Chapter 35
Chapter 35
MARIE'S P.O.V
Nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likod ko! Okay, si Kyle pala, pero amoy alak siya... Pilit niya akong hinarap sakanya at siniil ng halik! Nakakalunod yung halik niya na marahas at sobrang sakit!
"K-Kyle!!" Sigaw ko sakanya! Lumayo siya ng kaunti sa akin at tinignan ang mukha ko, ngumisi siya na para bang nasasaktan.
"Bakit ngayon ka lang?! Saan ka ba nanggaling? Bakit amoy alak ka?" Namumungay ang mata niya at parang namumugto.
"Hanep...*hik! Ashawa bha kita? Hindi nga khita kilala ehh... Shino ka ba ha? Bakit mo ako ginagago?" Napalunok ako sa sinabi niya, pero dammit! Lasing lang siya kaya siya ganyan!
"Kyle! Lasing ka lang!" Sabi ko at inalalayan ko siya papunta sa kwarto ni Kei, aish maghapon akong walang kasama dito sa unit tapos uuwi pa siya ng ganyan?! Tss, halos mahulog siya paghiga sa kama!
"Hindi ako lashing! Hikaw yata ang lashing eh..." Pero umiling iling na lang ako.
"Dahan dahan naman Kyle!!" Sigaw ko sakanya! Pero tumawa lang siya ng tumawa na parang isang baliw, hinila niya ako at napadapa ako sa ibabaw niya!
"Kyle pupunasan muna kita." Bulong ko sakanya, kung hindi ko lang siya mahal iiwanan ko siyang lasing dito!
Pero hinigpitan niya ang yakap sa akin!
"Ang bait mo naman." Ngumingising sabi niya.
"K-Kyle..." Tawag ko sakanya dahil kahit na medyo naniningkit ang mata niya alam kong ang lalim ng titig niya sa akin, dammit! Mas lalo akong naiinlove sakanya!
Napapikit ako ng haplosin niya ang mukha ko, pero kaagad ko din iminulat ang mata ko ng marinig ko ang pagsinghot niya, may luha yung mata niya.
"Kei...please...come back home..." Garalgal ang boses niya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba! Alam na ba niya?! Pero kung alam niya bakit hindi niya ako pinapaalis?! No...imposible Marie, hindi niya alam...
Pinunasan ko yung luhang tumulo sa mata niya pero kaagad niyang itinaboy ang kamay ko!
"Wala kang karapatang punasan yang luha na yan...dahil kagagawan niyo 'to." Umiiyak na bulong niya!
"Kyle! Ano ba??" Sigaw ko sakanya, pero imbis na sagutin niya ako tumaglid siya para maihiga ako sa kama, yumakap siya sa akin ng sobrang higpit na para bang gusto na niya akong patayin sa mga yakap niya!
Kinabukasan narinig kong nagring ang cellpone niya, hindi ako nakatulog dahil na rin sa mga sinasabi niya kagabi, napapaisip ko shit... May alam na ba siya?!
"Where's my fcking phone?!" Sigaw niya at kahit nakapikit pa siya kinapa kappa niya yung side table, ng makuha na niya yung cellphone niya itinapat niya yon sa tenga niya.
"Hello?" Ang husky ng boses niya, nakadapa siya ngayon at bigla niyang iminulat ang mata niya! Napatingin siya sa akin pero kaagad din siyang nag iwas, halos mapamura siya ng maupo siya sa kama dahil siguro sa hang over?
"Jade..." Tawag niya, napataas ang kilay ko... Saan ko nga ba narinig yung pangalan na yon?! Ahh! Yung kaibigan ni Kei! Tinignan ko lang siya habang kinakausap ito.
Napansin ko ang pagkunot ng noo niya kaya naman umupo ako at dahan dahan hinilot ang sintido niya, napatingin siya sa akin pero kaagad din niyang ipinikit ang mata niya at patuloy na kinausap yung Jade.
"Hindi ako pwede, kung gusto mo may irerefer ako sayong photographer." Malamig na sabi niya, pero napataas nanaman ang kilay ko ng marinig ko ang sigaw nung Jade sa kabilang linya, the hell?
[HINDI PWEDE!HINDI PWEDE PAPA KYLE! IKAW NA LANG!PLEASE?!PARA SA PROJECT NG KAPATID KO 'TO!MAY MODEL NANAMAN KAMI EH! PHOTOGRAPHER NA LANG ANG KULANG! PLEASE PAPA KYLE!!]
Papa Kyle?!Sino ba siya para tawagin ng ganon ang boyfriend ko?!
