Chapter 29

Chapter 29

MARIE'S P.O.V

Kinabukasan nagising ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tulog pa rin siya sa tabi ko, napagod yata kahapon sa charity. Namigay rin siya ng mga stuff toys sa mga bata tapos kaunting pera sa charity.

"Hello?"

"Marie! Omayghad! I miss you!!" Sigaw ng isang babae sa kabilang linya. Inilayo ko ng kaunti yung phone sa tenga ko para tignan kung sino. Napataas ang kilay ko nang makita kong si Jasmin ang tumatawag, barkada ko.

"Gaga! Miss agad?" Natatawang bulong ko. Gumalaw ng kaunti si Kyle kaya naman tumayo ako at sa CR ko siya kinausap.

"Hoy bru! Birthday ko bukas! Hindi pwedeng hindi ka pupunta sa party ko!" Sigaw niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Shit. Bukas na ba yon?! Hahaha! Sure pupunta ako! Sa dati pa rin ba?" Masayang tanong ko. Nami-miss ko na ring magparty, you know maglasing with my bitch friends. Ang boring lang ng buhay ni Kei, si Kyle lang hindi boring.

"Yep! Sa dati pa rin! 8pm sharp bitch! Ciao!" Tumango-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. Pinatay ko na ang cellphone at paglabas ko gising na siya.

Nakaupo siya sa kama habang hinihimas ang sintido niya. Lumapit ako sa kanya.

"Hey, you okay?" Tanong ko. Nakakunot ang noo niya sa akin, pero ngumiti siya.

"I'm fine, baby." Malambing na sabi niya. Hinila niya ako at hinalikan sa ulo, kung ganito ba naman ang yayakap at hahalik sayo pag umaga talagang maganda ang simula ng araw mo!

"Sumakit lang ang ulo ko." Sabi niya. Maya-maya tumayo na rin siya at naligo, may mga damit pala siya dito sa unit ni Kei pero bakit wala pa ring nangyayari sa kanilang dalawa?

*

"Tomorrow? Bakit biglaan?" Narinig kong tanong ni Kyle dun sa Felix. Siya pala yung babaeng bumati sa akin kahapon, akala ko naman lalaki siya.

Nakatingala lang ako habang pinagmamasdan ang mga pictures dito sa office niya, hmm mahilig pala siya sa photography.

"Hindi ko alam, pero pinaayos ko na sa secretary natin yung function room para sa mga guest. Biglaan talaga, kaninang umaga lang daw tinawagan si Mae na gusto raw ni Mr. Guiller na magpa-exhibit ka bukas. Alam mo naman si Mr. Guiller mahilig sa biglaan." Natatawang sabi ni Felix.

"Aish! Ang dami ko pang tatapusin, yung mga model pa ng Shoe Lace hindi ko pa nakukuhanan." Problemadong sabi ni Kyle.

"Don't worry sinabihan ko na si Tray na siya na muna ang bahala sa ibang model."

"Thank you, Felix! Sumasakit na ang ulo ko. Hey baby, maupo ka muna." Napalingon ako sa kanya.

"Nga pala bakit hindi mo isama si Kei bukas? Mas maganda siguro kung isama mo siya, panahon na rin para makita niya yung ibang obra mo sa photography." Natatawang sabi ni Felix. Tinignan ako ni Kyle.

Napatango naman siya.

"That's a great idea. Baby! Be my date!" Sabi niya sabay kinindatan ako. Nanlaki ang mata ko.

"Huh?"

"Anong oras Felix?"

"Hmm, 8pm sharp!" Sigaw nung Felix bago lumabas ng office ni Kyle.

Tumayo si Kyle.

"May surprise din ako para sa girlfriend kong malabo." Natatawang bulong niya. Hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.

"Malabo?" Pagtataka ko.

"I'm sorry, baby. Pero kaya pinilit rin kitang isama ngayon dito dahil kailangan nating mag usap." Ma-awtoridad na sabi niya. Mukhang seryosong usapan ito, I guess?

"And?"

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin, ipinikit ko ang mata ko para mas maramdaman ko yung yakap niya.

"Hindi ka ba naninibago sa atin? Hindi na tayo katulad nung dati. Dahil ba 'to sa nangyari nung new year?" May halong pag-aalalang tanong niya. Iminulat ko ang mata ko.

"Marami lang talaga akong iniisip baby." Sagot ko saka lumunok ako.

"Ano bang sabi ko sa'yo? Boyfriend mo ako kaya dapat sinasali mo ako jan sa problema mo." Medyo may pagbabanta yung boses niya.


