Chapter 12

Chapter 12

KEI'S P.O.V

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, hinawakan niya kaagad ang kamay ko. Magkasabay kaming naglakad papunta sa unit ko, pero parang hinang-hina siya. Dahil siguro sa paghihintay niya sa elevator? Tinignan kong mabuti ang mukha niya at doon ko lang napansin na gulo ang kanyang buhok.

Binuksan ko ang unit ko at sabay kaming pumasok.

Hinila niya ako para maupo sa couch. Nagulat ako nang bigla siyang humiga sa couch at ginawang unan ang hita ko.


"Kyle..." tawag ko sa kanya, pero nakapikit lang siya. Para siyang bata na napagod sa paglalaro. Hahawakan ko sana ang noo niya pero bigla siyang tumagilid at iniyakap niya ang dalawang braso niya sa bewang ko. Medyo naiilang ako dahil nakaharap siya sa mismong pusod ko.

"May masakit ba sayo?" tanong ko. Naalala kong kagagaling niya lang sa sakit, tapos hinintay niya pa ako sa elevator baka mamaya nabinat pa siya. Pwede namang sa unit na lang niya siya naghintay...


Hindi siya umimik.

"Bakit mo kasi ako hinintay sa elevator? Nahihilo ka tuloy ngayon," suway ko sa kanya.


"Kahit mahilo pa ako ng sobra-sobra, hindi ako titigil kahihintay sayo. Kahit man lang sa pagsakay sa elevator, gusto kong makasabay ka umuwi."

Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya. Bakit ba ganito siya ka-sweet? Ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niya.

Pinaglaruan ko na lang yung buhok niya. Naramdaman kong mas lalong humigpit yung yakap niya sa bewang ko. Iba yung pakiramdam kapag niyayakap niya ako. Pakiramdam ko siya lang yung lalaking gusto kong yumakap sa akin ng ganito.

Medyo matagal din bago umayos ng upo si Kyle. Hinihimas niya ngayon ang sintido niya.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Tumango siya, pero kita ko sa mukha niyang hindi siya okay.

"Gusto mo ng coffee?" alok ko. Hindi ko na siyang hinintay sumagot at tumayo na ako, pero tinawag niya ulit ako.

"Kei, pwede bang water na lang? Sa tingin ko kasi 'pag uminom pa ako ng coffee mas lalong magiging abnormal yung pagtibok ng puso ko. Kasama pa naman kita—"


"KYLE!!!" sigaw ko. Nakakainis! Hindi ko mapigilan yung pag-iinit ng mukha ko sa tuwing ganyan siya.

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Mukhang okay na nga siya dahil nagagawa na ulit niyang mambola.

Binuksan ko na yung ref saka kumuha ng malamig na tubig. Bumalik agad ako sa sala at inabot ko sa kanya yung tubig. Tinungga niya kaagad 'yon.

"Thank you, baby," malambing na sabi niya na nagpalunok sa akin.

"Uhm? What? Baby?" pag-uulit ko kahit nakakahiya.

"Oo, endearment yon ng Lolo at Lola ko." Hindi ko alam pero naaaliw ako sa pagngisi-ngisi niya.

Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Nakatingala lang ako sa kanya. Ang tangkad niya kasi. Napatingin ako sa kamay naming dalawa, magkahawak kasi ang mga 'yon.

Hinalikan na naman niya yung kamay ko pero this time titig na titig siya sa mga mata ko habang ginagawa niya 'yon. Pansin ko lang gustong-gusto niyang hinahalikan ang mga daliri ko.

Pagkatapos niyang gawin 'yon, inilagay niya sa leeg niya ang dalawang kamay ko. Nagulat ako nang yakapin niya ako at isinubsob niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Naramdaman kong idiniin niya ang kanyang dibdib sa dibdib ko. Itutulak ko sana siya pero natigilan ako nang maramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso niya.

Naramdaman kong itinapat niya ang bibig niya sa kaliwang tenga ko. Nagsimula siyang kumanta at parang nagtayuan ang balahibo ko dahil sa paghinga niya.

"Close your eyes, give me your hand darling. Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same?"

Sa araw na 'to, pangalawang beses na niya akong kinantahan. Ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.

Tumigil siya pagkanta.

"Alam mo bang nanaginip ako kagabi? Sinabi mo raw na mahal mo ako." Narinig kong tumawa siya pero napakagat ako sa ibabang labi ko dahil alam kong hindi isang panaginip iyon.