Naihilamos ni Kyle ang mukha niya ng palad.
"Sht...Saan ba?" Malamig na tanong nito.
*
KYLE'S P.O.V
Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Jade. Psh, pinapakiusapan niya akong maging photographer para sa project ng kapatid niya... Ayoko, dahil konektado siya kay Kei, pero ang gago ko talaga hindi ba konektado 'tong katabi kong babae kay Kei?
[Sa Eagle Point Beach Resort!!] Masayang sigaw niya, napamulat yung mabigat kong mata.
"Niloloko mo ba ako Jade? Sa Batangas yon." Naiinis na sabi ko, nagphotoshoot na dati yung mga model ko don.
[Hindi Papa Kyle! Seryoso ako! Yun kasi ang napiling site ng kapatid ko! Ang gastos nga eh! Sige Papa Kyle hintayin na lang kita dito ha!]
"Ano?Nandyan na kayo?"
[Yes Papa Kyle! Bilisan mo! Naiinip na yung model ng kapatid ko baka umalis! Siya nga pala! Isama mo si Kei! Miss na miss ko siya eh!Sige bye Papa Kyle!!] Nak ng putcha, isasama ko 'to? Psh...
"Maligo ka,aalis tayo." Malamig na sabi ko, tutal naman siya yung Kei ngayon edi panindigan niyang makita sila Jade. Psh.
Tumayo na ako at pumunta sa unit ko para dun maligo, pero parang binibiyak yung ulo ko dahil sa hang over.
Pagkalabas ko ng unit ko hinihintay na niya ako.
"Let's go." Sumunod naman siya sa akin...
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang nagmamaneho, hindi dahil sa kasama ko 'tong kamukha niya... Daldal siya ng daldal pero kahit isa sa sinasabi niya wala akong maintindihan, ngayon ko lang napagtanto na may pagkakaiba ang boses nilang dalawa... Psh, ang tanga ko na nga mas lalo pang ginawang tanga.
"KYLE?! Nakikinig ka ba sa akin?!!" Naiinis na sigaw niya, lumingon ako sakanya sandali pero kaagad kong ibinalik ang tingi sa pagmamaneho.
"Oo. Sige lang magsalita ka lang, gusto ko lang pakinggan ang boses mo." Ha! Lokohin mo sarili mo.
"Really? Why so sweet?" Pag iinarte niya.
"Hindi ka pa ba nasanay?"
"Well, as I was saying...iba ka talaga sa mga naging ex ko." Bakit bigla akong naging interesado? Si Kei...bullsht, ayoko talagang mabanggit ang pangalan niya...
Hindi ko na lang siya pinansin ulit, maya maya lang nakatulog na siya sa kadadaldal niya. Buti naman at matatahimik kahit kaunti. Mga ilang oras na rin ang lumipas nakarating na kami sa Batangas, kaagad kong natanaw si Jade at Jelly, may hindi maganda akong naramdaman. Tangina laro nanaman ba 'to?
Ginising ko na siya para bumaba, hinila ko ang kamay niya palapit kela Jade.
"KEI!Miss na miss ka nanamin!!" Sigaw ni Jade dito, hindi nga ako nagkamali, magsisimula nanaman sila ng laro nila. Ang gago, maging kaibigan pala niya pinaglalaruan na ako.
"Ah! Hi! I miss you too girls!!" Best actress talaga sila kahit kailan.
"Leche! Kailan ka pa naging girly?" Tumatawang sigaw ni Jade sakanya.
"Let's start. Gusto ko rin umuwi kaagad." Untag ko, parang natigilan sila.
"Ang sungit mo Papa Kyle! Teka lang ha? Naiihi ako eh! Samahan niyo naman ako Jelly!" Sigaw niya at hinila si Jelly at yung isa palayo sa akin, isang pilit na tawa ang pinakawalan ko. Nagwawala yung puso ko dahil alam ko ng magpapalit sila, tanga mo talaga Kyle, hindi ka pa rin ba nadadala sa ginagawa nila sayo?
Bumalik ako sa sasakyan ko para kuhanin ang mga gamit ko sa photoshoot, naninikip yung dibdib ko kapag iisipin kong makikita ko siya ngayon, sinabi kong ako ang makikipaglaro sakanilang dalawa pero ako 'tong gago na nagpapalaro sakanila.
"PAPA KYLE!!" Parang tumigil yung pintig ng puso ko ng marinig kong nandito na sila.
