Chapter 37


Chapter 37

KEI'S P.O.V

Iniwan niya akong mag isa sa kwarto, sinubukan ko siyang habulin pero inalalayo niya ang kamay ko sakanya na para bang pasong paso siya sa tuwing hahawakan ko siya.

Kasalanan ko rin naman lahat ng ito, pinangunahan ako ng takot at hindi ako nagtiwala sakanya na ako lang ang mamahalin niya ng hindi dahil sa mukha ko. Hindi ko manlang sinubukan na sabihin sakanya ang katotohanan, maling mali talaga ako.

"Okay lang ako Tom!!" Sigaw ko sakanilang lahat dahil kanina pa sila nagtatalo na dalhin na ako sa ospital dahil sa pagkawala ng malay ko ng dumating sila. I'm alright at ramdam ko rin naman na okay ang anak ko...pero yung puso ko hindi. Durog na durog ito dahil nakita ko nanaman ang pag iyak ng lalaking minahal ko ng sobra sobra. Nakita ko ang sakit na nararamdaman niya dahil sa akin...

Sobrang bigat ng mata ko dahil sa kaiiyak ko...

"Yo-you're pregnant..." Nauutal na bulong ni Marie, hindi ko siya pinansin... Pinunasan ko ang luha ko at nag iwas ako ng tingin sakanilang lahat...Ayoko ng kausap ngayon, dahil kahit anong gawin nilang pag aalo sa akin hindi nila maaalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon, mas masakit pa 'to nung nakita kong kahalikan niya ang kakambal ko, dahil ito yun eh...Iniwan na niya ako, sinukuan na niya ako.

"Hindi! Hindi siya buntis! Haay nako talaga! Napakatanga mo talaga Marie!" Naiinis na sigaw ni Jade, hindi ba ako ang tanga dito? Ako ang tanga na hinayaang mauwi ang lahat sa ganito bago ko marealize na mahal na mahal ako ni Kyle bilang ako, bilang Kei.

Naninikip pa rin ang dibdib ko sa mga salitang binitawan niya kanina... Hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang dating kami...ang dating Kyle na mahal na mahal ko. Ayokong sabihin na buntis ako dahil hindi ko rin naman gugustuhin na balikan niya ako dahil lamang sa responsibilidad na ito.

Tama siya wala akong tiwala sakanya...Dahil kung meron, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Mariin kong ipinikit ang mata ko at naramdaman ko nanaman ang pagtulo ng luha ko ng makita ko sa isip ko ang mukha niyang punong puno ng sakit dahil sa akin. Naririnig ko pa rin hanggang ngayon ang hinanakit niya sa akin.

"I'm sorry Kei...pero sobrang sakit kasi talaga...Hindi ko na nga alam kung paano mawawala 'tong sakit...Kasi tuwing nakikita kita mas lalo lang tumitindi yung sakit dito..."

Iminulat ko ang mata ko ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko, at halos manginig ang buong katawan ko ng makaramdam ako ng galit.

______

MARIE'S P.O.V

"Dammit! Ano ba?!Ibaba mo nga ako!!" Sigaw ko sa isang lalaki na epal!

"Ahh!Bakit mo ako binato?!!!" Sigaw ko! This man is getting into my nerves! Marahas niya lang naman akong ibinato sa kama! Bwisit talaga 'tong mga kaibigan ni Kei!

"Sabi mo ibaba kita?" Nakasmirked na sabi niya!

"Bobo ka ba? O sadyang bobo ka lang?! Hindi mo ba alam ang pagkakaiba ng ibaba sa ibato?" Naiinis na sigaw ko!

"Aish! Pwede manahimik ka? Ingay mo! Tatakas ka pa ha!?" Sigaw ni Jade, bwisit talaga bakit ba ako sumama dito na mag cr! Ngayon magkasama na si Kei at Kyle...

"Hoy! Ikaw bakit mo ba kasi sinisira ang buhay ni Kei ha?" Sigaw nung Jelly!

"FYI! Hindi ko sinisira ang buhay niya! Kasalanan ko bang ipamigay niya yung boyfriend niya?!" Yeah right, boyfriend niya... Geez, ngayon pinag sisisihan ko na nagpanggap akong siya... Like, what the fck. Nakakaboring ang buhay niya, at isa pa habang tumatagal naboboring na ako kay Kyle... Yeah gusto ko siya, gusto ko lang siya! Ewan ko ba kung bakit sinabi kong mahal ko siya, maybe dahil gusto kong mainis sa akin si Kei... Ano ba? Buong akala ko nag iisa lang ang mukha ko sa mundong 'to tapos bigla ko na lang malalaman na may kakambal ako? Kinaiinisan ko talaga na may kaparehas ako. Psh.