"I'm sorry..." Yun lang ang tanging nasabi ko. I know sweet siya, pero hindi naman pwedeng pakialaman niya pati mga problema ko. Hmm, well wala naman akong problema bukod kay Kei.

Biglang gumapang ang kamay niya sa hita ko kaya napalunok ako.

"Bumalik na tayo sa dati. Ayoko na ng ganito, yung parang walang pakialamanan. Umaalis ka na lang palagi ng walang paalam." Bulong niya habang nagtataas baba ang kamay niya sa hita ko. Damn it.

"Uhmm... So-sorry." Nauutal na sagot ko, bigla siyang umubo. Inayos niya ang dress ko at tumayo na siya.

"Nakalimutan kong nasa office tayo. Wala ba kayong lakad nila Jade?" Tanong niya. Siguro kailangan ko na ring umalis para makatakas sa mga tanong niya arg!

"Ahh! Yeah meron! Aalis muna ako!" Nakangiting sabi ko.

Hinila niya ako sa bewang at sandaling hinalikan sa labi. Sandaling halik na naman.

"Mag-ingat." Bulong niya. Tumango ako at lumabas na ng office niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Nag-ring ang phone ko mabilis kong sinagot 'yon.

"Hey! Magdala ka ng extra clothes! It's a pool party!" May party nga pala si Jasmin bukas at hindi ko pwedeng ma-miss 'yon! Tapos yung exhibit pa ni Kyle sumabay pa!

Napatigil ako sa paglalakad.

"I don't have a choice!" Padiyak ko.

*


KEI'S P.O.V

Pagkababa ko ng taxi may humila kaagad sa akin. Kahit nakatalikod siya alam ko kung sino siya.

"Marie ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Pero pilit niya akong pinapasok sa isang sasakyan.

"Oh my God, kamukha mo talaga siya bitch!" Sigaw ng isang babae mula sa front seat. Sa nakikita ko mukhang kaibigan nga siya ni Marie dahil sa pagsasalita.

"Gaga! Kakambal nga niya, di ba?" Sabi nung isa pa. Napakunot ang noo ko.

"Anong ibig sabihin nito?!" Naiinis na sigaw ko, tinignan ko ng masama ang kakambal ko.

"H'wag kang OA. Alam ko gusto mo rin 'to. Kainis talaga bakit kasi nagkasabay pa." Naiiritang sabi niya.

"Come on bitch, hindi mo pwedeng ipagpalit ang party ko dahil kakalbuhin talaga kita." Pagbabanta nung isa.


"I know! Hindi mo na kailangan pang ulitin!" Sigaw ni Marie bago tumingin ulit sa akin ng sobrang sama.

"Fine, bukas may exhibit kasi ang boyfriend ko." Mariin na sabi niya habang nakataas ang isang kilay. Lumunok ako sa sinabi niya.

"And?" Nakakunot noong tanong ko. Medyo kinakabahan na ako.

"Too bad, nagkasabay sa party ng kaibigan ko, hindi ko naman pwedeng ma-miss 'yon dahil nabo-boring na akong mabuhay bilang ikaw. BUT! Hindi ibig sabihin non ibibigay ko siya sa'yo."

"Hay nako! Ang dami pang seremonyas! Just spill it Marie!" Sigaw ng isa pang babae.

Huminga ng sobrang lalim si Marie at napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Magpanggap kang ako sa party ni Kyle! Damn, ayokong mapalapit ka sa kanya pero ayoko namang sabihin niyang hindi ko siya sinipot sa exhibit niya." Naiinis na sabi niya, parang biglang nagwala ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Makakasama ko si Kyle.


"Sinabi ko na nga ba magugustuhan mo ang ibabalita ko my dear twin sister, lubos-lubusin mo na dahil sinisigurado kong last na pagkikita niyo ng dalawa pagkatapos ng exhibit niya." Nakairap na sabi niya. Hindi na ako makapagsalita dahil paulit-ulit sa isip ko.


Makikita ko siya.

"Bumaba ka na." Naiinis na sabi niya.

"Fine." Matipid na sagot ko. Hindi ako maka-react sa loob. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko. Hindi naman dapat ako magsaya di ba kasi magpapanggap ako, pero sobrang saya ng puso ko ngayon.

Bababa na sana ako pero hinila ni Marie ang braso ko.

"Hep! Bago ko makalimutan, gayahin mo 'to." Napatingin ako sa dibdib niya ng ibaba niya ng kaunti ang suot niyang pang itaas, may nunal siya sa bandang kaliwa, medyo may kalakihan iyon.

