Chapter 35: Caregiver


I was expecting Clark to run after me. Hindi naman sa nagpapaka-hard to get, pero ang easy-easy na nga ng task niya. Mag-yes or no lang, hirap na hirap pa. So we ended up hanging the question kasi wala isiyang sinagot na kahit ano.

At that moment, sinabi ko na sa sarili kong kay Archie na lang ako. At least, si Archie, alam kong malaki ang chance na mag-yes sa 'kin. Mum said by June, uuwi na si Archie galing States. I could wait for him. Although he wasn't saying anything sa chat or sa TG about having a relationship with me, I'll still consider him my future.

Laging ini-insist nina Kuya na busy raw sila sa wedding nina Leo and Ky, at akala ko, OA lang sila. But . . . well. They didn't lie. Walang ibang bukambibig ang lahat kundi wedding nitong dalawa.

Mum took me sa pre-nup photoshoot nina Leo, and tomorrow is Valentine's Day. Damang-dama ko ang pagiging single because may dalang partner ang halos lahat. There were flowers and red things and Cupid's and all that everywhere. Kahit nga si Daddy, sinamahan si Mum, e manlalait lang naman ang mommy ko rito sa venue!

But I doubt na itong pre-nup ang ipinunta ng parents ko kasi naka-golf outfit si Daddy, and Mum's wearing a white Ralph Lauren polo and pink skirt. May dala pa rin naman siyang pamaypay pero parang mas sinamahan niya si Daddy kaysa sinamahan siya nito.

Leo and Kyline decided to have their photoshoot sa Intramuros. And their reason? During their college days, madalas silang nakakapag-meet dito. I could hear them recalling some of those college nights na dito ginanap, and they were laughing about it.

Kompleto ang barkada nila, and Clark's around, pero hindi ko siya pinapansin. Ayoko ring magpapansin kasi walang point. Si Mum nga, hindi siya hinahabol, ako pa kaya?

Leo rented a unit in White Knight, and this place is somewhat famous internationally kasi may international movies na ring nag-taping dito sa lugar. We could feel the Spanish vibe inside kahit modern naman na kasi may parts na na-keep pa rin ang old items pati ang pinaka-foundation ng hotel.

"Is this the . . . ?" Mum pointed the vintage gown na yellowish na at parang Spanish era pa yata noong unang ginamit.

Ibinalik ko ang tingin kay Mum na tinataasan ng kilay ang vintage gown na nakasuot sa mannequin. I must say, the fabric is really nice. Amoy fab con naman at nalabhan, but the color smelled like an old closet. Hindi nagma-match ang visual and olfactory aspects.

It was a closed-neck with tiny ruffles around the neck cover. The sleeve part on the shoulder is puffed, and the rest of the cloth around the arms is fitted. It has medium-length pleats and no train, just plain dress na abot hanggang sakong.

Tinangay ako ni Mum, para nga raw ma-check ng "professional designer" ang susuotin for pre-nup. But as of the moment, ayaw akong pagsalitain ni Mum kasi busy pa siya sa paghu-humiliate sa wedding gown ni Kyline.

"You know what, Belinda, you should have had an exclusive designer for your daughter instead of letting her wear something like this," Mum said, trying to hide her degrading tone yet failing on doing so. Naglahad pa siya ng pamaypay saka napakaplastik na ngumiti kay Tita Linda. "Minsan lang naman ikasal, sana nag-effort ka man lang."

Ngumiti rin ang mama ni Kyline, pero nagka-goose bumps lang ako sa smile niya. Halata kasing na-offend pero nagpipigil lang ng inis.

"You know what, Tessa, you should have shut your mouth kasi hindi naman anak mo ang ikakasal." Nakangiti pa rin si Tita Linda pero hindi ko na rin alam. Gina was smiling beside her too—nah, she was grinning like a robot kid. There was no sign of happiness in her eyes, just forced to smile because it was a must.

I stole a glance at Mum's reaction kasi, obviously, that was offensive. But knowing Mum, offensive words means a challenge to her. Sanay siyang nakikipagpalitan ng offensive remarks sa mga "kumare" niya.

"Naku, Belinda," Mum retorted in her comeback tone. "Kung anak ko lang si Kyline, ako na ang bibili ng gown para sa kanya." Hinawak-hawakan pa ni Mum ang sleeve ng dress na parang sinisipat pa ang ganda ng tela n'on. "Magkano lang naman ang wedding gown na may magandang train. Barya lang 'yon, hindi naman masamang magwaldas paminsan-minsan. Pakisabi 'yan sa mga Chua kasi mayaman naman sila."

