Chapter 48: The Legend
Clark introduced himself to everyone as "Hindi ko alam ang ginagawa ko he-he." That's him. Hindi siya si Clark kung alam niya ang ginagawa niya.
But hearing him tell everyone that he knows what he's doing speaks a lot of volumes because we all know that shit just got real when he started to give a single fuck, and he wanted that single fuck to be worth his time.
Clark helped me with my errands sa bahay niya—well, sila ni Will ang katulong ko, at hindi agad makaalis sina Kuya kasi ini-inspect nila ang lahat ng documents na ibinigay raw ni Clark kay Mum.
I never heard them complain or tell Clark that he was stupid to deal with Mum with his fourteen-year-old memory, but it only made them shut their mouths because Clark's mind before he almost died eighteen years ago had no time to mess with everyone.
Clark wanted the job to be done, and he wanted it done properly. Mum used to brag that to everyone kahit hindi niya naman anak si Clark kasi alam niya ang potential nito mula pa noon.
We finished the packaging, and I checked my bank account online.
Sa wakas! Hindi na four-digit lang ang nakikita ko sa dashboard. Mababayaran ko na rin si Clark sa utang ko sa kanya.
For seven items with exclusive extras, 70k is already a good earning. Lower than I projected but reasonable for the quality. After all, wala naman akong ginawang cheap.
Binalikan na rin namin sina Kuya sa living room. Nakakalat sila sa couch at sa ottoman. Ang tatahimik lang nila at mukhang tapos na silang tumingin sa files na nasa laptop ni Clark.
"Okay na kayo?" tanong ko pa paglapit ko sa kanila.
Tiningnan lang nila ako sabay ismid. Ibang level talaga ang kasungitan ng mga 'to.
"Sab, inilagay na lang namin ni Clark sa ibabaw ng table yung mga box malapit sa pinto para madaling ilabas," paalala ni Will paglapit sa akin.
"Thanks!"
Napatingin ako sa ibaba nang may yumakap sa baywang ko na malaking braso. "May gagawin pa tayo, Langga?"
Tumingala ako at nakita ang nakangiting si Clark.
"Puwede tayong mag-lunch date. May pera na 'ko," nakangiting sagot ko sa kanya.
"Huwag ka nang gumastos. Ipunin mo na lang 'yan tapos lutuan na lang kita."
Siya na nga ililibre ng lunch date. Pero go rin ako sa lulutuan niya 'ko. I'd rather spend a lunch with him dito sa bahay. Mas intimate.
"You already know it's gonna happen," Patrick said out of the blue. "Dude, you should have told us."
"Ang alin?" Clark replied.
"The files are too obvious," Leo interfered. "You can't just name a file na 'Confidential ito. Ibigay mo kay Tita Tess' because that's the craziest shit to do kung alam mong confidential nga ang file para ibigay kay Tita Tess."
"Clear naman ang instructions, di ba?" sagot ni Clark, and to be honest, hindi ko sila naiintindihan.
"Yes, sobrang clear," sarcastic na sagot ni Kuya. "Sa sobrang clear, halatang ginawa ang instruction para sa slow umintindi. Ultimo instructions kung paano magbubukas ng web browser sa computer, naka-include. Isang click lang naman 'yon, ang dami pang sinabi."
"At binuksan n'yo ang link gamit lang ang isang click?" nagtatakang tanong ni Clark.
"Clark, everything right now is clickable. Hindi mo na kailangan ng napakaraming instruction pa para lang magbukas ng link."
Natawa nang mahina si Clark, but his giggle sounded so innocent instead of his usual annoying chuckle.
"Maybe I saw something sa course kaya ko pinili instead of medicine," sagot ni Clark kay Kuya. "The instructions were there because it's important. It's a safety precaution para sa lahat ng makakakita ng link. And that link was meant to harm your computer, to stole your private details, and to spy on you. Kaya nga may instruction kung paano 'yon bubuksan." I heard Clark giggled lightly. "Maybe my 32-year-old self isn't that stupid to write a basic instruction just because he wants to waste your time reading it. Or maybe he already thought na hindi naman lahat masipag magbasa ng basic instruction kaya sinamantala na niya ang chance. You see, Ron? Hindi masamang maging focused sa bigger picture, but it's always in the details. Hindi lahat ng alam mo na, alam mo na talaga. And you always underestimate me. Hindi ka pa rin nagbabago kaya ka napapahamak."
From that very moment, I saw our shocked faces but didn't want to exaggerate things kasi sobrang rare basagin ni Clark si Kuya with so much calmness. Well, he never ruined Kuya's mood with calmness because that wasn't him! Never naging kalmado si Clark tuwing binubuwisit niya si Kuya!