"Hoy! Hoy! Alam mo kung hindi ka lang kapatid ni Kei kanina pa kita pinatay! FYI lang din ha? Ikaw ang nagpalayo kay Kei, tinakot mo siya!" Sigaw sa akin ni Jade, yuck. Amazona ba siya?

"Duh, as if kaya mo... Geez...So what?" Inaamin ko naman yun eh, nung una gusto ko talagang mawala sakanya si Kyle, why not di ba? Ang sweet kaya niya, kaya lang nitong mga nakaraang araw hindi na siya sweet, ang harsh na niya palagi sa akin, and then tama nga ang hula ko kagabi, alam na niyang dalawa kami ni Kei.

"Geez...Geez, geezin ko yang pagmumukha mo!!" Naiiritang sigaw sa akin ni Jade, akala naman niya natatakot ako sakanya, phew!

Maya maya lang lumabas na din yung dalawa nila Jade, naiwan dito yung Tom? Yeah Tom daw ang pangalan niya, ibinato ko yung cellphone ko. Sht lang pati sim card ko kinuha nung dalawang yon.

"Hoy! May cellphone ka ba?" Tanong ko dun sa Tom.

"Anong tingin mo sa akin pulubi?" Aba, ayos 'to.

"Pahiram nga may tatawagan ako." Tsk, kailangan ko ng tawagan si Drake, baka mainis nanaman sa akin yon dahil ininjan ko nanaman siya.

"Anong tingin mo sa akin payphone? Psh." Naiinis na sabi niya saka ibinato sa akin yung cellphone niya, agad ko namang nasalo yon. Mabait pinahiram nga ako, buti na lang at memorize ko ang number ni Drake.

"I-loud speaker mo." Mariin na sabi niya.

"WHAT?" Halos manlaki ang mata ko!

"Sabi ko i-loud speaker mo, malay ko ba kung sino yang tatawagan mo. Bilisan mo, baka mamaya mag inarte kang kinikidnap ka." I rolled my eyes, duh ang corny niya... Dinial ko na ang number ni Drake at isang ring palang sinagot na niya yon, inilapag ko sa kama yung cellphone at niloud speaker.

[Kei Marie, why the hell are you avoiding me?!] Dammit, nakasigaw nanaman siya.

"Kalma okay? I'm trap Drake, hindi ako makakarating."

[Again? Bullsht, Kei Marie...simula ng sabihin kong gusto kita hindi ka na nagpaparamdam sa akin?] Naiinis na sabi niya, oh nagkagusto na sa akin ang bestfriend ko. Geez, pagkatapos niyang mabroken hearted nung high school siya ako naman ang pinagkakadiskitahan, I'm so pretty kasi.

"FYI, Drake gusto mo lang ako, pero hindi kita gusto. Kaya pwede ba h'wag kang maarte dyan, ipost-pone mo muna yang date na yan—"

[Okay lang sa akin na ipost-pone 'to Kei Marie, ang hindi ko matanggap hindi ka marunong magpaalam kung nasaan ka—]

"Hep! Tandaan mo! Mas matanda ako sayo! Saka pwede ba mag aral ka nga muna bago ka manligaw dyan!"

Narinig kong huminga siya ng malalim.

[Age doesn't matter sweety...]

Nanlaki ang mata ko, sht! Bwisit talaga! Tinawag nanaman niya akong sweety nakakadiri!

"HAHAHAHAHAHAHA!" Napatingin ako kay Tom na ngayon ay nakahawak na sa tiyan niya katatawa!

[Sino yang kasama mo?! Fck, Kei Marie!!!!] Dammit!!!Agad kong pinatay yung cellphone kahit na nagsasalita pa siya!

"Sinong may sabi sayong mag ingay ka?!!"

"HAHAHA! Sweety daw?! Grabe...korny niyo. Kadiri."

Binato ko siya ng unan! Pero tumawa lang siya ng tumawa, inirapan ko na lang siya. Yeah, Drake use to call me in that way lalo na kapag naglalambing siya. Kadiri naman talaga. Pang matanda. Hindi naman sa takot ako sakanya kaya pinatay ko ang tawag, si Drake kasi yung tipo ng lalaki na kapag may lumalapit sa akin na lalaki talagang hinahunting niya.

Mga isang oras na din ang lumipas ng biglang sumulpot nanaman ang dalawang kaibigan ni Kei!

