Chapter 26

Chapter 26


KYLE'S P.O.V

"Hahaha! Sinasabi mo bang may kakambal si Kei?" Natatawang tanong sa akin ni Felix. Binato ko naman siya ng papel na hawak ko. Sira 'tong tomboy na 'to. Psh.

"Baliw. Kambal ka jan. Nag-iisa lang si Kei." Sabi ko saka tinalikuran ko na siya. Minsan talaga walang kwenta kausap 'tong tibo na 'to eh.

Sumunod naman siya sa office ko pagkasabi niya sa mga model na break muna.

"Biro lang Kyle. Sabi mo kasi hindi siya si Kei." Nakangiting sabi niya at umupo siya sa tapat ng lamesa ko.

"Siya si Kei. Basta." Naiinis na sabi ko. Ang gulo.

Napansin ko rin na hindi na ako tinatawag ni Kei sa pangalan ko. Takte, nami-miss ko na yung pagtawag niya sa akin ng 'Kyle'. Malambing yung boses niya sa tuwing tatawagin niya ako.

"Lunch muna tayo!" Aniya.

Tumayo na kami at lumabas muna kami ng studio. Napag-usapan namin na sa mall mag-lunch para maiba naman. Tinatawagan ko pa rin si Kei pero patay yung cellphone niya.
"Anong sa'yo, Kyle?" Tanong ni Felix.

"Kahit ano, tibo!" Pang-aasar ko.

"Lul! Hindi ako tomboy." Naiiritang sabi niya. Tinawanan ko lang siya.

Tumalikod na muna ako para tawagan nang tawagan ang patay na cellphone ng girlfriend kong malabo. Aish.

Napakunot ang noo ko nang makita ko siyang naglalakad habang tulak-tulak ang isang cart, may laman na kahon 'yon.

Mabilis akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa braso niya.

*

KEI'S P.O.V

Napalingon ako nang biglang may humila sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kyle.

"What are you doing here?" Nakakunot noong tanong niya.

"K-Kyle..." Nauutal na bulong ko. Kita ko sa mukha niya ang pagka-inis.

Sobrang seryoso ng mukha niya at nakatiim ang panga niya. Hinila niya yung push cart ko na may lamang electric fan. Kasabay non ang paghila niya sa kamay ko. Pumasok kami sa isang restaurant. Nakita ko pa si Felix na nakapila sa may cashier. Nginitian ako nito.

Padabog niyang hinila ang isang upuan at kahit maingat niya akong pinaupo ramdam kong galit siya sa akin.

Tumabi siya sa akin at pilit niya akong iniharap sa kanya.

"Now, sabihin mo sa akin kung ano bang nangyayari sa'yo? Naligo lang ako kanina sa unit ko, pagbalik ko sa unit mo wala ka na." Sermon niya sa akin. Tinignan ko lang ang gwapong mukha niya.

Natauhan ako nang tawagin niya ako.

"Kei!" Napalunok ako. Si Marie ang tinutukoy niya na umalis.

Hindi sila dapat mag-away.

"Ah... I'm sorry, Kyle." Bulong ko.

"Damn. Hindi mo ba alam kung gano ko na-miss ang pagtawag mo sa pangalan ko?" Naiinis na sigaw niya. Niyakap niya ako at isinubsob niya ang ulo ko sa balikat niya.

Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang yakap niya. Biglang tumulo yung luha ko. Pagdating kay Kyle ang babaw ng luha ko. Napansin niya yatang humikbi ako kaya dahan-dahan niya akong nilayo sa kanya.

Tinignan niyang mabuti ang mukha ko.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Pabulong na tanong niya. Umiling-iling ako. Pinunasan niya ang luha ko.

"Baby, aish, sorry. Sorry kung nasigawan kita. Promise hindi na mauulit." Natatarantang sabi niya at sunod-sunod na pinunasan ang luha ko gamit ang thumb niya.

"A-ayaw tumigil." Humihikbing sabi ko.

Nagulat ako nang itaas niya ang laylayan ng T-shirt niya at ipinahid yon sa mukha ko.

"Kyle..." Suway ko sa kanya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Wa-wala akong panyo baby." Bulong niya.

"Ihh. Makikita nila yung abs mo." Shit, kung ano anong sinasabi ko. Narinig kong tumawa siya ng mahina. Ibinaba niya ang T-shirt niya. Basa na 'yon dahil sa luha ko. Inilapit niya lalo ako sa kanya at hinalikan niya ang labi ko, kagaya ng dati, binasa niya lang ito.

"Okay, baby. Ikaw lang ang makakakita nito." Bulong niya at napasinghap ako nang ipasok niya ang kamay ko sa loob ng T-shirt niya. Ang tigas ng abs niya.

