ii.

MAYA

"Sensya na talaga. Naipit sa traffic e— ta's umulan pa. Badtrip," sabi niya sabay punas sa suot niya.

Napansin kong nabasa ang ulo at damit niya dahil sa biglaang lakas ng ulan. Kahit kailan talaga hindi na nagtanda itong si Rio na magdala ng payong.

"Ayos lang. Kakarating ko lang rin," sagot ko naman habang kumukuha ng panyo sa bag ko.

Pagkaupo niya sa harapan ko, pinahiran ko kaagad ang medyo basa niyang buhok. Nakita ko namang nakatitig lang siya sakin kaya napahinto ako.

Bigla na lamang akong kinabahan nang hawakan niya ang aking kamay at kinuha ang panyo ko.

"Ako na," ilang niyang tugon sa akin. "Ayos lang."

Tipid na lang akong ngumiti. Umorder na kami pagkatapos at nagkwentuhan tungkol sa binubuo niyang banda. Matagal rin ang aming hinintay bago dumating ang order namin dahil sa dami ng tao.

"Sobrang talented talaga o!" Masigla kong puri sa kanya. "Sumasayaw na nga, kumakanta pa! 'Pag kinasal ako, ikaw kakanta ha?!"

"Sige ba. Bakit? Kelan ba balak?"

"Biro lang!" Napainom tuloy ako ng tubig. "Wala pa sa isip ko 'yan. Career muna."

"O—teka," sabi niya na parang may naalala.

Binuksan niya ang dalang bag at may kinuha roon. Pagkatapos ay lumingon siya muli sa akin at iniabot ang isang maliit na paper bag.

"Belated birthday gift ko. Akala mo wala 'no?"

I gave him a smile. "Loko. Syempre inasahan ko na meron. Love mo 'ko eh!"

Pagkakuha ko ng kanyang regalo ay bigla niya akong pinisil sa pisngi kagaya ng palagi niyang ginagawa.

"Ano— kababuyan 'to no?" pagbiro ko ulit sa kanya.

"Wholesome 'yan. Wag ka!"

Sa loob ng paper bag ay may isang maliit na box ng jewellery. Pagbukas ko roon ay nakita ko ang isang bracelet charm na may heart shape at nurse's cap sa itaas. Matamis akong napangiti.

"I love it. Thank you."

"Ikaw pa. Lakas ka sakin e."

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami saglit sa mall para samahan siyang tumingin ng gitara.

Nakakatuwa siyang panoorin kasi kitang-kita sa mata niya kung gaano niya kamahal ang pagkanta at pagtugtog. Simula no'ng nagbreak kami, ilang beses pa lang akong nakakapunta sa bar na kinakantahan nila tuwing gabi.

Nakita ko kung paano humanga ang mga tao sa kanila lalo na sa kanya. Namimiss ko tuloy yung mga gabing kinakantahan niya ako. Dati, ako ang kauna-unahang nakakarinig ng mga sinulat niyang kanta. Pakakantahin ko lang sa kanya ng paulit-ulit hanggang sa makatulog ako.

"Okay ka lang?"

Bumalik ako sa realidad nang makita kong kinakaway niya ang isang kamay sa harap ko.

"O sorry— nakapili ka na agad?"

Ngumiti lamang siya at pinakita ang dalang gitara sa likod niya. "Tara saan mo gusto?"

Napakapa ako sa bulsa ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nang makita ko kung sino 'yong tumatawag ay itinago ko na lang muna ito sa bag ko.

"Ikot lang tayo. Teka, nood kaya tayo ng sine? Baka may magandang palabas?"

Napatingin siya sa akin sabay tango. "Sige ba. Dahil birthday mo, pagbibigyan kita ngayong araw. Ngayon lang ha!"

Hinayaan niya akong pumili ng papanoorin at kakainin namin. Habang nanonood kami, ipinahiram niya muna sa akin ang suot niyang jacket no'ng nakita niyang nilalamig ako.

