Chapter 47: Solved

If Clark fails once, he always makes sure he won't fail twice. It was an unspoken truth about him that not all could notice.

He tried to make up to me because of the last, last night's epic failed sexy night. And as usual, he delivered. What should I expect anyway?

Ayaw niyang masyado akong napapagod sa kitchen. For sure, aware siyang hindi talaga ako taong kusina, so he prepared our breakfast as early as six. His old self would probably spent our morning sa bahay ng kumpare niya para makikain at iri-reason out na dadalawin si Luan o kaya manghihiram ng damit kay Kyline. Anything basta may dahilan para walang magluto sa aming dalawa.

Naabutan ko siya sa kitchen na nanonood ng cooking video sa phone—which was a surprise kasi hindi ko ine-expect na ganoon siya kabilis matuto sa paggamit ng gadget na eighteen years ang tanda sa kanya. Pero naabutan naman niya ang Friendster and Yahoo so I guess, he's not new to "technology".

"Are you sure, okay 'yang kainin?" tanong ko habang pinanonood siyang maggisa sa pan.

"Fresh pa naman sa isip ko ang home economics. Madali lang namang magluto."

"Kuya is a nice cook, though."

"I didn't expect na magte-take siya ng ND."

I glanced at him to see his face. He was slightly smiling as he cooked. Nakatambay lang ako sa counter, enough ang layo para hindi ako talsikan ng mantika or something galing sa pan.

"Ano ang ine-expect mo dapat kay Kuya?" curious na tanong ko.

"Sabi niya, gusto niyang mag-take ng management."

"He did. After he graduated sa college, nag-masteral na siya."

"Cool!"

Clark sounded happy naman for Kuya. Though, parang may barrier na sa kanilang dalawa ngayon kahit pa halos magkapatid na nga ang turingan nila sa isa't isa.

"Kuya chose you over his pride. He loves you that much."

Clark smiled at me and nodded. "Expected ko na."

"Ganoon ka ka-confident na pipiliin ni Kuya ang safety mo over his pride?"

He let out a deep sigh and poured a cup of water sa pan at tinakpan 'yon bago siya sumandal sa island na kaharap ng stove.

"Noong unang kita ko sa kanya sa ospital . . . alam ko nang hindi niya gusto ang nangyari." Tumingin siya sa itaas na parang naroon ang ibang linyang sasabihin niya sa 'kin. "Perfectionist si Ronerico. Pero alam ko rin na kapag compromised na ang situation, dini-disregard niya ang perfection over security."

Kahit hindi sinasadya, natawa ako roon nang mahina. "Sounds like we're talking about Mum."

"Magkaugali naman silang dalawa."

"I know, right."

Mum and Kuya had similar characteristics, and most of the time, they always repelled each other. Kaya nga mas madalas akong kampi kay Mum habang pinagtutulungan ang kapatid ko. Yet if I needed my safety net, it was always Kuya na lagi kong tinatakbuhan. I can't lose any of them, but I don't want to choose either. After all, after everything we've been through, this is not my game to play. I was just bait for their personal intentions. And since I am no longer useful, I have my freedom back. Or I always have my freedom to choose, and I was just afraid to lose a favorable side, which is why I ended up losing everything.

Kyline said kunin ko sa kanila ang packaging materials na order ko. Box lang naman 'yon and some honeycomb set and bubble wraps.

Para sure akong hindi lumalayas si Clark sa kung saan-saan, isinama ko na siya kina Leo para tulungan akong magbuhat.

"Hi, Sab! Good morning!"

"Hi, Ky! Good to see you again!" Nakipagbeso pa ako sa kanya.

"Hi, Clark!"

Nakangiti lang si Clark saka matipid na kumaway. "Hi."

Since Ky didn't get any, "Good morning, Kyline my loves!" greeting from Clark, siya na ang nagkusang lumapit para yakapin ang kasama ko.

"We missed you."

Then I saw how Clark fake his hug from Ky. Nakaangat sa ere at kunwaring niyayakap niya si Kyline, but he wasn't touching her body.

Lumayo na rin si Ky at binalikan ako. Pilit na pilit ang smile ni Clark sa kanya. I could tell that there was a bittersweet moment in there kasi sobrang vocal ni Clark kapag si Kyline na ang pinag-uusapan, and he never cared kahit pa may pamilya na si Kyline at tinatawag pa niyang my loves.