I took a step backward kasi overflowing na ang pride and annoyance sa kanilang dalawa kahit nagngingitian lang sila. Parang may imaginary sparks between them na kapag gumitna ka, matutusta ka na lang bigla.

Inakbayan ni Tita Linda ang balikat ng mannequin at hindi talaga niya inalis ang smile niya kay Mum.

"Mayaman ka pala, e di ikaw ang bumili," naiinis nang sinabi ni Tita Linda.

"Ay!' Kunwaring shocked pa si Mum. Nagsara na siya ng pamaypay at napasapo sa dibdib. "Naghihirap na ba ang mga Chua at wala silang pambili ng wedding gown ni Kyline?"

"E, may gown na nga, tapos magsasalita ka pa ng kung ano-ano."

"Nagsa-suggest lang ako, bakit nagagalit ka?"

"Sa susunod na magsa-suggest ka, ikaw na rin ang mag-provide ng isina-suggest mo, hmm? Kasi hindi ako nangialam ng kasal ng anak mo kaya huwag kang mangialam sa kasal ng anak ko."

At last, nawala na rin ang fake smile ni Mum at nagkrus na siya ng braso habang minamata mula ulo hanggang paa ang mama ni Kyline. "Alam kong hindi mahirap si Leopold. Kaya nga niyang magbayad ng two-way flight pa-San Francisco para sa mag-ina niya. Pero hindi naman siya ang nangako ng kasal sa anak mo ngayon, di ba? Sana man lang, nag-effort ang pamilya ng asawa mo sa kasal ni Kyline." Umirap si Mum at naglahad na naman ng pamaypay. "Let's go, Sabrina, my dear. Dalawin natin ang kuya mo sa ibaba."

I cringed at Tita Linda and awkwardly bowed. "Sorry po, Tita." I made a face to tell her how I didn't like my mom's actions.

Tita Linda rolled her eyes and looked at me with judging eyes. "Sumunod ka na sa mama mo, baka madamay ka lang sa init ng ulo ko."

"Sorry po ulit." Tumakbo na ako pasunod kay Mum, and she was really annoyed kay Tita Linda. Kahit nakatalikod siya, ramdam na ramdam kong nabubuwisit siya sa mama ni Kyline.

Tita Linda is a gun shop owner and a former police officer. Si Gina ang partner niya. But Mum's not the type of lady na natatakot sa baril. Probably because if Mum has a bodyguard with a gun, kung sakali mang may gagamit ng baril, mas mataas ang probability na si Mum ang magpaputok ng baril kaysa yung bodyguard.

Mum does archery and sharpshooting, and she can disarm a guy holding a weapon. She worked before on a tactical unit and as an army reservist during a coup d'état. And imagine your mom entering the army while some factions were trying to overthrow the government.

Nagte-train siya ngayon ng mga security guard and private investigators. Close sila ni Tito Ferdz na former military medic and commissioner. Dad should have marry someone not as scary as my mom. Although, maganda naman kasi si Mum. Hindi ko mabe-blame ang daddy ko kung captured by looks ang puso niya kahit pa summoned from the pit of hell ang mommy ko. But anyway, mahilig mag-explore si Mum during her younger years kaya siguro mataas ang expectations niya sa amin ni Kuya. Noong kaedad niya kami, literal na lumalaban siya for the nation's sake, samantalang kami ni Kuya, nakikikain pa ng lunch sa kanila ni Daddy. Ay, ako lang pala kasi homeless and jobless ako right now, sad.

We saw Dad talking to Tito Addie. Nasa iisang field lang sila, and as usual, business talks. Something na hindi ko babalaking sawsawan kasi hindi ako makaka-relate.

The photoshoot venue looked like a Spanish-era garden. There were a lot of plants and flowers everywhere. Ang dami nilang naka-suit and dress doon. Ang dami ring watcher na mga naka-stay sa hotel saka mga staff na nag-a-assist.

Leo's circle composed of good-looking people. Or more of presentable people who knows how to carry themselves kahit physically, may pina-enhance ang iba. I knew some of them before na hindi naman ganito ang itsura ngayon. But it's their preference, though. Kaya ka nga nagpapa-enhance, para mas lalo kang gumanda, duh.

