Chapter 42

Chapter 42

KEI'S P.O.V

Gabi na kami nakauwi ni Marie dahil nagyaya pa siyang magshopping. Ang sakit nga ng balakang ko kalalakad kanina, nakakapagod.

Naiinis pa rin ako kay Kyle, kasi naman mukhang lahat yata ng ex niya kaibigan niya! Sino ba namang matutuwa non?! Kainis talaga!

"Oh paano? Mukhang may war kayo mamaya, mag che-check in na lang ako sa hotel." Paalam ni Marie saka kinuha yung mga pinamili niya, grabe lang magshopping 'tong isa na ito, nakuha na kasi niya ang credit cards niya kay Mama.

"H'wag! Dito ka na lang matulog! Tabi tayo! Sa couch yung sira ulo na yon!" Pigil ko sakanya! Pero tinawanan niya lang ako.

"Ewan ko sayo buntis, basta lumaban ka naman! Para kang tuod diyan! Sige na aalis na ako!" Natatawang sabi niya sa akin saka iniwanan na niya akong mag isa.

Nanood na lang ako ng tv, palipat lipat lang ako ng channel hanggang sa dumating na siya, kaagad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko. Tinignan ko yung wall clock at sinimangutan ko siya! Paano ba naman alas dose na!

"Bat ngayon ka lang?!Nag dinner pa kayo ng mga ex mo noh?!!" Bulyaw ko sakanya, pero nakakainis kasi tinawanan nanaman niya ako!

"Hindi baby...may tinapos lang ako." Maikling paliwanag niya...

"May tinapos..." Naiinis na bulong ko, ngumisi lang siya at niyakap ako sa bewang, inilapit niya ang labi niya sa tenga ko at doon bumulong.

"Napakaselosa talaga ng baby ko...Tulog na tayo, inaantok na ako... Napagod ako kanina sa trabaho, ikaw hindi ba pinagbabawalan kang magpuyat?" Halata nga sa boses niya na pagod siya, hinimas niya ang tiyan ko.

"Itong kambal ko ang tagal naman lumabas... Namimiss ko na si Mommy eh..." Nagtayuan ang balahibo ko sa ibinulong niya! Malakas kong hinampas ang braso niya!

"Ang bastos mo Kyle!!"

"Kita niyo na mga anak, alam kaagad ni Mommy ang iniisip ko. Kaya bagay kami eh..." Ngumingising sabi niya!

"Ahh!!" Napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin na parang bagong kasal, kumapit ako sa leeg niya, grabe kahit maghapon sa trabaho si Kyle ang bango pa rin niya.

Maingat niya akong inihiga sa kama, nakadapa siya sa gilid ko para hindi madaganan ang tiyan ko... Tinitigan niya ang mukha ko at pinagapang niya ang point finger niya sa ibabaw ng ilong ko papunta sa labi ko.

"Ang sarap sa pakiramdam na ganito tayo baby...yung uuwi ako na madadatnan kitang naghihintay sa akin..." Nakangiting bulong niya, hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan niyang pinaglapat ang labi naming dalawa. Marahan kong tinugon iyon, napangiti ako ng maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko, para bang ayaw talaga niyang mawala ako.

Nakakabaliw pa rin siyang humalik, ramdam na ramdam ko talaga yung pagmamahal sa bawat pag galaw ng labi niya sa labi ko at nanghihina ang buong katawan ko dahil doon, nakakahibang kasi siyang magmahal, para bang mapapaisip ka kung talaga may isang Kyle Cando. Marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko at sandaling nilakbay ang buong bibig ko... Gumapang ang kamay niya patungo sa likod ko at doon nagtaas baba. Dahan dahan niyang pinaghiwalay ang labi namin at napangiti ako ng makita ko nanaman ang mata niya na punong puno ng pagmamahal.

"Halik mo palang yon baby, natanggal na kaagad ang pagod ko, paano na kaya kung may kasamang mahigpit na yakap?" Nakangiting sabi niya, mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit! Napasubsob siya sa balikat ko at naramdaman kong humalik siya sa leeg ko.

"Maliligo muna ako baby..." Bulong niya sa akin, umiling iling ako.

