Chapter 13
Chapter 13
KYLE'S P.O.V
Lumabas na rin ako ng kwarto. Laking gulat ko nang biglang may kumapit sa braso ko.
"Hi! Papa Kyle!" masiglang bati ni Jade sa akin. Natutuwa ako sa kakulitan ng isang ito at dahil sa kanya mas lalo ko pang nakikilala si Kei.
"Bakit nakasimangot si Kei? Hindi niya kami pinapansin. Nandun lang siya nakaupo sa gilid ng pool."
Napangisi ako. Gusto talagang mag-two piece ni Kei. Sa katunayan ay napakaganda ng katawan niya pero hindi yata kakayanin ng kalooban ko na pagtitinginan siya ng mga kalalakihan.
"Puntahan na lang natin siya," suhestiyon ko kaya naman magkasabay kaming naglakad patungo kay Kei.
"Papa Kyle ba't ang macho mo?" Hindi ko maiwasan ang paghalakhak ko dahil sa kalokohan nitong kaibigan ni Kei. Umiling-iling na lang ako. Pagdating namin dun sa isang malaking pool natanaw ko kaagad si Kei na nakikipag tawanan kay Tom. Matindi talaga ang selos ko sa gago na 'yon.
"Jade! Halika na!" tawag ni Jelly kay Jade. Bumaling sa akin si Jade.
"Lapitan ko lang sila, Papa Kyle!" paalam ni Jade na siyang tinanguan ko lang.
Tinignan ko si Kei. Napatingin siya sa pwesto ko. Sandali kaming nagtitigan, pero umiwas din siya. Hindi ko alam pero may oras na pakiramdam ko parehas lang naman kami ng nararamdaman sa isa't isa. Pero hindi pa rin nawawala sa pakiramdam ko yung parang baliwala lang din ako minsan sa kanya.
"Papa Kyle! Halika na dito!" sigaw ni Jade. Tinanguan ko na lamang siya. Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Kei na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa gilid ng pool. Maya-maya lang ay napansin ako ni Tom, kaya naman umalis na muna siya doon sa tabi ni Kei.
Nagpasiya na akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Kei." Pilit kong itinatago ang selos sa aking boses.
"If you're here para asarin na naman ako, tumigil ka na." Naiinis na suway niya na nagpatawa sa akin.
"Sorry na, hindi naman kita aasarin."
Hahawakan ko sana yung kamay niya pero bigla siyang sumigaw.
"Layuan mo nga ako!"
*
KEI'S P.O.V
"Layuan mo nga ako!"
Bigla akong nagsisi sa pagsigaw ko. Hindi ko iyon sinasadya. Medyo napikon lang talaga nang hindi man lang niya na-appreciate ang sinuot ko kanina. I don't know, pero nai-insecure ako doon sa Tine dahil sa ganda ng katawan n'on.
"I'm sorry, Kyle..." Kinakabahan na sambit ko. Bakas na naman sa kanyang mukha ang hindi mabasang emosyon.
"Okay lang." Malamig na aniya saka tumayo at naglakad palayo.
"Kyle!" sigaw ko dahilan upang humarap siya sa akin.
"Kausapin mo na lang ako Kei kapag hindi na mainit yung ulo mo. Alam mo naman, di ba? Ayokong pinapalayo mo ako sayo, pero dahil yun ang gusto mo, makikinig ako. Lahat ng sasabihin mo pakikinggan ko."
Pakiramdam ko ay bumagsak yung puso ko dahil sa lungkot na bumabalot sa kanyang mata. Napaka-selfish ko na sa totoo lang. Dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi ang intindihin at pasayahin ako.
Umahon naman si Jade at Jelly mula sa pool. Sumunod sila sa akin doon sa isang cottage at doon napiling umupo.
"Ano ba kasing pinag-awayan niyo?" usisa ni Jelly nang hindi matiis ang pakikinig sa malalim na buntong-hininga ko.
"Maliit na bagay lang," nanghihinang sabi ko.
"Alam mo, Kei. Pansin ko lang ha? Pero kasi, yang si Papa Kyle parang baliw na baliw sayo. Kung paano ka niya titigan, kung paano siya kumilos. Pero ikaw? Sa nakikita ko lang ha? Tanggap ka lang nang tanggap." Napabaling ako kay Jade nang sa unang pagkakataon ay narinig ko siyang nagsalita ng hindi kalokohan.
"What do you mean?" kunot noong tanong ko.
"You're so lucky, Kei. I can say that Kyle is really in love with you. Kasi, ang relasyon dapat give and take 'yan. Kung tatanggap ka mula sa kanya, dapat alam mo rin kung anong kaya mong ibigay para sa kanya," ani Jade na seryosong nakatitig sa akin.