From afar, pansin na pansin talaga ang buong barkada ni Kuya, lalo si Leo. Ang tangkad kasi niya, at siya lang ang nakasuot ng white tux habang pastel blue naman kina Kuya and the rest of the groomsmen. But Clark's suit is different kasi siya lang ang naka-navy blue. Sila ni Tammi lang ang naka-navy blue and white pala kaya kitang-kita.

I'm aware na best man ni Leo si Clark, and that choice was made long before anyone of them marry someone. Parang wala pa yata ako sa Philippines noong napagkasunduan nila, and they've been talking about it even before Kuya's wedding with Jaesie.

I'm not sure about Tammi kung bakit siya, but I didn't want to think anything else apart from personal choice sila ng mga ikakasal.

Tammi wore a rib-knit twist dress na kita ang cleavage at short sleeve din. Her facial features are really strong kaya mukha siyang mataray. But she moved like a man, and I still prefer Jaesie's graceful movements over hers when it comes to asserting their dominance. My eyes were following her, and she went near Kyline, who wears a sweetheart neckline organza over a satin ballgown with a strapless bodice. Tammi hugged Ky from behind and she rested her chin over Kyline's shoulder while they watched everyone prepare for the shoot. She even placed her fingers in between Kyline's, and that earned a judging look from me. Like . . . whoa, you're too sweet, girl. Come on.

If I'm not mistaken, Kuya Ronie dated Tammi before. Kuya is infamous for "dumping ladies" pero ayaw niyang siya ang mag-reject. He'll just wait until sukuan siya ng ka-date niya. That was his modus. And Tammi was a victim of Kuya. But they're good friends now. After all, si Tammi naman ang nag-reject kay Kuya.

My eyes shifted to Clark. Katabi niya si Will saka sina Shaina at Rox. Sumasayaw sila sa gilid, sinasabayan ang Me & U sa speaker na malapit sa lightings. Synchronize pa silang apat, at parang nai-imagine ko na kung iyon ang intermisison number nila sa wedding.

All of them reasoned out that they couldn't prioritize anything for now apart from Leo's wedding na super rush. I never heard Clark dated anyone kasi busy rin siya sa wedding ni Leo. Kahit nga si Kuya. Sila na lang ng barkada nila ang laman lagi sa feeds ko. Araw-araw na silang magkakasama, and for whatever reason, wala akong idea.

I was watching Clark, and a small part of my head was shouting at him to look at me. 'Yon lang, busy siya. Pinanonood ko lang siyang sumayaw roon sa gilid, and sometimes he asked Will about the movements na hindi sila nagkakasabay-sabay or nasa magkakaibang direction ang galaw.

Clark is graceful. He knows how to get attention kahit nakatayo lang siya sa isang gilid. But I really hate it when he never let anyone read him, especially me. Ang hirap makipagpatintero sa utak niya. Parang never akong mananalo.

The song changed into an OPM song. Nag-start na ang photoshoot ng mga bridesmaid habang nasa gitna si Kyline.

"Bakit ba kung kailan ka'y naisip na bibitawan, ikaw yung paraiso 'di ba . . ."

Nanonood lang kami sa kanila habang maganda pa ang bagsak ng araw sa may bermuda grass na tinatapakan nila.

Ang gaganda nilang lahat, 'kainis.

"'Wag ka nang mag-alinlangan sa 'tin di ka iiwanan, ikaw yung tahanan 'di ba . . ."

I was busy watching them when a body covered the view. Nanlaki ang mga mata ko nang may kumuha ng kaliwang kamay ko saka inangat. I felt a sting in his touch kaya muntik ko nang mabawi ang kamay ko.

"Di ka pinipilit maniwala pero alam kong ramdam mo di ba, tama, tamang hinala."

Clark was lip-syncing the lyrics booming on the speakers.

"Kapag kasama, oo, kakaiba. Mga gulo sa isip mo'y di alintana kaya 'wag mababahala . . ."

Tinaasan ko siya ng kilay sa ginagawa niya. "Ano na namang kailangan mo?" mataray na tanong ko.

"Sungit." Kinurot niya nang mahina ang ilong ko kaya lumayo ako nang kaunti. "Kumain ka na?"

Nabubuwisit talaga ako sa lalaking 'to. Parang laging may amnesia sa mga kalokohan niya. Parang hindi ako iniwan sa bahay kung makipag-usap sa 'kin.