Kahit ako, naninibago. Parang ang lungkot tuloy, kahit pa madalas kong asarin si Clark about her.

"Tara sa loob!" aya ni Ky sa amin saka niya kami dinala papasok sa bahay nila.

Buti pa si Kyline, my gosh!

Samantalang yung asawa niyang napakaantipatiko, kung hindi pa ako sisigaw, hindi ako papapasukin sa gate nila—at sa gate lang talaga!

"Anyway, alam n'yo naman, Wednesday, si Leo ang naka-schedule kay Eugene sa school, so wala siya rito."

"It's okay," I told her. "Much better. Wala akong aawayin."

Pumunta si Ky sa dulo ng kitchen at lumabas sa pintuan sa dulo ng hallway.

"Nining Kwerk!"

Sabay pa kami ni Clark na napatingin sa dining area sa right side. May dala-dala pang kutsara si Luan nang tumakbo sa amin.

"Nining Kwerk! Ipe-pway na tayo?"

Litong-lito naman si Clark kung bakit siya nilapitan ni Luan.

"Uhm . . . anak ni Leo. Ninong ka niyan," bulong ko kay Clark.

"Ah . . ." Tumango-tango naman si Clark at nakayuko lang siya kay Luan, hatak-hatak ng bata ang kamay niya. Saglit siyang yumuko para pumantay kahit paano sa height ni Luan saka nagtanong. "Ano'ng name mo?"

"I am Wuk Anakin Scott, two years owd."

"Wuk?" nalitong tanong ni Clark saka ako tiningala. "Pangalan niya Wuk?"

"Luke Anakin," sabi ko. "Nickname niya yung Luan."

"Oh . . . Star Wars."

"Yeah. You named him, actually."

"Whoah. Cool!" He went back to Luan with a huge smile. "Hi, Luan. Nice to meet you."

Instead of answering, Luan yelled again. "Nining Kwerk!" he raised his both arms and asked Clark to carry him.

I anticipated Clark to look at me para magtanong kung anong ibig sabihin ni Luan, pero wala pang ilang segundo, kinarga na niya ang bata saka nginitian. "Ang cute-cute mo naman."

"Sab!" Ky called, pinapupunta ako sa dulo ng kitchen.

"Sige, wait!" Pumunta na ako roon, at sa dulo ng pinaka-alley ng bahay, may another door pa roon at nasa loob ang storage area nila.

Ang daming iba't ibang stock doon ng packaging materials. Kompleto sana pero parang samples lang din halos lahat. Maybe, sample lang ng ibinebenta nila sa main warehouse na puwedeng ipa-book ng client kung dadaanan sila rito sa bahay nila.

"Ito ang ipinakuha ko yesterday sa storage," sabi ni Ky habang tina-tap ang pre-cut and pre-folded box na paglalagyan ko ng mga damit. "Wala kami ng ibinigay mong size, pero ito ang pinakamalapit doon sa measurements. Two to three centimeters lang naman ang difference sa length, mas malaki itong size namin. Hindi naman siguro problem."

"Ah, no! This is perfect. Thank you so much, Ky!" Inisa-isa ko pa ang mga nasa malaking table nakapatong. Nakatali na rin sa straw ang iba pang kailangan sa set. "Pa-quote ako kung magkano 'to, and kung magkano sa shipping fee. Magpapatulong ako kay Clark mag-pack. By tomorrow, ihahatid namin dito sa inyo para ma-pick up."

"Ay, no worries! Service na namin ang pupunta for same-day shipping."

"That's great! Thank you, thank you talaga, Ky!"

Tatawagin ko na sana si Clark para kunin ang orders ko pero sa kitchen pa lang, dinig ko na ang lutong ng tawanan nila ni Luan.

"Then, ano nangyari?"

"Itutumba siya ng gan'to! Brrrr!"

I saw them talking sa dining table. Luan was telling Clark some story na duda akong naiintindihan ng normal na tao, but he looked so invested on it.

"Ano'ng ginawa ng dinosaur?" curious na tanong ni Clark sa usual baby-talking way niya.

"Grrr! Grrr! Grrr!" Luan growled and showed his claws, then suddenly scratched the table and growled again but a bit louder. "He ate the bad guys!"

"Wow . . . the dinosaur ate the bad guys."