"Come on, Jade, baka naco-confuse lang sa ngayon si Kei," depensa ni Jelly. Nagkibit-balikat si Jade.
"There's nothing wrong sa sinabi ko. I am just saying that a relationship should be balanced between two people. Kasi, kaya nga tayo nagmamahal para makaramdam din ng pagmamahal," patuloy ni Jade.
Natahimik kaming tatlo.
"Hmm, kung ayaw mo e di aagawin ko na lang sayo si Papa Kyle," biglang biro na naman ni Jade dahilan para batukan siya ng mahina ni Jelly.
"Okay na sana eh, sabay babanat ka pa ng ganyan." Ngisi ni Jelly.
Nginitian ko sila at huminga ng malalim. "Hmm, matutulungan niyo ba ako?"
"Na makipag bati kay Kyle?" Halos magkasabay na mungkahi nila.
Tumango ako.
"Sure! Basta may libreng kiss kay Papa Kyle," biro na naman ni Jade.
Nagtawanan na lang kaming tatlo dahil sa kalokohan nila.
Tama, kailangan kong bumawi sa kanya. Hindi na dapat akong matakot o kabahan. Kailangang masabi ko na sa kanya na mahal ko siya, na hindi panaginip ang pagsabi ko sa kanya na mahal ko siya.
Gabi na at nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Kyle. Hindi ko alam kung totoo bang tulog siya o nagtutulog-tulugan lang dahil kanina ko pa siyang pinagmamasdan. Hindi rin siya kumain ng dinner kahit pa tinawag na siya ng lahat ng katrabaho ko kanina.
Balot na balot sa blanket si Kyle na para bang ayaw niya talagang magpaistorbo.
"Kei." Nagulat ako nang biglang pumasok si Jade sa kwarto namin ni Kyle. "Tulog pa rin?"
Tumango ako bilang sagot.
"Ang tagal naman. Yan kasi na-hurt mo yung feelings niya," ani Jade saka umupo siya doon sa kama kung saan nakahiga si Kyle. Hihilahin ko sana siya palayo pero nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ni Kyle saka pinilit itong gisingin.
"Papa Kyle, wake up!" ngumingising ani Jade.
Iminulat ni Kyle ang mata niya at nagtama ang paningin naming dalawa, pero muli siyang pumikit.
"Papa Kyle, umiinom kami sa baba. Sama ka?" anyaya ni Jade.
"Matutulog ako," malamig na sagot sa kanya ni Kyle.
"Uhm, kanina ka pa nga nagtutulog-tulugan diyan. Hindi ka rin kumain," prangkang ani Jade dahilan para palihim akong matawa.
Hindi umimik si Kyle. Napansin kong nag-type si Jade sa phone niya, nag-vibrate naman yung phone ko at nang tignan ko iyon ay may text si Jade sa akin.
[Sabihin mo mag-iinom ka. Iparinig mo lang.]
Napangiti ako sa idea ni Jade kaya naman tumayo ako at naglakad patungo doon sa pinto.
"Hayaan mo na, Jade. Tayo na lang ng buong team ang mag-inuman. Baka gusto niya pang magpahinga," mahinahon na sambit ko.
"Bullshit." Bulong lang iyon pero dinig kong malutong ang pagkakamura ni Kyle dahilan para mapatawa ng mahina si Jade.
Tumayo si Kyle at halos magkasabay pa kaming napalunok ni Jade nang makita naming naka-topless pala siya. Hinila niya yung sando na nakasampay doon sa single sofa at mabilis na isinuot iyon saka mas nauna pang lumabas sa amin ni Jade.
"Hindi ka talaga niya matiis," kinikilig-kilig na mungkahi ni Jade.
Nakaupo na kaming lahat dito sa malaking cottage. May kanya-kanyang beer sa harapan naming. Medyo maingay dahil may nag vi-videoke at nagkukwentuhan.
Bumaling ako kay Kyle at napansin kong iinom kaagad siya. Pinigilan ko kasi hindi pa siya kumakain. Tinignan niya ako. Wala pa ring emosyon yung mata niya.
"Kumain ka muna. Walang laman yung tiyan mo, iinom ka kaagad," suway ko sa kanya. Malamig pa rin ang pagtitig niya sa akin.
"Pare, iinumin mo na ba?" tanong ni Gerald kay Kyle dahil bibigyan sana niya ito ng yelo sa baso.
"Hindi, sige mamaya na lang ako. Salamat pre," ani Kyle saka nag-iwas muli ng tingin sa akin.
"Sorry na," bulong ko, pero diretso lang yung tingin niya dun sa videoke.
