Chapter 44: Warmer
It was the end of April, and Patrick's birthday wasn't even celebrated kahit January pa lang, nagpaplano na silang lahat ng gagawin sana.
Clark's recovering from the car accident, and there were times na nasa kalagitnaan ng usapan, bigla siyang humihinto tapos para siyang naglo-loading. May mga pasa pa rin siya, pero nag-subside na ang iba. Lightly darkish na lang ang right cheek niya at mas attentive na rin siya gaya noon.
Clark never mentioned what it was na pinag-usapan nila ni Mum. Basta ang lagi lang niyang binabanggit, kinumusta siya ng mommy ko at ibinalitang may ilegal na ginagawa si Kuya. But about the marriage thing at sa pipirmahan dapat niyang mga papeles, ni isa sa mga 'yon, wala kaming narinig sa kanya. And if wala ako roon na nakarinig, baka wala rin akong idea na nilapagan na siya ng offer ni Mum na pipirma siya sa dokumentong sure na maglalaglag sa kanila ni Kuya.
Whatever it was na gustong papirmahan sa kanya ni Mum, sure akong sinasamantala ng mommy ko ang chance ngayon kasi unstable si Clark para pumirma nang hindi na nire-review ang pipirmahan. Pero mukhang matagal nang mautak si Clark at hindi siya maisahan ng mommy ko. Hindi na bumalik si Mum sa hospital after that first visit. And it was weird for me kasi kung talagang walang masamang plano si Mum at against siya sa ginagawa nina Kuya at Clark before this, bakit parang mas takot siyang malaman ni Clark ang dapat nitong pirmahan, knowing na kung tutuusin, malaki ang possibility na hindi nito maintindihan ang documents na 'yon.
Or maybe . . . ever since then, she just knew that Clark wasn't someone she would want to mess with and still have the upper hand while playing. After all, hindi naman siguro magiging favorite son si Clark just because madaldal siya. I knew Mum well. She won't make an enemy to someone na sure siyang kaya siyang pabagsakin.
Every time na tumitingin ako sa feeds, nakikita ko ang greetings sa akin kasi announced na ikakasal kami ni Clark. Aware silang nasa ospital kaming dalawa at bantay ako, but it just made more noise kasi romanticized ang effort ko to take care of my soon-to-be husband while he wasn't in good condition. Parang epitome of pure love na in sickness and in health ang logic.
"By tomorrow, we can go home na raw sabi ng doctor," I told him.
I was staring at Clark's reaction while we were eating our breakfast together.
"I missed school," he said, far from the answer I was expecting.
"The last time you went to school was twelve years ago pa."
"Ang tagal na pala . . ."
Oatmeal and soft fruits lang ang breakfast namin for today, and it was easy to eat kaya ubos na agad niya ang kanya. Ako, ang tagal kumain kasi gusto ko ng ibang pagkain talaga.
"Langga . . ."
"Hmm?"
"Si Tita Tess . . ."
Napahinto ako sa pagsubo at napatingin sa kanya. "Ha?"
"Hindi ko matandaan kung kailan . . . pero parang may sinabi siya sa 'kin . . ."
"Na?" Naibalik ko tuloy ang kutsara ko sa mangkok.
"Kapag may nalaman ako, sabihin ko agad sa kanya."
"Ah." Well, narinig ko na 'yon kay Mum bata pa lang ako. 'Yon nga lang ang dahilang alam ko kaya nga tambay sa bahay namin si Clark para magbigay ng tsismis sa mommy ko.
"What if . . ."
Ito na naman si Clark sa mga what if niya mula pa last week. From assuming na nag-time travel daw siya, until now, may what if pa rin siya.
Pero parang hindi na siya si Clark kung hindi malikot ang utak niya sa napakaraming bagay.
"What if . . . kaya gustong makuha ni Tita Tess ang hinahanap niyang documents ay dahil sisirain niya 'yon para hindi mahuli ang kuya mo?"