Clark was being nice to Luan, and the kid didn't notice any changes from it. Pero ako, pansin na pansin ko ang kaibahan ng Ninong Clark ni Luan sa Clark ngayon na kasama niya.

The old him was a lot harsher during playtime. Hinahagis-hagis pa nga niya si Luan at hindi tatahimik itong bahay nang hindi sila nagtitiliang magninong.

But Clark was talking so nice right now. The moment na mag-growl si Luan, naggo-growl din siya, palakasan pa sila ng Grrrr! But he was just answering the kid in calm manner. Halatang ibang tao siya ngayon.

If my memory serves me right, before the accident, tinanong ko si Clark kung bakit bulol si Luan. I found it offensive sa end ni Luan na inaasar siya ni Clark na bulol, which was so obvious naman.

He told me na bulol talaga si Luan sa R and L, and Clark was growling at Luan so the kid could practice the R. Since Luan managed to growl properly, paulit-ulit si Clark na pina-practice ang bata na magsalita para masanay sa proper tongue movements. Madalas kasing tahimik si Leo at ayaw ng maingay. That was the main reason kaya niya dinadaldal si Luan, kasi yung tatay, hindi madaldal. Itong si Kyline naman, bine-baby talk pa si Luan, so lalong hindi napa-practice. Ayaw niyang maging defect paglaki ni Luan ang pagiging bulol magsalita.

Hindi lang talaga halata ang mga effort ni Clark kasi mukha lang siyang gumagawa ng kalokohan, but those small gestures creates huge impact para sa inaalagaan niya.

"Clark." Sabay pa sila ni Luan na tumingin sa akin. Itinuro ko ang likuran. "Nasa storage daw. Patulong na lang ako."

"Sige, sige." Binalikan niya si Luan saka marahang hinagod ang buhok ng bata. "May kukunin lang si ninong, ha? Behave ka lang dito."

"Opo!"

"Very good."

Maybe everything was still his typical. It was always there. He just . . . adapt to every changes sa paligid niya. Naninibago lang siguro kami kasi alam naming may nagbago talaga sa ugali niya at hindi kami sanay. Pero halos lahat ng kilos niya, nandoon pa rin ang nakasanayan naming siya.

Kinuha na niya ang orders ko, at mahihirapan na siyang magpaalam kay Luan dahil ang dami na niyang dala. Mabuti na lang talaga at kapitbahay lang namin sila. Hindi mahirap mag-uwi nang walang gamit na sasakyan.

"Baby, uuwi na muna sina ninong, ha?" paalala ni Kyline habang buhat na ang anak niya.

"Nining Kwerk, ipe-pway tayo bang bang bukas?"

Ang lapad ng ngiti ni Clark, buhat sa magkabilang kamay ang nakalatag na karton at iba pang materials na malalaki.

"Magpe-play tayo bukas. Babalik ako rito," nakangiting sabi ni Clark.

"Yehey!"

Pagdating namin sa gate, pilit na bumibitiw si Luan sa mama niya.

"Baby, huwag ikaw malikot."

"Iki-kiss si Nining Kwerk, e! Di niya ako iki-kiss."

Natawa naman nang mahina si Clark saka binalikan si Luan. Saglit pa niyang ibinaba ang ilang dala niya para hindi makasagabal.

"Ba-bye na si Ninong Clark kay Baby Luan."

Baby Luan.

Kung maririnig 'yon ng 32-year-old Clark, nai-imagine ko na ang disgust niya sa "Baby Luan" name compared sa "Wuwan".

Hinawakan ni Clark ang bata sa may batok saka niya hinalikan sa tuktok ng ulo. "Ingat po kayo rito, Ate," paalam niya kay Kyline na sabay naming tinawanan.

"Oh my God, you said 'po' and 'ate' to me. I feel so old," Ky said, and shook her head while giggling.

Pareho kaming nakangiti pag-uwi sa bahay. Ang ganda pa naman ng araw ngayon kaya masarap mag-work.

"Ang cute-cute ng anak nina Leo, 'no?" sabi niya pagpasok namin sa loob.

"Pero tiyanak 'yon."

"Bakit naman tiyanak? Mabait naman, a."

"Sa 'yo lang 'yon mabait. Kahit nga tatay n'on, sinusungitan niya."

