Chapter 16
Chapter 16
KEI'S P.O.V
Nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Parang ang bigat pa ng mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. Actually, hindi ko na nga alam kung ano na ba talaga yung iniiyak ko, kung si Tine pa ba o yung pagmamahal sa akin ni Kyle. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala na mayroong lalaking katulad niya. Kadalasan kasi kapag ganyang nag-aaway ang mag-boyfriend, nagagalit pa lalo yung isa dahil sa paghihinala.
Pero si Kyle, iba siya. Inamin niya lahat kagabi kung anong meron sa kanila ni Tine, pati yung pagtatapat ni Tine kay Kyle kagabi sinabi niya sa akin.
Pinapatigil na nga niya ako kagabi pag-iyak pero hindi ko kasi mapigilan. Ewan ko parang simula nang maamin ko sa sarili ko na mahal ko siya parang ang babaw na ng luha ko.
Nakatulog na nga ako sa ibabaw niya, pero naramdaman kong binuhat niya ako at nilipat niya ako sa kama ko saka tinabihan ako. Natulog na naman kaming magkayakap at masaya ako dahil doon. Yung parang kuntento na kami sa ganito. Kahit na alam kong hindi sanay si Kyle sa girlfriend na katulad ko na hindi nakikipag-sex sa kanya.
Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa CR para mag-toothbrush at maghilamos. Pagkatapos nagsuklay ako ng kaunti at lumabas na ako ng kwarto.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong nagva-vacuum siya!
"A-anong—"
"Good morning, wifey!" Nanlaki ang mata ko. Wifey naman ngayon?
Inilibot ko yung mata ko sa buong unit at napansin kong nagkikintaban ang mga gamit ko.
"KYLE!" sigaw ko dahil ang ingay nung vacuum.
Pinatay niya yung vacuum at lumapit siya sa akin. Hinalikan niya ang noo ko. Pawis na pawis siya. Nakasando lang siyang kulay gray at naka-shorts. Ang aga-aga bakat na bakat yung katawan niya sa sando. Medyo basa na rin yung sando niya dahil sa pawis, tapos yung buhok niya gulo-gulo.
"Bakit ka naglilinis?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.
"Eh kasi naman po ang kalat ng unit mo. Puro trabaho ka kasi. Wala ka pang pasok ngayon di ba?" sabi niya, at tumango ako. Wala pa akong pasok ngayon kasi ngayon pa lang dapat ang balik namin galing sa outing.
Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano. Dahil ang totoo ay tamad akong maglinis kahit day off. Mas pinipili ko kasing matulog.
"Good, sama ka sa studio ko," sabi niya.
"Ha?"
"Dadalhin kita sa mundo ko," sniya saka kinindatan ako.
"Kyle naman..."
"Biro lang. Gusto ko lang makita mo kung ano yung mga hilig ko. Photography, ikaw ang subject ko ngayon." Napanganga ako. Subject? Gagawin niya akong model?! Nanlaki ang mata ko nang dumampi yung basang labi niya sa labi ko.
"Nakanganga ka na naman," natatawang sabi niya. Itinikom ko ang bibig ko at tinakpan 'yon ng kamay ko. Kumunot ang noo niya.
"Daya. Share naman jan." Para siyang batang may hinihinging kung ano sa akin.
"Share?" Pagtataka ko habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig ko.
"Mag-share ka naman ng laway." Ayan nanaman siya sa share share na 'yan!
Umiling iling ako at tumakbo papuntang kusina. Nanlaki na naman ang mata ko dahil may nakahanda nang breakfast! Hindi ba dapat ako ang gumagawa ng mga 'to?
Bigla niya akong niyakap mula sa likod. Itinungo niya ang baba niya sa balikat ko, at kahit pawis siya ay napakabango pa rin niya.
"Peace offering para sa pinakamamahal kong girlfriend." Nag-init ang mukha ko dahil sa paglalambing niya.
"Kulang pa nga 'yan dahil sa pagpapaiyak ko sayo kagabi. Sorry ulit. Hindi na mauulit promise."
