Chapter 11
Chapter 11
KEI'S P.O.V
'Pag hinahalikan mo ako, maganda ka.
Paulit-ulit yan sa isip ko kahit na nagtatrabaho na ako ngayon. Ano bang nangyayari sa akin? Binabaliw ako ni Kyle.
"Kei! Paki-serve naman 'to sa Table 11! Tatawag lang ako sa HR. Malapit na kasing mag-lunch hindi pa sinasabi kung anong gusto kainin ni Sir. Andun sila ngayon dahil sa meeting," pakiusap ni Jelly.
Tumango naman ako at kinuha yung tray na hawak niya. Sinerve ko kaagad 'yon.
Mabuti na lang at hindi masyadong madami ang tao. Hindi ako matataranta.
Bumalik ako sa may cashier.
"Oy teh, may band aid ka na naman diyan sa leeg mo. Sino ba yang nangangagat sayo?" pang aasar ni Jade sa akin habang ngumunguso at tinuturo ang leeg ko.
"Gaga ka, h'wag mo na lang pansinin," singhal ko sa kanya.
"Pag nakita ni Sir Tom 'yan. magagalit na naman 'yon. Ikaw naman kasi, bakit hindi mo pa siya sagutin?" humahighik na sabi ni Jade. Sasagutin? Si Tom? Eh parang ngang wala akong maisasagot sa kanya.
"Nasaan pala si Tom?" Kanina pa kasi wala si Tom simula ng dumating ako.
"Ah, pumunta ng Antipolo, sa Loreland Resort," sabi ni Jade. Napakunot ang noo ko.
"Anong ginagawa dun?"
"Ano pa, nagpapa-book. May outing tayong F&B department. Yung mga Housekeeping department katatapos lang mag-outing." Nanlaki ang mata ko. Outing?! Eh ang lamig-lamig!
"Wow ha! Lakas naman ng trip ng HR natin. Bakit daw may pa-outing?" usisa ko.
"Ano ka ba, hindi ka pa ba nasanay? Gusto kasi ng HR na magka-bonding ang mga employees, para malaman kung may mga reklamo. H'wag kang mag-alala. Hindi naman 'yan ikakaltas sa sahod natin. Ang yaman-yaman kaya ng big boss natin," masayang sabi ni Jade.
Every year kasi talagang pinag a-outing kami ng HR naming. Masyadong mabait yung big boss namin. Tapos yung mga on-call muna ang papalit samin. 2 days outing 'yon.
"Sasama ka girl! Hindi pwedeng hindi. Kung gusto mo isama mo na rin yang nasa likod ng mga marka mo!" pang-aasar ni Jade. Hinampas ko ang kamay niya habang tumatawa ako.
Napahawak ako sa leeg ko dahil sa alaala na magkatabi kaming natulog ni Kyle kagabi.
Maya-maya lang dumating na rin si Tom. Nakangiti siya sa akin.
"Kaunti ang guest ngayon ah," puna niya.
"Halos lahat kasi Sir nagpa-room service na lang, tinatamad sigurong bumaba dahil sa ulan," sabi ni Jade. Medyo malakas nga ang ulan at malamig. Kadalasan kasi kapag ganyang malamig, mas gusto pa ng mga guest na tumigil sa kwarto nila.
"Oo nga eh, ang lakas ng ulan. Malamig, parang ang sarap matulog."
Maya-maya lang may ilang guest na tapos nang kumain. Kinukuha na nila yung bill nila kaya nilapitan sila nung ibang kasamahan ko. Ako naman nagliligpit na ako nung ibang table na wala ng tao.
"Sasama ka sa outing, Kei?" tanong ni Drew, kasamahan ko rin.
"Makakatanggi ba ako? Baka pagalitan pa ako ng big boss natin!" nakangiting sabi ko.
"Isasama ko nga yung mag-ina ko, para naman makapag-bonding na rin kami," excited na ani Drew.
"Magandang idea 'yan."
"Ikaw, may isasama ka ba?" may halong pang-aasar niyang sinabi 'yon. May isasama nga ba ako?