"Naisip ko tuloy baka kabaliktaran 'yon. Nakakatakot," bulong niya na nagpalunok sa akin.

Ano ka ba naman Kyle?! Hindi panaginip 'yon! Totoo yun! Naalala ko bigla yung outing namin next week. Isama ko kaya siya? Kaya lang nandun si Tom. Baka magkabanggaan na naman ang init ng ulo nila sa bawat isa. Pero yun na lang yung chance ko para sabihin sa kanyang hindi panaginip 'yon.

Humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tinignan ko siya ng malalim. "A-ano, Kyle... may outing kami next week, kaming mga nasa F&B department."

Nakikinig lang siya sa akin habang nilalaro yung kamay ko.

"Uhm?"

"G-gusto mo sumama? Pe-pero kung hindi pwede! O-okay lang! Alam ko namang busy ka! Madami ka—"

"Sasama ako!" biglang putol niya sa pagsasalita ko. Tinignan ko siya sa mukha. Parang nagliwanag yung mukha niya, parang sobrang saya niya. Natatawa ako kasi para talaga siyang bata kung umasta minsan kapag natutuwa siya at kapag nalulungkot siya.

"Hindi ako busy. Sasama ako. SA. SA. MA. A. KO."

Napapangiti na lang ako sa excitement na ipinapakita niya.

*


Nandito na kami lahat sa likod ng hotel. Usapan kasi, dito magkikita-kita lahat. Napatingin ako kay Kyle na nakahalukipkip habang nakasandal sa harapan ng kotse niya. Nakasalamin pa ang loko. Naka-shorts lang siya saka T-shirt na puti. Simpleng-simple lang ang suot niya pero ang gwapo niya pa rin.

"Siya ba yun Kei? Yung nasa likod ng mga marka mo? Grabe ha, ang yummy!" Kinikilig kilig pa si Jade habang sinasabi 'yon.

"H'wag ka ngang magulo Jade. Baka mamaya marinig ka niya!" natatawang sabi ni Jelly, pero bigla ata akong natulig nang napasigaw si Jade.

"Teh! Tinanggal niya yung shades niya! Langya, ang gwapo talaga! Jackpot ka na jan, Kei! Sa akin na lang si Sir Tom ha!" Parang kinikiliting bulate si Jade.

"Ayan na, ayan na, lalapit siya! Mahihimatay yata ako!" Nagkakatinginan na lang kami ni Jelly sa kaharutan ni Jade.

Nagulat ako nang biglang pumulupot yung braso ni Kyle sa bewang ko.

"Matagal pa? Gusto mo munang mag-breakfast? May nakita akong Pancake House jan sa may kanto. Baka nagugutom ka na?" bulong niya sa tenga ko. Narinig ko naman ang hagikhikan nila Jelly.

"Hi! Ako nga pala si Jade, siya naman si Jelly," kusang pakilala ni Jade. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa kakapigil ng tawa. Narinig kong tumawa si Kyle. Inilahad naman ni Kyle ang kamay niya at nakipagkamay kela Jade.

"Ah, hello! I'm Kyle, Kei's..." Hindi alam ni Kyle kung itutuloy niya ang sasabihin.

"Boyfriend ka ni Kei! Ikaw ang nasa likod ng mga marka niya sa leeg!" Nanlaki ang mata ko sa isinigaw ni Jade! Pati si Jelly nanlaki ang mata!

"Hahaha! B-boyfriend... ah, yeah. Boyfriend," narinig kong bulong ni Kyle.

"Nag-breakfast na ba kayo? Mukhang matagal pa yung ibang kasama niyo. Usong-uso ang Filipino time," biro ni Kyle. Hindi pa rin binibitawan ni Jade ang kamay ni Kyle.

"Hi-hindi pa! Ililibre mo ba kami? Tara, nagugutom na rin ako!" Napakataas ng energy ni Jade.

Biglang hinila ni Jelly ang kamay ni Jade para mabitawan si Kyle.


"Ang kapal ng mukha mo, Jade! Bitawan mo nga yang kamay ni Kyle. Mahiya ka naman kay Kei. Kyle, pasensya ka na ha? Mahilig kasi sa gwapo 'tong si Jade," nahihiyang sabi ni Jelly.

"Ah, no, it's okay. So, tara?" yaya ni Kyle. Hinila niya ang kamay ko at sumakay kami sa kotse niya. Nasa backseat naman sila Jade. Rinig na rinig ko pa rin yung pinipigilang hagikhik ni Jade.