"H'wag na...amoy gwapo ka pa rin naman..."

"Haha... Pero baby, madumi pa rin ang katawan ko... Galing ako sa labas, 20 minutes lang baby, promise." Sabi niya, tumango na lang ako.

Hinalikan niya muna sandali ang labi ko bago siya tumayo at pumasok ng cr.

___

"10,9,8..." Binibilangan ko siya habang naliligo!

"Malapit na baby!!" Hiyaw niya sa loob ng cr!

"765!!" Mas binilisan ko pa ang pagbibilang habang tumatawa!

"Baby!!" Suway niya!

"432—"

Natigilan ako ng lumabas siya ng cr na nakatop less at towel sa ibaba niya! Nanlaki ang mata ko! Dahan dahan niyang tinanggal ang towel niya! Sisigaw na sana ako pero napahagalpak ang tawa ko ng makita kong naka.pink na boxer siya!

"HAHAHA!"

"Sabi ko na binili mo 'to para sa akin eh. Baby talaga, bakit sinabit mo pa sa cr?" Tanong niya, binili ko kasi kanina yon sa mall, ang cute kasi ng boxer kulay pink! Bagay kasi kay Kyle ang pink, lalaking lalaki ang tingin ko sakanya kapag nagpipink siya! Ang gwapo kasi niya.

"Para makita mo kaagad! Pero hindi ko pa nalalabhan yan!" Sigaw ko sakanya! May price tag pa nga yon eh! Pero hindi niya tinanggal! "Okay lang. Basta bigay mo excited na akong suotin." Nakangising sabi niya, pinunasan niya ang buhok niya.

"Kahit kulay pink??" Tanong ko sakanya. "Oo. Basta bigay ng mahal ko." Seryosong sabi niya saka pumasok ulit siya sa cr para isabit yung tuwalya.

Humiga na ulit siya sa tabi ko at niyakap ako.

"Hmm, Kyle? Ayaw mo magtshirt?...Maginaw, malakas ang aircon." Bulong ko sa dibdib niya, kasi naman eh nakaboxer lang siya tapos hindi manlang nagtshirt. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"Hindi baby...mas masarap matulog ng ganito, para namang hindi ka sanay sa akin... Ilang beses mo na ngang pinagnasaan ang abs ko." Pagyayabang niya sa akin! Hinampas ko ang dibdib niya!

"Ahh!!" Nagkunyari siyang nasasaktan!

"Sus..."

"Masakit baby...kiss mo..." Kunyari pa siyang nahihirapan pagsasalita.

"Ewan ko sayo Kyle..."

"Please baby...ang sakit talaga..." Pag iinarte niya, natatawa na ako... kaya naman lumayo ako ng kaunti para matignan ang chest niya, pakiramdam ko namula ang mukha ko... Pero dahan dahan kong inilapit ang labi ko sa dibdib niya at hinalikan ito, napalunok ako kasi naramdaman ng labi ko yung mabilis na pagtibok ng puso niya... Narinig ko pa ang magkakasunod na paglunok niya, niyakap niya pa lalo ako palapit sakanya habang hinahalikan ko ang dibdib niya ang bango amoy bagong paligo!

"Ang bango mo Kyle..." Bulong ko, pero hindi siya sumagot... Hindi ko na namalayan na naglalagay na pala ako ng marka sa gitna ng dibdib niya, sakanya ko rin naman natutunan 'to. Sht kung ano anong sinasabi ko.

"Uhmm...baby naman..." Bulong niya, mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin...

"Ahh...sht, tama na baby..." Suway niya sa akin at hinila na niya ako pataas para magtama ang mata naming dalawa! Napatingin ako dun sa nilagay kong marka, sobrang pula! Nag iinit yung mukha ko! Ginawa ko talaga yon?!

"Sabi ko ikiss mo lang baby...inaakit mo ba ako? Tandaan mo baby buntis ka..." Pagbabanta niya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko...

"Sorry..." Bulong ko...Nginitian niya ako. "No baby...okay lang, nagustuhan ko. Pero kapag kasi ikaw yung gumagawa baka mahirapan akong magpigil, lalo na ngayon buntis ka. Alam mo namang adik ako sayo. Matulog na tayo, hangga't kaya ko pa." Nakangiting sabi niya sa akin.

