Chapter 27

Chapter 27

MARIE'S P.O.V

"Mahal na mahal kita." Ulit niya ngayong nasa loob na kami ng sasakyan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala!

Hinanap niya ako ng sobrang tagal, at si Kei ang nakilala niya bilang ako?! Great! Just great! Kailangan ko na talaga siyang makausap!

Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya.

"Ngayon na tayo pumunta kela Love, may gagawin kasi ako next week." Nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang din ako at tumango sa gusto niya. Love? Ilang beses ko na ba narinig sa kanya 'yan.

Pagkadating namin sa isang malaking bahay na puro salamin halos magpantig ang tenga ko ng may mga babaeng sumigaw.

"Kuya Kyle!" Isang babaeng maikli ang buhok ang lumapit sa kanya, kaagad naman niyang hinalikan ito sa noo. Maybe kapatid niya ito.

Kyle... hmm, nice name.

"Ate Kei!Yay! Ate Kei! Na-miss kita!" At halos mapaubo ako nang mahigpit akong yakapin ng apat na babae! Tinignan ako ni Kyle at nginitian kaya niyakap ko na lang din sila.

"Tara pasok na tayo sa loob!" Excited na sigaw nung isang pinakamaliit sa kanila. Sa nakikita ko, na-meet na ni Kei ang mga 'to.

Pagkapasok namin sa loob napangiti ako sa ganda ng bahay nila. Kung namangha ako sa labas dahil sa garden at pagkakagawa ng bahay, mas namangha ako dito sa loob.

"Kei, hija" Napalingon ako sa isang babaeng tumawag sa akin, nasa 40's ba siya?

"Love!" Sigaw ni Kyle. Love?

"Anak." Nakangiting niyakap nito si Kyle. Hinila naman ako nito at isinama sa pagyakap kay Kyle.

"Kayong dalawa may kasalanan kayo sa Daddy niyo, hindi kayo dumating nung New Year." Pagtatampo nito. So siya ang Mommy ni Kyle.

"I'm sorry Love, may nangyari lang na hindi maganda. Saan pala si Dad?" Malungkot na sabi niya.

"Wala ang Daddy mo, nasa office siya ng Lolo mo. Alam mo na tumatanda na ang Lolo mo kaya naman tinutulungan na siya ng Dad mo. Kei, hija, kumain ka na ba?" Nakangiting tanong nito.

"Opo." Yun lang ang naisagot ko, para akong puppet dito na hindi malaman kung ano bang pakikitungo ang gagawin ko.


"May lakad ka ba, Love?" Tanong ni Kyle dito dahil nakapang-alis ito.

"Actually, kaming lahat Kuya. Mag-sho-shopping kami. Gusto niyong sumama, Ate Kei?!" Sigaw ng isang mahaba ang buhok. May pagkakahawig siya kay Kyle.

"Magandang idea 'yan." Nakangiting sabi ng Mama nila. Kinabahan ako, hindi ko sila kilala kaya hindi ko alam kung paanong pakikisama ang gagawin ko pag nasa mall na at isa pa I'm a shopaholic. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko! Baka mamaya mapaghalataan ako.

Hinawakan ko ang ulo ko. Bullshit, nagiging artista ako ng hindi oras.

"Aww, mukhang pagod si Ate Kei." Sabi ng isa sa kanila. Thank God, napansin niya. Kaagad lumapit sa akin si Kyle at yumakap sa bewang ko.

"Are you alright?" Tanong niya, tumango tango ako.

"Namumutla ka hija, ang mabuti pa Kyle pagpahingahin mo muna siya." Pag-aalala ng Mama niya. Namumutla?! Ganun ba kalala ang kaba ko?!

Nagpaalam na sila sa amin. Umakyat naman kami at pumasok kami sa isang kwarto.

Kaagad napansin ng mata ko ang isang picture na nakapatong sa side table ng kama ni Kyle, picture ko ito sa dating bahay namin nila Mama.

"Hey baby, mahiga ka na." Sabi ni Kyle saka inalalayan akong mahiga sa kama. Hindi ko binitawan yung picture. So totoo nga ang sinasabi ni Kyle, ako nga ang hinahanap niya.

"Magsha-shower lang ako baby, jan ka muna ha?" Tumango na lang ako. Napansin kong ipinatong niya ang cellphone niya sa gilid ng kama, kaya naman nang makapasok na siya sa CR kaagad kong kinuha 'yon.

Wala silang picture ni Kei kahit isa. Gaano katagal na ba sila?