"Kyle naman." Miss na miss ko na talaga siya. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako.

Ngumisi siya at tinignan ako sa mata. Nilalamon na naman ako ng mga titig niya sa akin.

"Hindi ko alam baby, pero bakit na-miss kita?" Bulong niya nang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Ako rin Kyle, ako rin na-miss kita.

Niyakap niya ulit ako ng sobrang higpit, wala akong pakialam kahit pagtinginan kami dito sa restaurant.

"You are my Kei." Bulong niya. Ipinikit ko ang mata ko, sana nga Kyle. Sana nga ako na lang yung totoong Kei.

Yung malakas na pagtibok ng puso niya, na-miss kong marinig ang mga 'yon.

"I love you..." Bulong niya. Gumanti ako ng yakap sa kanya, yung sobrang higpit na yakap.

"Ehem!PDA lang? Hahaha!" Humiwalay ako kay Kyle nang marinig ko ang boses ni Felix. Inaayos na niya ngayon yung pagkain nilang dalawa ni Kyle.

"Istorbo ka talagang tomboy ka. Namiss ko lang siya." Naiiritang sabi ni Kyle.

"Tangina naman, hindi ako tomboy. Saka ano?! Na-miss? Magkasama lang kayo kagabi ah!" Ganti ni Felix.

"Hindi ba? Mukha ka kasing tomboy! Kahit palagi ko siyang kasama nami-miss ko pa rin siya. Di ba, baby?" Natatawang sabi ni Kyle. Umiling na lang si Felix.

Hinila ni Kyle yung pagkain niya, dun ko lang napansin na nagpa-extra rice si Felix.
"Para kay Kei yung isa ha!" Sigaw ni Felix.

"Alam ko." Sagot ni Kyle. Inilayo niya yung isang plato.

"Bakit mo nilayo kay Kei yung plato?!" Sigaw ni Felix sa kanya.

"H'wag kang makialam. Susubuan ko na lang, na-miss ko 'tong baby ko." Sabi ni Kyle habang nire-ready yung pagkain namin.

"Ang corny mo talaga! Mahiya ka naman!" Natatawang sabi ni Felix.


"Ayos lang. Di ba, baby?" Tanong ni Kyle saka kinindatan ako. Ngumiti na lang ako at tumango.

Nagulat ako nang biglang ilagay ni Kyle yung isang tissue sa ilong ko.

"Blow your nose, baby..." Nakangiting sabi ni Kyle ng hindi binibitawan ang ilong ko. Umiling ako.

"Come on. Nahihirapan ka nang huminga." Seryosong sabi niya.

"Ako na." Sabi ko.

"Isa baby." Suway niya. Tinignan ko si Felix na ngiting-ngiti sa aming dalawa. Napatingin naman si Kyle kay Felix.

"Aish! H'wag mo nga siyang tignan! Nahihiya." Naiiritang sabi ni Kyle kay Felix.

"Hahaha. Fine." Tumungo na si Felix.

Tinignan ko si Kyle na hawak hawak pa rin ang tissue sa ilong ko. Tinanguan niya ako. At kahit nahihiya ako, sinunod ko siya.

Pagkatapos itinapon niya yung tissue.

"Okay na? Hindi ka na nahihirapan?" Tanong niya. Tumango ako. Napapikit ako ng pisilin niya ang ilong ko.

"Namumula na yung ilong mo." Nakangiting sabi niya.

Nagsimula na kaming kumain. Sinusubuan naman ako ni Kyle. Pero nag-uusap silang dalawa ni Felix tungkol sa mga model nila, hindi na lang ako nakisali dahil mukhang importante. Nginingitian na lang ako ni Kyle tuwing sinusubuan niya ako ng pagkain. Feeling ko nagugutom pa rin ako. Dahil ba 'to sa pinagbubuntis ko?

Tinignan ko si Kyle na nakangiti habang kausap si Felix. Na-miss ko na ganito ako kalapit sa kanya. Pagkatapos nito, malayo na naman ako sa kanya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa parking. Napakagat ako sa labi ko dahil bitbit ni Kyle yung electric fan na binili ko.

"Para saan 'to baby? Di ba okay naman yung aircon sa kwarto mo?" Tanong niya.

"Ah... ano, regalo ko yan kay Jade!" Pagpapalusot ko. Napatango naman siya.

"Kela Jade ka ba pupunta? Ihahatid na kita..."

"Ah! Hindi na Kyle!" Tumigil siya paglalakad, at pinauna na niya sa sasakyan si Felix.

"Baby may tinatago ka ba sa akin?" Seryosong tanong niya. Bigla akong kinabahan. Oo Kyle, meron. Hindi ako si Kei na mahal mo.

"Ha? Wa-wala..."