Tinignan ko si Kyle. Nakangiti lang siya.

"Bakit ka ngingiti-ngiti?" usisa ko sa kanya.

"I'm just happy! Boyfriend mo raw ako. Hindi ko alam na kinukwento mo ako sa kanila ha? Dahilan sa likod ng mga marka mo sa leeg." May halong pang-aasar niyang sinabi 'yon.

Napalunok na lang ako dahil namumula na naman ang pisngi ko.

Pagkadating namin sa Pancake House, siya na ang um-order ng kakainin namin, sinabi na lang namin kung anong gusto namin. Si Jade naman walang ibang ginawa kundi ang mag-ingay. Ganyan yan ka-hyper kapag wala sa loob ng resto.

Maya-maya lang dumating na si Kyle, may kasunod siyang waiter ng Pancake House. Sinerve na sa amin ang apat na pancake. Bali tatlong pancake sa isang plato tapos may dalawang sausage. Saka tatlong coffee, yung isa hot chocolate.

Napansin kong kay Kyle yung hot chocolate. Matatawa na sana ako pero biglang nagsalita si Jade.

"Hindi ka nagco-coffee?" nakangiting tanong ni Jade.

"Nagco-coffee minsan. Kasama ko—"

Hinampas ko si Kyle! Ayan na naman siya sa pagtibok ng puso niya! Nakakahiya! Tinawanan na lang ako ni Kyle. Kinuha niya yung plato ko at hiniwa-hiwa niya yung pancake saka yung sausage. Pagkatapos ibinigay niya ulit sa akin.

"Papa Kyle! Ako rin! Ipaghiwa mo!" panunukso ni Jade.

"Jade, ano ba? Gusto mong hiwain ko yang mukha mo? Naku, Kyle pasensya ka na talaga sa kakapalan ng mukha nitong si Jade ha?" Hiyang hiya na talaga ang itsura ni Jelly.

"Haha! Joke lang! Niloloko ko lang si Kyle."

"Hahaha! Ayos lang," nakatawang sagot ni Kyle.


Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa likod ng hotel. Paalis na lahat kaya naman hindi na kami bumaba ng kotse ni Kyle. Napansin kong napatingin sa gawi namin si Tom. Mabuti na lang tinted 'tong sasakyan ni Kyle.

"Tara na? Sundan mo na lang yung nauunang Starex," sabi ko kay Kyle, at tumango naman siya.

Buong biyahe namin ang nag-iingay lang si Jade. Si Kyle naman tawa nang tawa sa kanya. Puro kasi kalokohan ang alam niyan ni Jade.

Pagkarating namin sa Loreland Resort, ang ingay naming lahat.

"Kei! Siya ba 'yon?" sigaw ni Chef Chris. Ayan na naman sila. Nginitian ko na lang sila at hinila si Kyle.

"Parang nung isang araw lang iba ang kasama mo, Kei ah? Parang mataba yata yung kasama mo n'on," pang-aasar pa rin ng mga kusinero naming. Ganyan kasi sa amin sa tuwing may kasama sa isang Team Outing, sinasabi nila na nung nakaraang araw ay iba ang kasama.

"Chef! Nahihiya si Kei!" sigaw ni Drew habang buhat-buhat yung anak niya.


Nakakahiya kay Kyle. Iniisip ko tuloy mali na isama ko si Kyle kasi puro pang aasar sila. Pero hindi ko na lang papansinin 'yon! Ang importante kasama ko siya.

Nakipag-usap na si Tom dun sa receptionist. Tapos, pinapasok na kaming lahat.

"E di magsama na lang sa isang kwarto si Kei at Kyle! Tapos tayong dalawa Jade ang magkasama!" sabi ni Jelly saka kinindatan ako. Ibinigay na sa amin yung susi.

"Kei! Swimming agad tayo ha! Magpalit ka na! Parang mas masarap mag-swimming nang malamig," sabi ni Jade.

"Sure!" sagot ko. Pagkabukas ko ng kwarto namin ni Kyle, hinila niya kaagad ako at humiga kami sa kama.

"Ang kulit ng mga kaibigan mo," bulong niya. Nakayakap siya ngayon sa akin.

"Ganun talaga si, Jade. Saglit lang Kyle ha? Magpapalit lang ako. Nagyayaya na kasing mag-swimming sila Jade."

"Sige, sasamahan ko kayo."