Napatitig tuloy ako sa kanya habang nakatulala lang siya sa sahig ng kuwarto.
"Kasi sabi niya . . . hindi niya hahayaang makulong si Ron. Sinabi ko nang isuko na lang niya si Ron sa mga pulis pero hindi siya pumayag. What if . . . kailangan niya ang mga document . . . para i-discard? Para wala nang ebidensiya na mahuhuli ang anak niya?"
"Clark . . ." pag-awat ko.
"Hindi kikilos si Tita nang mapapahamak ang mga anak niya . . ." Kumuyom ang mga kamao ko habang nakikitang pinapagpag ni Clark ang hangin gamit ang dalawang kamay. "Ano'ng meron doon sa mga document . . . ?"
"Clark, don't force yourself, please."
"Gusto kong makita ang mga document . . . kailangan ko 'yong makita."
He kept on repeating about those documents na hinahanap sa kanya ng buong barkada, at si Mum na may pinipilit pang ipagawa sa kanya. At naiinis ako sa kanilang lahat kasi parang wala silang consideration na nakita na nga nilang hindi pa siya okay, tapos kung ano-ano pa ang gusto nilang hingin sa kanya.
And what was worse? Jaesie came in an awkward time. It was almost sundown when she came sa hospital room ni Clark—na sana man lang hinintay niyang makalabas na lang ng ospital kaysa yung pupunta siya nang sobrang alanganing oras.
May dala akong dinner at walang ibang kasama si Clark sa room niya. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang makita kong bukas na 'yon nang bahagya. Mula sa glass window ng pinto, nakita ko si Jaesie na kinakausap si Clark, and this was the first time she visited him after a month of staying dito sa hospital.
"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, Clark," Jaesie said, and her tone was mad. "Ni hindi makatulog nang maayos ang asawa ko kasi iniisip niya, fault niya kaya nandito ka. If this is a joke—na nagkukunwari ka lang na wala kang maalala just to escape Mum—I'm telling you, hinding-hindi kita mapapatawad."
Unlike with Mum, I had the courage to enter the room para pigilan si Jaesie sa ginagawa niya.
"Jae, puwede ba! Tigilan mo nga si Clark!"
Ang talim ng tingin sa akin ni Jaesie nang balingan niya 'ko. "Alam mo ba kung ano'ng nangyayari sa kuya mo, hmm?" sumbat niya sa 'kin. At naghahalo na ang galit at lungkot sa mga mata niya habang sinasalubong ang mga mata ko. "Ni minsan ba, natanong mo ang kuya mo kung kumusta na siya?"
I wanted to shout at her, but there was a huge lump in my throat na pinipigilan ako para makipagsagutan sa kanya. My eyes started to form tears, and I attempted to speak, but I only managed a whisper just to say the words. "Hindi fault 'to ni Clark . . ."
"Sigurado ka?" hamon niya sa 'kin. "Araw-araw, tinatanong ako ni Rico kung saan siya nagkamali." Nakikita kong nangingilid ang luha niya pero hindi 'yon hinahayaang tumulo ng tapang na meron sa mga tingin niya sa 'kin. "Hindi niya alam kung susuko na lang ba siya kay Mum para matapos na lang o ilalaban pa rin 'to kasi umabot na sila sa point na 'to na may muntik nang mamatay sa kanila."
"Hindi fault ni Clark kung naaksidente siya!" sigaw ko at hindi ko na napigilang iyakan siya.
"Fault niya!' sigaw rin ni Jaesie sa akin. "Alam nating pareho na hindi reckless driver si Clark! Alam nating hindi siya basta aalis sa kasal ni Leo dahil hinintay nila 'yong kasal na 'yon, matagal na panahon na! At kung ginagawa niya 'to para lang i-guilt trip si Mum, puwes, huwag niyang idamay ang asawa ko!" Tiningnan pa niya nang masama si Clark bago siya umalis sa kuwarto at pabagsak na isinara ang pinto.