Tumango tango ako. Inayos niya ang nakabig na buhok sa mukha ko at hinalikan ang noo ko, maya maya pa labi ko naman ang hinalikan niya.

"Good night baby...Mahal na mahal kita." Bulong niya at niyakap na ako ng sobrang higpit...

___

Kinabukasan nagising ako na wala na akong katabi. Kaagad akong bumangon at hinanap siya sa sala at kitchen pero wala siya.

May pagkain nanaman sa mesa at papel.

--6pm @ Loreland Resort. I love you baby.—

Napakunot ang noo ko, nakakainis naman. Palagi na lang ba ako gigising ng ganito? Yung walang kasabay magbreakfast.

"Tss." Tinakpan ko yung niluto niya, at kumuha ako ng cereal saka gatas sa ref.

"Nakakainis ka Kyle Cando...Bahala kang kumain ng luto mo..."

Pagkatapos kong kumain naglaro na lang ako ng cellphone ko... Aish! Nakakainis talaga! Wala manlang makausap! Sinubukan kong tawagan si Jade.

[Sorry teh, busy sa trabaho.] Yan ang bungad niya sa akin, hindi ba nakakabwisit?! Naisip kong pumunta na lang sa coffee shop ni Tammie, tutal naman hindi niya pa rin ako inaalis sa trabaho ko sakanya.

Mabilis akong naligo at nagtaxi ako papunta dun, ayaw na kasi akong pagmanehohin ni Kyle simula ng malaman niyang buntis ako.

"Ate Kei?!" Halos manlaki ang mata ni Tammie ng pumasok ako sa coffee shop niya! Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako!

"Hindi pa naman ako tanggal di ba?!" Tanong ko dahilan para matawa siya.

"Hindi Ate! Pero kabilin bilinan ni Kuya, h'wag na daw kitang pagtrabahuhin dahil lumalaki na yang tiyan mo! Delikado, at tama si Kuya...ang laki nga ng tiyan mo Ate! Mag fo-four months palang yan di ba?" Sabi niya sa akin, ngumiti ako bago kami maupo sa isang mesa.

"Kambal ang anak ko Tammie..." Masayang balita ko sakanya.

"WHAT?! OMG! Ate Kei! Ang swerte mo!!" Sigaw niya sa akin, tumango ako.

"Kaya naman pala ang laki ng tiyan mo kahit mag aapat na buwan palang! Basta Ate Ninang ako ha!?" Sigaw niya sa akin.

"Oo naman walang problema dun ano ka ba, isa ka kaya sa tumulong sa akin."

"Naiintindihan ko Ate, naikwento na sa akin ni Kuya na may kakambal ka. Buti naman at maayos na kayo, pati na rin ng Daddy ng baby mo..." Magiliw na sabi niya sa akin.

Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni Tammie, kagaya ni Marie excited din siya para makita ang anak ko, napapangiti na lang ako sa tuwing iisipin ko na magkakaanak na talaga kami ni Kyle.

"Sandali lang Ate ha!"Paalam ni Tammie ng may tumawag sa kanya.

Uminom ako ng juice na pinakuha ni Tammie sa kasamahan ko, tumingin ako sa wrist watch ko at nakita kong alasais na... Bigla kong naalala na pinapapunta ako ni Kyle sa Loreland Resort, mga dalawang oras ang biyahe papunta dun, tinignan ko ang cellphone ko pero walang text o tawag kahit isa.

"Pupunta ba ako?" Tanong ko sa sarili ko...baka mamaya nandun talaga siya, ang layo naman kasi non...

Tumayo na ako at nagpaalam kay Tammie.

"Saan ba Ate? Ihahatid na kita, delikado naman kasi gabi na." Pag aalala niya.

"Sa Loreland Resort daw Tammie, naku h'wag na nakakaistorbo pa ako sayo..."

"Ano ka ba Ate wala yon noh...Tara na."

___

Pagkarating namin sa Loreland Resort, walang tao kahit isa...

"Ate...bakit ang dilim? Wala bang kuryente dito?" Bulong ni Tammie sa akin...