Nginitian ko siya saka kinuha yung two piece sa bag. Pumasok ako sa CR para makapagpalit. May see-through naman ako kaya sinuot ko 'yon bago ako lumabas ng CR. Nakatalikod si Kyle, may kinukuha siya sa bag niya, yung pampalit niya yata. Sanay naman akong mag-two piece tuwing magsu-swimming, saka isa pa, wala namang masama dun. Saka sabi naman nila Jade sexy daw ako e di pangatawan na. Medyo malakas talaga ang self-confidence ko pagdating sa pagsusuot ng two piece.

Pagharap niya.

"What the hell?" sigaw niya saka tumalikod siya! Tinignan ko ang sarili ko.

"B-bakit?"

"Shit! Magpalit ka!" sigaw niya.

"Ayoko nga, magsu-swimming kami nila Jade, saka napag-usapan na namin 'to." Natigilan ako. "Pa-pangit ba?"

"Basta, magpalit ka na lang!" pag-uulit niya.

"Ayoko," pagmamatigas ko.

Bakit may ibang lalaki na ang laki ng problema sa mga naka-two piece? Hindi ko naman akalain na isa si Kyle sa may problema dun!

"Isa, Kei!" Aba't binilangan pa ako?

"Bahala ka jan." Kainis, akala ko magugustuhan niya. Kasi 'di ba yung babaeng kasama niya nung nakaraan sa unit niya halos makita na yung kaluluwa sa suot, tapos ngayon namang naka-two piece ako gusto ko lang ipakita na mas sexy ako dun sa babaeng 'yon! Ano ngang pangalan n'on? Tine? Basta ewan. Nakakainis!

Naglakad na ako papunta sa pintuan pero nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko at hinarap niya ako sa kanya. Napansin kong namumula ang tenga niya. Nahihiya ba siya?

"Damn it, Kei. You look beautiful. Pero ayokong may ibang nakakakita na ganyan ang suot mo. Akin ka lang kaya ako lang ang may karapatang makakita niyan." Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"Pero..." Nauutal na bulong ko.

"No more buts... magpalit ka." Seryoso na ang itsura ng mukha niya.

Nagtitigan kaming dalawa. Naman eh. Ayokong mag-swimming ng naka-shorts o T-shirt. Saka isa pa naka-see-through naman ako.

"Ayaw mo?" Naningkit ang kanyang mata at para bang nagbabanta ang boses niya.

Umiling ako. Ayoko talaga. Minsan sa isang taon lang ako makapag-two piece!

"Bullshit," bulong niya at nagulat ako nang halikan niya ang labi ko. Sobrang bilis ng paghalik niya kaya hindi ko alam kung paano ko siya susundan!

"Hmm, Kyle!" ungol ko sa pagitan ng halik naming dalawa.

Nanlaki ang mata ko nang marinig kong nasira yung see through ko at itinapon niya 'yon sa kung saan. Pero hindi niya pa rin pinaghihiwalay ang labi naming dalawa. Pilit niya akong dinala papunta sa kama at hindi ko alam pero nakahiga na ako ngayon at nasa ibabaw ko na siya.

Napakagat ako sa ilalim ng labi niya nang maramdaman kong tumusok sa puson ko yung kanya. Halos lakbayin naman nung malikot niyang dila ang loob ng bibig ko. Nakakabaliw yung sarap nang paghalik niya sa akin. Napakainit n'on sa pakiramdam.

Napasinghap ako nang maramdaman ko yung mainit niyang palad na pumasok sa loob ng pang-itaas ko na two piece.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko, sa gitna ng dibdib ko at nanlaki ang mata ko nang tumigil siya sa tiyan ko!

"Kyle!" sigaw ko. Pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pag-iwan ng maraming marka sa tiyan ko.

"Uhm! Shit! Kyle stop it!" Nababaliw ako sa ginagawa niyang pagsipsip sa balat ko!

Hindi ko na alam kung ilan yung markang ginawa niya sa tiyan ko. Napapikit ako nang bumaba sa may puson ko ang labi niya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pag-iinit sa gitnang bahagi ng katawa ko. Dun siya nagtagal sa paghalik sa puson ko. Nanlaki ang ko nang maramdaman kong kinagat niya ang puson ko at sinimulang maglagay ng kiss mark.

"Hmm..." Sa hindi ko malaman na dahilan ay ipinikit ko ang aking mata at hinayaang madama ang paghalik niya sa katawa ko.

Pagkatapos niyang gawin yon bumalik siya sa ibabaw ko at hinalikan ang noo ko. Hinihingal siya dahil sa ginawa niya.

