Chapter 24: Challenged
Maybe I was liberated enough or open enough with Clark about my body because I wore nothing but his black dress shirt and furry slippers from Mathilda yesterday. Wala akong underwear kaya damang-dama ko ang lamig sa loob ng kotse niya, and it was only 6:15 in the morning!
Wala akong choice. Walang damit ng babae si Clark sa bahay, although I kinda expected that he has kahit parang napaghubaran na lang, but nah.
"Hindi na 'ko bababa," sabi ko pagtapat namin sa bahay nina Leo na dalawang street lang ang layo sa pad niya.
Leo's house in West looked so common na kamukha na lang din ng ibang bahay rito sa subdivision. Masasabing may pamilya ngang nakatira sa loob, and there were plushies and pillows hanging on the balcony na pinatutuyo after labhan.
Clark went out of the car. Akala ko, susundin ako pero wala! Binuksan niya ang pintuan ng kotse sa tapat ko at saka ako pinalabas.
"Are you freaking serious?" I glared at him as he covered my body from behind.
"Doon ka sa loob magbihis."
"Nakakahiya! Makikita ako ni Leo na ito lang ang suot ko?"
"Para namang may pakialam si Leo sa ayos mo, duh!"
Pagtapat namin sa single gate ng bahay, nag-doorbell agad si Clark. Nasa gilid ko lang siya habang nakabalot ang kaliwang braso niya sa bandang balikat ko.
Wala akong idea sa schedule ni Leo, pero siya ang nagbukas ng gate. Hindi rin siya mukhang bagong gising. Naka-floral apron pa nga na may sunflower sa chest part. And Clark was right. Pagkakita ni Leo sa mukha ng kabarkada niya, ni hindi man lang ako dinapuan ng tingin, itinuro lang ang likod niya saka nagpauna pabalik sa loob.
Compared to Clark's house, hindi malaki ang bahay nina Leo and Kyline kahit pa may second floor din. Even the exterior, white and light yellow ang pintura. May parking space sa front yard na enough for two cars and a motorcycle. Then mini garden sa left side na dinaraanan namin na may maliit pa namang space for bermuda grass to grow on.
Pagbukas ng white-painted wooden door, hindi ko alam kung maku-cute-an ba 'ko because the whole place smelled like baby cologne with a hint of strawberry.
Halos lahat ng corners ng bahay, may rubber cover, kaya walang sharp edges na makikita.
"Akyat na lang si Sab sa itaas. Doon sa second door mula sa hagdanan," paalala ni Leo bago siya pumunta sa right side ng bahay, sa likod ng island counter. It looked like he was the one preparing the breakfast today.
Paakyat na sana ako nang may maliit na batang lalaki na kabababa lang ng hagdanan. Kusot-kusot pa nga ang mata habang nakasimangot. Nakasuot pa siya ng cotton pants na may bear print at plain white tee naman ang pang-itaas.
"Dada, i-school na po si Wuwan!" pagalit niyang sigaw kay Leo. Bukang-buka ang bibig, kitang-kita ang kompletong ngipin na ang ku-cute kasi maliliit pa. And compared to Eugene's look, kamukhang-kamukha niya si Kyline kasi singkit. Hawig pa rin naman ni Leo sa ibang angle pero hindi kay Leo nakuha ang mata at lips.
"Aargghh!" Brinaso ni Clark si Luan at saka kinarga. "I am your fatheeeer!"
"Nooooo!" Luan shrieked so loudly, and obviously, they were mimicking the scene of Luke Skywalker screaming "NO" when Darth Vader revealed the truth that he was Anakin Skywalker and Luke was his son.
Hindi ko alam kung sino ang nagpangalan kay Luan bilang Luke Anakin, pero sure akong hindi si Kyline ang may gusto n'on.
Biglang kinagat ni Luan si Clark sa balikat habang naka-form as claws ang mga kamay niya sa ere.
Tiyanak talaga 'tong batang 'to. Though, Clark didn't look like he was hurt by it but he was screaming as if it would kill him any time. He just signaled me to go upstairs habang nagkukunwaring nasasaktan. At kahit hindi ko alam ang gagawin sa itaas, umakyat na lang din ako.
I could hear Luan shouting habang tawa nang tawa si Clark—yung tawa na pang-villain.