"H'wag na h'wag mong kalilimutan dahil kinuwestiyon niya yan! Give me your phone!" Utos niya, pero bago ko pa maibigay hinila na niya ang cellphone sa kamay ko at ibinigay yon sa kaibigan niya sa front seat.

"Picturan mo nga! Baka makalimutan nitong kakambal ko yung itsura!" Utos niya sa kaibigan niya at napailing ako ng ibaba niyang mabuti ang suot niya.

"And one more thing my dear sister, mag-commute ka na lang. Sasabihin ko na lang may dadaanan pa ako kaya hindi ako makakasabay sa kanya. Kung hindi siya papayag edi tatakasan ko na lang siya." Mariin na sabi niya.

Pagkatapos non ibinalik na niya sa akin ang phone ko, hindi ko na hinintay pang pababain niya ulit ako, dumiretso na ako sa coffee shop nang hindi sila nililingon. Hawak ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang pagwawala nito.

"Makakasama ko siya." Bulong ko sa sarili ko.

"Ate! Mukhang maganda ang gising natin ah?" Bungad sa akin ni Tammie.

"Ha!?" Naguguluhan na sagot ko.

"Aha! Tama ang hula ko, maganda nga ang gising mo! Namumula ang pisngi mo Ate! Ang ganda mong buntis!" Nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lang siya.


Buong oras ng trabaho ko nanginginig ang kamay ko dahil sa excitement. Sobrang miss na miss ko na siya.

Ala sais na ng gabi. Nakatingin lang ako sa maliit na salamin ng apartment ko. Ngayon ko na siya makikita. Napatingin ako sa kama ko kung saan nakalatag ang dress na ibinigay sa akin ng tunay kong Mama. Ito lang ang nakuha ko sa unit ko dahil nasa paper bag pa ito, saka karamihan ng damit ko nandun pa at alam kong ginagamit iyon ni Marie.

Tumayo na ako ng ma-blower ko na ang buhok ko. Isinuot ko na ang dress at natigilan ako dahil medyo labas ng kaunti ang ibabaw ng dibdib ko, ayaw ni Kyle ng ganito. Pero wala akong ibang choice dahil ito lang ang dress ko ngayon.

Bigla kong naalala yung nunal ni Marie sa bandang kaliwa, alam kong ang weird pero pentel pen ang ginamit ko, medyo kahawig na naman ng nunal niya.

Lagpas ng tuhod ko ang dress, okay na rin ito dahil kulay green.
Itinaas ko na lang ang buhok ko, at isinuot ko ang 3 inches na heels ko. Naka-face powder at simpleng pink na lipstick lang ako.

Maya-maya lang may kumatok na. Alam kong si Tom yon dahil nabanggit ko sa kanya ito kahapon. Pagkabukas ko ng pinto napansin kong napatulala siya. Pero kaagad din siyang nakabawi.

"You...you..." Nauutal na sabi niya natawa ako.

"What?!" Nakangising tanong ko.

"Y-You look beautiful!" Puri niya sa akin.

"Thank you, Tom." Sabi ko. Nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi.




"Itakas na lang kaya kita at magdate tayong dalawa." Natatawang biro niya. Hinampas ko naman siya sa dibdib niya.

"Biro lang. Alam kong pinaghandaan mo 'to para sa kanya. So, let's go?" Aniya. Tumango ako. Nagpabango muna ako ng kaunti at kinuha ang maliit na bag ko.

"Naka-heels ka pa, hindi ba bawal daw yan sabi ng doctor?" Pag-aalala niya. Kasama ko kasi siya nung isang araw sa doctor ko. Binigyan ako ng ilang vitamins, at sabi natural lang daw na maging emosyonal ako dahil ganun daw talaga ang ibang nagbubuntis. Napaisip tuloy ako, dahil nga ba sa pagbubuntis ko kaya emosyonal ako? O dahil talaga sa kanya.

"Kasama ko naman si Kyle. Alam kong hindi niya ako pababayaan kahit hindi niya alam na buntis ako." Nakangiting sabi ko.

"Hmm... Mukhang makikita ko na naman ang magandang ngiti mo." Sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Tinignan ko siya.

"Maraming salamat talaga, Tom." Masayang bulong ko.

"Wala yon. Alam mo namang basta para sa'yo, gagawin ko." Mapait na sabi niya pero pilit din siyang ngumiti.

Sa gilid ng studio ni Kyle itinigil ni Tom ang kotse niya.

"Susunduin na lang kita sa parking ng tower ng condo mo bukas? Sigurado naman akong bukas ka pa makakauwi niyan dahil gabi rin yung party nung kapatid mo." Litanya ni Tom, tumango na lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil yon.