"I told you, magpalit ka na. Gusto mo pa yung dinadaan ka sa sarap," pang-aasar niya. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang puting tshirt niya. Tumambad na naman sa akin yung abs niya! Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para makaupo.

Tinitigan niya muna yung mga marka sa tiyan ko at puson. Pakiramdam ko pulang-pula na ako at ang init ng mukha ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pinapabayaan ko siyang gawin ang lahat ng ito.

"Kulang pa yata," bulong niya. Nanlaki ang mata ko. Kulang pa yon? Eh para ngang matatanggal na ang balat ko sa tiyan sa ginawa niya kanina!

"Kyle!!"

"Sandali! H'wag kang malikot," sabi niya saka parang nagbibilang bilang pa siya habang nakakunot ang noo.

"Kulang nga," sabi niya at tumungo siya para maabot ang tiyan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtayuan ang balahibo ko nang marinig kong umungol siya. Napapikit ako sa ginawa niya at naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya napakapit din ako ng mahigpit sa kamay niya.

Tumigil siya at napansin kong nakakunot na ang noo niya. Para bang nahihirapan siya na ewan.

"Shit! Langya talaga!" sigaw niya at isinuot sa akin yung T-shirt niyang puti at nagmadaling pumasok sa CR dala-dala yung beach shorts niya.

Naiwan akong nakaupo sa kama. Sinilip ko yung tiyan ko dahil sobrang daming kiss marks doon.
*
KYLE'S P.O.V

Langya talaga. Nakakaadik si Kei. Hindi pa kami pero ang hirap kasing magpigil kapag siya na yung kaharap ko. Pero kailangan. Kaya ko naman eh, pero ang pigilan na halikan siya... Yun ang hindi ko kaya. Nakakaadik kaya siyang halikan, to the point na ayoko nang tigilan. Pero kailangang pigilan dahil baka kung saan pa mapunta.


Nagpalit na ako ng beach shorts. Takte talaga! Umupo muna ako sa bowl pagkapalit ko ng shorts. Nahilamos ko ng palad sa aking mukha.

"Kyle, kumalma ka. Adik na adik ka kay, Kei." Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Bakit kasi nakasuot siya ng ganon? Hindi naman sa ayaw kong nakasuot siya ng swim suit, pero madaming makakakita sa kanya. Nandito pa yung gagong Tom. Sa katunayan, bagay sa kanya. Aish! Pero gusto ko ako lang yung makakakita n'on.

Hindi ko naisip na may pagkamatigas talaga ang ulo ni Kei. Ayaw niyang makinig sa akin kaya wala na siyang choice kundi suutin yung T-shirt ko para matakpan yung mga marka na ginawa ko sa kanya.

Ilan nga ba yon? Eleven? Tama eleven. Muntik pa ngang magkulang ng isa yun eh. Buti na lang napansin ko. Kaya naman nakumpleto ko yung eleven letters.

I love you, Kei.

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng CR. Pagkalabas ko, napansin kong nagbibilang siya ng marka sa tiyan niya. Napangiti ako.

"Eleven kiss marks is equal to 'I love you, Kei'," sabi ko para hindi na siya mahirapan pa.

Tinignan niya ako ng masama.

"Nakakainis ka! Paano na ako magtu-two piece?" sigaw niya sa akin at tumayo siya sa kama. Nakakatuwa siya kasi namumula yung mukha niya. I love the fact na ako ang dahilan ng pamumula niya. Nakakabaliw talaga siyang mamula. Sa lahat ng babaeng namumula ang mukha, yung mukha niya ang pinakamaganda.


"E di mag-two piece ka para makita nila kung anong ginawa natin dito," pang-aasar ko. Alam ko namang hindi niya gagawin yun. Mahihiya 'yan. Napansin kong bagay sa kanya yung T-shirt ko na lagpas hanggang kalahati ng hita niya. Inalis ko yung tingin ko dun, dahil naiiklian pa ako doon. Dapat pala ay mas mahaba pa ang tshirt ko.

"I HATE YOU, KYLE!!" sigaw niya saka lumabas ng kwarto na suot-suot yung tshirt ko, gulo-gulo pa yung buhok niya. Napapangiti na lang ako. Simula nang makita ko siya, iniisip ko kung matino pa ba yung utak ko.

Pakiramdam ko kasi hindi na. Parang buong sistema ko, baliw na baliw sa kanya.

Baliwna baliw ako kay Kei.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top