"Dito na kayo mag-lunch. Magluluto ako," sabi ni Clark at dumeretso na siya sa kitchen.
♥♥♥
If there's one thing na ipinamukha sa amin ng nangyari kay Clark mula sa car accident, that would probably the truth na kapag may ginawa siya, imposibleng hindi niya 'yon pinag-isipang mabuti.
The files they gave to Mum, the porn site link, the instructions on how to present the files, everything—it was carefully planned. Na sa sobrang careful, kung sobrang tanga naming sumunod, pati kami mabibiktima.
And yes, ipinamukha lang naman ni Clark kung gaano katanga ang buong barkada niya because they opened the link using their devices nang hindi sinusunod ang ibinigay niyang instruction. Now, hindi na 'yon mare-reverse at wala silang idea kung ano na ang mangyayari sa phones nila. Si Clark lang ang nakakaalam ng mangyayari, and bad news, wala ring idea si Clark sa mangyayari because his mind is too young to know how to operate the shits his 32-year-old self made.
We used to see Clark as the stupid among their barkada. Not the sharpest tool in the shed, the pasang-awa guy, the 'ang mahalaga, nagmamahalan tayong lahat' type of person. But whatever they were playing with Mum, he just showed us how dangerous he is once he's triggered. Again and again and again, even Leo knew that none of them wanted to trigger Clark. Kaya nilang makipaglokohan sa kanya, pero mas gugustuhin pa nilang pikunin ang kapatid ko kaysa sa kanya.
As I thought about it, I just realized that Mum already lost her game without knowing it. Alam kong ayaw ni Mum na natatalo siya, but she must accept the fact na mali siya ng kinalaban. Mataas ang respeto sa kanya ni Clark. Pero siguro nga, may limit din ang respeto kapag nasasagad na.
Second Monday of May when Clark told me na dadalawin daw namin si Mum. Ayoko sana pero gusto kong makita ang reaction ng mommy ko after niyang malaman na nasa isang fake porn site ang naked photos ni Kuya.
Ilang beses ko naman nang nakitang nakahubad ang kapatid ko. Ilang beses ko na nga rin siyang nabihisan. Nakakapag-pose nga si Kuya sa magazine na naka-brief lang. And I don't think Mum would have abhorred Kuya that much if he had entered a porn site for money. Parang nagalit lang kasi hindi nga raw nanghingi ng consent si Kuya sa paghuhubad kuno niya.
Kay Clark na rin galing na bumili si Mum ng nudes ng kapatid ko. Baka gusto niyang i-support si Kuya sa side hustle na pagbebenta ng sexy body niya, malay ko. After all, sex industry is still a multi-billion earning industry and Mum should know that kasi nasa business sector siya.
Bigla ko tuloy na-realize na paano na-pull off ni Clark ang idea knowing na ang main dilemma nila before ay casino-related issue. It was an odd resolution, but okay?
"Nag-drive ka ba last time na umalis kang mag-isa?" tanong ko kay Clark since ako ang driver sa amin ngayon.
"Nag-check ako ng ibang application sa phone. Nag-research ako kung ano ang purpose nila. May isang application doon na puwedeng mag-hire ng car service."
"Meron n'on sa phone mo?" gulat na tanong ko. I didn't know na may app siya n'on samantalang ang dami niyang kotse.
"Meron. Nag-check ako ng saved pinned location. Sa bahay ni Tita Tessa naka-locate."
Napasulyap tuloy ako sa kanya saka ibinalik ang tingin sa kalsada. "So pumunta ka sa bahay noong sinabi mong may dadalawin ka?"
"Kinuha ko lang ang phone number ni Tita sa pinned location. Si Mami ang dinalaw ko kaya ako umalis. Sabi ni Tita, bibisitahin din niya si Mami kaya puwede kaming magkita."
Was it just me, or was Clark hitting too many birds with a single stone?
"Ano'ng pinag-usapan n'yo ni Mum?" tanong ko. "Puwedeng i-share?"
"Puwede naman. Sabi ko, papakasal na tayo."
Sandaling nagka-traffic kaya nagkaroon ako ng chance tingnan siya habang napapangiti ako. "But you're too young to marry me, Clark."
"Pero chronologically, 32 na ako."
"And now, you're using your real age to justify your reason for wanting to marry me."
How ironic samantalang bago 'to, lagi niyang dina-drop ang age gap naming dalawa.
"Hindi naman," sagot niya. "Ang point ko lang, magkasama tayo sa bahay, inaalagaan mo 'ko, mahal mo 'ko tapos mahal din kita. Baka puwede na tayong magpakasal."
Hindi ko napigilang matawa dahil doon. "Clark, 'yan din ang reason ni Mum the last time na nakausap natin siya."