"Malapit na ang wedding ni Leo," reminder ko.

"Obviously." Itinuro pa niya ang suot. Binabawi ko ang kamay ko sa kanya pero hindi ko magawa-gawa kasi inuugoy niya saka hahatakin kapag nararamdaman niyang dumudulas pabitiw sa kanya. "May golfing daw sina Tito Ric dito."

"Yeah." Gumilid na ako para makita ang photoshoot nina Kyline. Nilingon niya 'yon kaya siya lumipat sa kaliwang tabi ko nang hindi pa rin ako binibitiwan.

I was trying to chill habang nakatayo lang sa puwesto ko, but Clark really knows how to distract me. His fingers were firmly inserted between mine, and his thumb was teasing my careless thumb, asking to get noticed by it.

Hindi ko talaga inalis ang tingin kina Kyline kahit pa kung saan na nagliliwaliw ang utak ko dahil kay Clark. Gusto ko na siyang sipain palayo kasi parang lalapit lang siya kung kailan convenient sa kanya. If not, talagang hinahayaan lang niya ako. Though, I'm living free these past week kasi nga, nasa bahay ako ng parents ko, but . . . wala kasing pursuit, so I quit thinking na pinu-push ni Mum ang wedding naming dalawa.

Ni hindi ko nga narinig si Mum na magbanggit ng tungkol kay Clark. Walang ibang bukambibig kundi tungkol sa mga panlalait niya sa wedding ni Leo na mapupunta sa comparison sa kasal ni Kuya, at sa mga what-if niya kung nakinig lang si Jaesie sa kanya, then malilipat kay Patrick at sa naging outcome ng wedding sa Laguna, tapos babalik na naman na kung interesado raw ulit si Kuya na magpakasal this year sa second anniversary nila ni Jaesie, gusto ni Mum na mas bongga pa ang result kaysa sa official church wedding last year—and no wedding of Sabrina mentioned.

Not sure kung ipagpapasalamat ko bang wala ngang nababanggit about sa kasal ko or what. Kating-kati talaga si Mum na laitin ang lahat sa wedding ni Leo. Well, ilang years na niyang pinakikialaman ang kasal nina Leo at Kyline. Parang kada gathering na lang, tinatanong niya kung kailan sila ikakasal.

Gets ko naman si Mum kung bakit sacred for her ang wedding before building a family, but Leo's life and Kuya Ronie's life are two different dimension na polar opposite ng expectations ni Mum kaya siguro nabubuwisit siya lalo.

I was busy spacing out when I later realized na nakasandal na pala ako sa katawan ni Clark. I mean, kung hindi pa siya tatawagin, hindi ko pa mararamdaman na nasa harapan na niya ako at hindi sa gilid!

And I was like, did he pull me in front of him? Or did he position himself behind me nang hindi ko napapansin kasi focused ako kina Kyline? Shocks. Ganoon ako kalutang para hindi mapansin ang nangyari.

Doon lang niya ako binitiwan para sila naman ang kumuha ng shots kasama ng groomsmen.

Sila muna ni Leo ang naunang kunan ng picture. Ilang serious shot muna ang kailangan kaya pareho silang hindi masyadong ngumingiti. Kita ang height difference nilang dalawa kapag nagtabi. Hanggang ilalim lang siya ng tainga ni Leo, pero kahit pa ganoon, kinailangan pa ring lumayo ng cameraman at tumuntong sa upuan para sa magandang shot base sa height nilang dalawa. Hindi rin naman kasi maliit si Clark.

Leo has this intimidating aura na masyadong domineering at unwelcoming. Opposite kay Clark na kahit seryoso siya, kusang nagbo-bloom ang light vibe kahit walang intention for that mood. Clark's eyes smile naturally. Halos lahat ng kakilala ko, kapag nakakasalubong ang tingin niya, kusa silang ngumingiti sa kanya as their greeting. Ganoon ka-welcoming ang vibe ni Clark na instead of ma-intimidate, nagiging open sa kanya ang iba unconsicously. One of his charms na masyado niyang ginagamit sa lahat.

After their serious poses, pinag-smile na silang dalawa, but yung smile na formal pa rin.

We barely see Leo's smile, at pahirapan pa nga ngayon kung hindi pa pumuwesto si Kyline sa tabi ng cameraman at inuutusan siyang mag-smile according sa instruction.

Ky was poking her cheeks para mag-smile din si Leo.