Hindi ko na napigilan, humagulhol na ako paupo sa upuang katabi ng pinto.
Ramdam ko ang galit at bigat na dala ni Jaesie. Totoo rin, hindi ko kinumusta ni minsan si Kuya maliban sa magtatanong ako kung nakausap na ba niya si Mum. Kuya is a strong man and I expected him to stand firm dito sa issue na 'to, but I never assumed na hindi rin madali sa kanya ang nangyari sa kabarkada niya.
"Langga . . ."
Mabilis akong nagpunas ng mga mata saka lumapit sa kanya. "She's just being selfish. Huwag mo na lang siyang pansinin," paliwanag ko.
"Asawa pala siya ni Ron."
"Hindi mo sila kailangang pakinggan."
I wanted to suppress everything, but I ended up crying a lot kasi bigat na bigat na ako sa mga nangyayari. Parang hindi kami pinagpapahinga ng lahat.
"It's okay," Clark said, and he hugged me to give me the best comfort I need. He tapped my leg gaya ng lagi niyang ginagawa para patahanin ako. "Kapag okay na 'ko, gagawan ko 'to ng paraan. Para hindi na sila magagalit . . . saka para hindi ka na rin iiyak."
I felt sad for Clark kasi pinipilit siya ng lahat na maalala ang mga nangyari before the car accident pero tingin ko naman, kung totoong nagkukunwari lang siya, baka hindi siya magtatagal sa ospital nang isang buong buwan.
Importante sa kanya ang work. Ang dami niyang ginagawa every day. I doubt na pipiliin niyang magkunwari para lang biruin kaming lahat.
Tinatanong na niya ako kung ano ba ang nangyari bago ang aksidente. Kapag dumadaan sina Will, nanghihingi talaga siya ng detalye kahit pa hindi niya naiintindihan ang sinasabi sa kanya.
Ako ang nahihirapan kasi masyado na niyang pinupuwersa ang sarili niya sa lahat ng gusto nilang mangyari.
Sina Tita Pia ang naghatid sa amin pauwi sa bahay ni Clark sa West. May edad na si Tita at naaawa rin ako na parang bumabalik ang dating lungkot nila noong naospital din ang anak nila dahil sa akin.
"Mami, sabi ni Tita Tess, may papapirmahan daw po siyang papers sa 'kin para daw ikakasal na kami ni Sabrina."
Mula sa kitchen, narinig ko ang pag-uusap nila sa may library. Nagluluto si Tita Pia ng pagkain namin, at kahit nasa Quezon City siya nakatira sa ngayon, kung kakayanin, baka dalaw-dalawin niya ang anak niya rito sa Alabang na sobrang layo sa lokasyon nila.
"Anak . . . baka puwedeng . . . i-postpone muna?" mahinahong pakiusap ni Tita Pia, at bahagyang sumakit ang puso ko dahil doon. Hagod-hagod niya ang buhok ni Clark habang binabantayan din ang nilulutong pagkain sa stove.
"Pero next, next month na daw 'yon, Mami," malungkot na sagot ni Clark.
"Baka kasi hindi ka pa ready, anak."
"Mag-aaral akong mag-work, Mami, promise. Para puwede kong alagaan si Sab nang kami lang."
Kapag ganito si Clark, hindi ko talaga mapigilang maiyak. We've been through a situation where he wanted me to say no to marrying him. He even told me na marami siyang reason not to marry me, and now . . .
If he waited for sixteen years for the chance to marry me, maybe I could wait for sixteen more for him to come back to his usual self.
"Pag-iisipan ko, anak, ha? Hindi muna ako mangangako," malambing na sagot ni Tita Pia at hinalikan niya sa ulo si Clark. Napaiwas ako ng tingin sa kitchen saka nagpunas ng sariling luha.
We came from a situation where everyone was saying yes to us while we said no. And now, we wanted to say yes to each other, yet everyone insisted that it wouldn't work right now.
Never talagang nagtugma ang sitwasyon naming dalawa.