"E di, okay! Magkakasundo kaming dalawa. Same kami ng reason."
"Hahaha!" Mas lumakas pa ang tawa ko. "Believe me, Clark, 'yan din ang reason kaya hindi kayo nagkasundo."
Ang weird talaga na ganito ko siya kausapin. I mean, he was freaking calm and I never heard him raise his voice—yung pagtataas niya ng timbre para sa casual argument moments namin. Madalas kasing nagsisigawan kami sa kotse, but so far, ang kalmado talaga niya. Kung hindi kalmado, sobrang excited.
Meron lang siyang dalawang mood: kalmado at excited.
At last, nakabalik din ako sa bahay ng parents ko. After a few weeks of staying somewhere else.
Mukhang bumabalik na rin ang gana ni Mum sa lahat ng bagay. Although visible pa rin naman na wala siya sa mood, pero kahit sino naman siguro, mawawala sa mood dahil sa mga nangyari.
"Good morning po, Tita!" Clark greeted in his unusual jolly voice, na kahit ang mga maid sa bahay, napuna rin.
Nasa garden si Mum, nag-e-enjoy na naman sa jasmine tea niya. Paglapit sa akin ni Yaya Beth, pabulong niya akong binati.
"Buti nakauwi na kayo, ma'am."
"Why? May nangyari?"
"Wala naman pong kakaiba. Pero okay na po ba si Sir Clark?"
"Aside diyan sa benda niya sa ulo, okay naman na siya."
"Hirap po ba siyang kumilos?"
"Hindi naman. Why?"
"Bakit parang ano po . . ."
"What?"
Para na kaming mga tsismosa sa gilid ni Yaya Beth na nagbubulungan.
"Parang ang bait ni Sir Clark ngayon."
Napatakip ako ng bibig bago pa ako mapahalakhak. "Mabait?"
"Hindi naman sa ano, ma'am . . . hindi naman sa sinasabi kong masama si Sir Clark, pero parang ang bait niya ngayon. Ewan ko."
"You mean he's nicer . . . ?"
"Hindi ko ma-explain, ma'am, basta parang hindi si Sir Clark."
That feeling na naiintindihan ko si yaya Beth pero kahit ako, hindi ko alam kung paano ie-explain ang feeling ko kay Clark ngayon.
Siguro nawala ang naughty side ni Clark kaya "mabait" ang tingin namin sa kanya ngayon. Or maybe he's just being genuine.
Madaling sabihin ang reaction ni Mum pag-upo namin ni Clark sa harapan niya: wala siya sa mood.
Sigurado akong hindi niya gustong makita si Clark o kahit ako sa kahit anong araw o oras sa ngayon, pero tinanggap pa rin niya kami bilang bisita.
Himala ngang wala akong narinig na "Clark, darling" mula sa kanya, e favorite line niya na yata 'yon ever since paboran niya si Clark.
"Tita, puwede na po kaming ikasal ni Sab?" masayang tanong ni Clark, yung klase ng saya na parang pupunta lang kami sa amusement park kaya nagpapaalam.
"Clark, darling . . ." Ah, the magic word, but less than its usual magic as it sounded.
"Nag-okay na po si Mami, di ba po?"
Mum let out a sigh and glanced at me with bored eyes before she went back to Clark. "Are you sure you want to do this?"
"Opo!" Excited na tumango si Clark at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. "Mag-aaral po akong mag-work. O kaya tutulungan ko na lang po si Sab sa ginagawa niya. Tinutulungan ko po siya maglaba saka magsampay saka mag-pack ng damit bago po i-deliver. Sabi po ni Mami, may pera naman daw po ako sa bangko. 'Yon po muna ang gagamitin ko habang tinutulungan si Sabrina kahit nasa bahay lang kami. Papatulong na lang po ako kay Mami kunin 'yon sa bank."
Really, I adored Clark's genuine reasons recently. Yung ramdam namin ang sincerity niya over his responsibilities, and he wanted to provide the best for everyone kahit pa alam namin na madali lang sa kanyang i-reason out na "Hindi pa ako physically okay kaya bahala na muna kayo sa mga buhay n'yo." Yung aware naman kaming bata pa ang utak niya, pero gusto niyang mag-adjust agad para hindi na kami mahirapan pa.
Nalulungkot ako, and at the same time, masaya ako na kahit ang gulo na ng situation, ako pa rin ang pinili at pinipili niya. Hindi madali, pero siguro nga, it's the epitome of the vow na "for better or for worse" and I felt that to the bone.
"Nag-usap na kami ni Pia," seryosong sagot ni Mum. "I told her na garden wedding na lang ang gagawin . . . dito sa mansiyon."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Clark at nabawasan ang tuwa ko sa sinabi ni Mum.