Ilalapag ko na sana yung cellphone niya pero napansin ko yung contacts niya. Hinanap ko ang pangalan ni Kei, pero napataas ang kilay ko nang makita ko ang 'Baby' so ito ang number ni Kei sa kanya. Sumilip muna ako sa CR bago ko binura ang number ni Kei at pinalitan ito ng number ko.

Nag-browse pa ako sa contacts niya, and boom, Jade's name caught my attention.

"Damn you, Kei..." Bulong ko saka kinopya ko ang number nung Jade. Napapitlag ako nang mag-ring ang cellphone niya.




••Tine Calling••


Sino naman 'to? Tinap ko yon at tinapat sa tenga ko.

"Hello? Kung may kailangan ka kay Kyle naliligo siya ngayon kaya mamaya ka na tumawag. K-bye." Hindi ko na hinintay pang magsalita 'yon. Istorbo. Narinig ko ang pagpatay ng shower sa CR kaya mabilis kong ibinalik sa dati ang cellphone niya. Napatingin ako sa kanya nang makalabas na siya ng CR. Damn, para siyang diyos ng kagwapuhan sa suot niya. White sando and boxer shorts, my ghad.

"May tumawag baby?" Tanong niya bago humiga sa tabi ko.

"Huh? Ah... Si Tine! Yeah, si Tine. Sabi ko tumawag na lang siya ulit!" Nakangiting sabi ko.

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

"Sinagot mo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Uhh. Yeah? Why?"

"Hindi ka na nagseselos o galit sa kanya?" Pagtataka niya. Tinignan ko siyang mabuti, parang hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinasabi ko, then natauhan ako! God dammit!

"A-ano ka ba, matagal na 'yon, Kyle. Saka isa pa tayo nga, 'di ba? May dapat pa bang ipagselos?" Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya. Ang bango niya lang.

"No baby. Pero—"


"No more buts, baby..." Paglalambing ko at hinalikan ko ang labi niya. Tinugon naman niya yon pero kaagad din siyang bumitaw.

"Masama ang pakiramdam mo, 'di ba?" Nakakunot noong sabi niya.

"Kanina yon..." Bulong ko, pero hindi pa rin naaalis ang pagkakunot ng noo niya. Inayos ko ang mga 'yon at pilit ko siyang pinangiti.

"You're unbelievable." Bulong niya at hinalikan ang labi ko. Pumaibabaw ako sa kanya to lead the kiss, pero mahirap talaga siyang sabayan dahil ang galing niya.

Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng sando niya. Mainit ang katawan niya at matigas ang abs.

"Hmm, baby..." Bulong niya at pilit niya akong inikot sa kama para siya ang pumaibabaw. Napasinghap ako ng pisilin niya ang kaliwang dibdib ko.

"You are mine... Uhh..." Bulong ko.

"Uhh, yes baby." Sagot niya nang hindi tinitigilan ang labi ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Come on, Kyle. Uhmm." Napatigil siya paghalik sa akin at kahit hinihingal siya tinignan niya ako sa mata.

"Baby... stop moaning like a..." Pero hindi niya alam kung itutuloy niya ang sasabihin niya. Lumunok ako.

"Like a what?!" Nagkunwari akong galit. Alam ko ang sasabihin niya. Kasalanan ko ba 'yan sa ang galing niyang humalik eh!

"Nothing... I'm sorry." Matipid na sagot niya saka humiga sa tabi ko. Dammit, kailangang makuha ko siya pero ano bang pumipigil sa kanya?

Nakatihaya lang siya at nakapikit, tumagilid ako at pinagapang ko ang kamay ko sa tiyan niya pababa don sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang mahawakan ko 'yon. Pero kasabay non ang paghuli niya sa kamay ko.


"Kei..." Nahihirapang bulong niya. Tumingin siya sa akin at dahan-dahan niyang inalis ang kamay ko don sa kanya. Tumagilid din siya para magtama ang mata naming dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka ngayon... Aish, but please... Baby naman, nahihirapan din ako." Pakiusap niya.

"Then, h'wag mo nang pahirapan ang sarili mo." Nakangiting sabi ko. Napapikit siya sandali bago ulit ako kausapin.

"No, baby..." Bulong niya at hinila ako saka niyakap niya ako ng mahigpit.

*

KYLE'S P.O.V

I don't know what's with her. Pero bakit bigla-bigla siyang nag-iiba? I really want to do it again, pero hindi ganito, hindi ganitong parang gusto niya lang dahil sa ibang dahilan. Gusto kong gawin ang bagay na 'yon kagaya nung una, espesyal... Aish, nahihirapan ako.