"Hindi ko pa alam," sagot ko saka binuhat na yung tray at dumiretso sa kitchen para ibigay sa dish washer yung mga pinggan.
"Kei! Lalong gumaganda ah!" sigaw ni Chef Chris.
"Oo nga, in love yata!" pang-aasar ng dish washer naming. Ganyan talaga dito sa amin kapag nakikita kaming mga food server inaasar lagi. Nakakatuwa naman kasi kahit papano magkakasundo kami.
"Sinong in love?!" biglang singit ni Tom mula sa mini bar ng resto.
"Si Kei, Sir! Lalong gumaganda!" sabay-sabay na ani ng mga kusinero.
"Hoy, wala kayong magawa!" natatawang sigaw ko.
Nagulat ako dahil kasunod ko pala si Drew. Naka-cross arms siya at tumatawa. "Mukhang may isasama nga 'yan sa outing, Chef!"
Lumabas na sa mini bar si Tom. May hawak siyang mixer.
"May isasama ka?" kunot-noong tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Lumapit siya sa akin at tinignan ang gilid ng leeg ko. Narinig ko ang pagtunog ng panga niya. Tinignan ko siya, at pilit siyang ngumiti.
"Bumalik na kayong lahat sa trabaho niyo," malamig na aniya saka tumalikod sa aming lahat.
"Init yata ng ulo ni Sir," sabi ni Drew saka pumasok na ulit sa loob ng dine in. Sumunod na rin ako sa kanya. Sigurado ako sa akin na naman mainit ang ulo niya.
*
Ang bilis ng oras. Mag-a-out na naman ako sa trabaho.
"Kei! Next week na yung outing natin! I-ready mo ang two piece mo! Excited na akong makita ulit yang coca-cola body mo!" sigaw ni Jelly. Tinawanan ko lang siya. Nagulat ako nang biglang may bumulong sa tenga ko.
"Hindi mo dala ang kotse mo? Ihahatid na kita."
Si Tom pala iyon.
"Tom, hin—"
"Let's go." Parang ayaw niyang marinig yung sasabihin ko dahil halata ang pag-iwas niya.
Hinila na niya ang kamay ko. Dala niya rin yung bag ko. Pagdating namin sa parking lot nakita ko kaagad si Kyle sa labas ng kotse niya halatang hinihintay ako. Binitawan ako ni Tom at hinarap ako.
Tumingin muna ako kay Kyle. Tumango siya at ngumiti sa akin. Para bang gusto niyang mag-usap kami ni Tom.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin, Kei?" kunot-noong sambit ni Tom.
"Tom, si Kyle—"
"Boyfriend mo na?" diretsong tanong niya. Umiling ako. Hindi ko pa naman talaga boyfriend si Kyle, pero kasi alam ko nang mayroong namamagitan sa amin ni Kyle kahit pa wala pa kaming label.
Magsasalita pa sana ako pero hinila ako ni Tom palapit kay Kyle.
"Matuto kang lumaban ng patas, pare," sabi ni Tom. Nakita kong ngumiti lang si Kyle.
"Wala namang problema dun," sabi ni Kyle.
Kailangan ko na talagang makausap si Tom.
"Tara na?" yaya ni Kyle saka akmang hahawakan ang kamay ko.
"Kyle, pwede magkita na lang tayo sa unit?" sabi ko. Napansin kong medyo nadismaya ang itsura ni Kyle.
Sandali akong tinitigan ni Kyle sa mata. Parang sinasabi ng mata niya na, Don't do this, Kei. Pero umiling ako at tinignan ko siya ng maigi.
Please.
Hindi ko alam kung paano kami nagkakaintindihan sa mata. Pero natutuwa akong isipin na kaming dalawa lang ang nagkakaintidihan.
Mariin na ipinikit ni Kyle ang mata niya. Pagkamulat niya non tinignan niya ng masama si Tom.