"TOM! Si Kei!!" Hinihingal na sigaw nila!

Kaagad tumayo si Tom at magkakasabay silang tumakbo, sumunod naman ako sakanila! Nasa 5th floor kami, kaya naman nag elevator kami paakyat sa 7th floor, dun yata ang kwarto ni Kei.

Pagkapasok namin sa isang kwarto nadatnan namin na nakahiga si Kei sa carpet at walang malay! Kaagad binuhat ni Tom ito at hiniga sa kama!

"Tumawag ka ng nurse sa clinic!!" Natatarantang sigaw ni Tom, tinignan ko ang paligid at napakunot ang noo ko ng makita ko ang basag basag na lamp shade, ghadd... Nagkausap na ba sila ni Kyle...

"Sht! Walang sumasagot!!" Sigaw ni Jelly! Kumuha naman ng towel si Tom at binasa yon sa cr saka pinunasan si Kei.

Mga ilang minutes rin at nagising na siya, tinitignan ko lang siya... Buntis siya...at hindi niya dapat pinagdadaanan yung ginato. Ano ba?! Kahit naiinis ako sakanya mabilis akong maawa sa mga buntis, bakit?! Napagdaanan ko na dati yan...love , love... Dati rin akong naging tanga sa ganyan, ayoko ng pag usapan yon. At kung hahanapin niyo sa akin kung nasaan na ang anak ko, nawala siya dahil din sa lalaking nakabuntis sa akin noon... Sht, ayoko ng maalala lahat ng yon.

Biglang sumigaw si Kei ng marindi siya sa ingay nilaTom. Pinagtatalunan nila na dalhin na sa ospital itong kapatid ko... Nanginginig ang tuhod ko ng lumapit ako sakanya, hinawakan ko ang kamay niya at nanlamig ako sa titig na ibinigay niya sa akin. Galit siya, kaagad siyang umupo at halos mayanig ang mundo ko ng sampalin niya ako. Narinig ko pa ang pag gasp nila Jade.

Humarap ulit ako sakanya at sa pangalawang pagkakataon sinampal niya ulit ako.

"I...I'm sorry...hindi ko alam..." Hindi ko alam na umiiyak na ako ngayon sa harapan niya! I really hate it! Ayaw na ayaw ko talagang umiiyak ako!

"Hi-hindi ko alam na buntis ka...kung...kung sinabi mo edi sana hindi ko na inagaw sayo si Kyle...I'm sorry..." Umiiyak na bulong ko, maging siya tumutulo na rin ang luha...

"Wala na siya Marie...sinukuan na niya ako..."

"Dahil sa akin...S-sorry..."

Siguro nga ayoko sakanya! Dahil yung atensyon ni Mama na dati sa akin lang nakatuon ngayon nasakanya na... Dahil na rin siguro sa nakita ko kung gaano siya kagusto ni Kyle kaya naengganyo akong agawin sakanya ito, ayokong maging masaya siya... Pero ngayong nakikita kong mas mahina pa siya bukod sa unang paghaharap namin, hindi ko alam kung bakit sumasakit din ang puso ko... Hindi dahil sa sakit ko, kundi dahil nararamdaman ko yung sakit niya ngayon... Alam ko ang pakiramdam ng maiwan...

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at niyakap ko siya.

"I'm sorry...Ate." Bulong ko...

Hindi niya pa rin ako kinakausap, ramdam kong galit pa rin siya sa akin. Nakakahiya mang aminin pero sinundan ko siya hanggang dito sa unit niya at dito ako tumira, why? Wala akong matitirhan at isa pa wala akong pera pang check in sa hotel dahil gusto nga ni Mama na magkasundo kami nitong kakambal ko na mas matanda daw sa akin ng 3 minutes sabi ni Mama, tahimik lang siya at tuwing kakausapin ko siya puro tango lang ang isasagot niya sa akin... She's really weak, hindi siya marunong lumaban... Hindi niya man lang nakuha ang tapang ko geez... Nakahiga lang siya ngayon sa couch at panay ang lipat ng tv, kahit comedy yung pinapanood niya umiiyak pa rin siya! Gosh, masama sa bata yan...

Kaagad akong tumayo at hinila ang bag ko!

"Aalis lang ako!" Sigaw ko... tinignan ko siya, tinanguan niya lang ako.

Humalukipkip ako at tinignan ko pa siya lalo.

