Chapter 38: Trust
No.
I couldn't grasp Clark's confession a few minutes ago.
He said he loves me. Sa sobrang shock, hindi ko na alam kung paano magbihis, nagsuot na lang ako ng robe then I stormed out of the room and went to the kitchen para lang kumuha ng tubig.
"Ang pula mo, Ma'am Sab, okay ka lang?" tanong ni Yaya Beth pagdaan ko sa puwesto nila malapit sa ref.
"Ang init ng tubig sa shower," sabi ko na lang saka humatak ng tumbler sa loob ng ref saka lumagok ng tubig nang hindi nagbabaso.
Clark loves me.
My heart was beating ecstatically because that wasn't something I was expecting to hear today.
Pabagsak kong inilapag sa malaking mesa ang tumbler at huminga nang malalim.
Clark admitted na mahal niya 'ko. Fuck.
Biglang bumaba ang tingin ko sa gitna ng table at nakita roon ang vase na puno ng pink tulips. Itinuro ko lang 'yon, at kahit wala pa akong sinasabi, sinagot na ni Yaya Beth ang hindi ko pa naisasalitang tanong.
"Para sa inyo raw po sabi ni Sir Clark."
"Dala niya?" tanong ko.
"Opo, ma'am."
"Akala ko, dito siya nag-breakfast."
"Wala pa po kaming ibinibigay na pagkain kay Sir Clark, ma'am."
"Saan galing yung sandwich niya kanina?"
"Dala na po niya 'yon pagdating."
My mind strolled again somewhere as I stared at the beautiful pink tulips in front of me. It was calming in the eyes and I felt so pretty just by looking at it, knowing he bought it for me.
Sure ba siya sa feelings niya o trip lang niyang mang-asar today?
Inubos ko ang lamang tubig ng tumbler saka ako umakyat ulit sa itaas para kausapin siya. Pagbalik ko, suot na niya ang black shorts ni Kuya saka white tee na medyo malaki sa katawan niya kasi magkaiba talaga sila ng size ni Kuya. XXL si Kuya e, parang XL or large lang yata si Clark.
Nakaupo siya sa kama at binabasa ang display lang namang management books ni Kuya sa nightstand.
"You're joking, right?" I said.
He didn't answer. He just grimaced and went back to reading again.
"I'm confused," I continued. I sat at the end of the bed and stared at him. "Is this a Valentine's Day prank?"
"Sab . . ."
"Sabi mo kasi, huwag akong mapo-fall sa 'yo."
"Yeah, I said that."
"What happened?"
"Shit happened." He closed the book and put it back where he got it. He met my eyes and frowned. "Hindi naman ako nagsisinungaling."
"Wait." I rested my hands in the air, still digesting the words I was supposed to say. "You love me because you realized it just now?"
"I love you since the day I'm allowed to feel it. Bakit ba?"
My forehead creased because I didn't get that. "Since what?"
"Huwag ka kasing mag-overthink," sermon niya.
"Paanong hindi ako mag-o-overthink, bigla-bigla ka na lang nagko-confess. Valentine's Day ngayon. Baka bukas, may prank vlog ka na naman."
"Hindi nga 'to prank! Para namang timang 'to." Napakamot tuloy siya ng ulo.
"So, mahal mo 'ko?"
Imbes na sumagot, tiningnan lang niya 'ko na parang ang nonsense ng tanong ko. "Sure ka na diyan sa tanong na 'yan, Sab?"
"Naguguluhan kasi ako!"
"Naguguluhan ka kasi ayaw mong tanggapin na lang. Puwede mo namang isiping, 'Thank you for loving me, Clark. I appreciate it so much,' tapos normal na. Kahit hindi ka na mag-I love you, hindi naman sasama ang loob ko."
"Wait! Nanliligaw ka ba? May tulips sa kitchen, bigay mo raw."
"Tulips lang yung pink sa flower shop ni Tita Hellen ngayon. Ubos na roses nila kanina pang umaga, e."
"Nanliligaw ka nga?"
"Hindi."
"E, ano 'tong mga paandar mo today?"
"Valentine's Day, siyempre."
"Ano tayo?"
"Tao."
