iv.

MAYA

It's been a while since Rio and I broke up pero feeling ko kahapon lang nangyari. This is the second time he's saying goodbye. Only this time, it's permanent. Sabi niya, I deserve a better goodbye than the last time. Siguro nga, pero sobrang sakit.

Hindi na niya ako kayang mahalin ulit gaya ng dati. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ko naman siya pwedeng piliting mahalin ako.

I held his hand for the last time and hugged him so tight, I didn't even want to let go. Hiniling ko na lang na sana hindi na matapos ang araw na 'to.

Sana bawiin niya ang sinabi niyang aalis na siya at hindi na makikipagkita sakin ulit until I'm ready to face him again— when I'm finally over him.

Would that day ever come? It's too soon to say. Kasi ngayon, parang imposible.

Parang magtatagal pa.

Naglalakad na ako papunta sa nirerentahan kong apartment. Dumaan lang ako saglit kina Aling Tina para bumili ng afritada na pang-dinner namin mamaya.

Kinuha ko sa bag ang charm na binili ni Rio para sa akin. Tinitigan ko ito at napaluha na naman. Napakahirap niyang kalimutan. Lahat na kasi ng bagay nagpapaalala sa kanya.

Sobrang hirap bitawan ng isang bagay na nakasanayan mo ng kasama.

Itinikom ko ang palad ko na may hawak sa charm na iyon. Ipinatong ko ito sa may dibdib ko. "Salamat sa lahat, Rio. Pinapalaya na kita."

Nakarating na ako sa apartment namin. Nakita kong nakabukas na ang ilaw sa sala kaya alam kong dumating na siya galing med school. Kumatok ako at tinawag siya para hindi na ako maghanap ng susi sa bag ko.

Ilang saglit lang ay binuksan na niya ang pinto. Nagulat ako nung biglang tumambad sa harap ko ang napakaraming sunflowers.

Napatawa ako bahagya. Sobrang dami kasi nito na halos matakluban na ang mukha niya.

Humilig sa tabi si Marcus para makita ang mukha ko. "Belated happy birthday, baby! Sorry ulit, hindi ako nakauwi nung birthday mo. Ang dami ko pang nirereview. Sakit na sa ulo."

Tumabi siya para makapasok ako sa pinto. Tapos kinuha ko sa kanya ang mga sunflowers at hinilig sa braso ko. Inabot ko naman sa kanya ang bag ko at ang binili kong ulam kanina.

"Don't worry! This week, you have me all to yourself," sabi niya.

Tumawa ako at hinampas siya sa balikat. "Sira ulo!"

"Namiss mo ba ako? Namiss kita," he said and then he kissed me on the lips.

"Sobra. Mababaliw na nga ako eh. Ang tagal mo kasing umuwi!"

"Look." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahang itinulak papuntang lamesa. "Here. I prepared our dinner."

Napangiti ako.

I don't know what to say. I know cooking isn't his thing but seeing how hard he tries just to impress me, makes me tear up.

I'm lucky to have him here kahit na hindi ako 100% sure sa kanya noon. Inisip ko, hindi ko deserve 'tong pagmamahal na binibigay ni Marcus sa akin. Mas deserve niya ang ganong pagmamahal.

Just pure and precious.

Ngayon ko lang narealize na tama nga si Rio.

Ginagawa ko na din talaga ang ginawa niya sa akin dati. Kapag nasasaktan talaga tayo, nakakagawa na rin tayo ng mga padalos-dalos na desisyon.

Sobrang selfish ko! Ang sakit makita ng mga ngiti sa labi niya kasi alam kong masasaktan ko siya. Mapapawi ko ang mga ngiting 'yun pag nalaman niyang nagmamahal ako ng iba habang kami pa.

"Thank you, Marcus for all this. I am so blessed to have you in my life. Salamat kasi nandiyan ka palagi para sakin. Na-appreciate ko lahat ng ginawa mo."

Niyakap niya ako at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Lakas mo kaya sakin! Upo ka na. Lagay ko lang 'to doon sa sofa."

Kinuha niya ang bulaklak sa akin at dinala sa sala. Napangiti ako at naisip kung gaano ako kaswerte kay Marcus. Sana magawa ko na din siyang mahalin ng buo kagaya ng pagmamahal niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya nung hindi agad siya bumalik. Nakatalikod siya sa akin at parang naistatwa sa kinatatayuan niya.

"Baby, are you alright?" alalang tanong ko sa kanya.

Nung makalapit ako sa kanya, napahinto ako 'nung makita kong hawak na niya ang maliit na paper bag na naglalaman ng regalo sa akin ni Rio. May hawak siyang papel na itinago ko para sana basahin mamaya.

"Ano to?"

Napalunok ako. Gusto kong magpaliwanag pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Bakit sa ganitong paraan pa niya malalaman?

"Bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Marcus pagkaharap niya sa akin.

Hindi pa rin ako sumasagot. Parang ako naman ang na-istatwa sa kinatatayuan ko.

"Nagkita kayo ni Rio? Bakit hindi mo sinabi?"

