Chapter 49: Come Back


Clark was enjoying things, but I was not. Yung ang obvious na ginagawa nila kaming mga bata, as if namang first time naming makaka-experience ng kasal.

We're gonna get married soon. And when I say soon, it means next week.

Like . . . wedding anniversary din nina Kuya next week!

Kuya went home again kasama ang asawa niya, and everyone was . . . grabe, stress ko.

Aware ako kung gaano katagal ang process ng pagpapakasal. At hindi kami puwedeng magpakasal ni Clark next week without proper preparation. Kaya nga inis na inis akong nag-rant kay Mat kasi siya ang organizer ng wedding pero kahit siya, hindi sineseryoso ang trabaho.

"Sabrina, baby, don't be confused about what's happening, okay? There's no reason to be mad."

"Paanong hindi ako magagalit, halatang ayaw nilang mangyari 'tong wedding," sagot ko. "Sa wedding anniversary daw nina Kuya kami ikakasal ni Clark. Yung kapatid ko, hindi magse-celebrate ng anniv nila ng asawa niya para lang sa wedding namin. Ano'ng gustong palabasin nina Mum?"

Mat sighed and stared at me with so much empathy. "Sab, hindi pa okay si Clark."

"Alam ko naman, and that's the point, di ba? Sana hindi na lang nila minamadali. Kaya naman naming maghintay ni Clark, e."

"Sab . . ." Hinawakan lang ni Mat ang kamay ko para pigilan ako sa inis ko sa nangyayari. "Hindi pa okay si Clark. Meaning, legally, may grounds 'yon para hindi kayo dapat ikasal. Pero kasi, si Clark ang may gusto nito. Pinagbibigyan lang siya nina Tita kasi kilala mo naman si Clark. If he wants it, he will have it at all cost."

"Kaya nga . . . e di sana, pagsabihan na lang nila. Hindi naman stupid si Clark para hindi maintindihan na hindi pa puwede ngayon kasi nga, hindi pa talaga puwede," pilit kong ipinaliliwanag kay Mat. "See? Next week ang wedding. Yung gown ko, bibilhin na lang daw sa boutique sa kung anong kasya sa size ko. Si Clark, kung ano na lang daw ang suot niya noong wedding ni Leo, 'yon na lang din daw ang susuotin. Mabuti nga, nakapagbihis siya before the accident! Alangan namang isuot niyang puro stitches 'yon!"

Feeling ko naman, may karapatan akong mag-rant. Kasi wedding ko 'yon. But all of them were informing me na sumakay na lang ako for Clark's sake. If this is only a child's play, kahit hindi ako ikasal, wala akong problema. I can stay with Clark as long as I'm allowed to, hindi ako magrereklamo. Hindi na nila kailangang ipamukha sa aming dalawa na naglalaro lang kami ng kasal-kasalan ngayon.

Walang prenup photoshoot. Walang engrandeng preparation. Dumaraan ang araw, nakikita ko ang "effort" ng lahat for this wedding. Ultimo designs nga sa garden, sina Kuya ang naggugupit para lang daw may bonding sila sa mansiyon. Si Clark, nakikigupit din ng kung ano-ano roon. May hearts, may diamonds, may stars pa nga na yellow paper! Wala naman kami sa school para gumawa ng school play! Nakakainis!

Nagpa-practice din naman kami ng processional para nga raw alam namin ang gagawin, pero sa sobrang intimate nitong wedding, yung usual na haba ng procession na inaasahan ko, natatapos namin sa practice nang fifteen minutes lang, at matagal na 'yon.

Yung bisitang sinasabi ni Mum, drawing. May invitation, it was there. Kahit paano, nilagyan ng effort. It was Leo's design and they produced it for us. Ang mga pangalang nandoon, mga pangalan ng anime at novel characters. 

Kilala ko si Mum, and I know na hindi siya papayag na ganito lang ang kasal ng anak niya. Pero 'yon ang nakakainis—siya pa ang pasimuno! Ginastusan pa niya 'to sa lagay na 'to.

Anniversary dapat ng kasal nina Kuya, pero sila ang nagpe-prepare ng catering kasama si Melanie. May cake, two-layer fondant na may cute white flowers and gold beads whatever. Maganda naman, hindi ko kukuwestiyunin ang skills ni Melanie to provide an elegant cake. Pero aware akong ganoong cake ang ide-degrade ng mommy ko once makita niya.

