Chapter 14
Chapter 14
KYLE'S P.O.V
"Mahal kita, Kyle."
Parang may nagwawala sa loob ng dibdib ko. Damn, alam kong matagal nang may nagwawala sa loob nito simula nang makita ko siya, pero ngayong sinasabi niyang mahal niya ako gusto nang lumabas ng puso ko! Hindi ako makahinga ng maayos. Iniisip ko kung totoo bang nangyayari ito o isa lang magandang panaginip?
Nakatitig lang siya sa mata ko, at umiiyak pa rin siya. Ano 'to? Tears of joy ba 'to? Kasi hindi ko kayang makitang umiiyak siya, doble ang sakit para sa akin.
"Woohoo! Kei hindi namin alam na ganyan ka kakeso!" sigaw ng isang kasamahan niyang lalaki.
"Huy, sumagot ka naman," humihikbing bulong niya. Kinuha ko yung mic sa kanya tapos tinapat ko sa bibig ko 'yon. Hinawakan ko yung kanang kamay niya at hinalikan iyon. Isa sa pinakagusto ko sa kanya yung kamay niya, ang liit kasi ng kamay niya. Kayang-kayang ikulong iyon ng kamay ko at alam kong hindi ko siya basta basta mabibitawan.
Kinantahan ko siya.
"Sampung mga daliri nawala ang lima, hinanap ko, hinanap ko, hawak ko pala."
Natatawa siya dahil sa kakornihan ko. Ewan ko, pero sa kanya lang talaga lumabas ang lahat ng kakornihan sa katawan ko.
"Kailangan ko pa bang sumagot Kei? Alam mo naman na siguro ang sagot ko. MAHAL. NA. MAHAL. KITA," I said, emphasizing those four words.
Nagsigawan na naman yung mga kasamahan niya, pinakamalakas ang sigaw sa kanila si Jade. Napapikit ako nang sa unang pagkakataon, si Kei ang unang yumakap sa akin.
"I love you, Kyle." Bakit 'pag sinasabi niya ang mga salitang 'yon, naiestatwa ako? Hindi ako makapaniwala.
"Say it again..." hiling ko sa kanya.
"I love you, Kyle!!" sigaw niya sa tenga ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sa sobrang kasiyahan!
*
KEI'S P.O.V
Hawak pa rin ni Kyle ang kamay ko. Nag-iinuman sila. Ayaw akong painumin ni Kyle, kaya tinitignan ko lang siya nakikipagkwentuhan siya sa ibang kasamahan ko. Pero hindi niya kinakausap si Tom. Napapangiti na lang ako.
Siya na ulit yung tatagay. Tinitigan ko siya. Medyo namumula na yung mukha niya. Napatingin ako sa Adam's apple niya nang inumin na niya yung nasa baso, at napalunok din ako nang makita ko kung paano gumalaw yung Adam's apple niya. Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya pagkatapos niyang uminom tumingin siya sa akin.
"Ang gwapo ko ba?" Napatawa ako nang malakas sa tanong niya. Ang lakas talaga ng apog nitong si Kyle.
"Kapal mo ha," natatawang sabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at napapitlag ako nang pumulupot yon sa bewang ko. Nagtayuan ang balahibo ko nang bumulong siya sa tenga ko.
"Tinitignan ka ni Tom," bulong niya. Napatingin ako kay Tom na agad din nag-iwas ng tingin sa akin.
"Nagseselos ka naman kay Tom," panunuya ko.
"No. Bakit ako magseselos, kung alam ko namang akin ka?" Sobrang saya ko sa tuwing sinasabi niya 'yon. Lord, thank you sa blessing na 'to. Thank you sa pagbigay sa akin ng isang Kyle Briones Cando.
Mga ala una na rin natapos yung inuman. Pinapatigil ko na nga si Kyle kanina pero nakakahiya naman daw sa mga kasamahan ko kung basta lang kami umalis. Bagsak na rin yung iba dun sa inuman dahil naubos na nila lahat ng alak.
Nandito na kami sa kwarto naming. Nakahiga na siya sa kama at nakapikit.
"Baby..." tawag niya.
"Ewan ko sa'yo, lasenggo ka." Hindi naman siya yung lasing na lasing may tama lang, pero mukhang alam pa niya yung sinasabi at ginagawa niya.
"Sorry na, matulog na tayo." Baliko na ang pananalita niya.
Nanatili akong nakahalukipkip habang pinagmamasdan ko siya sa kama. Iminulat niya ang kanyang mata saka dahan-dahang tumayo upang lumapit sa akin. Napalunok ako nang ikulong ng kanyang palad ang magkabilang pisngi ko. Halos hindi ko makayanan ang malalim na pagtitig sa akin ni Kyle kahit pa namumungay iyon dahil sa kalasingan.
"Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya, Kei. Alam mo bang gusto na lumabas ng puso ko kanina dahil sinabi mong mahal mo ako? Sigurado na akong hindi lang ito basta panaginip." Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanyang bibig. Ang gwapo pa rin niya kahit na natatabunan na siya ng kalasingan.
"Pahalik naman ako, baby." Para siyang bata na humihingi ng candy. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
"Okay ka lang, Kyle? Ilang beses mo na akong hinalikan nang walang permiso ko, tapos ngayon po naisipan magtanong." Nangingiting sambit ko dahilan para lumapad din ang pagngiti niya. Damn, ang gwapo niya talaga.
"Syempre ngayon kapag hinalikan kita alam kong mahal mo na ako, hindi mo lang tatanggapin yung halik ko dahil masarap akong humalik!" Nanlaki ang mata ko dahil sa panunukso niya sa akin.
"Kyle!" Itinulak ko siya nang marahan pero hinawakan naman niya ako sa bewang ko at napalunok ako nang magdikit ang katawan naming dalawa.
"Iba yung ligaya ko ngayon, Kei. Mahal na mahal talaga kita. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang saya." Mahina na ang kanyang boses dahil halatang antok na siya. Magsasalita pa sana ako ngunit napapikit ako nang siilin niya ako nang marahan na halik. Halos malasing ako sa sobrang sarap ng halik niya sa akin. Sinamahan pa ng lasang alak yung bibig niya.
Napakapit ako sa kanyang dibdib nang haplosin niya ang likod ko. Hindi ko alam kung paano niya ginawa pero parang kumakatok yung dila niya sa labi ko kaya naman dahan-dahan kong ibinuka ang bibig ko. Napaungol ako nang lakbayin niya yung buong bibig ko. Nakakabaliw sobra. Sa hindi ko malamang dahilan hinuli ko yung dila niya at kinagat ko 'yon saka sinipsip. Napaurong siya ng kaunti pero naramdaman kong mas lalong lumalim ang pagtaas baba ng kamay niya sa likod ko.
Inikot ako ni Kyle at hindi ko alam kung paano niya nagawa na maihiga ako sa kama. Mapusok ngunit marahan pa rin ang paghalik niya sa akin. Nakakahiya man pero may lumabas na ungol sa bibig ko nang maramdaman kong nakatusok sa gitna ko ang pagkalalaki niyang mukhang nagagalit sa akin.
"Kyle..." tawag ko sa pangalan niya sa pagitan ng halik naming dalawa, pero narinig ko lang siyang umungol bilang sagot sa pagtawag ko sa kanya.
Napasinghap ako nang maramdaman kong humaplos-haplos sa hita ko ang mainit niyang palad. "Kei..." Para siyang nahihirapan.
Tumigil siya sa paghalik sa akin at pareho kaming hinihingal.
"I'm sorry, baby, pero kung hindi pa ako titigil sa paghalik sayo baka kung saan pa 'to mapunta," nakangiting aniya at kahit pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko, nakuha ko pa ring tanggapin ang pagtitig niya sa akin. Inayos niya ang ilang strands ng buhok ko saka hinalikan ako sa noo.
"I love you, baby..." aniya. Lumunok ako kasi dama ko pa rin sa gitna ko yung matigas na nakatago sa pajama niya.
"I love you too," walang atubiling sagot ko, at nagliwanag na naman yung mukha niya. Humiga na siya sa tabi ko at hinila ako. Bumaba siya ng kaunti para makasiksik siya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko yung init ng paghinga niya sa leeg ko. Sandali niyang inilapat ang labi niya sa leeg ko.
"Ang bango mo talaga. Nakakaadik ka. Pero alam ko namang hindi ka pa handa. Kaya, handa akong maghintay... Mahal kita, Kei." 'Yun na ang huling sinabi niya at natulog na siya. Napapangiti ako sa kanya. Totoo ba 'to? Si Kyle Cando nagpipigil dahil sa akin? Dahil mahal niya ako? Ayokong sabihin, pero kinikilig kasi ako. Para akong teenager na kilig na kilig.
Kinabukasan nakaayos na lahat ng gamit namin ni Kyle, at hinihintay ko na lang siyang matapos maligo. Yung ibang kasamahan ko bukas pa raw uuwi, pero kami nila Jade ngayon na kasi gusto namin ipahinga 'tong araw na 'to.
Maya-maya lang lumabas na si Kyle. At napatakip ako ng mata ko nang makita kong nakatapis lang yung half body niya!
"What's the matter?" ngisi niya habang kinukuskos ang basa niyang buhok.
"Magbihis ka na!" sabi ko saka tumalikod.
Narinig kong ngumisi siya at parang nagmadaling magbihis. "Masasanay ka rin. Kapag asawa mo na ako, wala na dapat yang hiya-hiya mo, baby."
"Kyle, pwede ba?" ingit ko na mas lalong nagpatawa sa kanya. "Ta-tapos ka na?" tanong ko habang nakatalikod pa rin.