"Kung ganon, ihahatid na kita. Ang bigat-bigat nitong dala mo." Sabi niya saka hinila na ang kamay ko.

Inilagay niya sa tabi ni Felix yung electric fan na binili ko tapos sumakay na ako sa passenger seat.

"Gusto ko sanang bisitahin sila Jade pero may tatapusin pa kasi ako sa studio." Malungkot na sabi niya.

"O-okay lang Kyle..."


Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan niya isa-isa ang daliri ko nang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Ipinikit ko ang mata ko. Lahat ng ginagawa niya nami-miss ko, lalong lalo na 'to.


Pagkadating namin sa tapat ng apartment nila Jade, alam ko na kaagad na walang tao, sigurado ako nasa trabaho sila.

Bumaba na si Kyle at kinuha yung electric fan, nagpaalam na ako kay Felix.

"Tawagan mo naman ako baby kapag may nangyari. Nag-aalala ako sa'yo." Sabi niya. Tumango na lang ako.


"Sige na, baka hinhintay ka na nila sa loob." Nakangiting sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya magpumilit pang pumasok siya sa loob.



Hinawakan ko ang pisngi niya.

"Mami-miss kita." Bulong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inilapit niya ako sa kanya. Siniil niya ako ng malalim na halik.

Sobrang na-miss ko ang halik niya. Ipinikit ko ang mata ko at tinugon ko 'yon. Nakakapanghina pa rin yung mga halik niya, pakiramdam ko lumulutang ako. Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayong hinahalikan niya ako.

"I miss you baby..." Bulong niya sa pagitan ng halik naming dalawa. Hindi ko na inisip ang sinasabi ni Felix ngayon sa loob ng sasakyan niya dahil nakikita niya kami ni Kyle. Ang importante sa akin ang oras na 'to.

Para akong nauubusan ng lakas. Sobrang tagal ng magkalapat ng labi naming dalawa na para bang ayaw na naming maghiwalay. Pero natigilan ako nang maisip kong hinahalikan niya rin ng ganito si Marie.

Gustong-gusto akong halikan ni Kyle, at alam kong nahalikan na rin niya si Marie ng ganito. Hinihingal ako ng humiwalay ako sa kanya. Nakaawang ang bibig niya.

"Papasok na ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.

"I'm sorry, baby. Nakalimutan ko na namang nasa kalsada tayo. Nakakaadik ka kasing halikan, nakakalasing." Bulong niya at sandali niya ulit hinalikan ang labi ko.

"Magkita tayo mamaya sa unit okay? Mahal kita." Napalunok ako, pero tumango ako bilang sagot.

Tumalikod na ako at nagdoorbell na ako kela Jade kahit walang tao dun. Kinawayan muna ako ni Kyle bago niya pinaandar ang sasakyan niya.

Nang masigurado ko ng wala na siya, mabilis akong pumara ng taxi at sumakay. Hinawakan ko ang labi ko.

"Hindi siya sayo, Kei." Bulong ko sa sarili ko.

*


MARIE'S P.O.V

"Opo." Malungkot na sabi ko pagkapasok ko ng unit ni Kei. Nagtataka ako dahil bukas ang pinto.

"Pilitin mo siya Marie, h'wag kang papayag na hindi siya babalik sa atin." Nag-aalalang sabi ni Mama.

"Opo, Ma, sige na ho." Pinatay ko na ang cellphone ko at tinago 'yon sa drawer ng side table ng kama.

Humiga kaagad ako sa kama ng kakambal ko. Kahit pala papano masarap mabuhay bilang siya. May mapagmahal at mabait na boyfriend.

Tutal naman ayaw niyang bumalik sa amin at hindi ko na rin siya mahagilap kung saang lupalop siya nandon e di ako na lang siya. Siya naman ang hinahanap ng lahat eh.

Siya ang hinahanap ni Mama, siya lahat. Tss. Natigilan ako nang marinig kong may nagsho-shower. Kei?

Pero bago palang ako sisilip sa CR biglang lumabas siya na nakatapis ng tuwalya.

"Ah! Shit! Bakit hindi ka nagsasalita na nandito ka na, baby?!" Sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mata ko dahil sa sa sa... abs!

Tumalikod siya at hinila yung damit sa may upuan. Napaupo ako sa kama.

Maya-maya lang lumabas na ulit siya. Nakadamit na siya at gulo-gulo yung buhok niya dahil sa pagpupunas niya. Amoy na amoy ko na bagong shave siya. Napapikit ako ng bigla niya akong ihiga sa kama at hinalikan sa labi.

"Hmm..."

Tumigil siya at tinignan niya ako sa mata, nasa ibabaw ko pa rin siya.