Ring bearer si Luan, as if namang may choice kaming lahat. Walang flower girl kaya ang nagpresinta, si Patrick.

Doon pa lang sa nagpresinta si Patrick magsaboy ng bulaklak, gusto ko nang kuwestiyunin, e!

Si Will at si Leo ang best men, plano na raw 'yon, matagal na. Si Kyline at si Mathilda ang maid at matron of honor.

Hindi ko rin alam kung ano'ng nangyari pero araw ng kasal namin ni Clark, walang kabisi-bisita sa bahay. Walang nagsabi sa akin kung ano ang exact reason aside sa pahaging ni Jaesie na ayaw raw ni Mum na kumalat ang balita about sa premature wedding namin.

Ayaw pala ni Mum na kumalat ang balita, e di sana hindi na siya pumayag.

It was eight in the morning when Rox started to prepare everything para sa photoshoot. Kahit paano, may photoshoot pa rin naman. Kahit pa mukha lang kaming naglalarong lahat.

Ako lang ang nag-ayos sa sarili ko. No hair and makeup artist, no wedding designer, nothing. I just made a huge and bouncy wave in my hair and did a waterfall braid. Nilagyan ko na lang din ng pearl pins and nice flower clips para hindi boring tingnan. Dream ko pa namang magsuot ng grand ball gown with long train pero nag-resort na lang ako sa simpleng ivory tea-length wedding dress na removable ang lace part sa shoulder hanggang braso para puwedeng gawing cocktail dress for the after-party. Ni hindi nga ako mukhang ikakasal. Mukha lang akong a-attend ng binyagan at magba-bar pagkatapos.

"You don't look ready," biro ni Rox sa 'kin nang papuntahin niya 'ko sa booth na itinayo nila para sa mga "bisita" na magpapa-picture.

"Should I be ready?"

Rox just laughed at me and shook her head. "Ang weird n'yo talagang magkapatid. May issue ba kayo sa pagpapakasal at laging secret ang first wedding n'yo."

Rox started to take pictures, and all of Kuya's friends joined the party. Wala naman akong ibang friend na pinayagan ni Mum na imbitahan. Ang reason niya, ayaw niya sa mga social climber. Well, she has a point, though.

Naka-ready na kami sa ibaba at idinaraan na lang ang lahat sa pag-take ng pictures habang hinihintay dumating si Father Adam.

"Excited ka ba?" curious na tanong ni Mel sa 'kin sabay kindat.

"Obvious ba, Mel?" sarcastic na sagot sabay paikot ng mata.

"Hahaha! Bawi ka na lang next time, girl! Si Jaesie nga, twice ikinasal. Keri na 'yan next year!"

The girls were comforting me kasi halatang annoyed ako sa mismong wedding ko. Kami-kami nga lang ang nandito! Si Daddy, pumasok pa sa work kaninang umaga, halatang walang interes sa kasal ng anak niya.

Ten ang start ng ceremony. I wanted an orchestra for my wedding pero naka-DJ lang kami. Calvin handled that kaya wala siya sa lineup ng groomsmen.

Napaka-budget-friendly ng wedding namin ni Clark, 'kainis.

Bumaba na rin si Clark. Suot niya ang navy blue suit niya na suot din niya bilang best man ni Leo.

They were greeting him pero biglang tumatamlay habang matipid siyang nakangiti sa lahat.

"Dude, okay ka lang?" tanong agad ni Will.

Kahit malayo ang distansya namin, pansin na pansing namumutla siya.

"Kinakabahan ako," sagot ni Clark, itinatago ng tawa ang kaba.

"Alam n'yo, parang nakita ko na 'to!" natatawang sinabi ni Melanie sa amin. "Yung namumutla kasi kinakabahan tapos biglang hinimatay. Déjà vu ba 'to? Hahaha!"

"Mel!" Hinabol ni Jaesie ng palo si Melanie na tawa nang tawa.

Hindi naman siguro hihimatayin si Clark just because nate-tense siya. Parang gusto ko nang mag-thank you na wala kaming bisita.

Pinaayos na kaming lahat. Nag-start na ang ceremony. Nag-guide na si Mat sa akin habang nakaabang si Kyline sa tabi ng altar. Ang higpit ng hawak ko sa white roses bilang bouquet.

"Forever can never be long enough for me
Feel like I've had long enough with you . . ."

Mahina lang ang song sa background pero inatake agad ako ng kaba. Bigla ko na lang tuloy inisip na kunwari lang 'to. We're just . . . practicing.

