Dardenne-Mendoza


SABRINA'S POV


"Sabby, anong time dadaan kuya mo?"

"Parang ten yata or something."

"Ang aga naman!"

Clark was taking care of Yumi. Sabi ko, ako na. Pinilit niyang siya kasi tawa nang tawa ang baby namin kanina pa habang nilalaro niya. Now, pinadedede na niya kasi gutom na yata. Nakaupo lang siya sa sahig sa sala, karga si Yumi ng kaliwang braso, hawak ang feeding bottle ng kanang kamay.

"Mommy, I want to play with Coco."

"Aww . . . wait natin si Coco, okay? He's with Tito Ronie later."

"Okay po!"

My gaze followed Cali as he ran to his dad.

"Daddy, I want to play with Coco!" Cali exclaimed.

"Play with Coco, magbubugbugan lang kayong dalawa," my hubby replied.

"Clark," sita ko agad kahit nasa kitchen ako.

"Fine, fine. Sige na, we'll wait kay Coco na."

"Yehey!"

Cali is a very cute kid. He has rounded eyes and chubby cheeks. Nakakainis lang na kapag nagpapakita si Mum ng baby pictures ni Kuya para magyabang ng baby boy niya, mas kamukha ng baby ko si Kuya kaysa sa amin ni Clark. Kaya siguro favorite ni Mum si Cali kasi parang na-reincarnate lang si Kuya kahit buhay pa siya.

But other than physical traits, we raised Cali differently than Coco. Maybe because daddy niya si Clark and Clark is so soft sa mga baby when it comes to raising kids, he always wanted them to be friendly like how he raised Eugene.

And speaking of Clark, Father's Day ngayon and we planned na mag-gathering na lang kina Mama since kahapon lang nakauwi si Daddy from Denmark to celebrate with us.

"Cali!" a shout from the outside.

"Coco!"

It was a signal na nakarating na sina Kuya kapag nagsisigawan na ang mga anak namin.

Coco is my Kuya's guwapong baby. We were expecting na si Coco ang mas kamukha ni Kuya, but he looked so foreign na parang nag-mix na lang ang Danish at German blood nina Kuya at Jaesie, so he ended up looking like a kid from another couple from another country din. But the closest look na nakuha niya ay kay Daddy and he got Kuya's greenish brown eyes. Cute si Cali ko, but Coco is so guwapito kahit going four years old pa lang.

Ang cute kapag magkasama nina Cali and Coco, but it was torture for Clark.

And speaking of torture . . .

"Tito Claaaark!"

"Ssssshhhh!"

Papasok pa lang ng bahay sina Kuya, natatawa na sila kasi bubugbugin na naman ng mga bata ang asawa ko.

Ang lalakas ng tawa nina Coco at dumampot agad ng throw pillow sa sofa at naghampasan doon mismo sa uluhan ni Clark.

"Natutulog si Yumi, huwag makulit! Aaaay!"

Covered na covered ng katawan ni Clark ang bunso namin habang nakapikit na kasi natatamaan siya ng paluan ng unan nina Cali.

"Coco, stop that," sermon ni Jae sa anak niya.

Napahinto sina Coco at Cali sa pagpapaluan. Pero ilang segundo lang 'yon kasi bumalik na naman sila pagkatapos.

"Heeeelp . . ." paghingi ni Clark nang tulong nang hindi sumisigaw kasi magigising ang baby girl niya.

Tawa lang nang tawa si Jaesie sa itsura ng asawa ko.

"Heeeeelp."


♥♥♥


Cali is Jaesie and Kuya's reason why ayaw na nilang sundan si Coco. Kahit magpinsan kasi, parang iisa lang ang parents ng dalawang bata. Plus! Jaesie likes a baby girl pero hindi na niya gustong manganak kaya tuloy laging hinihiram ang bunso ko. Nasa amin tuloy lagi si Coco habang si Jaesie ang nag-aalaga kay Yumi.