Kasabay namin si Tita Pia mag-dinner. Mga bihirang pagkakataon mula pa noong magkaisip ako.
"Hindi ka ba nahihirapan kay Clark, hija?" biglang tanong ni Tita kaya nakasulyap ako sa kanya.
"Hindi naman po, Tita."
"Kung hindi madali, magpapakuha ako ng nurse."
"Okay lang po. Hindi naman po siya mahirap alagaan."
Napatingin ako sa ibaba nang maramdaman kong tinapik-tapik ni Clark ang kaliwang hita ko. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti naman siya sa 'kin.
"Nag-uusap pa kami ni Tessa kung ano ang gagawin sa inyong dalawa."
"Okay po."
"Gusto ko sanang maging malinaw muna tayo para . . ." Huminga muna nang malalim si Tita kaya napagaya tuloy ako. "Para din hindi tayo umaasa sa naunang plano."
"Okay lang po, Tita." Lalo lang akong kinakabahan kasi alam kong hindi kalmadong makipag-usap si Tita kapag hindi anak niya ang kausap niya.
"Hindi pa okay si Clark kaya ang sabi namin ni daddy niya, kapag hindi pa rin siya okay by first week of June, walang wedding na mangyayari."
Huminto ang pag-tap ni Clark sa hita ko sa sinabi ng mommy niya.
"Kilala mo naman kami, hija. Maluwag kung maluwag kami kay Clark kasi ayaw naming pilitin siya sa hindi niya gustong gawin."
"Pero, Mami . . ." gulat na sabi ni Clark paglingon sa mama niya.
"Anak," pakiusap niya kay Clark, "hayaan mo munang gumaling ka. Makakapaghintay ang kasal."
"Pero gusto ko pong kasama si Sabrina."
"Puwede naman, anak. Dito muna siya sa 'yo sa ngayon pero dapat uuwi pa rin siya kay Tita Tessa mo. Dadalaw si Mami dito para may pagkain kayo lagi, okay lang ba?"
"Papagaling agad ako, Mami, para puwede na si Sab dito lagi."
Ramdam kong masaya si Clark sa mga sinasabi niya kay Tita, pero ramdam din namin ni Tita ang lungkot ng isa't isa sa kabila ng saya nito. Para kasing wala kaming ibang choice kundi mag-agree na lang sa kaya naming i-compromise sa ngayon.
Ang hirap mag-adjust.
It was already nine in the evening. Umuwi na rin si Tita Pia after siyang sunduin ni Tito Ferdz galing sa station. Kitang-kita ko ang pagkabilib ni Clark sa buong bahay niya—doble pa sa bilib ko noong unang tapak ko rito.
Tingin ko nga, lahat ng pinangarap niya noong bata pa, nandito talaga sa bahay niya. Kada kita niya sa mga kakaibang display, laging may kasunod na "Gusto ko talaga ng ganito noon." O kaya "Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganito sa bahay."
Clark fulfilled his dreams when he was a kid, and I could see that if he would really go back in time, for sure, sasabihin niya sa fourteen-year-old self niya na, "After eighteen years, lahat ng pinangarap mo, Clark, magkakaroon ka talaga." And I'm happy for him.
"Wow . . . I have a tattoo." He was touching his left chest—doon sa mystery tattoo na until now, hindi ko alam ang meaning. Nakaharap kami sa floor-to-ceiling mirror niya sa bathroom kasi tutulungan ko siyang maligo.
"Yeah."
"At hindi ako pinagalitan ni Mami."
Natawa ako nang mahina sa sinabi niya. "Yeah."
"Gugma . . ." Napatingin ako sa kanya nang basahin niya ang tattoo sa dibdib habang iniisa-isa ang mga hindi maintindihang sulat doon. "Langga . . ." Natawa siya nang mahina saka tumingin sa akin. "Akong gugma kanimo way katapusan, Langga." (My love for you is endless, my love.)