"Claaark!" Naipadyak ko tuloy ang mga paa ko sa rug sa sobrang inis.
"Hahaha! Bakit ba kasi overthinker ka?" Kinuha na naman niya ang kamay ko saka ako pinalapit sa kanya.
Naiinis na 'ko. Nalilito na 'ko sa ginagawa niya.
"If this is a joke, this is not funny," I told him. I stood in front of him and looked at him with annoyance. "Ang complicated na nga ng situation ngayon, gaganituhin mo pa 'ko."
"Hindi nga ako nagjo-joke," sabi niya, pero parang natatawa pa.
"Alam ba ni Mum na pupunta ka ngayon dito?"
"I told her na dadaan ako to check up on you."
My mind was full of questions na gusto kong sagutin niya. But staring at him is a bad idea because I just lost all of those questions by looking at his brown eyes.
Was it valid for me to ask for assurance? Or . . . could I at least ask what we are right now, maliban sa tao?
"Puwede ko bang malaman kung anong balak mo sa 'ting dalawa para hindi ako nalilito kung bakit mo ginagawa lahat ng 'to?" seryosong tanong ko sa kanya. "I know, may something na nangyayari between you and Mum, and I won't ask for more details about that. Pero gusto ko lang ng matinong sagot. Kahit isang sagot lang na kayang patahimikin ang utak ko."
Tinitigan ko ang mga mata niya. Hindi 'yon kasingseryoso gaya ng gusto kong makita, pero hindi rin naman siya mukhang magbibiro lang. Matipid siyang ngumiti saka tumango.
"Okay," sagot niya at bumuga ng hangin habang nakatingala sa akin. "When you broke up with Ivo, I asked Tita Tess kung puwedeng akin ka na lang."
Ang seryoso ng pakikinig ko nang biglang manlaki ang mga mata ko sa inamin niya.
"No shit," I said.
"That was a half-meant joke, actually. Binibiro ko lang si Tita."
"Then?"
"Then after that, tinawagan niya ang parents ko nang hindi ko alam. Tinanong niya si Mami kung puwede na raw ba tayong ikasal."
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko, nate-tense ako sa ikinukuwento niya. Humihigpit ang hawak ko sa mga kamay niya dahil doon.
"Wala namang problema si Mami kung ikakasal tayo. Pero sabi ko, hindi pa ngayon."
"Why?"
"Kasi marami akong inaayos na papers ngayon. At sobrang . . . sobrang importante ng mga document na 'yon kasi nandoon ang record ng kuya mo . . . ni Leopold . . . ni William . . . ni Calvin . . . saka ni Patrick. Thye trusted me with those documents, and I should take care of it. Confidential ang mga document na 'yon, and once na i-settle ni Tita ang kasal nating dalawa, ibig sabihin, binibigyan ko siya ng access sa mga record na hindi niya dapat makita."
Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nakikita ang biglaang pagseryoso ng tingin niya sa 'kin.
"Wala akong magandang choice ngayon, Sab. It's you over my friends."
"And you chose them over me?"
"We're rushing things right now kasi ayaw nilang maging unfair sa 'kin. All of them wanted me to choose you."
"That's what they want. Ikaw?"
"Ayoko talaga ng mga ganitong tanong mo."
"Why?"
"Ang obvious kasi ng sagot para itanong pa. Same ng kung balak ba kitang pakasalan o kung mahal ba talaga kita."
"Kasi nag-no ka tapos biglang ganito. It's confusing me."
He sighed so deeply and nodded to concede. His eyes were telling me to listen to him very carefully and I should. "All right." He stared straight into my eyes and smiled so timidly. "I always wanted to be with you . . . long before you left this country. Do I want to marry you? Yes. I want to marry you."
I took a deep breath, and tears began to form in the corner of my eyes.
"Sabi ni Tita, I should wait for the right time. Kasi alam mo? Sixteen years ago, maling-mali ang timing . . . ten years ago, mali pa rin . . . and I spent half of my life waiting for the right time . . . and I did. But . . ." Then he bobbed his head from side to side. "Hindi lang kasi sa 'ting dalawa umiikot ang mundo. Kahit gusto kitang piliin ngayon, hindi pa puwede. Kasi ang dami kong iiwan sa ere. And . . . maybe after my business sa barkada. Or kung kailan kami matapos sa paglilipat ng documents legally. Baka doon ko pa lang ma-enjoy ang freedom ko. Hindi kasi ako puwedeng mamili sa dalawang magkaibang lugar nang sabay."