Niyakap ko na lang siya at ipinikit ko ang mata ko. Inalala ko yung reaction niya kanina sa school namin, para bang gulat na gulat siya dahil sa pagdala ko sa kanya doon. Natandaan na kaya niya lahat? I mean, maaaring bata pa kami noon pero pwede naman niyang maalala kahit konti lang hindi ba? Kahit yung simpleng nag-aral siya sa lugar na 'yon. Kahit h'wag na ako. Ang importante napatunayan kong totoo ang sinasabi ko na hinintay at hinanap ko siya sa matagal na panahon.

"I love you so much." I whispered.

"Love you too..." Anong nangyari sa 'I'? Pagkatapos ng naging away naming dalawa nung new year, iba na yung nararamdaman ko. Minsan kasi parang okay siya, minsan naman parang hindi. Ang gulo niya. Gusto ko siyang kausapin minsan pero natatakot akong baka bigla na naman siyang makipaghiwalay at ayokong mangyari 'yon.



*


KEI'S P.O.V

"Thank you talaga Tom..." Sabi ko.

Umiling siya at ngumiti.


"Wala 'yon, dito hawak mo ang oras mo. Basta ipangako mo sa akin na kapag pagod ka na umuwi ka na." Sabi niya. Ipinasok niya kasi ako ng trabaho sa coffee shop ng kapatid niya. Naiinip kasi ako sa apartment ko, tatlong araw na akong nakakulong dun.

"Tammie! Bantayan mo si Ate Kei mo. Buntis siya." Bilin ni Tom sa kapatid niya.

"Tom ano ba?! Kaya ko naman!" Suway ko sa kanya.

Lumapit ang kapatid niya sa amin mula sa counter at nagulat ako nang ipulupot nito ang mga braso niya sa bewang ko.

"Don't worry, Kuya, ako ang bahala sa kanya. Kaya pwede ba umalis ka na!" Pagtataboy niya kay Tom. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.

"Tss, o sige na! Teka Kei nasaan nga pala ang kotse mo? Hindi ka ba mahihirapang mag-commute?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"Nasa parking ng condo ko, mahahalata kasi kapag kinuha ko dun." Malungkot na sabi ko. Napailing na lang si Tom.


"Napaka-martyr mo. Aalis na nga ako." Yun lang at lumabas na siya ng coffee shop. Parang naging nakatatandang kapatid ko na si Tom para sa akin, kasi naman palagi niya akong sinesermonan sa tuwing mahuhuli niya akong nakatulala o di kaya naman nakasimangot.

Nginitian ako ni Tammie at niyaya na niya ako sa loob ng counter. Cashier ako rito kaya naman nakaupo lang ako at hindi masyadong hirap.

"Ilang months na yang tiyan mo Ate?" Magiliw na tanong ni Tammie. Nginitian ko siya.

"Mag-tee-three weeks pa lang, Tammie." Nakangiting sagot ko. Magtee-three weeks na ang anak namin ni Kyle. Napahawak ako sa tiyan ko at palihim kong hinimas ang tiyan ko para iparamdam ko sa anak ko na ayos lang ako.

"Wow! Buti ka pa magkakababy ka na, si Kuya kasi ayaw pa mag-asawa eh. Kainis, gusto ko na ng pamangkin!" Pagmamaktol niya. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Paano kaya kapag nalaman niyang binasted ko ang Kuya niya?

Napailing-iling na lang ako nang isipin ko iyon. Medyo may kalakihan ang coffee shop ni Tammie. Ang galing nga niya eh, 20 years old pa lang siya pero may sariling business na siya. Hindi na ako magtataka na kapatid siya ni Tom dahil pareho silang matalino. 24 hours bukas itong coffee shop, kaya naman pumayag si Tammie na hawak ko ang oras ko.

"Oh pano Ate maiwan na muna kita ha? May tatapusin lang ako sa office ko." Nakangiting sabi niya. Tumango ako bilang sagot.

"Good Morning, Ma'am! Welcome to Tammie's Coffee Shop!" Sigaw ng isang waitress namin.

"Miss isa ngang—" Natigilan ang babaeng nagsasalita. Tumingala ako at nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino siya, ang nag-iisang kamukha ko. Nakaramdam ako ng pagkainis, naalala ko na naman kasi si Kyle.

Lumingon-lingon siya sa paligid na para bang tinitignan niya kung may nakatingin sa amin dahil sa pagkakapareho namin. Isinuot niya ang shades niya at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Let's talk." Matigas na sabi niya saka nagmadaling lumabas ng coffee shop.

Nakiusap ako sa isang waitress na palitan muna ako for 20 minutes. Mabuti na lang at mababait ang employees ni Tammie.

Pagkalabas na pagkalabas ko hinila niya ako sa may parking. Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahila niya at mariin ko siyang tinignan.