Ganito pala yung pakiramdam kapag hindi niya ako pinapansin. Ewan ko pero parang mas masikip sa dibdib ngayon kesa nung unang away namin. Kasi ngayon na-realize ko na yung mali ko.
"Oy! Akin yan! Idol ko si Regine Velasquez!" sigaw ni Rachel, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Naghiyawan naman sila. 'Alipin' yung nakasulat sa videoke, 'Alipin by Regine Velasquez'.
Kukuhanin na sana ni Rachel yung mic pero inagaw ko 'yon.
"Rachel! Pwede ako na lang yung kakanta?" pakiusap ko. Natigilan silang lahat at parang gulat na gulat.
"PABIGYAN NIYO NA SI KEI! NGAYON LANG YAN KAKANTA SA LAHAT NG NAGING OUTING NATIN!" sigaw ni Jade na para bang pinaparinig kay Kyle yung sigaw niya! Well, thank you so much, Jade.
Nagsigawan naman lahat ng kasamahan ko. Naramdaman kong tumingin sa akin si Kyle pero diretso lang yung tingin ko sa videoke. Huminga ako ng malalim at nanginginig yung kamay ko habang hawak ko yung mic. Namamawis din ang kamay ko dahil sa kaba.
"Di ko man maamin, ikaw ay mahalaga sa akin. Di ko man maisip, sa pagtulog ikaw ang panaginip." Nanginginig ang boses ko sa pagkanta dahil sa sobrang kaba. Ito ang unang pagkakataon na kumanta ako sa harap ng maraming tao.
"Wohooo! Go Kei!!" Sigawan nilang lahat!
Ngumiti ako, pero tumulo yung luha ko. Gusto ko kasing maramdaman niyang para sa kanya 'tong kinakanta ko. Sorry na Kyle.
"Malabo man ang aking pag-iisip, sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin. Ako'y alipin mo kahit hindi batid, aaminin ko minsan ako'y manhid. Sana ay iyong naririnig, sayong yakap ako'y nasasabik."
Parang pumiyok pa ako dahil sa pinipigilan kong paghikbi. Isa-isang pumasok sa isip ko yung mga ginawa niya para sa akin.
"Ayoko sa iba. Sayo ako'y hindi magsasawa. Ano man ang iyong sabihin, umasa ka ito ay diringgin. Madalas man na parang aso't pusa. Giliw sa piling mo ako ay masaya."
Hindi ko na alam pero ang labo-labo na ng paningin ko dahil sa luha.
"Umiiyak si Kei!!" sigaw ni Drew na ngayon ay nasa gilid ng mesa.
"Feel na feel ang kanta! Para kay Kyle ba yan?" panggagatong pa ni Chef Chris.
Pinagpatuloy ko lang yung kanta, pati yung luha ko tuloy tuloy sa pagpatak. Para akong tanga. Sabi nga ni Jade, give and take dapat sa love, pero puro take ang ginawa ko.
Nabitawan ko yung mic ng bigla akong yakapin ni Kyle sa bewang ko at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko! Mas lalo akong naiyak. Na-miss ko yung yakap niya kahit na isang buong araw palang kaming hindi nag usap.
Narinig kong nagsigawan sila Drew. Wala na akong pakialam kung asarin nila ako. Ang gusto ko lang magkabati kami.
Naramdaman kong inilapit niya yung labi niya sa tenga ko at bumulong siya.
"Shh,tama na, Kei. I'm sorry. H'wag ka nang umiyak." Pinunasan niya yung luha ko.
"Sorry, Kyle, sorrykung ang manhid ko. Sorry," habol-hiningang sambit ko dahil sa pag-iyak.
"No, baby, please stopcrying, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kapag umiiyak ka," malambing na aniya.
"Hoy, Kei! Tutuloy mopa ba yung kanta?" natatawang tanong ni Jade. Paniratalaga 'tong babae na 'to. Natawa ako sa kanya kahit umiiyak ako. Narinig kongngumisi si Kyle.
Hindi ko pa nasasabing mahal ko siya. Nakita ko si Tom, nakatingin siya sa aminpero nginitian niya lang ako. Nakita kong may sakit sa mga mata niya kahitnakangiti siya. Inabot naman sa akin ni Jade yung mic. Tapos na yung kanta,pero kailangan kong sabihin sa kanya 'to.
Tinignan ko si Kyle sa mata. Pinupunasan niya pa rin yung luha sa mga mata ko.Nakangiti siya at parang nilalamon ako ng mga titig niya. Para bang ako langyung babae sa mga mata niya. Ako lang yung tao sa paligid dahil sa mga tinginniya sa akin.
Inilapit ko yung mic sa bibig ko at sinabi ko ang isinisigaw ng maingay kongpuso.
"Mahal kita,Kyle."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top