"If I wait for you, will you marry me?" I softly asked.
"Hahaha! Bakit ikaw lagi ang nagpo-propose, Sab! Para namang timang 'to."
"Gusto ko kasing malaman ang sagot! Ayoko ng maybe!"
Tinawanan lang niya ako saka siya tumayo. Hinawakan niya 'ko sa magkabilang pisngi saka ako hinalikan nang mariin sa labi.
There was something about that kiss na mas ramdam ko ang lungkot kumpara sa halik niya kanina sa pool.
"I'll marry you someday," he whispered near my lips. "I waited for sixteen years for you to come home, and I could wait for another more."
♥♥♥
Gusto kong maging selfish. Gusto kong kuwestiyunin sina Kuya kung bakit kay Clark nila ibinagsak ang lahat ng responsibilities na parang hindi naman niya deserve karguhin.
Clark explained why he couldn't marry me any time soon, and I considered that. Because I know to myself na hindi siya selfish na tao.
I was holding on to Clark's words na someday . . . kapag puwede na . . . susundin niya ang gusto ni Mum. They were working on it, and all I have to do is to . . . wait. Kahit ayoko sana.
The maids already left the mansion. Patay na nga rin ang halos lahat ng ilaw sa buong bahay maliban sa mga lamp post sa labas at sa ilang wall lamps na may dim lights.
Tambay lang kami ni Clark sa balcony ng kuwarto ko, kumakain kami ng dinner na reheated na lang ng supposed lunch namin kanina. Naglatag siya ng picnic mat doon habang nasa gitna namin ang mga pagkain.
"Budget-friendly candlelit dinner ba 'to?" tanong niya habang pinanonood akong magsindi ng scented candles sa harapan namin. "Para tayong may pot session."
"Fuck off. May design 'yang candle!"
"Hahaha! Buti mabango."
We could turn the lights on kaso kasi ang sakit sa mata ng ilaw.
"May Valentine party ngayon sa Ayala," balita ni Clark.
"Nakita ko nga kanina sa feeds. Nakakabuwisit tingnan."
"Hahaha! Ang bitter, ha."
"May date siguro ngayon sina Kuya saka si Jae," sabi ko.
"Ang ideal date n'ong dalawa, magbibilang ng pera hanggang mapagod."
Ang lakas ng tawa ko sa sinabi ni Clark. "For sure!"
Of all Valentine's date I've been with, this is the first date (na hindi naman talaga date pero iko-consider ko na rin) na hindi ako prepared for the day itself.
Bath robe lang talaga ang suot ko. Hindi pa ako nakakapagsuklay mula pa kaninang natuyo ako, and it was already seven in the evening. I was munching a lasagna and a garlic bread. If Clark would attempt to kiss me again, legit na bad breath ako.
Nasa balcony kami because he didn't like the smell inside kasi sobrang sakit nga raw sa ilong, so he wanted fresh air outside of my room.
"Clark . . ."
"O?"
"Na-sad ka ba noong umalis ako sa Philippines before?" I glanced at him to see his reaction. He shrugged and just chewed his wheat bread instead of answering me. "Okay lang sa 'yo na umalis ako," I added.
"Hindi naman sa okay ako, but during those times kasi, wala tayong better choices."
"So you let me go."
"I let you go for good," he admitted. "N'ong time kasi na 'yon, kinakausap na 'ko nina Tita Tess about you. Alam kong umiiyak ka because of me. I knew it was hurting you so bad. At alam naman nina Tita Tess that I begged to take care of you again because things were getting worst. Uminom ka ng dangerous substance, and you know? That was something I couldn't just shrug off. Pero sila na rin ang nagsabing hindi kita puwedeng makita muna. Nirespeto ko naman 'yon kahit, siyempre, masakit din naman para 'yon sa 'kin."