Umakyat na 'ko sa second floor at eksaktong kabubukas lang ng pinto ng unang room. Lumabas doon si Eugene na naka-school uniform. He wore a simple white short-sleeved blouse with a royal blue vest paired with royal blue pants. He smelled so teenage boy.
"Hi, Tita Sab! Good morning po!" He greeted me with a kiss on my right cheek and pointed to the other door next to his. "Dada said you're coming for breakfast. Mimy's in the master's bedroom." Saka siya nagmamadaling bumaba sa hagdanan. "Dada, si Mimy raw po magse-service sa akin sa school!"
I was a bit culture-shocked with Leo's household. Siguro kasi ganito rin ang panic namin ni Kuya when we were kids, but it was Inday Sita who would bombarded us with all the sermon and scolding na ganitong time, dapat naka-prepare na kami, or else, papaluin kami sa kamay. Hindi lang ako sanay na ganito rin sa kanila. May sense of familiarity na nakakakilabot.
I knocked on the second door and Kyline opened it after my third knock.
"Hello, Sab!" she greeted so lively. Kyline doesn't look like she's a mom of two. She wore a black fitted cropped top with long sleeves and high-waisted denim pants. It only showed her perfect curves na napapaisip na ako kung may kasya bang damit niya sa 'kin. Mas malaki siyang babae kaysa sa 'kin, pero baka meron naman.
Ky's hair is long, black, and shiny. It accentuates her slim waist na parang hindi naman nanganak sa dalawang bata. Ang tambok pa ng puwet at boobs. Kaya siguro in love dito araw-araw si Leo.
"You wear dresses, 'no?" she asked. "I hope this is fine with you, Sab. Baka kasi may mas prefer kang brand."
She handed me a boho tunic dress and all the accessories were placed on their bed.
"Clark said you're a medium," sabi niya, at parang nanghihinayang pa. "Sorry, large kasi ang size ko. Hindi kita mapahiram ng pants kasi baka hindi mag-fit, unless you're okay sa leggings. Gamit ko 'yon during my maternity days, okay lang ba?"
"No, I'm okay with this," I replied with a genuine smile.
"Oh, thanks. Pili ka na lang ng accessories. We're same naman ng bust size, here's a pair of bra. Clark said 37 daw ang waist mo, but I thought he was talking about your hips. Hindi ka naman kasi mukhang 37. Mas malaki ang waist ko sa 'yo, but I hope, okay lang ang string bikini bottom para ma-adjust mo ang size. Don't worry, I washed that but hindi ko pa nasusuot." And she gave me a wink.
"Thank you, Ky."
"You're welcome!" She hugged me tightly and tapped me on the back. "Si Leo na ang bahala sa inyo ni Clark, ha? I'll take Eugene sa school first. Byeeee!"
That was all and she left the room, reminding me to lock it kung magbibihis na 'ko.
I let out a sigh and took a look at the whole master bedroom. May family picture sa side ng doorway. Sa ilalim n'on ang side table. It wasn't that huge gaya kina Mum and Dad. Mas malaki pa nga ang bedroom ni Clark. Or maybe nagmukhang maliit kasi ang daming gamit sa loob. Not really messy, but there was a corner na puro na stuffed toys and building blocks. The rest, blank na at queen-sized bed na lang ang makikita. Walang salamin kahit saan. Wala ring cabinets. May isang pintuan sa dulo, and I guess that's the bathroom.
Bukas ang bintana sa left side ng kama, but may white and yellow curtain naman na nakasara. From there, sumisilip ang sun rays mula sa labas.
Mukha ngang nagmamadali si Kyline kasi hindi man lang niya napuna na kahit panty, wala akong suot.
Nagbihis na agad ako, and I really liked how Kyline paired everything for me. Hindi baduy kasi almost same lang din ng color shades ang undies at ang dress. Nag-leather belt ako para hindi lousy tingnan and she's definitely a thoughtful person kasi pinahiram din niya ako ng boho necklace with cute beads and small feathers.
May sandals na nasa ibaba ng kama, na for sure, pahiram din niya. Unfortunately, ang laki ng paa ni Kyline. I'm 38.5 and hers is 41. Super layo, mukha akong McDonalds kung mag-a-attempt ako.
Dumeretso ako sa bathroom, and I really thought it was the bathroom exactly, pero closet ang napasukan ko. It was black and white, same theme sa bathroom ni Clark. Shelf na puro naka-hanger na damit ang bumungad sa akin at sa right side ko nakita ang body mirror.