Bigla ko tuloy naalala 'yong mga panahong kami pa. Malimit lang kaming manood ng sine. Either sa bahay niya or sa akin kami nagm-movie marathon. Bumibili na lang kami ng popcorn and drinks tapos magkayakap lang kami magdamag. Mapacomedy, romance, horror or action man 'yan. It was one of my favourite memories with him.

Sobrang nakakamiss. Obviously, hindi na namin ulit 'yon magagawa.

Pagkatapos ng sine, dumiretso kami sa park na palagi rin naming pinupuntahan noon. Mabuti nga na pumayag siya. Hindi naman siya mukhang affected. Ako na lang naman kasi talaga ang hindi pa nakakamove-on sa aming dalawa.

"Rio, pwede bang magtanong?"

Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa may bench malapit sa may puno. Pinapanood lang ang ilang mga couple na nagpi-picnic malapit sa amin.

"Anong nangyari sa atin?"

Naramdaman kong lumingon siya sa akin matapos ko iyong itanong. "Maya, akala ko ba hindi na natin pag-uusapan 'to?"

"Alam ko, pero curious lang naman ako. Minahal mo ba talaga ako no'ng naging tayo?"

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Bakit mo naman iisiping hindi?"

This time tumingin na ako sa kanya. Ilang segundo pa ang aking pinalipas bago siya sinagot. "Kasi ang bilis mo akong sinukuan."

Kita ko ang lungkot at guilt sa mga mata niya pero hindi pa rin siya sumasagot. Nakikinig lamang siya at hinayaan akong magsalita.

"Napasaya man lang ba kita no'ng naging tayo? Kasi ako.... sobra mo akong napasaya. Kahit hanggang ngayong wala na tayo, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit ako masaya."

Bahagya akong napalunok. "Aaminin ko nasasaktan pa rin ako dahil nakipaghiwalay ka sakin. I know sobrang tagal na pero hindi kasi mawala sa isip ko kung anong nagawa ko? Nakakapagod ba talaga akong mahalin? Sobra na ba kitang nasakal noon—"

Hinawakan niya ang kamay ko at umiling. "Minahal kita, Maya. Tandaan mo 'yan. Minahal kita."

Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko at nagpatuloy. "Sobrang pinasaya mo ako no'ng binigyan mo ako ng chance na mahalin ka. Wala sa'yo ang mali, Maya. Nasa akin. Nasa akin lang."

"Dahil ba hindi pa rin ako naging sapat para pantayan si Lea?"

Mapait akong ngumiti.

"I'm so sorry."

"I know. Matagal ko nang alam ang tungkol kay Lea. Pilit ko lang itinatanggi sa sarili ko dahil hindi ko matanggap. Pinanghawakan ko kasi 'yong sinabi mo na ako lang. Kaya hindi ko matanggap na pampalipas oras mo lang pala ako habang wala pa siya— na hinihintay mo lang pala siyang makabalik."

Umiling siya. "Totoo ang naramdaman ko para sa'yo noon, Maya. Hanggang ngayon, mahalaga ka pa rin para sa akin. Pero... natapos na ang istorya natin. Kailangan mo nang magbukas ng panibagong libro ng buhay mo ng wala ako."

Hinawakan ko siya sa pisngi at tinitigan siyang mabuti. Pilit kong kinakabisado ang kabuuan ng mukha niya na parang ito na ang huling beses na magkikita kami.

"I can still wait for you... kahit gaano katagal. Kung iwanan ka man ni Lea, andito pa rin ako."

"Hindi mo deserve ang ganon, Maya. Hindi mo kailangan na maghintay sa isang katulad ko. You have to set me free. Kailangan mong magsimula doon. Kung hindi, uulitin mo lang ang ginawa ko sa'yo. Hindi mo kailangan maging katulad ko at iparanas pa sa iba ang sakit na nararamdaman mo, Maya."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top