That was a successful move kasi nag-smile nga si Leo, pero sa kanya lang.

Leo's smile is gold . . . and super rare. Meron siyang isang dimple under ng right lip, and shocks, I melted. Since rare kong makita ang smile ni Leo, kahit ako, kinilig pagka-smile niya kahit unusual akong kiligin because of him.

Then I saw everyone smiling too. Parang sumusunod kami sa instruction ng cameraman kahit hindi naman kami ang kinukunan ng picture.

After a few shots, buong groomsmen na ang kukunan ng picture, at lima lang talaga silang groomsmen. Si Kuya Ronie, si Calvin, si Will, si Patrick, and si Eugene. Well, not gonna blame them though. Limited lang kasi ang attendee at hindi naman siguro mag-iimbita si Leo ng hindi niya ka-close habang tight ang budget nila sa isang rush event.

Kaka-wedding lang ni Patrick last month. Wala pa ngang fifteen days after that tapos may kasal na naman ngayon.

Hindi pa tapos ang photoshoot nang maghanap ako ng powder room kasi super init sa garden. May nearest powder room naman sa dulo ng hallway na malapit sa garden. Isang liko nga lang galing sa labas kung saan ako galing.

Nakasuot lang ako ng black blouse and denim jeans kaya walang magkakamaling may kilala ako sa mga nagpo-photoshoot sa labas.

I was washing my hands when two of the girls na nagre-retouch sa left side ko ang nagsalita.

"Ang daming guwapo sa labas, ses," sabi ng isang nagli-lipstick ng red.

"Ay, true. Sakto, Valentine's Day bukas. Baka may free doon."

"Ses, sa itsura ng mga 'yon, baka nga may asawa na 'yon lahat. Ang gaganda pa naman ng mga kasama."

"Sa bagay. Sayang," dismayadong sagot ng isa. "Pero daig ng malandi ang maganda!"

"Hahaha!" Sabay pa silang tumawa saka nag-apir.

Mga pangit. As if namang papatulan sila ng mga barkada ni Kuya.

I was rolling my eyes palabas ng rest room nang bigla akong mapasigaw pero may nagtakip agad ng bibig ko.

Parang biglang huminto ang buong mundo ko dahil sa takot at nanigas na lang ako habang pinandidilatan ang harapan ko.

"Huy! Hinga!"

"Clark!" Hinampas ko siya at literal ang panginginig ko dahil sa sobrang takot. "Buwisit ka, bakit ka ba nanggugulat! Hnnngg!"

"Hindi ako nanggugulat. Ikaw nga 'tong biglang sumigaw. Naglalakad lang ako."

Ang sama ng tingin ko sa kanya habang pinapagpag ang kamay kong nanginginig.

"Okay ka lang?" tanong pa niya habang inoobserbahan ako.

"Bakit ka ba kasi biglang sumusulpot!" tili ko.

"Naglalakad nga lang ako! Ikaw 'tong biglang sumulpot diyan sa may pinto. Hala!"

Kinapa ko ang dibdib ko. Para akong hinulog mula sa mataas na lugar tapos sinalo nang malapit na sa rockbottom.

Parang nag-gelatin bigla ang binti ko kaya napahawak ako sa dingding na katabi namin.

"Huy, Sab." Lumapit na sa akin si Clark at pinaypayan ng kamay ang mukha ko para sa kaunting hangin.

Ang lalalim ng paghinga ko habang inaalis ang kaba sa akin. Ayoko talaga ng ganoong ginugulat ako. Parang bumabalik ang lahat ng takot ko mula pa noon.

Fuck.

I was inhaling and exhaling in a slow rhythm, eyes closed, and my whole face felt like burning.

"Hubarin ko muna 'to para makahinga ka nang maayos."

I was supposed to push him away, but all I did was hold his arm as he unbuttoned my top. Hindi naman lahat, tatlong button lang hanggang gitna ng dibdib.

And well, that helped. Gumaan nang kaunti ang paghinga ko.

"Doon ka nga muna sa labas. Saka bawasan mo ang iced coffee."

I was sweating bullets, and feeling ko, basang-basa na ang kilikili ko dahil sa nangyari.

Nasa doorway pa lang kami nang makasalubong namin si Calvin.

"Pawis na pawis, Sab?" Tumawa pa siya nang mahina saka umiling. "Ang pula mo, a."

I gave him a deadly glare for a warning.

"Dude," he called Clark and winked.