____
KEI'S P.O.V
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayong tanaw tanaw ko na ang likuran niya, isang hakbang ko na lang mahahawakan ko na siya. Namamawis at nanlalamig ang kamay ko.
"PAPA KYLE!!" Sigaw pa ulit ni Jade dahil hindi pa rin siya humaharap.
Halos manginig ang tuhod ko ng nakangiti siyang humarap saamin, hawak hawak niya yung camera niya. Namiss ko siya... Sobra sobra...
Napakunot ang noo niya ng pasadahan niya ng tingin ang suot ko, sila Jade kasi pinagtwo piece ako dahil hindi pa naman daw ganun kalaki ang tiyan ko! Peron aka-see-through naman ako... Napansin ko ang paglunok niya, akala ko magagalit siya.
"Sexy mo naman baby..." Nakangiting puri niya sa akin, pero rinig na rinig ko ang pagtiim ng panga niya.
Nanlaki ang mata ko ng hilahin niya ako at siniil niya ako ng isang malalim pero sandaling halik! Narinig ko ang pagtili nila Jade. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa, nanghihina ako sa mga titig na ibinibigay niya sa akin, nilalamon nanaman ako ng mga ito.
"Papa Kyle...si si, Kei yung model..." Nauutal na bulong ni Jade, ngumisi si Kyle.
"I know." Matabang na sagot niya, para akong nilamig dahil sa pagsasalita niya.
"Ha?! Pa-pano?"
"Hindi ako tanga." Napalunok ako, naramdaman ko ang panginginig ng binti ko sa lamig ng boses niya.
"Papa Kyle..." Halos ibulong na lang iyon ni Jade, hindi ako makapagsalita, bakit ganito...
"Hindi ako tanga...Pinagpalit niyo—"
"PAPA KYLE!"
Ngumisi si Kyle at hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa pagngisi niya kahit na titig na titig siya sa mga mata ko. Si Marie...hindi ko alam kung anong ginawa nila Jade sakanya.
"Pinagpalit niyo ng damit si Kei para maging model ko hindi ba?" Nakangiting patuloy niya, halos mahugot ko ang pinakamalalim na hininga sa baga ko dahil sa sinabi niya! Natatakot ako sakanya...
"Jesus..." Bulong ni Jelly!
"Simulan nanatin, masyado ng nakabalandra yang katawan mo. Akala ko ba ako lang ang inaakit mo? Mukhang may iba yata." Bulong niya sa tenga ko at hinila niya ako sa braso ko para patayuin sa beach! Nasasaktan ako sa paghawak niya sa akin kaya naman hinila ko palayo ang kamay ko sakanya! Napansin naman niya yon kaya kaagad siyang lumingon sa akin, napatingin siya sa kamay ko at napalunok siya ng makita niya ang pamumula ng pulso ko.
"Bullsht." Garalgal na bulong niya, mariin niyang ipinikit ang mata niya bago niya ako titigan ulit.
"I'm sorry baby, excited lang ako na maging model ka."
Yun lang at nauna na siyang maglakad.
"Go!!" Hiyaw nila Jade sa akin, tumango na lang ako at sumunod kay Kyle.
Naiilang ako dahil hindi manlang ngumingiti si Kyle, basta basta lang siya kumukuha ng picture sa akin, ni hindi manlang niya ako sinasabihan na magbago ng pwesto.
"Hindi ba ako magbabago ng pwesto?" Halos manuyo ang lalamunan ko ng magsalita ako, umiling siya.
"No need. Magpakatotoo ka lang ayos na." Malamig na sabi niya, para akong tinamaan sa sinabi niya... Para bang sinasadya niya iyon.
"Pero hindi naman ganito ang ginagawa ng mga model mo di ba?" Tanong ko pa ulit, ibinaba niya ang camera niya na nakasabit sa leeg niya, bagay na bagay talaga sakanya ito... Ang gwapo niya pa rin kahit na hindi niya ako nginingitian, gusto ko siyang halikan at yakapin... Gusto kong maramdaman ang bisig niya... Miss na miss ko na talaga siya.
Lumapit siya sa akin at halos magtayuan ang balahibo ko ng dumapo ang mainit niyang palad sa tiyan ko, humaplos iyon hanggang pababa ng puson ko, at napapikit ako ng humawak ang isang kamay niya sa likod ko para patunguhin ako ng kaunti.
"Sigurado ka gagawin mo ang ginagawa ng mga model ko?" Bulong niya sa tenga ko, ang init ng hininga niya kaya nalalasing ako.