Sobrang dilim talaga, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan... Nagulat ako ng biglang may dumila sa paa ko!

"Ahh!!"

"Ano yon?!!" Sigaw ni Tammie, binuksan ko ang cellphone ko at inilawan yon... Isang poodle lang pala, ang cute niya! Kaagad akong umupo at binuhat yung poodle, natawa pa ako dahil nakadamit ito na may drawing na palaka... Pero ang kaagad na napansin ko ay yung papel na nakalusot sa damit nito, kinuha ko yon at dahan dahan binuklat, napangiti ako ng makita ko ang sulat kamay ni Kyle.

--Gusto ko sana palaka rin yung lumapit sayo. Pero baka magtatalon ka kapag nakakita ka ng palaka, sayang yung lahi natin na kambal...kaya poodle na lang, bumawi na lang ako sa damit, may palaka naman di ba? I love you...--

Napailing na lang ako habang nakangiti...hindi talaga siya nagsasawa ng kasasabi sa akin na mahal niya ako, pati sa sulat niya...

"Tara Tammie..." Yaya ko sakanya, binaba ko yung poodle pero yung sulat ni Kyle hindi ko binitawan... Hinawakan ni Tammie ang kamay para alalayan akong maglakad, iniilawan ko naman ang nilalakaran namin, pero natigilan ako ng may spot light na tumutok saamin, sinundan namin yung ilaw, lahat ng lalakaran namin may nagkalat na green roses, favorite color ko pa talaga... Naglakad pa kami hanggang sa makarating kami sa may pool...

Natigilan ako ng umikot yung spot light at isa isang inilawan sila Papa sa kabilang side ng pool, nanginginig ang binti ko dahil sa kaba... Nakangiti silang lahat sa akin, ang mga pinsan ko, si Lolo pati na rin si Marie, lahat sila may hawak hawak na iba't ibang kulay ng light stick.

Pagtingin ko sa kabilang side nandun naman ang mga kapatid ni Kyle, kinawayan nila ako... Pati ang parents niya... Nandun rin sila Jade at Tom...

"Good Luck Ate..." Napatingin ako kay Tammie ng bumulong siya, binitawan niya ang kamay ko at tumakbo siya sa tabi nila Felix...

Yung pintig ng puso ko sobrang bilis na para bang may nagkakarera sa loob...namamawis ang kamay ko dahil sa kaba...

Mas lalong may nagkarera sa loob ng dibdib ko ng marinig ko ang boses niya...

"Lift your head
Baby don't be scared
Of the things that could
Go wrong along your way
You'll get by with a smile
You can't win at everythin
But you can try..."

Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya makita, hindi ko na napigilan yung luha ko! Sunod sunod kong pinunasan yung luha sa pisngi ko pero sunod sunod din ang pagtulo nito...

"Baby you don't have to worry
Coz there ain't no need to hurry
No one every said there'll be
An easy way... "

Palapit ng palapit yung boses niya at alam kong palapit na rin siya ng palapit sa akin, nagulat na lang ako ng biglang may nag abot ng isang boquet ng green roses sa akin mula sa likod ko, may nakatusok pa don na kerokeroppi kaya naman hindi ko maiwasan na matawa!

Dahan dahan akong lumingon sa nag abot sa akin at napahaglpak ang tawa ko ng makita kong isan naka-mascot ang nasa likuran ko... Isang palakang mascot, napangiti ako dahil talagang pinapasaya niya ako! Hinawakan niya ang kamay ko...

"Girl i'll stay
Through the bad times
Even if i have
To fetch you everyday
You'll get by if you smile
You can never be
Too happy in this life..."

Ayaw parin tumigil ng luha ko, siya na mismo ang nagpunas non sa pisngi ko...Naalala ko, kahit na nasasaktan siya dahil sa akin hindi pa rin siya sumuko para maging maayos yung lahat saaming dalawa...

"Now it's time to kiss away
Those tears goodbye
Let me hear you sing it
If you smile..."

Pagkatapos niyang kumanta, ako na mismo ang nag alis ng mascot sa ulo niya... Nakalapel siya sa loob kaya naman rinig na rinig ko ang paghinga niya ng mabilis, pawis na pawis siya pero ngiting ngiti siya sa akin... Yung mga mata niya nagniningning sa sobrang saya...