And there I was, jaw-dropped because he just read the tattoo na parang never niyang babalakin talagang aminin sa akin kahit pa ibaon ko siya sa ilalim ng lupa.
Now, I'm sure na hindi siya nagkukunwari na wala siyang maalala kasi never niyang sinabi ang meaning n'on kahit pa naka-ilang I love you na siya sa 'kin!
"What if . . ." Ito na naman siya sa what if niya. "What if bumalik ang 32-year-old self ko sa 14-year-old self ko tapos . . . sinabi niyang ikakasal tayo sa future . . . kaya nandito ako . . . tapos . . ."
Inawat ko na siya kahit napapangiti ako sa mga theory niyang sobrang imposible namang mangyari. "Tama na, Clark. You didn't time travel okay?"
"What if, di ba?"
"Back to the Future is not real. May impact lang sa brain mo ang nangyari sa car accident. Tara na, maliligo ka pa."
"What if I already love you right now before it happens right now?" dagdag niya habang iginigiya ko na siya papasok sa shower area. "Ibig kong sabihin, what if alam na ng 14-year-old self ko na makikita kita sa ganitong age mo someday so expected ko nang ikakasal tayo someday. That's why I love you first before I realized it."
"Clark, you're overthinking." Then I stopped for a moment kasi parang line 'yon ni Clark sa 'kin.
"What if . . . !"
Natatawa na ako sa kanya kasi pang-ilang what if na niya 'to.
"What if ano?" nakangiting sabi ko.
"What if I go back in time—I mean, sa time ko then I forget about you?"
"Kasama mo 'ko until mag-ten ako," paliwanag ko sa kanya.
"Until mag-ten? What happened after that? Saan ako pumunta?"
"Hindi ikaw. Ako. Nagpunta ako sa US noong before akong mag-eleven."
"Oh . . ." Nawala ang agitation niya at natitigan ako sa mga mata. "So . . . I had to wait for . . . sixteen years . . . to be with you?"
"Yeah."
"So . . . if hindi pala ako makakabalik sa past, maghihintay ulit ang 32-year-old self ko ng another sixteen years para makita kita?"
"I'll marry you someday. I waited for sixteen years and I could wait for another more."
Fuck. Ayokong bilhin ang mga what-if lines niya kahit pa ang weird na nagme-make sense ang mga 'yon.
Nakakabaliw!
"Kawawa pala ang future self ko na maghihintay pa ng another sixteen years."
Naluluha na lang ako na natatawa sa mga sinasabi niya. "Clark, please, enough na sa mga what-if, ha? Maligo ka na."
Hindi ko bibilhin ang mga explanation ni Clark, as in. Kahit pa may point, ayokong bilhin. Lahat ng mga what if niya, nagme-make sense more than sa explanations niya before na "Wala, trip ko lang." Yung feeling na mas malinaw pa ang explanation ng young self niya kaysa sa older self niya.
Nakaka-stress siya mag-isip.
May maliit na monobloc chair sa bathroom na ginagamit ko noong nag-stay ako rito kapag naliligo ako. Doon ko pinaupo si Clark habang maingat kong nililinisan ang buhok niya. Hindi pa magaling ang tahi niya at kitang-kita pa rin kahit ilang linggo na matapos tahiin. Ang gamit naming shampoo, yung mild lang para hindi masakit sa balat niya dahil ang tapang ng chemical ng shampoo na gamit niya lagi.
If ever na makakabalik ang brand ko, magpo-formulate talaga ako ng mga product na puwede sa mga recovery patient.
"Langga . . ."
"Hmm?"
"Kailan mo ako hindi na tinawag na kuya?" tanong niya na nakapagpahinto sa pagpunas ko sa likod niya.
"Uhm . . ." Marahan akong bumalik sa ginagawa bago sumagot. "Noong bumalik ako galing US."
"May ginawa ba 'ko kaya hindi na kuya ang tawag mo sa 'kin?"
"Actually . . ." Ang bigat ng buntonghininga ko bago sumagot. "Sa US kasi, hindi common ang 'kuya' kapag tumatawag sa older guy."