Napangiti ako. Kung tatanungin siguro ako kung perfect boyfriend ba si Kyle, siguro ay mapapa-oo kaagad ako. Sino ba namang lalaki ang susuyo ng ganito sa girlfriend nila pagkatapos ng iyakan?
Humarap ako sa kanya at ikinulong ko ng dalawang kamay ko ang magkabilang pisngi niya. Mukhang nagulat pa siya sa inasta ko dahil sa reaction niya. Nginitian ko siya at tinitigan ko ang magandang mata niya.
"You're my perfect boyfriend, Kyle Briones Cando! At handa akong makipag-away kahit kanino, h'wag ka lang mawala sa akin. Kagaya nang sinasabi mo palagi. Akin ka, Kyle. Akin ka lang," nakangiting sabi ko at hinalikan ko ang labi niya. Para naman siyang nagulat sa ginawa ko, pero napangiti ako nang tugunin niya ang halik ko habang nakangiti siya.
Pagkahiwalay ng labi naming dalawa, hinapit niya ang bewang ko. Nakangiti pa rin siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.
"Ang swerte ko naman ngayon. Biruin mo nagluto lang ako ng breakfast at naglinis, may isang masarap na halik na agad akong reward," natatawang sabi niya saka pinisil ang ilong ko.
"I love you, Kei."
"I love you." Ngiti ko na mas nagpaliwanag sa mga mata niya.
Pagkatapos naming mag-breakfast, bumalik muna siya sa unit niya para maligo.
Nakasuot na ako ngayon ng emerald green na dress at flat shoes. Dala ko na rin ang shoulder bag ko. Maya-maya lang may nag-doorbell na. Binuksan ko agad 'yon at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Kyle.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri niya ang suot ko.
"O-okay lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Ngumiti siya at tumango.
"You look so perfect," pambobola niya saka hinila na niya ako palabas.
Pagkarating namin sa parking lot, sumakay na kaagad kami ng kotse niya.
"Pinalitan ko yung code ng unit ko, birthday mo na," sabi niya habang inilalabas yung kotse niya sa parking lot.
"Bakit pinalitan mo?"
"Ano ka ba? Girlfriend na kita, so gusto ko lahat ng tungkol sa akin alam mo," seryosong sabi niya at sa wakas nakalabas na rin kami ng parking lot.
Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang birthday ko dahil dalawang birthday ko na rin naman ang napuntahan niya sa unit ko. Hindi ko naman siya ini-invite noon eh, siya yung nag iinvite sa sarili niya! Narinig niya daw sa mga inimbitahan ko na birthday ko kaya simula n'on tinandaan na niya.
"Edi, 0218?" tanong ko sa kanya.
"Ah! Pati pala yung date nung isang araw! Bali, 021828." Nakangiting sabi niya. 28? Ah, November 28. Natigilan ako, November 28 naging kami? Wow. Nakakatuwa talagang tinandaan niya.
"Alam mo bang ka-birthday mo si Love?" Muntik na namang mapakunot ang noo ko pero naalala kong Love ang tawag niya sa Mama niya.
"Talaga?!" excited na tanong ko. Tumango tango siya.
"Kaya nga pagkatapos kong magpunta sa birthday ni Love, sa'yo naman ako dumidiretso," sabi niya. Natutuwa ako sa pagmamahal niya sa mga magulang niya.
*
Pagdating namin sa building ng studio, napanganga naman ako pero kaagad ko ring itinikom ang bibig ko. Hindi ko akalain na ang laki pala ng studio niya! Actually, isang building talaga siya at kilala siya nung guard. Haler, Kei, sarili nga niya 'yan, di ba? Kaya nga nakaukit sa building nito 'KC Photography Studio'. Akala mo simple lang pero bigatin yung mga model nila. May mga artista din. Minsan naman sila rin yung nagha-handle ng mga kasal at debut or event ng mga artista at malalaking personalidad para sa photoshoot.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang yung kaliwang kamay niya hawak naman ang camera niya.
Pumasok na kami at halos lahat sila nakatingin sa akin. Binabati rin nila si Kyle, konti na lang iisipin ko hindi studio 'tong pinasukan namin! Company 'to! Hay.