I looked nice, thank God! Buti na lang, presentable pa rin akong tingnan kahit walang makeup. I peeked at the left side of the closet, and there was another hall doon habang madaraanan ang closet nilang mag-asawa (legally, soon).
And wow! Mas malaki pala ito sa inaasahan ko. Sa dulo ng hall ang bathroom nila na ang warm sa feeling. White and light yellow ang interior, opposing sa black and white theme ng closet. Parang alam ko na kung alin lang ang part ni Leo sa buong bahay at alin ang part ni Kyline.
Umalis na rin ako kasi nakisilip lang talaga ako sa kuwarto nilang mag-asawa.
Lumabas na ako ng master's bedroom dala ang damit ni Clark na hinubad ko.
Wala na sina Eugene and Kyline, nasa dining area naman si Clark na kumakain, at kandong ni Leo si Luan na kumakain din pero may sariling kutsara.
"Okay ka na?" Leo asked, and I wasn't sure if he was annoyed or typical na niyang boses 'yon. Para kasing lagi siyang nangunguwestiyon sa ginagawa ng mga nasa paligid niya.
"Yeah, thanks for accommodating me early this morning," I said, gloomy and uninterested. Naupo ako sa tabi ni Clark, facing a blank chair. Yung table naman nila, good for six person lang and Leo's not sitting on the end chair like a superior patriarch does kundi sa dining chair na may katabi pa rin.
May plate naman sa inupuan ko pero naghintay pa rin akong ayaing kumain.
"Wala kuya mo rito, walang magsusubo sa 'yo," paalala ni Leo na pasimple kong inirapan.
"I know."
Puro oily food at oatmeal lang ang nakikita ko. May fruits din naman pero para kasing kay Luan lang ang lahat ng nakikita ko.
Luan was eating baby food and his father's food. Although, two years old going three na siya, but he was enjoying the best of both worlds. May oatmeal, fruits, and bacon strips siyang kinakain na kapag hindi niya nakakain nang maayos, isusubo na lang niya kay Leo.
Plastic ang spoon ni Luan na may bear na design. He was mimicking how Leo held his spoon on his fingers, but the attempt was a bit far from Leo's since manipis ang handle ng kutsara ng daddy niya at ang laki ng bear design sa handle para sa mga daliri niya.
Kahit tiyanak si Luan, ang cute-cute talaga niya. Mas lalo siyang lumiliit kasi kandong ni Leo sa left leg, e ang laki ng daddy niya. Ginagawa niyang high chair. Ang chubby ng cheeks niya tapos ang pink ng lips. At sure na kay Leo nakuha ang tangos ng ilong. Bata pa lang, prominent na ang slope. Pero singkit. Si Eugene, almond eyes.
"Saan kayo ngayon?" tanong ni Leo sa amin ni Clark.
"Ako, dadaan sa Shaw. Sisilipin ko yung branch. Patapos na raw sa construction, e," sagot ni Clark.
"Si Sab?"
"Rockwell," simpleng sagot ko.
"Kinuha raw ni Tita ang penthouse mo," sabi niya kaya umikot agad ang mata ko.
"Tell me about it." Dumampot na ako ng kahit ano sa table. Wheat bread at bacon, wala naman akong ibang choice. May ham din naman saka poached egg pero baka kasi kay Luan. Doon pa naman nakaharap sa bata. Baka bigla akong batuhin ng kutsara kapag dumampot ako.
"Dada, you eat it!" Luan exclaimed and put the soggy (or chewed) white part of the egg in Leo's mouth.
Kinain naman 'yon ni Leo, as if hindi pa nanguya ng anak niya.
"Is dewishush?" Luan asked, and Clark chuckled.
"Si Wuwan, bulol," pang-asar niya sa bata. "Sabi mo, delicious."
"Dewishush," pag-ulit ni Luan sa word.
"De . . ." Clark syllabified.
"De . . ." Luan repeated.
"Li . . ."
"Wi . . ."
"Li."
"Wi."
"Lllliii . . ."
"Weeee!"
Muntik ko nang mabuga ang nginunguya ko kaya napatakip ako ng bibig.
Ang cute ni Luan! Shit!
"Ang ew, Sab, ha," reklamo ni Clark at tinarayan ko siya. "May kanin pa sa bibig, ew-eee!"
"Sira!" Hinampas ko siya sa braso saka hinanap ang kanin na sinasabi niya.