"O-oo..." Nauutal na sagot ko, hinapit niya ang bewang ko at ang isang kamay ko! Inilagay niya ang kanang kamay ko sa bewang ko para magpose, at ang kaliwa naman ay sa ulo... Napasinghap ako ng humaplos nanaman ang kamay niya sa tiyan ko parang ginawan niya ng posisyon ang bewang ko ng pa-S shape.
"Let's see kung hanggang saan ang kaya mo." Pagbabanta niya at naramdaman ko ang pagdampi ng mainit niyang labi sa leeg ko bago siya lumayo sa akin.
Itinapat na ulit niya ang camera niya sa mata niya, nanginginig ang kamay ko at tuhod ko dahil sa kaba... Sunod sunod na napaglunok ang ginawa ko pero parang nanunuyo pa rin ang lalamunan ko.
"Play with your hands, try different positions around your head." Seryosong sabi niya, lumunok muna ako bago ko sinunod ang gusto niya, kahit naiilang ako pilit akong gumawa ng pose gamit ang kamay ko at ang pagpilantik ng ulo ko.
Hindi siya nagpapakita ng kung ano mang emosyon habang kinukuhanan niya ako, sobrang seryoso lang ng mukha niya.
"Lay down." Anunsyo niya...
"Ha?" Kinakabahang tanong ko!
"Humiga ka sa tubig." Seryosong sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa camera niya, tinitignan niya yata ang mga kuha niya. Napatingin siya sa akin ng mapansin niyang hindi pa rin ako kumikilos.
"What? I said lay down!" Para akong natataranta na humiga sa tubig, nasa pangpang lang naman kami kaya naman sakto lang ang abot ng tubig sa katawan ko, nagtayuan ang balahibo ko dahil sobrang lamig ng tubig, pero nasisilaw ako sa sinag ng araw.
Nagsimula siyang kumuha ng kumuha ng picture sa paligid ko, halos hugutin ko ang paghinga ko sa tuwing mapapalapit siya sa akin! Sandali niyang ibinaba ang camera niya at pinagtama ang mata naming dalawa, nanginginig ang mga mata niya, hinawakan niya ang ulo ko at iniba ng position.
"Look at the camera." Utos niya, tinitigan ko ang camera niya, pakiramdam ko hinihila ako ng mga mata niya mula sa likod ng camera...Bawat kilos niya mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko na alam kung paano ko ginawa pero kusang gumawa ng sariling pose ang katawan ko, umupo ako at ibinaon ko ang kamay ko sa tubig sa likod ko at tumingala ako sa langit, narinig kong nagmura siya pero kalmado pa rin siyang kinukuhanan ako, tinignan ko ulit siya... This time napansin ko na ang pagkabalisa niya...
"Last shot..." Garalgal na sabi niya, at pagkatapos iniwan na niya ako sa tubig... Kaagad akong tumayo at hinabol siya!
"KYLE!!" Sigaw ko, tumigil siya pero hindi niya ako nililingon.
"What?"
"I...I'm sorry..." Bulong ko... Narinig ko ang pagngisi niya, humarap siya sa akin... Natakot ako ng makita ko ang sakit sa mga mata niya.
Magsasalita na sana ako pero nakita ko ang paghila ni Jade kay Marie mula sa malayo.
"Sorry saan?" Natauhan ako ng magsalita siya, pero napakunot ang noo ko ng biglang sumulpot si Tom kela Jade at binuhat na parang sako ng bigas si Marie at dinala sa malayo.
"Langya talaga!Magbihis ka na!!" Nagulat ako sa sigaw sa akin ni Kyle! Hinila niya ako papunta sa hotel!
Nakapagpalit na ako ng damit, hinihintay niya ako sa labas ng kwarto. Ayaw niyang pumasok dahil baka kung ano daw ang magawa niya sa akin. Hindi ko alam kung mabuti ba yon o masama... Pagkalabas ko ng kwarto kasama na niya si Jade at Jelly, nakita ko nanaman ang nanlalamig na titig niya sa akin... Hindi na siya ang dating Kyle na nakilala ko, pakiramdam ko alam na rin niya dahil sa mga ikinikilos niya.
Kumakain na kami ngayon dito sa seafoods restaurant ng hotel.
"Grabe ang sarap talagang magmahal di ba Jelly?" Biglang bungad ni Jade.
"Sobra! Para kang lumulutang." Parang nagde-day dream pa si Jelly ng sinabi iyon...
Pero halos manikip ang puso ko ng si Kyle na ang nagsalita...
"Masarap magmahal, pero mamamatay ka naman sa sakit kapag ginago ka."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top