Vizcarra-Lauchengco


MELANIE'S POV


"Daddy Pat, happy Father's Day . . ."

Nakapikit pa rin si Patrick pero nakita ko siyang ngumiti habang nakalubog ang kalahati ng mukha sa unan.

Father's Day ngayon at five years na siyang daddy. Kung daddy nga ba talaga siya kasi mas pabebe pa siya sa anak niya.

"Bababa na 'ko, ha? Igi-greet ko lang si Papa," paalam ko saka siya hinalikan nang maraming beses sa nakalabas na part ng mukha niya mula sa unan.

"I love you," sabi niya at pinagpag ng kamay ang kama nang makaalis na 'ko.

"Yuck. Chareng, hahaha! Love you, mwah mwah!" Nag-flying kiss pa ako bago lumabas ng pinto.

Father's Day at ako ang gagawa ng cake para kay Papa at kay Pat-Pat. Although, kagabi pa 'yon tapos. Pero wala pa yung greetings na ino-note sa cake kaya magle-lettering pa 'ko ngayon.

Nakasalubong ko sa hallway si Ramram na mukhang pupunta sa kuwarto namin ng papa niya.

"Ma, gising na po si Papa?" tanong agad niya.

"Gising pero hindi pa bumabangon."

"Ngi?"

"Pupuntahan mo?"

"I must."

"Sige na."

Nagtaas siya ng kamay para makipag-high five na sinalo ko rin naman bago kami naglakad sa magkaibang direksiyon.

Monster si Damaris. Wala lang, gusto ko lang siyang tawaging monster. Ewan ko kung gawa ba ni Papa na tambay sa farm namin o gawa ni Shin katatambay ng anak ko sa resto, pero hindi na talaga five years old kung kumilos si Damaris.

Naging siga rin naman ako noong elementary ako, pero hindi ako kasing-strict ni Ramram ngayon. Ewan ko ba sa kanya? Parang anak ko siya sa ibang dimensiyon.

May atraso pa si Ramram sa papa niya. Nanuntok kasi ng kaklase. Although, deserved namang suntukin, pero siyempre, mabilis magtampo si Pat-Pat kapag naghahalimaw na naman ang bebi gerl niya.

Bumaba na ako sa kitchen para i-prepare ang cake na para kay Papa saka kay Patrick.

"Yaya Orang, pakilabas ng mga cake sa ref."

Kinuha ko na sa cabinet ang glass bowl at gagamitin kong ingredients para gumawa ng piping gel.

"Ang aga mong magising. Alas-siyete pa lang," bati ni Yaya Orang. Kinukuha na niya sa ref ang inutos ko.

"E, knows mo naman si Papa. Yung alas-siyete, tanghali na sa kanya."

"Wala ka bang pasok ngayon sa trabaho?"

"Naka-leave kami ngayon ng kumare ko. May mga manager naman na sa café kaya ays lang na dito muna ako today para masaya!"

Tinawanan ako ni Yaya Orang at inilapag sa malaking mesa sa kitchen ang dalawang cake na gawa ko.

Gusto ni Papa ng coffee caramel na mocha ang sponge cake. Si Patrick, masaya na 'yon sa choco mousse. Pero sure na kalahati sa mga cake nila, si Ramram ang uubos.

"Dapat nag-almusal ka muna," maagang singhal sa akin ni Yaya Orang.

"Saglit lang naman 'to, Yaya. Si Mama Liz, saan?"

"Tulog pa yata."

"Si Papa, may pasok ba?"

"Hindi pinayagan ni Elizabeth. Isasama nga raw sana n'on si Ram sa showroom kaso pinagalitan."

"Sino'ng pinagalitan?"

"Si Roberto, sino pa ba?"

"Hahaha! Kawawa naman si Papa." Natawa agad ako kasi kahit anong strict talaga ni Papa, tupi talaga siya lagi kay Mama Liz.

Sa bagay, Sunday naman kasi. Wala nga dapat siyang pasok since retiree naman na dapat siya. Kaso isasama raw si Ram kaya malamang na magtu-tour na naman ang maglolo.

Spoiled na spoiled si Ram sa kung ano-anong sasakyan. Meron siyang three-wheeled bike. Meron siyang Gyro-X. Meron siyang 4-door, battery-operated Bugatti. Meron siyang literal na Ferrari na si Gaia at nandoon ang kabayo sa farm namin sa Laguna. At balak pa siyang bilhan ni Papa ng motor kapag medyo malaki-laki na siya.