"Sandali lang," mariin na sabi ni Kyle at hinila ang kamay ko. Akala ko pasasakayin niya ako sa kotse niya pero may kinuha siya sa backseat niya. Jacket 'yon. Naalala ko hindi ko pa nasasauli sa kanya yung jacket niyang kulay gray. Isinuot niya sa akin yung jacket na kinuha niya sa backseat niya. Kulay green 'yon na may Kerokeroppi.
"Nakita ko kanina 'yan sa mall. Naalala kita kaya binili ko," bulong niya saka inayos niya yung buhok ko.
Nginitian ko siya kahit na medyo may lungkot yung mata niya. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit 'yon sa labi niya. Kagaya ng ginawa niya kagabi isa-isa niyang hinalikan ang daliri ko. Ramdam na ramdam ko sa daliri ko yung mainit niyang labi at yung paghinga niya.
"Pasasamahin kita sa kanya, pero hindi ibig sabihin non ibinibigay kita."
Tinignan niya ako sa mata. Pagkatapos niyang halikan ang limang daliri ko sa kanang kamay, inilapit niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.
"I love you. Mag-ingat ka," bulong niya ng hindi inaalis ang labi niya sa noo ko.
Humiwalay na siya sa akin. Nginitian niya muna ako ng mapakla saka siya sumakay sa kotse.
Nakatanaw lang ako sa kotse niya hanggang sa makalabas siya ng parking lot. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok nito, na para bang kahit sa dalawang naging boyfriend ko hindi ko naramdaman na nagwawala ng ganito yung puso ko.
Nandito pa rin kami ni Tom sa parking lot, saloob ng kotse niya.
"Alam mo namang hindiako basta-basta susuko 'di ba, Kei?" bulong ni Tom medyo ngaragna yung boses niya. Pinapatigil ko na talaga siya sa panliligaw niya.
"Pero, Tom, kahithindi ka sumuko, walang mangyayari. I'm sorry Tom. Mahal ko siya. Hindi ko alampero kusang tumibok yung puso ko para sa kanya," nakatungongsabi ko.
Narinig kong huminga siya ng malalim. "Ayoko,Kei."
"Please, Tom.Masasaktan ka lang."
"Wala akong pakialam!Kei, kaya ko namang tiisin. Hanggang sa mahalin mo ako!" Punong puno ngdesperation ang boses niya.
"Stop it, Tom!" sigawko. Hindi ko alam pero naaawa ako sa kanya at dahil sobrang malapit siya saakin nalulungkot ako sa nangyayari ngayon. Kasalanan ko rin naman 'to eh.Tatlong buwan niya akong niligawan at tatlong buwan ko siyang pinaasa, kayatama na siguro 'to. Ayoko nang masaktan pa lalo si Tom dahil sa akin.
Wala nang umimik sa aming dalawa. Pinaandar na niya ang sasakyan at tahimiklang kaming nakarating sa tower ng condo ko. Huminga ako ng malalim. Bababa nasana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm letting you go,Kei. But that doesn't mean na titigil na ako sa paghihintay. Sige, mahalin molang siya. Pero kapag sinaktan ka niya, sisiguraduhin kong hindi na kitapakakawalan." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko athinalikan ang pisngi ko.
Bumaba na ako ng kotse niya at naglakad na papunta sa elevator. Pinindot ko na 'yonat hinintay bumukas.
Maya-maya lang bumukas na ito at napanganga ako nang makita kong nasa loob n'onsi Kyle. Natauhan ako nang maramdaman kong nakalapat na ang labi niya sa labiko.
"Inaakit mo ba ako,Ms. Gonzales?" bulong ni Kyle saka inilayo ang labi niyasa labi ko. Hinila na niya ako papasok ng elevator. Pakiramdam ko namumula angmukha ko dahil sa ginawa niya.
"A-aalis ka ba?" tanongko kasi di ba nasa elevator siya pababa?
"Hindi. Hinihintaykita," aniya. Pansin kong parang nanlalambot siya.
"Ha? Dito sa loob ngelevator?" pagtataka ko.
Tumango siya at napanganga na naman ako sa sumunod na sinabi niya.
"Nakakahilo rin palangsumakay ng elevator sa loob ng isang oras, pero okay lang. Ang importantenandito ka na."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top