"Pero . . . nakabalik ka na sa Philippines n'on, sabi mo, di ba?"
"Yeah. Ano lang . . . hindi lang ako comfortable na tawagin ka pang kuya. Maybe because . . . hindi na rin kuya ang tingin ko sa 'yo."
Naghihintay ako ng sagot sa kanya pero tumahimik lang siya. Hindi ko alam kung masama ba ang loob niya sa inamin ko o ano. Nakatalikod kasi siya sa 'kin.
"Bakit pumayag ka agad noong sinabi ni Mum na ikakasal tayo?" tanong ko sa gitna ng katahimikan namin.
"Kasi . . . malaki ka na," naiilang na sagot niya.
"'Yon lang?"
"Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit. Alam mo 'yon? Yung hindi na utak mo ang sumasagot para sa 'yo. Basta parang oo na agad ang sagot ko kahit hindi ako tanungin."
"You love me that hard?" biro ko. "You always said na ayaw mo ng mga ganoong tanong."
"Bakit?"
"Bakit nga ba? Ikaw ang umaayaw sa tanong, e."
"Hmm . . . baka kaya ayaw ko ng tanong kasi hindi naman siya dapat tanungin."
"Meaning?"
"Gaya ng question ni Tita kung gusto ba kitang pakasalan. Nag-yes na ako kahit hindi ko pinag-iisapan masyado. Ibig sabihin, yung sagot ko, by heart na."
Napangiti naman ako roon. "Pero may pipirmahan ka raw."
"Ah . . . by mind na 'yan dapat. Kasi magagalit si Mami kung puro ako love tapos hindi ako gumagamit ng utak."
"Very good." Pigil ang tawa ko nang sabihin ko 'yon. Linya pa naman 'yon ni Clark sa amin ni Luan.
May five stitches si Clark sa ulo. Bandang itaas talaga, hati noong pagyuko raw niya sa airbag, dumulas doon sa tuktok ng ulo niya ang glass ng windshield kaya doon ang tama. Hindi ko masasabing malaki ang cut, pero kitang-kita ang damage.
Noong nasa ospital kami, punas lang ang kayang gawin ko sa kanya. And now, puwede naman na raw siyang maligo kahit paano, umaasa na ako sa shower head para sundan ng tubig ang katawan niyang dapat linisan.
"Parang dati lang, ako pa ang nagpapaligo sa 'yo," nakangiting sabi niya sa 'kin.
"Bata pa kasi ako n'on."
"Guwapa kaayo ka."
Natawa ako nang mahina roon. "I barely speak Bisaya ever since bumalik ako galing US. Sa Manila na kasi ako madalas."
Nagpatuloy lang ako sa pag-alis ng lahat ng sabon sa katawan niya habang hawak ko ang shower head.
"Parang hindi ka nahihirapan sa pagpaligo sa akin," sabi niya. "Lagi mo ba 'tong ginagawa?"
Kusa akong napangiti nang punahin niya 'yon. "Not really."
"Hindi ka nahihiya, nakikita mo 'kong nakahubad?"
Nanlaki lang ang mga mata ko at idinaan sa ngiti ang sagot. I invoke my rights against self-incrimination.
Tinapos ko na ang paglinis sa kanya saka ko siya inabutan ng towel. "Ire-ready ko na ang panlinis ng sugat mo sa sink."
I don't even know what love is sacrifice really means. Like, to what extent shall sacrifice happen, or what kind of sacrifice shall I have to give or do just to prove that it's love?
Nasanay kasi ako na kapag hiningan ako ng pera, magbibigay lang ako, then it's already an act of love for me. Pero si Clark kasi, wala siyang ibang hiniling kundi maging okay na rin kaming lahat soon, and that was harder than asking for an Air Jordan new release.
Clark is genuine about everything since magising siya sa hospital. He treated everything and everyone as a new experience, and he's glad that he has the chance to see things na hindi niya "nakamulatan" noon. Hindi naman siya nagpapaka-ignorante masyado, but he was learning things gradually kahit may struggle, and I appreciated that even more.