Basically, she was implying na low cost at private ang magiging kasal. And private means kami-kami lang din ang makakaalam.
"Pinipili na namin ang iimbitahan, at . . . baka nasa twenty or thiry visitors lang ang padadaluhin."
Ilang segundo lang ang kinailangan ni Mum para pasamain pang lalo ang loob ko sa kanya.
Alam ko at aware ako kung gaano kaengrande ang kasal na gusto niya para kay Kuya. Ultimo kasal nga ni Leo, ginastusan niya nang sobra. Tapos sa kasal ko, maliban sa bahay na nga lang gagawin, kaunti pa ang invited? E, family pa lang ng buong barkada ni Clark, nasa 30 plus na.
"I hope it's okay with you," Mum said to Clark, and I wanted to tell her that it wasn't okay with me.
"Okay lang po, Tita! Kahit saan po, pakakasalan ko si Sab, basta puwede."
My disappointment left my system that instant after I heard Clark's answer. And seeing his smile at Mum, telling her that he would marry me anywhere as long as it was possible and allowed made me wonder if I deserved someone like him.
"I'll call Mathilda to fix everything," Mum said, and that closed their deal—at last.
♥♥♥
Mathilda was busy last April kasi full ang schedule niya. Tumanggap na siya ng ibang project after learning what happened to Clark. And like me, she assumed na walang matutuloy na kasal kasi nga, naaksidente ang pakakasalan ko.
Kaya nga pagkakita sa kanya ni Clark, hindi na ako nagulat kung bakit natulala 'to pagkakita sa kanya. Hindi naman siya mukhang drag queen. Naka-makeup siya na light aside sa namumutok na dark red lipstick. Naka-dress din siya na square-neck pero masyadong mababa kaya kita ang cleavage hanggang kalahati ng dibdib. Bright yellow bodycon dress 'yon na knee-length ang haba kaya lalo pa siyang nagmukhang mestiza sa kulay.
"Tita already told me na hindi ka pa okay, like . . . really okay. And you're fourteen, mentally," Mat said to Clark, and he was still agape.
"Clark," I called out.
"Matthias?" he said to Mat.
"Mathilda," Mat corrected.
Clark blinked so many times just to check if his eyes were not tricking him. "Mat . . . hilda."
"I have boobs," Mat said, cupping her larger-than-mine breast. "You can touch it."
"Pass," Clark immediately said.
Mat just rolled her eyes, as if she were offended by Clark's rejection of touching her breast.
"I'm not a freak, Clark."
"Hindi ko naman sinasabing freak ka. Ayoko lang hawakan ka sa dibdib kasi masama 'yon."
"May consent ko naman."
"Okay na 'ko sa kamay." At nakipagkamay nga si Clark gaya ng ginawa niya kay Leo noong nagpakilala siya. "Nice to meet you again, Mat. Ang ganda mong nilalang."
It was visible to see Mat's annoyed reaction kasi nakipagkamay lang talaga si Clark sa kanya. Samantalang kung ang dating Clark ang kasama namin, malamang na yakap na siya nito habang hinahalik-halikan sa pisngi bilang greeting. Bubuhatin pa siya at tatanungin kung sino na naman ang mga gagong nang-harass sa kanya recently para mabalikan agad at makaganti.
Unfortunately, the Clark now didn't know that.
"Tao pa rin ako, Clark. Nagpa-sex change lang ako," sarcastic nang paliwanag ni Mat sa kaibigang naninibago sa itsura niya.
"Alam ko rin naman. Nagulat lang ako," depensa ni Clark. "Saka hindi na kita kailangang hawakan sa dibdib, thank you sa offer. Loyal ako sa dibdib ni Sabrina, kanya lang hahawakan ko."
"Hoy!" sita ko.
"Hahaha! Oh my gosh!"
At talagang pinandilatan ko lang si Clark na matipid na nakangiti sa amin, parang wala lang ang sinabi niya kay Mat!
"Naloloka ako, my golly!" But that broke the building barrier between them kasi nawala ang annoyance ni Mat kay Clark.
"Bibig mo!" Nahampas ko tuloy si Clark sa braso.
"Bakit?" tanong pa niya!
"Okay! Okay! That's it! Hands off!" Mat said, waving her hands in the air like it will stop everything for us. "You know, Clark, alam naming lahat na kailangan mo pang mag-adjust, pero nandito na tayo sa we have to do this smoothly. Ready na ba kayong dalawa for the wedding?"
"Yes!" Clark answered, cheerfully, and I just smiled kahit naiinis pa rin sa sagot niya kay Mat.
"Okay, let's do this!"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top