Pero hindi siya sumagot. Napasigaw ako nang bigla siyang yumakap sa likod ko. Pilit ko siyang nilingon at salamat naman dahil nakabihis na siya.
Napansin kong kumunot ang noo niya.
"Hey, I know that you're so damn sexy, baby, but you need to change your clothes bago tayo lumabas," seryoso ang boses niya.
Naningkit ang mga mata ko.
"Kailan ka pa nakialam sa mga damit ko, Kyle?" nakakunot-noong sabi ko.
"Bukod sa pagtwo-two piece mo kahapon, ngayon makikialam ulit ako. Lalo na at boyfriend mo na ako," seryoso ang boses niya kaya naman hinarap ko siya. Nakipagtitigan ako sa kanya pero hindi ko makayanan ang pagtitig niya.
"Fine!" Pagmamaktol ko saka kumuha ako ng damit doon sa aking bag at tumungo sa washroom.
Tumingin ako sa salamin. Naka-pants ako saka naka-sleeveless na pantaas na pa-v-neck ang style. At kahit inis na inis ako hinubad ko ang sleeveless ko at pinalitan iyon ng t-shirt.
Umaliwalas ang mukha ni Kyle nang makita niyang naka-T-shirt na ako ngayon. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.
"I know you're mad at me. But please, sana maintindihan mo kung bakit. 'Yan nga lang naka-T-shirt ka ang lakas na kaagad ng dating mo, paano pa kaya kapag nagpa-sexy ka? Baka mapaaway pa ako sa mga magpapantasya sa'yo," paliwanag niya na siyang nginusuan ko lang.
"Can I ask you something?"
"Sure," sagot niya sa akin at napapitlag ako nang halikan niya ang gilid ng labi ko sabay ngumiti. Ang bilis kong mawala sa sarili dahil sa mga kinikilos niya pero kaagad din akong nakabawi.
"I am not sure kung boyfriend ba ang mayroon ako ngayon, para kasing lolo kita kung pagsabihan mo ako."
Tinawanan niya lang ako habang inayos niya ang buhok ko. "Call me whatever you want, pero hindi mo ako madadala sa panunuya mo, baby," aniya saka muling pinasadahan ng halik ang labi ko dahilan para mapapikit ako dahil sa sarap.
Ayan na naman yung mga paa namin, patungo na naman sa kama. Huminto siya at sandali akong tinitigan.
"Mas mahirap magpigil kapag hindi ako lasing," ngisi niya na nagpalunok sa akin. "Pero kaya ko, just let me hear you moan bago tayo lumabas ng kwartong 'to."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako pero hindi ko nagawa iyon nang tanggalin niya ang ponytail ng buhok ko saka kinulong ng palad niya ang batok ko.
Hinalikan niya ang pisngi ko pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Bumaba ang labi niya patungo sa gilid ng leeg ko at para akong nawala sa ulirat nang magsimulang maglaro ang labi niya doon. Ipinikit ko ang aking mata at hindi ko napigilan ang pagkapit sa kanya nang sobrang higpit nang mag-iwan siya ng love bites doon sa leeg ko.
"Ahhh... Kyle..."
Nakakahiya! Biglang lumabas sa bibig ko 'yon nang parang makaramdam ako ng pag-iinit sa katawan dahil ginagawa niya.
"Thank you, baby," aniya nang matapos marinig ang pag-ungol ko. Pinagtagpo niya ang mata naming dalawa habang itinatakip niya sa leeg ko ang aking buhok. Hindi ko alam pero nanghihina ang tuhod ko dahil sa pagkilos niya.
*
"I just need to sleep a while then. Didiretso na ako diyan." Dinig kong sambit ni Kyle doon sa kausap niya. "Alright, thank you!" aniya saka ipanasak niyang muli sa bulsa ang cellphone. Kakauwi lang namin mula sa outing at kanina pa maraming tawag nang tawag sa kanya doon sa studio niya. "Work." Matipid na aniya, ngumiti ako.
"Naistorbo ko yata ang trabaho mo dahil sa team building namin," sambit ko. Ipinulupot niya ang kanyang braso sa bewang ko.
"That's fine. Saka isa pa, never kang naging istorbo sa araw ko," aniya. Mabilis kaming bumaba ng elevator nang bumukas iyon.
Nagngingitian pa kaming dalawa habang magkahawak kamay na naglalakad patungo sa unit niya. Pero napahinto ako nang biglang may yumakap sa kanya at napahiwalay ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Kyle! Help me!" humagulgol na sabi ng babaeng kasama niya noong nakaraan, sa pagkakaalala ko ay si Tine ito.
"Hey, what happened?"
Napatingin ako kay Kyle nang marinig ko ang pag-aalala sa tono niya. Hindi lang 'yon, yumakap din siya doon sa babae at parang inaalo niya ito.
Naninikip ang dibdib ko at kumikirot ito. Nagseselos na naman ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top