"Langga . . ."
"Hmm?"
"What if—"
"Sshh." Tinakpan ko na ang bibig niya pagtayo niya sa may sink. "Tama na 'yang kaka-what if mo. Lalagyan pa kita ng gamot."
Hindi ko siya abot kapag nakatayo kami. Kapag naman nakaupo siya, sobrang baba naman. Sumampa ako sa marble sink at saktong-sakto lang ang taas ko para lagyan ng gamot ang ulo niya.
"Langga . . ."
"Walang what if, ha," sermon ko.
"Hindi naman. Grabe. Kuwan . . . paano kung—"
"Tinagalog mo lang, e!"
Tumawa naman siya at saglit akong napahinto sa paglalagay ng bendang may iodine sa ulo niya.
"Hindi, bale ano . . . yung kasal sa June . . ."
"Huwag mo munang isipin. Kapag gumaling ka agad, we'll marry each other."
"What if hindi ako gumaling agad?"
"E di . . ." Tinapos ko muna ang pagtakip sa sugat niya sa ulo bago sumagot. "We'll wait until puwede na."
"Gaano 'yon katagal?"
"Until . . ." Huminga ako nang sobrang lalim bago sumagot. "Until matapos lahat ng kailangang ayusin."
And it was an answer with a heavy heart kasi parang sinasabi ko kay Clark ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin before this accident happened. It was like I was explaining him slowly yung lahat-lahat ng pilit niyang ipinaiintindi sa akin before.
Pinatalikod ko na siya paharap sa akin para ayusin sa bandang harapan ang mga tape sa benda niya.
Clark's eyes were full of mischief, but all I see right now are innocent eyes with a genuine smile. The Clark we used to see was way different than what he was during his teenage days.
"Sabi ng doctor, mga two to three months pa ang aabutin bago um-okay ang tahi mo. But it looks better na rin compared sa first weeks na marami pang dried scabs."
Pagkatapos kong ayusin ang tape sa ulo niya, bumaba ang tingin ko sa mga mata niyang nakatitig lang sa akin. Kahit mata niya, marunong ngumiti nang kusa.
"Why?"
"Ang ganda mo talaga lalo sa malapitan."
Kusang ngumiti ang mga labi ko sa sinabi niya. "I know, right."
Sinundan ko ang tingin niya at bumaba iyon sa labi ko. Tumipid ang ngiti niya at biglang gumilid ang tingin, umiiwas. And he really looked cute being so genuinely shy about sensual things.
"You can kiss me," I told him.
His eyes shifted to mine, asking if I was serious about it. Pumikit-pikit pa siya para siguruhin kung tama ba siya ng narinig.
"Ha?" tanong pa niya.
Itinuro ko ang labi ko para halikan niya. "You can kiss me. May permission na 'yan."
"Pero . . ." Pumikit-pikit na naman siya habang nakatitig sa akin.
Natatawa tuloy ako sa reaction niya kasi para siyang bata.
"It's okay, Clark. We're engaged, technically. It's just a kiss."
"Okay." Paunti-unti siyang lumapit sa akin. Bago pa ako makapag-react, idinampi niya ang labi niya sa labi ko saka siya lumayo agad. Hindi pa nga ako nakakapikit, nakangiti na siya sa akin saka nahihiyang yumuko.
"'Yon na 'yon?" tanong ko pa habang hindi sure sa ginawa niya.
Mabilis naman siyang tumango.
Napahinga tuloy ako nang malalim habang nakapikit. That's it. 'Yon na raw 'yon.
"Clark . . ."
"Bakit?"
Huminga ulit ako nang malalim saka siya hinawakan sa magkabilang pisngi. "Tuturuan kitang humalik."
"Ha?"
"Basta sumunod ka lang, okay?"
"Okay."