I wanted to hear these things from him mula pa noon, and now, it only made me feel so bad na ganito ang naririnig ko sa kanya. He ghosted me, and that was all I know. Like . . . for fifteen years, that was the only thing I know.
"And you didn't talk to me noong graduation ni Leo."
Napakamot siya ng batok dahil doon.
"You said you didn't remember me," I continued.
"I said that kasi . . ." Nakatingin lang siya sa langit at parang nagpipigil ng tawa. Nagtagal pa nang ilang segundo bago niya itinuloy ang sinasabi niya.
"Kasi may girlfriend ka that time?" hula ko.
"Wala."
"Bakit nga?"
"Kasi twenty-three na 'ko that time."
"I know."
"At nasa tamang edad na 'ko para ma-gets sina Tita Tess kung bakit ka kailangang ilayo sa 'kin."
"So, it was really the age."
"Maybe, it was about the age," he answered, nodding at me. "Mahirap 'yon para sa 'kin kasi pinalalayo ko pa lalo ang gap nating dalawa. You just came back from the US, and I was annoyed by the idea na bumalik ka nga pero wrong timing pa rin." He pointed his thumb at me. "I was twenty-three and you were seventeen. At kung babalikan ko si Tita Tess to ask for permission to be with you, more likely, sa kuya mo pa lang, ban na 'ko. So, there, the waiting game was still on. After all, gusto ko lang namang ibalik ang lahat sa dati. Wala akong ibang intention kundi 'yon."
"Pero ang dami mong naka-date na girls."
"Yeah, aaminin ko rin naman."
"At walang nagtagal. I know. You're annoying nga raw kasi and hindi ka ideal boyfriend."
"Hahaha!" His laugh echoed all over the place and broke the silence engulfing the whole mansion. "Because I love annoying girls, that's why. Iti-trigger mo ang mga pet peeve nila until they give up."
"That's rude, Clark."
"I know. And that's the best way to get rid of them without being harsh gaya ng kuya mo."
Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya. "You date to annoy your ka-date? You're wasting money."
"Actually, I'm earning money because of that. Madadaldal ang mga nakaka-date ko, of course, kailangan ko ng info."
Lalong nagsalubong ang kilay ko nang lingunin siya. "Are you some kind of spy ni Mum? Para kang si Kuya Tony!"
"Hahaha! Hindi naman. Sakto lang."
"Now I know why ang daming gift sa 'yo ng mga sugar mommy mo. Sana all nagkakapera sa pakikipagtsismisan." Napainom ako ng ginawa naming fruit shake, and it was refreshing kahit parang nagbagsak lang kami ni Clark ng random fruit sa blender.
"Uy!"
I stopped gulping my drink when a series of fireworks covered the night sky.
"Wow . . ."
The red lights created small and big hearts, followed by yellow sparkles and white text saying Happy Valentine's Day, My Love. My lips formed a sweet smile as I watched the fireworks create wonderful lights above us.
"Maganda palang mag-Valentine's Day rito sa inyo," biglang sabi ni Clark. "Free food, free accomodation, free pati pa-fireworks."
Ang lakas ng tawa ko dahil doon. "Kuripot, ha. Pero binili mo yung tulips."
Mabilis naman siyang umiling. "Hindi rin!" proud pa niyang sagot. "Bigay lang 'yon ni Tita Hellen saka yung sandwich kasi sabi ko, wala akong pera pambili ng flowers."
"Sinungaling ka! Ikaw, mawalan ng pera?"
"Wala nga akong almusal kanina, e."
"Ang kapal talaga ng mukha mong makikain sa bahay ng iba."
"Cute naman ako kaya okay lang 'yon. Ako na nga dumalaw sa kanila, hindi pa ako pakakainin? Mahiya naman sila sa 'kin, uy."
"Ang kapal mo talagaaa!" Nabato ko tuloy siya ng table napkin na pantakip dapat sa garlic bread.
It was one of those days when we tried to recall things like how we were before. And it was true that time definitely changed people. We can't go back in time, and all we can do is reminisce about the memories because that's all we have right now. Things aren't like they were before, and we need to start again if we really want to move on.
We finished our dinner and did things we used to do noong nakatira pa ako sa bahay niya. We were brushing our teeth together and continued chitchatting about everything na maisipan naming dalawang pag-usapan.