"Kumusta lakad mo? Sila Jade? Kumusta sila?" Napakunot ang noo ko, pero napapikit ako nang halikan niya ang leeg ko.

"Uhmm...Magsho-shower muna ako." Bulong ko. Dammit ni hindi ko alam ang pangalan niya pero naghahalikan kami, I better ask my twin sister.

"Saan ka nagpalit ng damit? Hiniram mo ba yan kela Jade? Ngayon ko lang 'yan nakita. Hindi ba sabi ko sayo h'wag kang magsusuot ng ganyan." Sino ba si Jade? Nagkita ba sila kanina ni Kei? Akala ko ba hiwalay na sila?

"Ahh...yes, hiniram ko... Natapunan kasi ako ng juice." Umuungol na bulong ko. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa hita ko.

Tumigil siya paghalik sa leeg ko pero yung kamay niya patuloy pa rin sa paghaplos sa hita ko. Nakakabaliw.

Tinignan niya ako sa mata.

"Sorry baby, alam kong ayaw mong lumalabas ako ng nakaganun mula sa CR. Akala ko kasi wala ka pa." Bulong niya. Umiling na lang ako. Ano? Ayaw ni Kei? Baliw ba siya? Kung ganung katawan naman ang makikita ko, why not, 'di ba?! E di ibig sabihin hindi pa nila ginagawa?

"O-okay lang, baby." Makiki-baby na lang muna ako since hindi ko alam ang pangalan niya. Nginitian niya ako at hinalikan niyang ulit ang labi ko. Kung nung una hindi ako makasabay sa mga halik niya, ngayon nasusundan ko na siya.

Napaungol ako nang dahan-dahan siyang gumalaw sa ibabaw ko. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit parang may kakaiba akong nararamdaman.


"I-I want more baby..." Bulong ko. Napatigil siya paghalik sa akin at tinignan niya ako sa mata. Napalunok ako sa pagkakakunot ng noo niya.

"What?" Kunot noong tanong niya.

"Ha?" Bigla akong kinabahan. Mahina kong sinampal ang pisngi niya.
"Joke." Pilit akong ngumiti sa kanya.

Umiling iling siya bago niya halikan ang noo ko. Humiga siya sa tabi ko at niyakap niya ako.

"Baby, mag-usap nga tayong dalawa." Seryoso ang boses niya.

"Uhm?" Yan lang ang naisagot ko dahil kinakabahan ako.

"Kanina. I, I mean ngayon, iba ka na namang humalik. Aish, don't get me wrong baby. Aish! Nevermind." Naiinis na bulong niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin, so nagkita nga sila ni Kei.

"Bakit? Mas masarap ba ngayon, baby?" Natatawang tanong ko, bigla siyang nagtaas ng tingin sa akin.

Mahina niyang hinampas ang bibig ko.

"Watch your words baby!" Galit na sigaw niya.

"I'm sorry." Naka-pout na sabi ko.

"Aish... Bukas punta tayo sa school natin. Nami-miss ko yung panahon na pinapanood lang kita. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama na kita ngayon." School? Magkaklase ba sila nung college?

Kinabukasan, maaga kaming gumising. Nakakainis nga eh inaantok pa ako.

Natigilan ako nang tumigil ang kotse niya sa isang pamilyar na school.

"Here we go." Nakangiting sabi niya. Naka-shades siya, ang gwapo lang tignan, pero napanguso ako nang tanggalin niya 'yon, gwapo pa rin naman.

Bumaba na kami at napatingin ako sa kanya ng yumakap siya mula sa likod ko. Hinawakan ko na lang ang kamay niya. Kakaiba siya.

"Dito sa school na 'to kita nakilala." Bulong niya. Napakunot ang noo ko, pero school 'to ng mga kinder?


Binasa ko ang pangalan ng school.

Bigla akong kinabahan, pero hindi dahil sa takot. Dito ako nag-kinder, pinakita sa akin ni Mama ang mga pictures ko nung bata pa ako at nakatuwaan ko yung picture ko nung kinder ako dahil sa ganda ng uniform ko at isa pa ang pangalan ng school na 'to ang nakasulat sa isang picture ko.

"Dito rin sa school na 'to pinangako ko sa sarili ko na hahanapin kita, at ikaw ang pakakasalan ko balang araw."

Iniharap niya ako sa kanya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

Tinignan ko siya.


"Kei, mahal na mahal kita." Napalunok ako, sobrang sincere ng mga mata niya at ng boses niya.

Pero natigilan ako. Bakit niya sinasabi ang mga ito sa akin? Dahil ako yung hinahanap niya?

"And I'm happy that I already found you baby..."

Napapikit ako nang halikan niya ang labi ko. Damn, si Kei ang inaakala niyang childhood crush niya!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top