Inilapit ko siya sa akin saka ko marahang idinampi ang labi ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang init niya habang nagpipigil ng hangin. It was weird that I was instructing him on how to kiss.
"You can breathe," I whispered on his lips.
"Ha—" At huminga nga talaga siya nang malalim as if nasa ilalim siya ng tubig.
I nibbled on his lower lip and lightly tease his tongue. I felt his hands gripping the side of my loose T-shirt and his hard thing under the towel was taunting between my legs.
The soft smooches deepened, and he started to return my kisses, but with hunger this time.
He started to groan and that turned me on without a warning.
"I missed you," I whispered unconsciously in between those kisses.
I would risk whatever I have right now for this moment. Kahit ito lang. Kahit saglit lang.
Para akong binubuhusan ng mainit na tubig mula ulo hanggang paa.
"Sakit," reklamo habang hawak ang bandang puson. And it wasn't a critical hit because of the accident.
"Fuck me."
"Ha?"
"Gusto mong mawala 'yang sakit na 'yan?"
Mabilis naman siyang tumango habang namimilipit siya sa pagkakatayo.
I removed my shirt and I badly wanted to take this heat out of my body right now.
"Saglit," awat niya at tinitigan ang dibdib kong hayag na hayag.
"You watch porn?"
"HA?" Pinandilatan lang niya ako.
"I know you watch porn."
"O . . . o? Pero—"
"First time?"
"O-Oo."
"Nope." I shook my head. "I know you know what we're doing. Muscle memory."
"Saglit, Sab, baka masakit kasi . . ."
Inalis ko ang towel na nakapagitan sa balat naming dalawa at deretso lang ang tingin ko nang hawakan ko ang nakatago roon.
"Sabrina!" mas malakas na niyang pagtawag. Naitukod niya ang kaliwang palad niya sa salaming nasa likuran ko at nakapikit lang siya habang kagat ang labi.
"You like it?"
Imbes na sumagot, kinabig niya ang ulo ko palapit sa kanya at hinalikan ako nang mas mariin. Doon niya sa bibig ko inilabas ang ungol niya habang ramdam ng kamay ko kung gaano siya katigas ngayon.
Habol-habol niya ang hangin nang humiwalay sa akin. Ang pula ng buong mukha niya habang nakatitig sa mga mata ko.
"Bawal 'to, di ba?" tanong niya.
"Not really. Ayaw mo ba? Stop na tayo?"
"Sab . . ."
"Do you trust me?"
I saw how his Adam's apple moved as I waited for his answer.
"Put it inside me," I commanded.
"Hindi ko alam gagawin."
"Kaya tinuturuan ka nga."
I removed my undies and he was too shocked to see my body in full.
"I'll guide you then you push, okay?"
"Okay?" he answered, but I could see in his eyes that he was lost about what we were doing. "Hindi ba masakit 'to?"
I guided his shaft between my legs and my attention was shifting between his eyes, his lips, and his shaft.
"Whoah."
A moan fled from my lips after I felt him inside me.
"You're wet," he groaned.
"Duh."
He was breathing hard and he met eyes. "Mag—" Imbes na ituloy ang sinasabi, tinitigan lang niya ako para magtanong.
"Yeah. Do it. Basta hugutin mo kapag—alam mo na 'yon."
Tumango lang siya nang mabilis saka gumalaw . . . nang marahan.
"Wow. Ang init mo," sabi niya habang nakakailang lunok na. "Nagba-vibrate ka ba?"
"Clark! Faster!"
He did, but he was in panic! "Hindi ko na alam gagawin!"
"Oh my God! Bakit ka ganiyan?"
"Sorry!" Bigla niya akong niyakap saka siya huminto nang hindi hinuhugot. Nanginginig ang braso niya at ramdam na ramdam 'yon ng likod ko.
Ang bigat ng paghinga niya nang parang may nailabas na siyang . . .
"Did you just . . . cum inside me?"
"Hala. Sorry, Sab. Hindi ko sinasadya."
"Claaaark!"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top