Dinala na ni Clark ang mga bitbit niya sa billiard area kung nasaan nakasampay ang mga ipa-pack naming mga order.

Sabi ko, i-ready niya ang working area namin habang inaayos ko sa laptop ang lahat ng records ng mga nakapagbayad na at shipping details nila.

Nasa living room ako nagtatrabaho nang biglang bumukas ang pinto ng bahay kahit wala naman kaming naririnig na nag-doorbell. Eksakto pang nakatalikod ako sa pintuan at nakaharap sa library.

"Clark!" malakas na sigaw mula sa pinto, at kahit hindi pa ako tumitingin, alam ko nang si Kuya ang sumigaw.

Huminto muna ako sa ginagawa at saka tiningnan ang pintuan. Sarado na 'yon at kompleto na naman ang barkada ni Kuya sa loob. Pero isa lang ang sure ako, hindi maganda ang pakay nila ngayon.

"Nasaan na 'yon?" galit na tanong ni Kuya.

"Dude, easy ka lang!"

Kuya didn't say anything, dinuro lang niya si Calvin na inaawat siya.

"Clark!" isa pang sigaw niya at lumabas na rin ang hinahanap niya mula sa pinto ng library.

"Bakit?"

Kahahakbang pa lang ni Kuya nang harangin na siya ni Leo at ni Calvin nang magkasabay.

"Ayoko ng gulo, Rico," warning na ni Leo kay Kuya, dinuduro na ang kapatid ko.

Inatake na ako ng kaba kasi sobrang dalang kong makitang ganito kagalit si Kuya na nanlilisik ang mga mata niya. Madalas naman siyang iritable, pero hindi ganito.

"Bakit?" tanong ulit ni Clark at lumapit na sa amin.

"Ano yung ibinigay mo kay Mum?" nagtitimping tanong ni Kuya.

Pati tuloy ako, nalito.

Anong ibinigay kay Mum?

"Ah . . . yung files ba?"

Pati tuloy ako, napatalikod para lang tingnan si Clark kung tama ba ako ng narinig mula sa kanya.

"Hinihingi ni Tita kaya ibinigay ko. Sabi niya, puwede na raw kaming ikasal ni Sabrina sa June kasi okay na raw ako sa kanya."

"Argh!" Nakarinig kami ng natumbang bagay sa sahig at paglingon ko, ibinato pala ni Kuya ang isang ottoman doon. "Di ba, nag-usap na tayo?" pigil na tanong niya kay Clark. "Ang sabi ko, ako na ang bahala! Bakit umeksena ka na naman!"

Si Leo na ang humaharang sa kapatid kong parang puputok na ang ulo sa sobrang pula, naglalabasan na ang ugat niya sa noo at sa leeg.

Paglingon ko kay Clark, parang wala lang sa kanya ang galit ni Kuya.

"Alam kong tama lang ang ginawa ko, Ron. Para sa 'yo rin 'yon at para sa 'min ni Sabrina."

"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo, ha?"

"Oo. Lahat naman ng ginagawa ko, alam ko."

Kahit si Kuya, natigilan sa pagiging kalmado ni Clark, when most of the time, sa ganitong pagkakataon, tinatawanan lang ni Clark lahat; walang pakialam kung sumabog ang kapatid ko sa galit.

"Hindi mo kailangang magalit sa 'kin dahil lang ibinigay ko kay Tita ang hinihingi niya."

"Dude . . ." Kita ko ang disappointment sa mukha nina Patrick. Parang kahit sila, hindi rin nagustuhan ang ginawa ng kabarkada nila. "Akala ko ba, may plano? Bakit hindi ka sumunod?"

"Titigilan na kayo ni Tita Tess, sure ako diyan."

Maging sina Will, napailing na lang sa kanya. "Dude, sinabi na ni Tita na nakita na niya ang records. Alam na niya kung saan galing ang laman ng bank account ni Early Bird."

"Dapat lang na malaman niya kasi kailangan niyang malaman 'yon," kampanteng sagot ni Clark. I know his calmness wasn't helping the situation.

Kuya was gritting his teeth, eyes closed, and clenching his fist in the air, parang ready nang manuntok.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, mga buddy," dagdag ni Clark. "Pero kailangan kong gumawa ng paraan."

"Kaya isinuko mo lahat ng pinaghirapan natin nang hindi nagsasabi sa 'min," galit na katwiran ni Kuya.