"Wala," sagot ni Clark. "Tigilan mo si Sabrina, ha."

"Isara mo yung butones. Kita ko na kaluluwa ni Sabrina, o!" utos ni Calvin pagturo sa dibdib ko. "Kapag nakita 'yan ni Rico, yari talaga kayong dalawa."

"Wala nga!" sagot na naman ni Clark at hinampas na ang kabarkada niya. "Gusto mong ikaw ang mayari sa akin, ha?"

"Hahaha! Oo na, oo na."

I still threw a dagger look at Calvin who went to the men's room beside where I went earlier.

Nakakabuwisit na nga si Clark, dadagdag pa siya.

Tumingin ako sa chest part ng damit ko. Sumisilip na nga ang hem ng red bra ko kaya isinara ko ang button sa part na 'yon. Ayokong isara lahat kasi hindi na nga ako makahinga nang maayos. Ang hirap namang magtiis-ganda. Kung hindi lang nakakasira ng body figure, magsusuot na lang ako ng loose shirt.

Paglabas namin, sa alley pa lang na lilim ng hotel before the garden, nakasalubong na namin si Luan na may dala-dalang pinitas na mahabang dahon. Luan wore the same white tux design na suot ng daddy niya.

"Wuwan!" tawag ni Clark sa bata na parang may sariling mundo at pinababayaan na lang gumala-gala. Binuhat niya si Luan saka tinitigan. "Saan si Tita Shai?"

"Nining Kwerk, kukuha si Wuwan ito wip." Halos isampal ni Luan sa mukha ni Clark ang mahabang dahon na hawak niya.

"Anong wip? Sabi mo leaf."

"Wip."

"Leeeaf."

"Weeeep."

"Bulol si Wuwan." Clark kissed Luan's forehead and took my left hand. "Tara doon kay Ninong Will. Sasayaw tayo."

Clark carried Luan on his left arm as he held my left hand, and it felt so weird na nakakaya niyang maglakad na ganito ang mga tangay-tangay niya, para kaming pamilyang namamasyal sa park.

And I guess, hindi lang ako ang nawiwirduhan because my eyes unintentionally caught some stares na nakasunod sa amin habang naglalakad kami paikot sa venue, doon sa kabilang shade ng garden kung saan nagpapalamig sina Patrick habang naka-break ang lahat. Pero hindi sila kompleto. Si Will, si Pat, saka grupo nina Rox lang ang kasama nila. Wala rin si Kuya. Si Calvin, sa men's room pumunta.

"Nasaan si Shai?" bungad na bungad ni Clark paglapit namin kina Patrick.

"Nandoon, di ba?" Itinuro ni Will ang pinanggalingan namin kung saan namin nakuha si Luan. "Kumukuha ng meryenda sa pantry."

"Si Luan, nakakalat sa hallway," reklamo ni Clark. "Sabi nang huwag iiwan basta, e. Sina Leo?"

Nagsipagngiwian sila as if may sinabing nakakadiri si Clark.

"Bakit?" tanong pa ni Clark.

"Gag—" Magmumura na sana si Will pero napansin agad si Luan kaya hindi natuloy. "May world war three na yata sa unit nila. Nag-aaway yata yung mama ni Ky saka si Tita Tess."

Sabay pa kaming ngumiwi ni Clark gaya ng naging reaction nina Will kanina bago pa magtanong itong isa.

"Pupuntahan n'yo?" tanong ni Will.

"Kaya na nila 'yon," sabi ni Clark at nag-agree na lang din ako.

Ayokong makitang nag-eeskandalo si Mum. At ayoko ring biglang ma-transfer sa akin ang inis niya, so we better not dip our fingers in their cup.

May mahabang vintage bench doon na katabi ng lamp post. Naupo roon si Clark at kinandong si Luan. Hinatak naman niya ako patabi sa kanya. Maghahanap pa sana ako ng ibang upuan kaso yung ibang upuan, nandoon sa garden kung saan tirik na tirik ang araw. And 2 p.m. sun is not that merciful on the skin. Sunog ang balat ko kapag nag-attempt akong magbilad doon.

Naka-break lahat at naghihintay nga raw ng continuation kapag medyo pababa na ang araw para sa lightings.

Clark's left hand was resting above my right knee, and occasionally tapping it kahit pa si Luan ang kinakausap niya.