"Enjoy your night, Miss Beautiful." Nakangiting sabi niya, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"I will..." Bulong ko at humiwalay na ako ng yakap sa kanya. Bumaba na ako ng kotse niya at naglakad na ako.


Ang daming mga kotseng nakaparada sa parking ng tapat ng studio ni Kyle. Sobrang liwanag rin sa loob at halatang may event talaga.

"KEI?!!" Isang pamilyar na sigaw iyon. Nilingon ko siya at nginitian.

"Felix." Hindi ko alam pero na-miss ko siya kahit sandali palang kaming nakakapagkwentuhan noon. Naka-white dress siya at nakalugay pa rin ang maikling buhok. She's really pretty, yun nga lang kung kumilos siya parang tomboy kahit na sinasabi niyang hindi.

Kaagad ko siyang niyakap ng makalapit siya sa akin. Lalo kong nararamdaman na sobrang palapit na palapit na ako kay Kyle dahil yakap ko na ngayon ang bestfriend niya.

"Oh my God. Ang ganda mo talaga ah! Sigurado ako tutulo na naman ang laway sa'yo ni Kyle! Sexy mo! Lika na!" Tinawanan ko na lang siya. Hinila na niya ang kamay ko papasok ng studio. Sobrang lamig ng kamay ko dahil kinakabahan ako sa pagkikita namin ni Kyle.

Napangiti ako nang makita ko ang isang projector kung nakasulat ang pangalan ni Kyle.

•KYLE BRIONES CANDO: EXHIBIT 20** •

Nakaka-proud mabasa ang pangalan niya sa isang bagay na alam kong mahal niyang gawin.

Pagpasok namin sa loob ng isang function roon, marami rami na ring tao dun, kanya-kanya silang kwentuhan at hawak ng wine, maliwanag at nakakasilaw ang mga pictures na nakasabit.

"Masu-surprise ka sa special na picture na ipapakita ni Kyle mamaya." Bulong sa akin ni Felix.

Nakita ko rin ang mga magulang at kapatid ni Kyle, kaagad silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Hija! Sobrang ganda mo." Puri sa akin ni Tita Sabrina na ngayon ay katabi si Tito Michael.

"T-thank you po."

Dun ko lang napansin na may mga artista din na invited. Siguro ay mga model din ito ni Kyle.

"Ay! Tita Sabrina! Tito Michael, Kei. This is Mr. Guiller, siya po yung nag-s-sponsor palagi sa exhibit ni Kyle." Pagpapakilala ni Felix sa amin ng isang matangkad na lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 60's na.


Kinamayan kaagad yon nila Tita Sabrina, ganun din ako.

"Good evening, I'm glad na nakilala ko na rin kayo. Hindi niyo lang alam pero paborito ko ang mga obra ng anak niyo." Nakangiting sabi nito habang inilalahad ang kamay sa mga pictures. Nakakabilib naman talaga ang talent ni Kyle sa Photography, mayroon pang parang painting. Pero ang nagpalakas ng tibok ng puso ko ay yung isang picture na nasa may right side ko, imbis kasi na pagtawanan ko naiiyak ako. Yun kasi yung picture ko sa sasakyan ni Kyle, yung nakatulala ako sa kanya. Ang ganda ng pagkaka-edit niya. I mean hindi lang siya basta in-edit lang, para rin siyang painting. Kahit na ang pangit ko dun, natutuwa pa rin ako.

Napangiti ako dahil sa picture na yon naalala ko ang sinabi ni Kyle sa akin nung araw na 'yon.

••Pag hinahalikan mo ako, maganda ka.••

Hanggang ngayon ang lakas pa rin ng impact sa akin ng mga pambobola ni Kyle kahit na sobrang tagal na.

Nag-usap-usap pa sila Tita at si Mr. Guiller. Si Felix naman iniwan na muna ako sandali dahil may bisita lang daw siyang lalapitan. Sila Misha naman nagpi-picture sila kasama yung mga obra daw ni Kyle. Ang sarap lang asarin ni Kyle. Naglakad-lakad muna ako para tignan yung iba pang pictures.


Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya mula sa likod ko.

"Finally. Nakita ko na rin ang date ko."

Thatvoice...

Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko,hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nasa likod ko na siya.Ipinikit ko ang mata ko. Nararamdaman kong nakatingin lang siya sa likod ko.Gusto ko na siyang yakapin, gusto ko na siyang halikan. Shit. I'm so in lovewith him, boses pa lang niya alam kong manghihina na kaagad ako sa sobrangpagwawala ng puso ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top