Wala namang kaso na ibigay muna sa amin si Coco. Nabubuwisit kasi si Kuya sa kakulitan ng sarili niyang anak.

Two years apart sina Cali at Yumi, and unexpected pa si Yumi kaya ibang level ang puyat ni Clark kasi dalawang chikiting agad ang alaga niya.

Correction, tatlo.

Mas haggard siya ngayon kasi parehong magpo-four years old na sina Cali at Coco kaya mas makukulit na kompara noong mga baby pa talaga sila literally.

"Tito Clark! Tito Clark! I have a new toy car na binili ni Daddy!"

"Dadi! Dadi! Di ba, you buy me a toy car din, pareho kami ni Coco?"

"Mas maganda akin!"

"Mas maganda akin!"

"Tito Clark! Tito Clark! Di ba, mas maganda akin?"

"Dadi, Dadi, yung akin mas maganda, e!"

"Oo, oo. Parehong maganda."

Laging maingay sa kotse kapag magkasama itong magpinsan. Ako pa ang laging driver kasi muntik na kaming maaksidente before noong nagkulitan itong mga bata at si Clark ang driver. Sinakal kasi ni Coco si Clark mula sa backseat gamit ang belt na isinuot sa kanya ni Jaesie kasi akala niya, naglalaro lang sila. Ever since then, lagi na lang naka-jumper si Coco.

Lagi nang nasa passenger seat si Clark at nasa backseat sina Cali at Coco na hindi matatahimik hangga't hindi dumarating sa mansiyon para pagalitan ni Mum.

"Tito Clark! Tito Clark! Nakakuha ako ng stars sa school last Friday!"

"Very good pala si Coco, e."

"Dadi, Dadi, ako nakakuha din ako stars, di ba? Nakakuha ako three stars!" Sinilip ko kung paano magyabang si Cali sa pinsan niya.

"Ako, five!" Coco shouted.

"Ako, ten!" my son replied.

"Ako, one thousand eight!"

Hindi nakasagot ang anak ko kaya sinilip ko ulit sa rearview mirror. Nakanganga lang siya kay Coco, kunot na kunot ang noo.

"Dadi, di ba, wala namang one thousand eight na stars?" reklamo niya agad nang hatakin ang manggas ng daddy niya.

"Hahahaha!" Ang lakas tuloy ng tawa ni Clark sa reklamo ng anak niya.

"Dadi, walang one thousand eight, e!"

"Tito Clark, di ba, meron?"

Natatawa na rin ako kasi isang maling sagot lang ng asawa ko, may batang iiyak talaga sa likod namin.

"Sa galaxy, may one thousand eight na stars," paliwanag ni Clark.

"O, di ba, meron!" yabang na naman ni Coco.

"Hindi naman 'yon sa school, e!" reklamo ni Cali.

"Pero meron pa rin!"

"Hindi nga sa school!"

Sumilip na naman ako sa rearview at nakitang magbubugbugan na naman ang magpinsan sa likod.

"O! O! Magpapaluan pa, lagot kayo kay Lola Mommy niyan." Umawat na si Clark at pinagsabihan na ang dalawang bata sa likod.

Clark will always be the second daddy of his friend's babies. Probably because he likes kids more than his friends. Kuya may love his son, pero sa sobrang annoying ni Coco, parang nagsisisi na siyang nag-anak pa siya.

"Okay, we're here na kina Lola Mommy! Don't forget to greet Lolo Daddy and Papi a 'Happy Father's Day,' ha?" reminder ni Clark at isa-isang iniabot kina Cali ang gifts and love letters nila para kay Daddy at kay Papa Ferdz.

"Opo!" sabay-sabay na sabi nina Cali at Coco.

Clark may forget or intentionally doesn't mind not greeting him that it's Father's Day today and it's his day also, but he will never forget that it's an important day to those he values the most, like his dad.

As always, di bale nang wala siya basta meron ang iba.

"Tara na!"

Hawak-hawak lang niya ang kamay nina Cali at Coco habang naglalakad kami papasok sa mansiyon.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top