Hindi masyadong close si Kuya kay Luan or kahit kay Eugene. Maikli kasi ang pasensiya ni Kuya sa ingay. Kaya nga nabubuwisit siya sa ingay ni Clark. Kaya rin siguro ayaw niya muna ng baby. Hindi pa ready maging tatay.

On the other hand, Clark likes kids. He talks to Luan as if magkapantay lang sila ng brainwaves.

"Did you enjoy the photoshoot, Wuwan?"

"Si Dada, pi-picture kami. Then he . . . he . . ." Luan was trying to speak what was in his mind and ended up murmuring unknown words na biglang tatanguan ni Clark o kaya sasagutin niya, as if namang naintindihan niya ang sinabi ni Luan.

"What's the name of mommy?" Clark playfully asked.

"Mimy Ky!"

"Kyline . . ."

"Kywin . . ."

"Chua . . ."

"Scott!" pagtapos ni Luan sa sinasabi ni Clark.

"Very good," Clark praised. "Name ni daddy?"

"Dada!"

"Leo . . ." Clark corrected.

"Scott!" Luan answered.

"Hindi, sabi mo muna, Leo."

"Wio!"

"Ano full name ni daddy?"

"Wio Scott!"

"Very good. Ano sasabihin kapag hinahanap si mimy o kaya si dada?"

"I am Wuk Anakin Scott, two years owd." Luan stared above, recalling his answer.

"My mommy is . . ."

"My mommy is . . ."

"Kyline . . ."

"Kywin Chua Scott."

"Sino si daddy?"

"Wio Scott."

"Very good. Apir kay Ninong Clark." They did high five and Luan smiled at Clark. "Kapag wala si dada o kaya si mimy, huwag sasama sa kung sino-sino, ha?"

Tumango naman si Luan. "Opo."

"If someone you don't know gives you candy, ano gagawin ni Wuwan?"

"Thank you!"

"Hahaha!" Hindi ko na napigilang tumawa pagkarinig ko ng sagot ni Luan.

"Ang saya, ha," sarcastic na sinabi sa akin ni Clark bago binalikan si Luan.

Naipatong ko tuloy ang chin ko sa balikat ni Clark habang pinanonood ko kung paano niya turuan si Luan. Nawawala kasi kanina sa hallway, walang kasama. Buti nakasalubong namin.

"If a stranger gives you candy, call mimy or dada, okay?" Clark reminded. "Don't accept candies sa strangers."

"Why?" Luan sadly asked.

"Because that's dangerous. They will take you away kay dada or mimy, tapos ikukulong ka sa dark place. You want that? Makukulong ka sa dark place?"

Luan shook his head and stared at Clark with worried eyes.

"Kung ayaw ni Wuwan sa dark place, dapat hindi ikaw lalayo kay dada or mimy. O kaya kay Tita Shai para hindi ikaw makuha ng bad guys."

Luan pouted and nodded at Clark's lesson.

"Where's Tita Shai?"

Luan pointed to the alley where we found him. "Kukuha siya food!"

"Did you wait for Tita Shai to get you food?"

Luan shook his head to say no.

"Bakit hindi hinintay si Tita Shai doon?"

Hindi nakasagot si Luan. Ipinakita lang niya ang dahon na kanina pa niya hawak.

I peeked at Clark's reaction kasi obvious na pinagagalitan niya si Luan pero hindi niya pinagtataasan ng boses.

"Do you want this leaf?" Clark calmly asked.

Mabilis na tumango si Luan. For sure, kasi walang tanim na ganito sa garden nila. Mahaba kasi ang dahon. Well, mas mukhang damo nga kaysa pantanim sa garden.

"Next time, magpapaalam kay Tita Shai kapag kukuha ng leaf, ha?" sabi na naman ni Clark at itinuro kay Luan yung naka-uniform na guard ni Daddy na kasama namin kanina pa. "Kasi pagagalitan ka n'on kapag nangunguha ng leaf dito. Ayaw nating pagalitan tayo ni Manong Guard, di ba?"

"Opo," malungkot na sagot ni Luan.

"Hindi very good si Wuwan ngayon kasi hindi siya nagpaalam kumuha ng leaf."

Luan looked at Clark with bothered eyes and his lips were crumpled, beginning to cry.

"Para very good si Wuwan, dapat hindi iniwan si Tita Shai saka hindi nanguha ng leaf."

"Very good si Wuwan, Nining Kwerk, e!" naiiyak nang depensa ni Luan.