"Wedding na ni Leo next month," sabi ko.
"Imbes na ma-excite, parang kinakabahan na nga kami," pag-amin ni Clark.
"I can feel that."
Then, silence.
I had no idea how marriage works, but I see no difference between being married sa pagkakaroon ng boyfriend. Ang difference lang siguro, may legal papers involved.
Clark had no plan on marrying me soon, and I was okay with that. I didn't want to rush things either kasi baka lalo lang maging complicated. Pero nag-agree na kami about marrying each other. So I would consider the engagement existing between us. Nag-yes na kaming dalawa, so all we have to do is wait kapag puwede na.
"Are you gonna tell Mum that we agreed to marry each other?" I asked again.
"Tita agreed to it first. Huwag mo na lang sabihin kasi baka unahan niya ang wedding nina Leo."
"I wish I have a different mom."
"Hahaha! Favorite line 'yan ni Early Bird."
Totoo naman kasi. If we have a different mom, hindi naman mangyayari lahat ng 'to.
The mansion is still quiet, but it was fine kasi hindi naman ako mag-isa. The lamp beside the bed was on and gave the room a warm feeling.
I was done with my night regimen and still had no plans to change my robe. Maliban sa nakakatamad magbihis, nasa bahay naman ako.
"Bukas ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Clark nang maabutan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama.
"Kanina pa sana kaso mag-isa ka lang pala rito sa inyo."
"Sinamantala mo naman."
Kinuha niya ang kamay ko saka ako pinalapit sa kanya. "Magiging busy pala kami sa mga susunod na linggo."
"Tapos?"
"Ini-inform lang kita."
"Bakit mo 'ko ini-inform?" Ipinatong ko ang mga tuhod ko sa gilid ng inuupuan niya at hinayaan niya akong maupo sa kandungan niya nang makaayos ako ng puwesto. Inikot ko ang mga braso ko sa may batok niya saka siya tiningnan nang deretso sa mga mata.
Hindi siya sumagot, nginitian lang ako.
"Sa lahat ng madaldal, ikaw lang ang kilala kong hindi mahilig magsalita," pang-asar ko.
"Hahaha!" Imbes na sumagot, hinabol niya ng halik ang pisngi ko. "Ang ganda mo."
"I know, right."
"Wow, proud. Anak ka nga ni Tita Tess."
I felt him chuckle as he kissed my cheek down to my jaw and neck. I missed the heat it provided. Butterflies were all over my stomach, and he was giving me reasons to ask for more.
"Sab . . ."
"Hmm?"
Saglit siyang lumayo at hinawi ang buhok na humaharang sa pisngi ko.
"Do you trust me?"
Nanlaking bigla ang mga mata ko sa sinabi niya. "Bubuntisin mo ba 'ko?"
"Hahahaha!"
"May condom doon sa bathroom, kunin mo."
"Gaga ka, hindi." Tinampal niya ang noo ko kaya lalong kumunot ang noo ko roon.
"E, bakit nga?"
Wala siyang sinabi, nakangiti lang sa akin.
"Clark, kinakabahan ako, ha."
"I'll try to deal with Tita Tess."
"Then?"
Unti-unting nawala ang ngiti niya. "If I failed on doing so, balik ka sa bahay."
"Then?"
"Balikan mo 'ko."
"Itatanan mo ba 'ko?"
"Basta, balikan mo 'ko."
Napailing ako. "Hindi ko naiintindihan."
"Basta kapag hindi naging okay lahat, balikan mo 'ko. I-explain ko lahat pagbalik mo."
I didn't understand what he meant by that. And really, I felt off kasi parang may gagawin si Mum na hindi favorable sa kanya.
Ayoko sanang mag-overthink pero ang sama ng kutob ko sa utos niya. Hindi ko rin alam kung bakit.
♥♥♥
Clark informed me na magiging busy siya—sila—kung sino man sila na tinutukoy niya.
Sa akin, wala namang problema kasi naka-hang kaming dalawa. May agreement na kami na naka-hold, and I respected that. But the weird part was the other girls.
"May sinabi ba ang kuya mo kung saan siya pumupunta?" pagkompronta sa akin ni Jaesie pagdaan niya sa bahay nina Mum one time.