"You wear white and I'll wear out the words I love you

And you're beautiful

Now that the wait is over . . ."

Dahan-dahang naging instrumental ang music at napalitan ng slow wedding march.

I breathe and walked slowly. Hindi ganoon kahaba ang lalakarin since hindi naman whole court ang garden namin.

Pilit na pilit ang ngiti sa akin ni Clark. Para siyang batang naghihintay bigyan ng regalo. Pero maliban doon, nakailang punas na rin siya ng pawis.

I started to feel too much disappointment right now. Yung feeling na ayokong ikasal ngayon kasi alam kong walang may gusto nito, pero ayaw naming sirain ang expectation ni Clark. We're the adults here, and we didn't want to disappoint him.

While walking down the aisle, I wanted to ask him, Ganito ba ang feeling mo noong sinabi ko sa 'yo dati na gusto kita? Na mas gusto mo na lang tumalikod at iwan ako kasi alam mong hindi pa tayo handa? Na kasi bata pa ako at mas matanda ka? Na kung susundin mo ako dahil lang sa gusto ko, alam mong mali kasi alam mong hindi pa tama ang time? 

Gusto kong tumalikod. Gusto kong sabihin sa kanyang . . . Sorry, Clark, pero hindi pa ngayon. Baka puwede pa tayong maghintay . . . kapag puwede na talaga.

Pagtapak ko sa harap ng altar, nakangiti siya sa 'kin at pansin kong butil-butil ang pawis niya.

"Clark?"

"Hmm?"

Nakatitig ako sa mga mata niya . . . gusto kong sabihing, "Ayokong ikasal ngayon. Sana okay lang. Hindi ngayon . . . hindi rito . . . hindi . . . sa 'yo na hindi ang Clark na kilala ko."

"Bakit?" nahihiyang tanong niya.

"O-Okay ka lang?" ang naging tanong ko kasi ang putla na talaga niya. "Kinakabahan ka ba?"

Tumawa siya nang mahina saka mabilis na tumango. "Sorry." Mabilis na naman siyang napunas ng pawis gamit ang puting panyo.

"Uhm . . ." Napatingin ako kay Father Adam. "Father?"

"Bakit, hija?"

"Uh . . ." Ibinalik ko ang tingin kay Clark, sunod sa mga kaibigan niyang nanonood sa amin. "Ano . . ." Pagbalik ko ng tingin kay Clark, nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumulo ang dugo sa ilong niya. "Clark!" Hinawakan ko ang kamay niyang may panyo at itinakip sa ilong niya. "Kuyaaaa!"

Naalerto silang lahat at nakita ko kung paano nilang agawin si Clark sa harapan ko. Bigla na lang siyang bumagsak at nasalo agad siya ni Leo.

"Dude!"

"Clark!"

"Tumawag kayo ng ambulansiya!" sigaw ni Leo sa aming lahat.



♥♥♥



I just wanted to be with him.

Kahit wala nang kasal. Kahit yung parang kina Kyline na lang. Okay lang kahit matagal, o kahit live-in muna, engaged naman na kami . . .

Iyak lang ako nang iyak habang naghihintay ng sasabihin ng doktor. Nasa ER siya, kasama ng ibang pasyenteng ginagamot doon.

"Wala naman kasi siyang sinabing masama pala ang pakiramdam niya," sabi ni Jaesie na isa ring reklamador. "E di sana, hindi na tayo tumuloy. Pinagpahinga na lang sana siya."

One hour na ring unconscious si Clark. Waiting kami kung sisimulan na ba ang lab exams niya. After kasing dumugo ang ilong niya, dinala na siya sa ospital. Si Kuya ang kausap ng mga doktor pero buong barkada niya ang sumama. Natural, sasama ang mga asawa nila rito. Si Kyline ang nagko-comfort sa akin habang naghihintay kami ng sasabihin ng doktor.

"Guys." May dala-dalang papel si Kuya na pinapaypay niya paglapit sa amin. "Inilipat si Clark sa ward. Mababa raw ang blood pressure niya. Hindi pa sila sure sa exact reason ng nosebleed pero mamaya raw pagkatapos ng lunch break, deretso na siya sa lab."

"Puwede ba siyang puntahan?" tanong ni Mel.

Ang bigat ng buntonghininga ni Kuya at alanganing ngumiti. "Nandoon sina Mum saka Tita Pia. If you want, puwede naman daw."

Nagkatinginan pa sina Mel at Jaesie bago tumango.