Nahagip ng mata ko ang isang malaking picture ng Mama at Papa ni Kyle nung mga dalaga at binata pa ang mga 'to. Grabe lang yung lahi nila Kyle, nakakainggit.
"Sir Kyle!" sigaw ng isang babae na nagmamadaling lumabas ng office niya. Tumigil kami ni Kyle.
"Oh, Mae? May bagong model na ba?" tanong ni Kyle.
"Yes, Sir, actually artista rin ang bagong model natin! Si Vera, pumirma siya ng kontrata for 3 years!" masayang balita nito. Mukha namang naging maganda 'yon sa pandinig ni Kyle.
"Good job, Mae! Nasaan pala si Felix?" tanong ni Kyle.
"Ah nasa Studio 8 Sir, may photoshoot siya ngayon sa mga bata," sabi nung babae. Tumango si Kyle at tumalikod na kami. Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 3rd floor.
"Ang laki pala nito?" untag ko.
"Tinulungan ako nila Dad para mangyari lahat ng 'to. Kung hindi rin dahil sa kanila, wala 'to," kwento niya.
Maya-maya lang dumating na rin kami sa Studio 8. Ang daming bata at kanya-kanyang pose sila!
"Okay, kids, another one!" masayang sigaw ng photographer. Nagulat pa ako dahil yung Felix na sinasabi ni Kyle ay babae pala!
"Sinong na-miss niyo?!"
Napatingin ako nang sumigaw si Kyle. Natigilan lahat ng bata at nakita ko ang excitement sa mga mukha nila.
"KUYA KYLE!!!" sigaw ng mga bata at napahiwalay ako kay Kyle nang magtakbuhan ang mga 'to sa kanya. Kanya-kanyang yakap sila kay Kyle. Umupo siya para makapantay niya ang mga 'to.
"Kuya Kyle! Na-miss ka namin!"
"Na-miss ko rin kayo! Nag-aaral ba kayong mabuti? Baka puro model lang ang inaatupag niyo?" Napansin kong sobrang saya ni Kyle habang kinakausap niya ang mga 'to, hinihila-hila niya pa yung pisngi nung isang matabang bata. Ang cute.
"Yes, Kuya Kyle! Kuya, kuya! Malapit na birthday ko, gusto ko ikaw ang photographer ko ha!" sigaw ng isang batang babae.
"Sure, Sam, ako ang bahala!" masayang sagot niya.
Napansin kong bumulong si Kyle sa mga bata. Naglapitan sa kanya ang mga 'to at narinig kong naghagikhikan sila.
"Where is she?!" Nanlaki ang mata ko nang sumigaw ang isang bata.
Lumingon si Kyle sa akin at kinindatan ako. Tinuro niya ako sa mga bata. May mga lumapit din sa akin. Binuhat naman ni Kyle yung isang batang pinaglalaruan niya ang pisngi kanina.
"Kids, siya si Ate Kei niyo! Ang babaeng pakakasalan ni Kuya Kyle. Ang ganda niya, 'di ba?" nakangiting sabi ni Kyle.
Napatawa na lang ako sa mga bata dahil sunod-sunod silang humila sa akin. Hindi ko na rin alam kung sino ang uunahin kong kausapin. Sa araw na 'to, may nalaman ako tungkol kay Kyle—mahilig siya sa bata at mabait siya sa mga ito. Naisip ko tuloy, paano kaya kung magkakaanak kaming dalawa? Siguro sobrang bait na niya lalo.
Mga isang oras din kami nakipaglaro sa mga bata, lumabas muna saglit si Kyle para maihatid ang mga 'to sa ibaba.
Tinitignan ko ngayon yung mga nakasabit na pictures ng mga bata dito sa Studio 8.
"Hi!" Napalingon ako nang may bumati sa akin si Felix. Babae siya at maikli ang buhok niya, magka-height lang kaming dalawa at medyo maputi siya. Ang aliwalas ng mukha niya. Ngumiti ako.
"Hello," bati ko.
"Ikaw pala si Kei? Madalas ka kasing ikwento ni Kyle sa akin. Ay nga pala bago ko makalimutan, bestfriend ako ni Kyle simula high school pa," kwento ni Felix.
"Wow, matagal na pala kayong magkakilala," sambit ko.
