𝐔𝐍𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘
━━━━━━━━━
"Erica. Marso ngayon kaya mag-iingat ka."
Ito kaagad ang bungad sa akin ni Mama sa unang araw ng Marso.
Bakit? Sabihin na lang natin na may hindi magagandang bagay ang nangyayari sa akin tuwing sasapit ang unang araw ng buwan na 'to.
Kagaya last year, nahulog ako sa kanal at nabali ang kaliwang paa ko.
Isang Linggo'ng nakasemento ang paa ko dahil do'n. Hindi naman sa tat*nga-t*nga ako sa daan pero tuwing Marso na lang.
Malayo na sa coincidence 'yon.
Ewan ko lang kung anong mangyayari sa akin ngayon.
Ito ang unang araw ng face-to-face classes namin. Lahat excited, maliban sa 'kin.
Alerto ako sa lahat ng bagay lalo na pagdating ko ng school. Maganda naman ang naging umaga ko't nakikipagtawanan pa 'ko sa mga kaklase ko pagkapasok ko ng room.
Kaso nga lang, ito na nga ba sinasabi ko. Napasama yata ang pagtawa ko't bigla na lang pinasukan ng masamang hangin ang aking t'yan.
"Erica, okay ka lang?" tanong ng isa kong kaklase habang namimilipit ako sa sakit. Pakiramdam ko may hangin na gustong lumabas sa loob ng t'yan ko-- at ayokong pakawalan ito rito sa loob ng classroom.
It's a big no!
"Oo be, labas lang ako."
"Bakit?" tanong ulit n'ya.
Hindi ba p'wedeng lumabas na lang ako ng walang explanation? Gusto ko lang naman umutot sa labas.
Kung uutot ako rito baka 'di na 'to makapagsalita pa. Knockout na.
Hindi na 'ko tumugon at ngumiti na lang bago lumabas ng classroom. Hindi ko na rin kasi kayang magsalita. Pokus lang ako sa t'yan ko.
Kaso nang subukan kong pakawalan ang hangin... bakit parang may kasamang ano?
Mainit something.
Saka ko napagtanto na hindi lang ako nauutot. Natatae na rin.
Gagi.
Ang sakit nang tiyan ko. Dito pa talaga ako inabot sa school! Naghanap agad ako ng banyo kaso nagsisimula na yata ang kamalasan ko, wala akong makita!
Meroon isa kaso out-of-service.
Hindi nga ako mababalian ngayon, mamamatay naman yata ako sa hiya rito.
"Erica!" Lumingon agad ako sa tumawag sa akin at tamang nakita ko naman si Cris na papalapit. "Tara, magbible study?"
'Yung taeng-tae ka na tapos may nagyaya sa 'yo na magbible study? Gan'yan talaga siguro kapag maka-Diyos ang boyfriend mo.
"Later babe, naghahanap ako ng banyo. Ang sakit ng tiyan ko," tanggi ko.
Pero tinawanan lang ako ng mokong na 'to. "Palabiro ka talaga, halika na. Baka mawala pa ang sakit ng t'yan mo after nito--"
"Or mapatae na lang ako sa kalagitnaan ng pagbabasa mo," I interrupt. Lalagpasan ko na sana s'ya pero bigla ulit s'yang nagsalita.
"Sandali, Erica. Wala ka bang naaalala ngayong araw na 'to?" tanong n'ya.
Nagtaka naman ako. "Ano?"
"Seryoso? Nakalimutan mo?"
"Ang ano nga?"
"Hindi mo talaga maalala--"
"Naknangp*tcha Cris! Sabihin mo na lang! Malapit na 'tong lumabas!" I pissed. Paiyak na ako sa sakit pero s'ya naman pinagtitripan yata ako't panay ang pagtawa sa akin.
"Sorry, babe. Gusto ko lang sabihin na Anniversary natin ngayon," saad n'ya habang tumatawa saka hinawakan ang kamay kong nanlalamig na. "At gusto ko lang din paalala na ikaw ang takip-silim at bukang-liwayway ng buhay ko."
Gusto kong kiligin kaso 'yung sitwasyon ko. Sa tagal n'yang magsalita, nautot na ako dahilan kaya bigla siyang ihit ng tawa.
Mamatay naman ako sa hiya rito. "Siraulo ka! Natatae nga ako sabi!" mangiyak-ngiyak na saad ko.
"Okay-okay, may banyo ro'n." Tinuro niya ang bandang gilid namin at nakita kong p'wede ng gamitin 'yung CR. "Lakas no'n babe ah. Deadly."
"Shut up!" Tumakbo na ako papasok at iniwan siya.
After few minutes, naghihintay pa rin pala siya sa labas ng banyo pero may nakakalokong ngiti sa labi. Halatang nang-aasar.
"I don't want to hear any words from you," banta ko.
Pero hindi naman siya natakot or what sa halip, sinabi lang n'ya ito, "Naalala ko lang bigla na March nga pala ngayon. Hindi na ako magtaka kung bakit nagkakagan'yan ka," he said, "Minamalas ka man tuwing buwan ng Marso, ako naman sinuwerte." He reach my hand and kiss it gently. "Because I have you. I love you so March."
Napairap lang ako nang marinig ang line na 'yon. Ito ang joke na ginawa niya sa akin tuwing sasapit ang Marso. Akala yata niya nakakatawa 'yon.
"Corny mo," sabi ko, "Naalala ko lang bigla... hindi pa pala ako naghuhugas ng kamay--"
"Kadiri ka babe!"
"Joke! I love you too so MARCH!" hirit ko't ako naman ang natawa.
"Seryoso?"
"Amoyin mo--"
"Next time na lang babe." Pareho na kaming natawa sa mga kalokohan namin at sabay na rin naglakad paalis.
Minamalas man ako tuwing Marso, still, I found something special in this month. Because in March, I found the man who truly love me of who I am with pure intentions.
⊰᯽⊱┈──╌❊ - ❊╌──┈⊰᯽⊱
WAKAS
⊰᯽⊱┈──╌❊ - ❊╌──┈⊰᯽⊱
March 2023 Winner
Best in Book Cover
WRITE-A-THON-Challenge
Theme: I Love You so March
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top