"Wala naman akong isinuko."

Feeling ko, nagkaroon ng question marks ang ibabaw ng mga ulo namin pagkatapos ng sinabi niya.

Kasasabi lang niya na nagbigay siya ng files kay Mum at nalaman na ni Mum ang sources ng hidden bank account ng kapatid ko, tapos wala siyang isinuko?

"Wait, nalilito ako," sabi ni Will at pumagitna na sa lahat. "May files na si Tita, right?"

"Oo," sabay pang sagot nina Kuya at Clark.

"Alam na rin ni Tita kung saan galing ang laman ng account."

"Oo," ulit nina Kuya at Clark.

"So, malalaman na rin ni Tita na galing sa pustahan ang laman ng bangko na 'yon."

"Oo."

"Hindi."

Nagsalitan agad ang tingin namin kina Kuya at Clark kasi magkaiba na sila ng sagot.

"Wait! Wait! Wait!" Kahit si Patrick, gumitna na. May sasabihin dapat siya pero hindi niya naituloy at ang nagawa na lang ay ituro ang kapatid ko at si Clark na nasa likuran ko lang.

"Ipinatawag ako ni Mum sa office niya today and she said she's disappointed in me," Kuya explained. "She saw the records of that bank and she couldn't believe na bata pa lang ako, ginagawa ko na 'yon. At hindi ko sila kinonsulta ni Daddy."

Tumango naman sina Patrick kasi parang nakaka-relate yata sila.

"For what reason?" kalmado pa ring tanong ni Clark.

"Ano pa bang reason, wala namang ibang reason na mahahanap si Mum kundi yung pagka-casino natin!" galit na sigaw ni Kuya.

"Actually . . ." Tinalikuran kami ni Clark at umakyat siya sa office area niya sa gilid ng library. Kinuha niya roon ang laptop niya at saka inilapag sa center table. Binuksan niya 'yon at may binuksan siyang drive na puro records ang laman.

"Shit."

All of us were looking at the screen, showing a set of financial statements and other records na sure akong ito ang hinahanap sa kanila ni Mum.

"Dude, bakit mo ibinigay kay Tita?" dismayadong sinabi ni Patrick kay Clark.

"Hindi na niya hahabulin si Ron sa records. At baka kayo rin." Then Clark opened a site—it was a dark and reddish website with a red flower in it as the logo, and I almost dropped my jaw after seeing the naked bodies of men and women there and some porn ads.

"Dude, hindi 'yan ang ipinunta namin dito," naiinis nang sermon ni Leo sa kaibigan niya, at halatang wala siyang pakialam kung may makita siyang nakahubad sa screen.

"Ay, putang ina!"

Napatingin kami kay Will nang ituro niya ang screen habang kinakalabit si Kuya.

"What?" Kuya was so annoyed, pati si Will kinagagalitan na niya.

Pagsilip ko sa screen, "Oh my gosh, Kuya! May nudes ka?!"

"Shit, 300 thousand para sa nudes ni Early Bird?"

Halos talunin ni Kuya ang laptop ni Clark at saka iyon ibinagsak sa pagsara. Pinandidilatan lang niya si Clark na nakangisi lang sa kanya.

"Nakalagay sa records na galing sa paid porn site ang laman ng bank account. Bumili si Tita Tess ng isa mong naked photo, at nakatanggap siya ng receipt. Taxable din ang receipt at naka-record sa China ang income kaya basically, legal siya," paliwanag ni Clark sa amin. "Hindi naman kailangang i-check ni Tita lahat ng earnings per fiscal year. Kailangan lang niyang malaman kung saan ang source. Mahal ang payment sa porn stars and other sex workers kaya sarado na 'to ngayon. Okay na kayo kay Tita Tess. Disappointed siya, but it's better than seeing the truth."

Napaupo sina Patrick sa couch habang nakanganga lang.

Ako, gusto ko rin sanang ma-shock pero mas curious ako sa website kaya pasimple kong binuksan para silipin.

"Wow . . . ang laki."

"Sabrina," sermon ni Kuya sa akin kaya isinara ko ulit ang laptop saka nagtago sa likod ni Clark.

"Puwede na kayong huminga," sabi ni Clark sa kanila. "Magbabalot pa kami ni Sab ng damit kaya doon muna kami sa kabila."




♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top