"Si Kuya? Bakit?"
Nakikita kong naiirita siya habang kausap ako, pero parang hindi naman ako ang reason kaya siya naiirita.
"Nag-file siya ng one-month leave. Umuuwi, gabing-gabi na. Tapos aalis ng bahay, sobrang aga rin."
"OMG, may kabit si Kuya?"
"Subukan lang niya!" galit na sagot sa akin ni Jaesie saka dumeretso papunta sa garden. "Mum! Kausapin mo nga yung panganay mo!"
Grabe talaga, para siyang Mum 2.0. Sure ba si Kuya sa pinakasalan niya?
I thought it was only Kuya acting so weird these past few days, pero noong dumaan ako sa Purple Plate para kumuha ng order ni Mum kay Melanie, tinanong din ako ni Mel kung magkasama ba si Kuya saka si Patrick.
"Umuuwi rin ba nang super late then aalis nang super early?" tanong ko sa kanya.
"How did you know?" nagdududang tanong niya sa 'kin. "Alam mo ba kung saan sila pumupunta?"
"Jae ranted the same, actually."
"Kaya nga, e. Walang sinasabi. Parang walang pamilyang inuuwian." Mel rolled her eyes, showing how annoyed she was about Patrick being like Kuya.
Then I remember what Clark said last Valentine's Day about their whole barkada.
"Mel."
"O?" pairap niyang sagot sa 'kin.
"Clark said may inaayos daw silang documents kaya magiging busy sila before Leo's wedding."
"Kailan sinabi?"
"Two weeks ago?"
"E, bakit hindi sinabi ni Patrick na may gagawin pala sila?"
I shrugged at her question. Hindi ko rin kasi alam.
Kuya and Patrick sure knew their wives would wreak havoc once they attempted to do something stupid, but I guess they were risking it all.
Kung kayang unahin nina Kuya ang ginagawa nila, baka nga ganoon kaimportante ang mga inaasikaso nila para piliing magalit ang mga asawa nila kaysa maging honest.
Naging honest naman si Clark sa akin noong sinabi niya ang dahilan kaya hindi pa kami puwedeng magpakasal, at itinago ko ang inamin niya kay Mum. Hindi man malinaw kung ano ba ang mga itinatago nila na ayaw nilang ipakita sa mommy ko, pero at least hindi ako nagwa-wonder kung ano ba ang dahilan kaya sila late umuuwi at umagang umaalis.
The following weeks created this eerie feeling na parang may bagyong darating kahit pa tirik na tirik naman ang araw buong March.
Jaesie was emitting dark aura—that kind of aura na parang kapag nakahawak siya ng kutsilyo, ready to kill na siya. Kada nakikita ko siya sa bahay ng parents ko, kahit si Daddy, nangingilag sa kanya. Sila lang ni Mum ang nag-uusap, and not their normal yelling conversation, but it felt like two of the most powerful witches on the land collaborated to create chaos.
Hindi sa matigas ang ulo ko, pero sabi ni Clark, balikan ko raw siya. I left my phone sa bahay. Nanghiram ako kay Ate Becca ng one thousand pesos kasi sabi ko, wala akong pambayad sa online order ko.
Paglabas ko ng gate, dumeretso agad ako sa terminal saka kumuha ng taxi.
Ang weird na talaga sa bahay, at parang any time, magpa-file na ng annulment si Jaesie kay Kuya sa sobrang inis.
I headed to West and I'm glad na alam ko ang passcode ng garahe ni Clark. Doon pa ako sa underground dumaan kasi naka-lock ang pinto sa harapan ng bahay.
Bukas ang ilaw sa garahe kaya sure akong nasa bahay siya.
Mabilis akong umakyat at marahan pang isinara ang pinto para hindi makagawa ng ingay.
"Cla—"
Na-freeze ako nang pagtalikod ko na-freeze din ang buong barkada ni Kuya na naroon sa malawak na library ni Clark.
Nakaupo sila sa sahig at sobrang daming papel ang nakakalat sa palibot nila.
Pilit na pilit naman akong ngumiti sa kanilang lahat.
"Hi?"
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top