Pero paborito pa rin niya si Gaia kasi pet niya 'yon. Black stallion pa naman at ang kintab ng buhok. Sobrang rare ng breed at hindi ko alam kung saang bansa pa 'yon binili ni Papa para sa apo niya.

May pet din naman ako noong bata. Pagong naman 'yon. Kayang mapulot sa beach sa Batangas. Kahit iwan ko 'yon, alam kong buhay 'yon. Ewan ko kung bakit sa dinami-rami ng gagawing pet, napili pa ng anak ko ay kabayo.

Bumaba na ang mag-ama ko habang hinihintay ko ang mina-microwave kong gel. Dumaan pa talaga sila sa kitchen kahit hindi naman dapat.

"Mama, si Papa, nag-iinarte na naman!" sumbong ni Ramram sa matinis niyang boses.

Ang lakas tuloy ng tawa ni Yaya Orang. Nahawa tuloy ako.

"Bakit? Ano'ng iniinarte ni Papa mo?" tanong ko pa.

"Lilipat na lang daw po ako ng school!" dugtong na sumbong ng anak ko.

Napangiwi naman ako kay Patrick na may magulo nang tali sa buhok. Siguradong si Ramram ang nagtali ng buhok niya. Mukha na naman siyang Barbie doll na sinabunutan para lang maipitan.

"Para safe siya, di ba?" katwiran ni Pat-Pat.

"E, hindi naman po ako damaged, e!"

"What do you mean by damaged? Dapat ba, damaged ka?" sermon ni Pat-Pat sa baby niya.

"I'm just protecting my classmate po kaya!"

"You punched your other classmate."

"Kasi nga po masama siya!"

"Pero nga you punched him pa rin. Sino ang mas masama? Siya o ikaw?"

"If pinatay po ni Superman yung monster, ibig sabihin masama rin siya?"

Hindi nawala ang halakhak ni Yaya Orang, napalabas tuloy siya sa kitchen para lang doon tumawa nang mas malakas sa labas.

Napatakip naman ako ng bibig para itago ang tawa ko.

"Ram, hero si Superman. He's just doing that for good," katwiran ni Patrick.

"E, bully nga po kasi yung classmate ko. Di ba dapat, we don't tolerate bullying? Si Papa, makulit!"

"Si Mama mo, bully rin, pero hindi ko siya sinapak."

"Ikaw po kasi sinasapak niya."

"HAHAHAHA!" Nabuga ko na ang tawa ko at napaupo na para ipitin ang tiyan kong mananakit na naman.

"Alam mo, Ram, bad ka na talaga. Hindi ka na pupunta kay Tita Shin mo," sermon ni Patrick na talo na agad sa baby niya.

"Wala namang ginagawa po si Tita Shin, naglalaro lang siya lagi ng games, e!"

"Kahit pa. Bad ka na talaga, pati ako, inaaway mo."

"Mama, si Papa, o!"

Tumayo na ako at punas-punas ang mata kong naiyak na.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Hoy," tawag ko kay Patrick. "Pupunta si Leo ngayon, di ba?"

Biglang suminghap si Ramram at lumapad agad ang ngiti. "Kasama si Luan?"

"Ayan ka naman!" Kagat ko ang labi nang batuhin siya ng mitten. "Pupunta tayo kina Connor, umayos ka, ha? Luan-Luan ka diyan, kuya mo na 'yon!"

"Ayoko kay Connor! Si Mama, yuck!"

"Anong yuck ka diyan? Malapit na kayong ikasal!"

"Kadiri ka talaga, Mama."

Ako, nanggigigil na talaga ako sa batang 'to. Kadiri-kadiri, ang guwapo-guwapong bata ni Connor!

"Umayos kayong dalawa, ha? Pababa na si Papa. Kapag naabutan kayong nag-aaway n'on, pareho talaga kayong naka-squat na naman mamaya sa garden."

Sabay pa silang sumimangot at nagkrus ng mga braso saka ako tinalikuran. Nang mapansing pareho sila ng naging kilos, sabay pa silang umirap sa isa't isa.

"Hmp!" sabay pa nilang ismid bago naghiwalay ng daan palabas ng kitchen.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top