Tumango siya. Naglakad-lakad pa kaming dalawa para makita ko yung mga picture. Ang daming bata. Naisip ko tuloy itong Studio 8 para lang sa mga bata.
"Mahilig ba talaga si Kyle sa mga bata?" tanong ko.
"Hmm, oo. Tumutulong din siya sa mga batang may sakit sa puso, minsan naman kami mismo ang pumupunta sa mga event para pasayahin sila." Napatingin ako kay Felix saka nginitian ko pa siya lalo.
"So-sorry, pero pwedeng kwentuhan mo ako tungkol kay Kyle?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango. Ewan ko pero ang gaan ng loob ko sa kanya, parang kahit alam kong matagal na silang magkakilala ni Kyle hindi ako nakakaramdam ng selos sa kanya.
Nagkwento pa siya na hilig talaga ni Kyle ang photography at favorite model nito ang buong pamilya nila.
Dun ko lang nalaman na nagmomodel din pala ang dalawang kapatid ni Kyle.
Marami pang naikwento sa akin si Felix gaya ng mga paborito ni Kyle. Pati pala yung mga naging ex-girlfriends ni Kyle na naghahabol sa kanya alam ni Felix.
"Si...si Tine kilala mo?" tanong ko, parang natigilan siya bigla.
"Si Tine? Ah...yes." Tumungo siya at parang may ayaw siyang sabihin sa akin.
"Mahal ni Tine si Kyle, 'di ba Felix?" Tumango -ango lang si Felix. Napansin ko kasing si Tine lang ang hindi niya ikinuwento sa akin.
Hindi ko alam pero kinakabahan kasi ako eh. Pilit kong hinuli ang mata ni Felix.
"Felix? May gusto ka bang sabihin sa akin?" Nanginginig yung boses ko pagsasalita.
"Ano ka ba? Wala noh. Saka wala na yun si Tine, nakaraan na si Tine," sabi ni Felix saka tumalikod at parang may tinitignan siya dun sa monitor kung saan may mga picture ng mga bata.
Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko nang maramdam ko yung bisig ni Kyle sa bewang ko.
"Nagkakilala na ba kayo?" tanong ni Kyle. Humarap si Felix at tumango.
"Good. Bestfriend ko siya. By the way, 'di ba sabi ko subject kita ngayon? Tara sa Studio 1," masayang sabi niya.
Tumango na lang ako. Nagpaalam kami kay Felix at pumunta na kami sa Studio 1. Itong studio na 'to puro pictures lang ng Mama niya at nung dalawang kapatid niya. Nakita ko naman kasi sila sa family picture. Yung Dad ni Kyle meron ding picture dito.
Tahimik pa rin ako hanggang ngayon kasi iniisip ko yung pagkabalisa ni Felix kanina.
"Okay lang ba sa'yo kung black yung background?" tanong niya. Tumango na lang ako.
Napansin kong kumunot ang noo niya. Tumungo ako at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin.
"May problema ba tayo?" seryosong tanong niya. Lumunok ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko itatanong.
"Kei..." untag niya.
"Kyle... si-sigurado ka bang sinabi mo sa akin lahat ng tungkol sa inyo ni Tine?" tanong ko. Napansin kong kumunot ang noo niya.
"Bakit?" tanong niya.
"Si... si Felix kasi parang may gusto siyang sabihin sa akin kanina tungkol kay Tine, pero parang natatakot siya."
Huminga siya ng malalim. Hinila niya ako at umupo siya, pinaupo niya naman ako sa hita niya.
"Wala na yun. Matagal na yun eh. Nakaraan na," bulong niya. Nakahawak lang siya sa bewang ko habang nakaupo ako sa kanya.
"Gusto ko pa rin malaman Kyle. Lahat."
"Baby... mata—"
"Wala akong pakialam, Kyle. Basta gusto kong malaman." Hindi ko alam kung bakit tumaas yung boses ko sa sobrang inis. Naiinis ako, kasi akala ko sinabi na niya lahat. Pero may hindi pa pala ako nalalaman.
Hinalikan niya ang balikat ko, bago siya nagsalita.
"Si Tine...m-muntik na kaming ikasal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top