Akay-akay ako ni Kuya para hindi ako matumba kung maglalakad man ako. Wala talaga akong lakas para kumilos ngayon. Feeling ko, pagod na pagod ako.

Ang daming tao sa ward. Hindi naman public hospital ang pinuntahan namin, pero ang dami pa ring tao.

"Feeling ko, may sumpa talaga ang first wedding sa mga Dardenne," bulong ni Melanie habang nagtsitsismisan sila ni Kyline.

They said hinimatay rin daw si Jaesie noong first wedding nila ni Kuya. Pero hindi naman ganito kalala 'yon. Kanya, panic attack. Si Clark, hindi na namin alam.

Kuya was right, naabutan namin sina Tita Pia at Mum na nag-uusap sa tabi ng hospital bed ni Clark.

Hindi kami sure kung gising na siya pero nakasimangot kasi kahit nakapikit.

"Clark?" mahinang pagtawag ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Clark . . ."

Mariin siyang pumikit at kinibit ang balikat kaya ko siya binitiwan.

Napatingin ako kina Kuya kasi parang ayaw akong pahawakin ni Clark sa kanya.

Bigla siyang namaluktot at sinabunutan ang ulo. "Aaargh!"

Ang lakas ng sigaw niya kaya lalo akong napaiyak. "Clark . . ." Sinalo ako ni Kuya bago pa ako matumba. "Kuya . . ."

"Aarggh! Putang ina, ang sakit ng ulo ko!"

Bigla niyang sinuntok ang hospital bed, sa ibaba lang ng unan kaya napaatras si Kuya tangay ako.

Paulit-ulit siyang sumigaw at nakalayo na kami sa kanya dahil parang mambabato siya ng gamit anumang oras.

"Argh! 'Tang ina!" Naupo siya sa kama habang tinataktak ang ulo. Nakatingin na rin sa amin ang ibang pasyente at bantay na nasa ward kasi ang ingay niya.

May lumapit nang nurse sa kanya at pinakalma siya. Hawak pa rin niya ang ulo habang humihinga nang malalim.

"Sir, kalma lang po tayo." May itinurok 'yon sa nakatusok nang IV sa likod ng kamay ni Clark at kita naming kahit ang pagbigay ng gamot sa kanya, masakit din.

"Ang sakit!" reklamo na naman niya sa nurse. "Dahan-dahan lang, miss! May atraso ba 'ko sa 'yo?"

"Sorry, sir, masakit po talaga 'yan."

"Alam kong masakit pero nadadahan-dahan 'yan! Nag-nursing din ako, uy!"

"Sorry po, sir."

And at that very moment, parang huminto ang mundo namin habang inoobserbahan siya.

"Clark, anak?"

Napalingon siya sa gilid at nakita namin si Tita Pia na umiiyak na nakatingin sa kanya.

"Mami." Lalong lumala ang gulat niya at napatingin sa katawan. Kinakapa-kapa niya ang dibdib at tiningnan ang mga braso at paa. "Ha . . . haha . . . hahahaha! Gumana yung airbag, putang ina! Patrick Lauchengco, gumana yung airbag mo, hayop! Isa kang alamat! Buo pa 'ko!"

At para siyang isdang inahon sa tubig habang nangingisay sa hospital bed. Akala ko, magtatagal pa siya sa paghi-hysterical nang bigla siyang bumangon.

"Yung reception. Yung kotse. Wait. Yung kotse."

"Clark, huy!" sita sa kanya ni Leo.

"Leopold!" sigaw rin niya kay Leo habang pinandidilatan nila ang isa't isa. "Huy, gago! Yung kotse ko!"

"Okay ka na?"

"Yung kotse nga! Parang tanga naman 'to."

"Ilang taon ka na?"

"Yung kotse ang usapan, hindi edad ko. Sapatusin kita diyan, e!"

"Ilang taon ka na nga, 'tang ina naman, tinatanong, e!"

"Magkaedad lang tayo, gago ka ba? Ay, wait, si Mami!" Paglingon niya kay Tita Pia, napaatras siya nang kaunti nang makita si Mum. Dahan-dahan siyang pumaling sa side namin at nagtakip ng gilid ng mukha. May sinabi ulit siya kay Leo pero inaudible naman. "Bakit nandito 'yan si Tita?" overacting niyang sinabi nang walang boses.

Hindi na napigilan ng mata ko ang lumuha nang lumuha.

Siya na ba ulit 'yan?

Bumalik na ba ulit siya?



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top