"Gusto maging very good ulit ni Wuwan?"

"Opo!"

"Sige, hintay natin si Tita Shai tapos magso-sorry tayo, okay?"

Tumango naman si Luan sa kanya.

"Ano sasabihin ni Wuwan kay Tita Shai?"

"Sorry po, Tita Shai."

"Very good." Then he wiped Luan's forming sweat on his forehead using his palm. "Huwag uulitin 'to, ha? Kapag ikaw nawala, lagot tayo kay dada."

I understood where Clark was coming from. Wala kasing kasama si Luan nang makita namin kanina, at hindi lahat ng tao rito, kilala namin. But I understand Luan in a spiritual level, probably because once in my life, lumabas akong mag-isa sa lugar na wala akong kasama and I ended up almost dying. If it wasn't for Clark, baka nga patay na ako ngayon.

Sure na akong walang magiging issue si Clark sa babies. Unfortunately, kahit naman papalit-palit siya ng girlfriend, wala pa akong nababalitaang nabuntis niya.

All of a sudden, biglang nag-melt ang lahat ng reason kung bakit nga ba ulit ako nabubuwisit sa kanya, 'kainis.

Nakapatong pa rin ang baba ko sa balikat niya kaya alanganin siyang lumingon sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong na naman niya at palipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi ko.

"Nag-lunch ako kasama sina Daddy, bakit?"

"Wala pa kasing kumakain sa 'min."

"Seryoso? Alas-dos na."

"Kumusta pakiramdam mo?"

"Okay naman."

He tapped my right leg before he asked, "Kakain ako, sama ka?"

"May head count ba kayo? Baka sakto lang sa inyo 'yon."

"Actually, may pagkain naman sa pantry kaso ang pangit kasi ng lasa," mahinang sinabi niya at sumimple lang ng bulong. "Kaya nga KKB kami ngayon."

Tinawanan ko na lang ang sinabi niya. Ang aarte talaga.

"Kain tayo," alok niya.

"Isasama mo si Luan?"

"Ewan ko kung papayag tatay nito, pero puwede rin."

Ayoko sanang isama si Luan sa amin, pero kapag tinititigan ko, nanggigigil ako sa siopao na pisngi nitong batang 'to. Parang ang sarap kagatin minu-minuto.

"Ang cute mo!" sabi ko sabay pisil sa pisngi ni Luan.

Biglang nagsalubong ang kilay niya at nakangusong tumingin sa akin. Namula ang pisngi niyang pinisil ko kaya lalo akong nanggigil kurutin.

"Ayan na si Shai," sabi ni Clark, at may dala na ngang pagkain sina Shaina palapit sa amin.

"Hindi pa kayo kakain?" tanong ni Shai.

"Sorry po, Tita Shai!" tili ni Luan kahit wala pang sinasabi si Clark.

Kagat-kagat ni Shai ang labi niya nang lumapit sa amin. Pinisil niya rin ang pisngi ni Luan paglapit.

"Ang cute-cute ng baby ko! Iniwan mo 'ko kanina."

"Shai, huwag n'yong hahayaang pakalat-kalat si Luan dito. Maraming outsider na pumapasok, may mga Brias dito sa area. Alam mo namang maraming kaaway 'yang mga 'yan . . ."

"I know." Akma nang kukunin ni Shai si Luan pero mabilis na yumakap ang bata kay Clark, ayaw magpakuha.

Kung ako rin siguro si Luan, hindi rin ako magpapakuha mula kay Clark.

"Lalabas lang kami saglit," sabi ni Clark at tumayo na rin karga sa kanang braso si Luan. "Pakisabi kay Leo, dala ko 'tong bunso niya."

"Saan kayo?" tanong ni Shai.

Pagtingin ko sa likod namin, saka ko lang napansin na kami na lang palang tatlo ang naiwan doon. Shocks, mukhang kakain na nga silang lahat.

"Sa labas," sagot ni Clark. "Babalik din kami mamaya. Text ko na lang din si Leo para sure."

"Much better."

Kinuha na ni Clark ang kamay ko at ramdam kong hindi awkward sa kanya ang ganitong setup na may dala siyang bata at ako para bantayan.

I was supposed to be mad at him, pero ewan ko ba kung bakit ang bilis makatunaw ng bad mood ng kilos niya.

Kakain kami sa labas kasama ang baby ni Leo, so sana hindi magpakatiyanak si Luan this time.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top