Lalong tumulo ang luha sa mata ko. Para akong napipi. Wala akong maisagot sa kanya.

"Kaya ba hindi ka sumasagot kanina? Ilang beses kitang tinawagan at tinetext kasi pinaplano ko 'tong dinner natin tapos—"

Hindi niya kinayang ituloy ang sinasabi at napaupo na lamang sa sofa. Yumuko siya at itinakip ang palad sa mukha niya. Ramdam ko ang inis at galit sa kanya ngayon.

"Kelan pa 'to? Akala ko ba wala na kayo?"

"Matagal na kaming wala, Marcus."

"Yun na nga! At saka akala ko ba wala na kayong contact sa isa't isa? Eh ano 'to?" Itinapon niya sa sahig ang letter ni Rio at galit na tumingin sa akin. "Matagal na ba kayong nagkikita?"

"Oo. Pero—"

"Ah..." Napatawa siya. "So nagsinungaling ka? Wala ka kasing nababanggit sakin na magkaibigan na pala ulit kayo. Kaya pala sa tuwing magtatanong ako, umiiwas ka."

"I'm sorry. Ayoko lang namang isipin mo na—"

"Mahal mo pa ba siya?"

Nagulat ako sa tanong niya. Alam na niya. Ang tanga tanga ko! Sana hindi ako nagpadalos-dalos. Sana hindi ko na siya dinamay pa. I don't have any choice now, ayoko ng magsinungaling pa sa kanya.

"Oo," nanginginig kong sagot.

Hindi siya sumagot. Tanging ang malungkot na ekspresyon lang ang nababasa ko sa mukha niya. Hindi ko siya masisisi kung kamumuhian niya ako.

"Hindi ko sinasadyang saktan ka, Marcus." Lumapit ako at lumuhod sa harap niya. "Hindi ko alam na aabot tayo sa ganito. Aaminin ko, iniintay ko pa ring bumalik si Rio noong sinagot kita. Alam ko mali ako at pinagsisisihan ko na 'yon."

"May balak ka bang sabihin? O wala? Para kasing wala eh."

"Meron. Maniwala ka. Humahanap lang ako ng timing. I'm so sorry kung sa ganitong paraan mo nalaman. Hindi ko sinasadya."

"So all this time—" Halatang hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Umiiling-iling siya sa akin. "All this time.... hindi mo ako minahal?"

Parang nadurog ang puso ko pagkasabi niya no'n. Nakikita ko kasi ang sarili ko noon sa pwesto ni Marcus ngayon. Alam ko man ang pakiramdam, alam ko man kung gaano kasakit, pinili ko pa ring saktan siya. Pinili ko pa ring tumulad kay Rio.

Napakasama kong tao. Sana hindi ko na lang siya dinamay. Sana hindi kami parehong nasasaktan ngayon.

"Ano yung mga pinakita mo sakin? Peke lang ba lahat ng iyon, Maya?"

Sinapo niya ang palad sa kanyang noo pataas sa buhok niya. Mapait lamang siyang ngumiti sa akin.

"Akala ko masaya ka sa akin. Tangina! Ipinagyayabang ko pa nga sa mga kaibigan ko na girlfriend na kita. Tapos hindi mo pala ako mahal?" Natatawa niyang sabi. "Nagmukha akong tanga!"

"No. You're a wonderful guy, Marcus," sabi ko. "Hindi ka mahirap mahalin. And I care for you a lot, believe me. Nagkamali lang talaga ako nung sinagot kita kaagad habang may mahal pa akong iba."

Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya pero inilayo lang niya ito. Bumilis na rin ang paghinga niya na parang konting-konti na lang, sasabog na siya.

"Ngayon alam ko na kung bakit. Akala ko nasa akin ang mali. Nararamdaman ko kasing lumalayo ka na sakin... na parang hindi ka na interesado. Akala ko pa nga dahil naging busy na ako at nawawalan ng oras sa'yo. Yun pala, iniintay mo lang siyang bumalik."

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, sana hindi ko na siya sinagot hangga't hindi pa ako nakakalimot kay Rio. Sana hindi muna ako pumasok sa buhay niya hangga't hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. E'di sana hindi ko siya nasasaktan ngayon.

Nakita kong nangingilid na ang luha sa mata niya. Hinawi niya ang buhok ko at malungkot akong tiningnan. Sobrang sakit na makita siyang ganito.

Ito ang unang beses na makita ko siyang mahina.

"Sana nagpakatotoo ka na lang sa simula. Hahayaan naman kita kung saan ka masaya eh. Hindi naman kita pipilitin," halos bulong niyang sabi sa akin.

Isa-isa na namang nag-unahan ang luha sa mata ko. Pagtingin ko sa kanya, umiiyak na din siya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi niya ako itinaboy. Walang nagsasalita sa amin. Tanging hikbi lang ang maririnig sa aming dalawa.

Lumipas ang ilang minuto, naramdaman ko na lang na kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ito. Tinitigan niya muna ako ng matagal bago magsalita muli.

"Ang sakit lang kasi, Maya. Akala ko nasa akin ang puso mo. Akala ko akin ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top