Bumalik ang tingin ko kay Luan na binubulong-bulong na ang delicious nang paulit-ulit habang nakatitig sa kinakain niya pero dewishush pa rin ang nasasabi.
I'm not really into babies, and not sure about Kuya kung gusto rin ba niya. Ang cute ni Luan sa ilang moments, but still, tiyanak pa rin siya most of the time. Si Pat, gusto talaga ng baby. Pinag-aawayan nila ni Mel 'yon. Leo has two sons, close to being a teen na ang isa, at baby naman ang isa.
Grade 7 na si Eugene, and Luan's a potential achiever kasi nasa daycare na siya at may pasok siya today. Ang kasama niya, mga nursery and kindergarten.
Luan is a smart kid, I must say. Kahit bulol.
Feeling ko, ang hirap magkaanak. Pero mas mahirap magkaroon ng parents na gaya ng parents ko.
We thanked Leo for the free breakfast, and Clark was thankful na wala akong damit kaya nagkaroon siya ng chance maka-"buraot" ng breakfast sa kumpare niya.
Hinatid na kami ni Leo palabas ng bahay karga si Luan.
Nakikipagkulitan si Clark kay Luan habang naglalakad kami. Nasa likuran nila ako at naglalaro yata sila ng dinosaur thingy. Clark's hands were clawing Luan's claws and both of them were growling.
Ngayon pa lang, alam ko nang hindi problema ni Clark ang bata. Sa sungit ni Luan, nagagawa ni Clark na makipagsabayan sa kanya.
"Ba-bye na kay Tita Sab," utos ni Leo.
"Ba-bye, Tita Sab . . ." Luan awkwardly said and kissed me on the cheek. I caught him looking at me with disgust—yung tingin na diring-diri siya sa 'kin pero wala siyang magagawa kasi inuutusan siya ng daddy niya. Ang sama rin ng tingin ko sa kanya para labanan ang tingin niya.
"Ba-bye ka na kay Ninong Clark."
"Grrrr!" Clark growled and raised his claws at Luan.
"Grrrr!" Luan imitated him and both of them laughed afterward. "Ba-bye, Nining Kwerk!"
"Anong Nining Kwerk?" Kinarga ni Clark si Luan saka siya pinaliguan ng halik sa pisngi ang bata. "Ang cute mo, gusto kitang iuwi sa bahay! Sabi mo, niiiinong."
"Ni . . . nong!" ulit ni Luan.
"Clark."
"Kwerk."
"Anong Kwerk? Hahaha!" Pinagtawanan pa 'yon ni Clark. "Ulit. Ninong Clark!"
"Nining Kwerk!"
"Bulol! Ayoko na kay Wuwan, bulol ka." Pero itinuro naman ni Clark ang pisngi niya. "Kiss mo na si Ninong Clark."
Ginawa naman ni Luan ang utos niya bago ibinalik kay Leo.
"Ba-bye, Luan!"
Luan waved his hands as they watched us hop into Clark's car.
Clark's smile was beaming, and I could tell that he liked kids a lot. Ang tamis ng ngiti niya nang magbiyahe na ulit kami.
"Buti marunong kang mag-alaga ng baby," sabi ko. "Si Eugene, ganyan ka rin dati, e."
"Ganyan din ako sa 'yo dati."
Mapagduda agad ang tingin ko sa kanya. "Weh? Parang hindi naman."
"Anong parang hindi naman?" gulat na tanong niya at saglit akong nilingon. "Dati nga, nagpapakarga ka pa. May good night kiss ka pa n'on. Tabi pa tayo matulog. Ako pa nagbibihis sa 'yo. Ihahatid pa kita sa school. Susunduin pa kita. Pinapasyal pa kita sa bayan. Binibilhan pa kita ng laruan saka meryenda mo—"
"Oo na, grabe, sumbat agad?"
"Hindi ako nanunumbat, pinapaalala ko lang, kasi duh!" paggaya niya sa expression ko with matching head bobble pa.
Ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya.
Clark spoiled me when I was a kid. Hindi ko naman kinakalimutan. Si Kuya kasi, monster mode every time. Since wala ang parents namin every day, sila lang talaga ni Mat ang kasama ko. But Clark's with me all the time kasi siya lang ang wala halos friends aside kina Kuya and Mat. Hindi naman kasi siya social butterfly noon unlike ngayon. Crush ng bayan din naman kasi si Mat before kaya hindi na rin kataka-taka kung marami 'yong friends.