"Dumating ka..." Hinihingal na bulong niya sa lapel niya...

"Kyle naman...Pano kung hindi ako nagpunta?" Umiiyak na bulong ko...

"May tiwala ako sayo...alam kong darating ka."

Dahan dahan niyang hinubad yung natitira pang suot niyang mascot... Nagulat ako ng makita kong naka-three piece suit pa siya sa loob ng mascot! May kinuha siya sa bulsa niya, akmang luluhod siya pero hinila ko ang kamay niya...

"No baby..." Nakangiting bulong niya at umiling iling siya... Lumuhod pa rin siya!

Dahan dahan niyang binuksan yung isang pulang box at isang singsing ang bumungad sa akin doon!

"Kei...simula palang, alam ko ng sa akin at sa akin ka mapupunta." Pagyayabang niya, nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya.

"Kaya nga inimbita ko dito si Tom eh, para inggitin yang gago na yan." Natatawang sabi niya! Ako naman walang ginawa kundi ang tumawa at umiyak!

"Hahaha! Sige lang pre, h'wag na h'wag mo lang pakakawalan yan aagawin ko talaga siya sayo!" Bulyaw ni Tom.

"Psh, akin na nga siya di ba? Bakit ko pa siya pakakawalan? Hindi naman ako tanga dude..." Natatawang sabi niya, ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin... Nakatungo pa rin ako sakanya dahil sa pagkakaluhod niya.

"Alam ko ang perfect ko na." Pagyayabang nanaman niya!

"Yuck Kuya!Napakayabang mo talaga!!" Sigaw ni Misha dahilan para mabalot nanaman kami ng tawanan.

Natawa na lang din si Kyle sa kalokohan niya.

"Pero kagaya ng sinabi ko noon...gusto kitang bigyan ng isang perfect relationship, pero mukhang hindi ko yata nagawa yon..." Umiiling iling na sabi niya, pero para sa akin perfect lahat ng ginawa niya para mga pinagsamahan namin, ako lang naman yung sumuko noon di ba? Pero si Kyle, ginawa niya ang lahat para lang maibigay sa akin ang isang perfect na relationship.

"Ngayon naman...gusto kitang bigyan ng perpektong pamilya... Hindi na ako mangangako, pero gagawin ko ang lahat para maging perpekto ang bubuuin nating pamliya...Kei...baby...will you marry me?" Nanginginig ang boses niya pagsasalita na para bang kinakabahan siya... Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at tumango tango ako.

"Yes...Kyle..."

Nagsigawan silang lahat at hinagisan nila kami ng petals ng green roses. Tumayo si Kyle at halos magwala ang puso ko ng makita kong umiiyak siya habang nakangiti, isinuot niya sa akin ang singsing... Pinunasan ko ang luha niya, pero hinawakan niya ang kamay ko at inilagay iyon sa dibdib niya, nagwawala din ang puso niya... Ikinulong niya ang magkabilang pisngi ko at napapikit ako ng siilin niya ako ng isang malalim na halik.

"Hoy! Kasal muna!!" Sigaw ni Marie...

Napatawa kaming dalawa ng maghiwalay ang labi namin. Tinitigan niya ako sa mata at kitang kita ko ang saya doon.

"Thank you baby...I love you so much..." Halos ibulong na lang niya iyon, pero narinig pa rin ng lahat dahil nakaopen pa rin ang lapel niya

Bumukas lahat ng ilaw sa resort at nanlaki ang mata ko ng makita kong may naka-set na altar sa garden, may red carpet pa doon na maraming bulaklak sa paligid... May mga upuan rin na halatang para sa guest, mas lalo akong naiyak sa saya ng makita ko ang pari na nakatayo doon at ngiting ngiti saaming dalawa.

"Kyle..." Umiiyak na bulong ko, pinunasan niya ang luha ko...

"Shhh...yes baby...ngayon tayo ikakasal, wala na talagang iwanan 'to baby... Siguradong sigurado na ako, dito mo ako sinagot, kaya naman gusto ko dito rin tayo sasagot ng 'I do' sa isa't isa..."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top