"Anong kailangan mo?" Matabang na tanong ko. Napansin ko ang nakakalokong tawa mula sa kanya.

"Niloloko mo ba ako? Alam kong alam mo na ngayon na ako ang hinahanap ni Kyle noon pa man." Halata sa boses niya ang pagkainis. Napatiim ang bagang niya nang hindi ako sumagot. Siguro narinig na rin niya kay Kyle ang tungkol sa childhood nila.

"Ano? Hindi mo aaminin sa kanya? Hindi mo siya deserve, Kei, hindi mo kayang maging honest sa kanya."

"Bakit hindi ka magpakilala sa kanya, Marie?" Napansin kong napalunok siya pero kaagad din siyang nakabawi.


"Well, tama ka. Ano kayang magiging reaction ni Kyle kapag nalaman niyang hindi ikaw ang babaeng matagal na niyang hinahanap!" Napaatras ako. Alam ko masasaktan si Kyle. Tama na yung ako na lang ang masaktan h'wag na siya.

"See? Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa akin dahil pinunan ko yang pagkawala mo! Dahil sinungaling ka!" Naiiritang sigaw niya, pero napansin ko ang pagngiti sa mga labi niya sa kabila ng pagkainis niya.

"Pero ngayon ko lang nalaman. Masarap palang maging ikaw, mapagmahal si Kyle at masasabi kong gusto ko na siya. Nakilala ko na ang parents niya nung araw na dinala niya ako sa school namin. Welcome na welcome ka pala sa kanila, ah no... Welcome na welcome ako sa kanila. Dahil ako ang totoong—" I slapped her hard. Nanginginig ang kamay ko. Ayokong marinig ang sasabihin niya. Ayokong ipamukha niya sa akin na hindi ako ang babaeng minahal ni Kyle. Gusto kong maging magandang alaala sa akin kung ano man yung mga pinagsamahan namin ni Kyle kahit na alam kong hindi para sa akin ang mga alaala na 'yon.

"How dare you!!" Sigaw niya at nayanig ang mundo ko nang sampalin niya ang magkabilang pisngi ko. Gaganti pa sana ako pero marahas niyang hinawakan ang kamay ko, mariin ko siyang tinignan sa mata.

Bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan, "I don't like to lie pero wala akong choice. Hindi mo alam ang pakiramdam ko simula nang dumating ka sa buhay ko. Pakiramdam ko isang malaking kabaliwan ang lahat sa buhay ko."

Tumawa siya sa harapan ko.

"Duwag ka. Pwes ngayon, huwag na huwag ka nang magpapakita kay Kyle kung ganyan ka kaduwag. Dahil sisiguraduhin kong kamumuhian ka niya. Pwede kong sabihing nagpanggap kang ako." Pagbabanta niya.

No. Ayokong dumating yung panahon na kamuhian niya ako.

"H'wag ka nang magpapakita sa kanya! Ni anino mo, Kei!"

"Sa-sabihin ko na ang totoo!" Sigaw ko. Bwisit na luha ayaw tumigil. Pero imbis na matakot siya sa sinabi ko nginitian niya lang ako.

"Really Kei? I don't think na magagawa mo 'yon. You're weak! Duwag ka! Dahil kung hindi ka duwag, sa simula palang inamin mo na sa kanya!" Sigaw niya sa akin. Umiling ako. Gusto kong magsalita pero umuurong na naman ang dila ko.


"Tandaan mo hawak ko ang sikreto mo! Kayang-kaya kitang masira sa kanya sa isang iglap lang! Gaya nang sinabi mo malaking kabaliwan ang buhay mo. Pareho kayo ni Kyle, hindi niya alam! Baliw na baliw siya sayo. NO! Baliw na baliw siya sa akin kaya mabilis siyang maloko. Pwede kong sabihin sa kanyang ginamit mo ako dahil matagal mo na siyang gusto! Ano Kei?! Tell me! Kaya mo bang harapin ang pagkamuhi sayo ni Kyle kapag sinabi ko sa kanya lahat ng 'to?!" Paghahamon niya.

Tinalikuran ko na siya. Nanghihina ako dahil si Kyle ang pinag-uusapan dito. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako makalaban. Naiinis ako dahil hindi ko pala kayang ipaglaban ang taong mahal ko. Hindi ako 'to. Hindi ako ganito kahina, pero bakit pagdating kay Kyle nauubos lahat ng lakas ko.

Napatigil ako nang magsalita ulit si Marie.

"Kinukuha ko lang ang alam kong sa akin, Kei." Matigas na sabi niya.

Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa nagtatangkang hikbi na gustong lumabas.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top