"Sa Shaw ka ba muna?" tanong ko. "Wala akong sandals."
"Sorry ka, malaki si Kyline kaya walang kasya sa 'yo. Bibilhan na lang kita pagbukas ng mall."
We headed sa Shaw na super lapit lang sa location, and Clark parked the car sa harap ng ginagawang establishment doon. Medyo patapos na ang construction pero hindi pa masabi kung ano ang business doon.
I checked my phone and texted Kuya.
S: Kuya, pautang.
R: Ang aga pa, Sabrina. Kay Jaesie ka mangutang. Alam mo namang recorded ni Mum ang expenses ko.
S: Utang ka kay Jae then bigay mo sa 'kin.
Natagalan siya sa pag-reply. Sumilip ulit ako sa construction area at hinanap si Clark na hindi ko makita.
A few minutes later, Kuya responded.
R: Jae said you earned your money. Don't let Mum torture you kasi pera mo naman ang hawak niya, for the record. She's obviously right, but Mum is Mum. Hindi ka niya pauutangin because may pera ka naman talaga in the first place.
S: Wala ba siyang consideration, alam na nga niyang ginigipit ako ni Mum?!
R: Sab, Jae's tired of Mum's manipulative acts. Lumaban ka raw kasi.
S: Siya nga ang pakuhanin mo ng wallet ko kay Mum.
R: She tried last night, believe me. Na-highblood lang si Daddy sa kanilang dalawa.
S: My God, Kuya! I want a new mom!
R: Wala kang choice. Bear with it. And really, Mum's using your freaking wallet para bigyan ko siya ng baby. Nadamay pa tuloy ako sa issue n'yong dalawa, bad trip.
Clark hopped in the car before I could reply to Kuya. Nakasimangot na naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Ayaw isuko ni Mum ang wallet ko. Wala akong ID!"
"O, ano'ng gagawin natin?" sabi niya habang nagsi-seatbelt.
"I'll check my boutique. Kukuha na lang ako ng pera sa cash register."
And maybe Mum's influence is really that broad, na sa sobrang broad, kinukuwestiyon ko na kung hanggang saan ba ang range ng financial prowess niya to control everything.
"Monster talaga si Tita Tess, Sab. Sumuko ka na lang," sabi ni Clark.
Pareho kaming nakatitig sa naka-lock na pinto ng boutique ko sa Rockwell. Naka-cover 'yon ng Manila paper para hindi makita ang loob, at sa pinto, may naka-tape na "Temporarily Closed. Will resume business until further notice. For more inquiries or pending orders, please contact [email protected]."
And that email was handled by Mum's employees.
At talagang tinitikis ako ni Mum ngayon para lang sundin siya, ha. Feeling ba niya, susunod ako dahil sa ginagawa niya? She was just giving me a lot of reasons para lang i-contradict ang decision niya!
"Uuwi ka na ba?" tanong ni Clark.
But instead na sagutin siya, I offered my palm on him habang nakatitig ako sa naka-lock na pinto ng boutique ko.
"Ano 'yan?" tanong niya.
"Pautang ng 30k tapos samahan mo 'ko."
"Saan ka pupunta?"
"Pupunta ako sa city hall."
"Magpapapalit ka na ng pangalan? Ayaw mo na ng Dardenne?"
"Sira!" Pinalo ko siya sa braso. "Kukuha ako ng pang-ID! May voter's certificate silang nire-release sa branch, right?"
"Oo."
"Babalik ako sa Makati. Kukuha ako ng documents. Kung ayaw ibigay ni Mum ang wallet ko, e di kanya na 'yon!" Nagmartsa ako papunta sa pinag-parking-an ng kotse ni Clark sa kabila nitong business area. "Tingin ba niya, hindi ako mabubuhay nang wala ang pera niya?"
"Sigurado ka na ba diyan, Sab?"
"I'll show Mum na hindi ako kasing-spoiled gaya ng inaakala niya."
Mum didn't raise us to cherish comfort, just in case she forgot about that part. Kung gusto niya ng ganitong laro, then I'll play her game. Ganito pala ang gusto niya, then fine!
Ipapakita ko sa kanyang hindi ko kailangan ng lalaking pakakasalan para lang masabing may silbi ako bilang babaeng Dardenne.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top