mata ko.

"I HATE YOU!"

Pilit kong tinatabunan yung hiya ko dahil alam ko namang walang kami, pero heto ako, hinahayaan kong mag-make out kaming dalawa.

"I LOVE YOU."

Natigilan ako. Pangalawang beses na niya akong sinabihan niyan. Napalunok ako dahil parang may kung anong nagwala sa loob ng dibdib ko.

"Aalis na ako at h'wag ka nang magselos. Mama ko lang yung tumawag," nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Kyle—"

Sasabihin ko ba? Bakit kasi ganito? Hinalikan niya lang ako, bakit parang ayoko siyang merong iba. At kanina, hindi lang basta halik na yung nangyari. Dahil siya ang kauna unahang nakahawak ng dibdib ko.

"Hmm?" nakangiting tugon niya.


"Hindi naman kita boyfriend di ba? Pero, bakit ginagawa mo 'to?" tanong ko. Parang lumungkot yung mukha niya, pero ngumiti rin siya kaagad.

"Alam ko, pero—"

Sandali siyang natigilan. Isang malalim na pagtitig ang ibinigay niya sa akin bago pa muling nagsalita na siyang nagpaawang sa bibig ko.

"—kabaliwan man kung tawagin, pero aangkinin kita sa kahit ano mang paraan dahil alam kong akin ka, Kei."

*


KYLE'S P.O.V

Alam kong wala kaming relasyon, pero hindi ko na mapipigilan pa ang puso ko na angkinin siya. Dahil sa bawat tibok ng puso ko, alam kong wala nang atrasan ito. Sigurado na akong siya na ang end game ko.

Kinuha ko na ang cake na ipinabili ni Mama sa akin. Pang-19th wedding anniversary na nila ni Dad. Kabaduyan mang isipin pero hindi na ako makapaghintay na dumating ang panahon na kaming dalawa naman ni Kei ang magce-celebrate nang kasal namin. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa kapag nangyari iyon.

"Kuya! Bakit ang tagal mo?" salubong sa akin ng kapatid kong si Misha. Iniabot ko na sa kanya ang cake saka ginulo ko ang kanyang buhok.

"Napasabak si Kuya," natatawang biro ko nang maalala ko ang pinagsaluhan naming halik ni Kei. Noon ay sa panaginip ko lang iyon nararanasan, pero ngayon para akong first time na nakahalik kahit na hindi. Gusto ko kasing ulit-ulitin.


"Sus, sinong babae na naman yan? Mom, si Kuya oh, may kinakalantaryo na naman!" panunuya niya na siyang tinawanan ko.

"Anong kinakalintaryo? Hoy, Misha. Seryoso ako, mahal ko yun," pagmamalaki ko.

"Kyle anak!" sigaw ni Mama saka lumapit sa akin at niyakap ako. Hinalikan ko naman siya sa kanyang noo.

"I miss you so much, Love," ani ko.

"Akala ko hindi ka na makakarating," masayang sambit ni Mama saka yumakap siya sa tagiliran ko habang naglakad kami patungo sa dining area.

"Hey, man!" bati ko kay Dad nang makita ko siya saka nag-high five pa kami.

"Oh! Kumusta yung sinundan mo sa Laguna?" nakangiting panunuya sa akin ni Dad. Napatingin sa akin sila Mama na para bang ang daming gustong itanong sa akin. Napapailing na lang ako dahil bata pa lamang ako ay kinukwento ko na kela Dad na may kakantahan ako ng "My Eyes Adored You" at yun ang magiging asawa ko. Akala nila ay biro lang ang lahat sa akin.

Umupo ako sa pwesto ko sa lamesa namin.

"Hindi ka maniniwala, Dad. Biruin mo yun, kung ikaw inaakyat mo si Mama sa bintana, ako umakyat ako ng puno para makuha lang yung gusto niya. Ganun ko siya kamahal," maganang kwento ko habang kumakain kami ng dinner.

"Haha! Yuck, Kuya, ang corny mo," natatawang sabi ni Cassandra. Pangatlo siya sa aming limang magkakapatid. 17 years old siya, 18 naman si Misha. Basta sunod-sunod sila, pero yung bunso namin, 10 years old pa lang.


"Corny? Ang corny yung manliligaw mo! Ah ano ngang pangalan n'on?" Nag-iisip pa ako ng pangalan na ipang-aasar sa kanya.

"Andres, Kuya!" panggagatong ng bunso kong kapatid.

"Ayon! Andres! Ang galing mo talaga, Kesiah!" sambit ko saka ginulo ang buhok niya.

"FYI, hindi Andres ang pangalan niya," naiinis na sabi ni Cass.

"Ano nga yung tula niya? Oh Cassandra kong iniibig~~" Natatawang pang gagaya ni Misha, kaya naman hinabol siya ng hampas nito.

"Hoy tama na 'yan! Kumakain tayo," suway ni Mama. Nakinig naman silang dalawa at umupo na. Inirapan naman ako ni Cassandra. Pikon kasi 'yan minsan kaya ang sarap asarin.

"Kahit corny si Alejandro, mabait siya," pagtatama niya ng pangalan nung manliligaw niya.

"Baho naman ng pangalan," pang-aalaska ko.

"Kyle, anak, tama na 'yan. 23 years old ka na ganyan ka pa rin sa mga kapatid mo," suway sa akin ni Mama dahil nakikinita ko na iiyak na naman si Cassandra.

"Haha. Sorry, Love," sabi ko habang tumatawa. Na-miss ko lang 'tong apat na kapatid ko pati sila Mama.

"Tandaan niyo kayong apat, walang magbo-boyfriend hangga't hindi tapos ng pag aaral," pangaral ni Dad.

"Tama!" pagsang-ayon ko.

"Tama, tama ka jan. Nung nag-aaral ka nga dati ang dami-dami mong girlfriends!" sigaw ni Cassandra.

"Lalaki naman ako Cassandra, makinig ka na lang kay Daddy," sabi ko, pero ang totoo niyan palagi akong kinakausap ni Dad dati na mag-ingat nung nag-aaral pa ako. Saka isa pa ayoko rin na mag-boyfriend 'tong apat na 'to. Paano na lang kung lokohin lang sila? Baka pagpapatayin ko pa yung mga gagawa nun sa kanila. Kahit nga sana manliligaw hindi pwede eh, pero gusto raw ni Mama na maranasan nung apat na maligawan. Pero sa ngayon si Misha at Cassandra pa lang ang pwede. Si Misha 18 na kaya pwedeng magpaligaw. Si Cassandra naman napapayag lang ni Dad kasi nga natuwa sila dun sa Alejandro na 'yon. Pero usapan naman talaga 'pag 18 na saka magpapaligaw yung apat.

"Kuya, uuwi ka rin mamaya?" tanong ni Anne, ika-apat sa aming magkakapatid.

"Uuwi 'yan! Dahil kapitbahay niya lang si Love of His Life niya!" sigaw ni Misha. Nginitian ko lang sila at kumuha na nang caldereta at sumubo.

"Woa! Grabe, Love! The best ka talagang magluto!" Iba talagang magluto si Mama.


"Napakabolero mo talaga, Kuya!" natatawang sambit ni Kesiah.

"Kanino pa nga ba magmamana ang prinsipe?" nakangiting tanong ni Mama at napailing ako nang sabay-sabay sumigaw ang apat na prinsesa ng buhay ko.

"EDI SA MAHAL NA HARI!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top