"Pupuntahan ko si Kyle." Nakataas ang isang kilay ko ng sinabi ko yon... Sandali niya ako tinignan pero tinalikuran niya lang ako at dun humarap sa arm ng couch. Bwisit talaga, haaay nako. Kakambal ko ba talaga siya? Napakamalas ko naman, phew. Lumabas na ako ng unit niya.

Alam ko kung nasaan si Kyle, kung wala siya sa unit niya, nasa studio siya, kung wala siya sa studio niya nandun siya sa bahay nila ng Mama niya. Duh, hindi ako tanga para hindi maisip ang mga yon.

"Manong guard nandyan ba si Kyle?" Tanong ko.

"Ayy, wala po... Tatlong araw na po siyang hindi puma—"

Kfine, ang dami niyang sinabi, sumakay na ulit ako ng kotse ni Kei... Yeah kotse niya ang gamit ko, nagdrive na ako papunta sa bahay nila Kyle...

At hindi ko inaasahan ang nakita ko, may kahalikan siyang babae sa harapan ng kotse niya! Hindi lang yon! Nakatop less si Kyle at nakapants lang! Dammit! Pinapainit niya ba ang ulo ko?!Binuntis niya ang kapatid ko tapos makikipaglandian siya?!Aish, hindi nga pala niya alam. Pero kahit na!Kaagad akong bumaba at lumapit sakanila saka hinila ko ang buhok nung babaeng kahalikan niya!

"OUCH!" Sigaw nito, napatingin sa akin si Kyle, walang emosyon ang mata niya. Oh? Marunong akong magbasa ng emosyon sa mata, hindi purket ganito ako wala akong alam sa mga feelings feelings na yan.

"What the fck are you doing here?" Gosh, ang lamig ng boses niya magyeyelo na ako. Itinulak ko yung babae palayo saamin, akmang hahablutin niya ang buhok ko kaya naman sinampal ko siya ng tatlong beses!

"HOW DARE YOU!!!"

"Layas!!" Sigaw ko, wala ako sa mood makipag away sakanya! Agad naman sumakay yon sa isang kotseng nakaparada sa harapan nila Kyle.

Tinalikuran naman niya ako, hinila ko siya sa braso niya pero itinaboy niya ako.

"Hoy, hindi ako nagpunta dito para makipag away sayo ha? Ang arte arte niyong dalawa ng kapatid ko, ano ba 'to? Blockbuster movie? Popoy & Basha? Laida Magtalas & Miggy Montenegro? Iyakan ng iyakan eh mahal naman pala ang isa't isa! Pinapahirapan niyo pa ang sarili niyo!" Sigaw ko habang nakapamewang, grabe magagamit ko pala sa ganitong sitwasyon yung pagkahilig ko sa mga movies.

Kumunot ang noo niya mas lalo siyang humarap sa akin at napatingin ako sa katawan niya, bwisit kung hindi ko lang kasalanan ang nangyayari sakanila ngayon pinaghahalikan ko na ang isang 'to.

"Sa tingin mo bakit nangyayari ngayon 'to?" Walang emosyon na tanong niya.

"Hindi mo na kailangang itanong yan, dahil sa akin!!"

"No. Dahil sa inyong dalawa. Bullsht." Matigas na bulong niya at tinalikuran niya ako

"HOY! H'wag mo akong tiinatalikuran!!" Sigaw ko, pero hindi niya ako nilingon! Wala na akong ibang choice! Hinubad ko ang heels ko at ibinato ko yon sakanya!

Gotcha, humarap siya na inis na inis sa akin.

"Ano bang problema mo ha?!Hindi pa ba kayo nakuntento sa ginawa niyo?!" Galit na sigaw niya sa akin.

"Look, alam kong alam mo na, na ako ang first crush mo o first love ba? Well, thank you dahil pinatunayan mo lang na maganda na ako noon pa." Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko.

"Pero hindi yon ang pinunta ko dito." Seryosong sabi ko.

"Fck. Tungkol nanaman ba sakanya? Lintik na buhay."

"Lintik talaga! Binuntis mo yung kapatid ko! Tapos ganyan kayong dalawa?! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit mawalan ng anak ha? Hindi mo ba alam na yang sakit na nararamdaman niyo ngayon wala pa sa sakit na naramdaman ko noon ng mawala ang anak ko! Kaya utang na loob!H'wag mo ng hintayin pang maramdaman yung nararamdaman kong sakit hanggang ngayon!"

Ang kaninang nakakunot na noo niya mas lalo pang kumunot pero kasabay non ang pagkabigla ng itsura niya.

"A-ano?" Nauutal na tanong niya.

"Dammit! BUNTIS SI KEI!!"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top