Chapter 23: J'adoube

There are times na ang sarap matulala sa kawalan habang dinarama ang lamig ng paligid. Clark's pad was located in A. West, and it was near Leo's house. If I'm not mistaken, sa San Lorenzo Village nakatira ang mga Divinagracia-Mendoza pero dito napiling kumuha ng bahay ni Clark kasi malapit nga raw kina Leo.

Maybe they were too close as friends, and because Clark took care of Eugene when Leo's son was in his toddler days. Para nga naman hindi malayo ang biyahe, si Clark na ang nag-adjust para sa inaanak niya.

The whole place screamed luxury as a bachelor's pad. Never pa akong nakatapak sa bahay niya. Naririnig ko lang sa kuwento nina Kuya kaya may idea ako.

Clark designed Kuya's toy museum, and he even designed my room inside Kuya's mansion in Ivory Meadows. Masasabi kong kilalang-kilala niya 'ko kasi wala akong naging reklamo sa result. Everything about my room was perfectly crafted.

His pad is the same as Mathilda's duplex lot, but it's so masculine na halos lahat ng corner ng bahay, masasabi talagang lalaki ang may-ari.

Pumasok ang kotse niya sa underground slope. May remote ang roll-up gate kaya hindi na siya bumaba ng sasakyan.

Bumukas ang ilaw sa loob ng basement garage niya, at ang daming spare tire na nakasabit sa walls. May mechanic tools at iba't ibang box pa sa gilid. May isang kotse pa siyang naka-park doon at dalawang big bike. Paghinto ng kotse sa tabi ng spiral staircase, bumaba na rin siya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng kotse at bumaba na rin ako.

Ang daming gamit sa basement. Mukhang makalat sa unang tingin, pero kapag oobserbahang mabuti, ang daming paintings sa dingding.

May iba't ibang trophies na naka-display sa antique cabinets na glass ang sliding door. Mababa lang ang mga cabinet, hindi pa lalampas sa baywang ko. Nakapatong naman sa mga 'yon ang magkakaibang plaque and golden trophies. Hindi galing sa schools. Halos karamihan doon, recognition para kay Clark Mendoza. Puro excellence and business awards.

Habang iniisa-isa ko ng tingin, ayoko nang kuwestiyunin si Mum kung bakit makikipagpatayan talaga siya sa mga kumare niya, makuha lang si Clark bilang son-in-law.

"Sab," pagtawag ni Clark. Kinukumpas niya ang kamay para lumapit ako sa kanya kaya lumapit naman ako. Inabot ko ang kamay niya at para akong batang nawawala sa mall kung hawakan niya. Nakasunod lang ako sa kanya paakyat sa spiral staircase. Hindi naman 'yon masyadong mataas. Nasa fourteen steps nga lang.

After my feet landed in his living area, I bit my lip so hard just to prevent myself from getting amazed by the place.

Wooden ang floor na sobrang kintab. From the top of the stairway na dinaanan namin, isang buong floor agad ang sakop ng nakikita ng mga mata ko.

Sa left side namin, from ground floor hanggang sa ceiling, glass wall lang na buo at may black metal bars lang bilang divider at kabitan ng salaming dingding mismo. Our front is a floor-to-ceiling library mula ground floor hanggang second floor at may mataas na movable ladder doon kung kukuha ng libro sa itaas. Sa side ng mismong library, may platform doon na nakahiwalay sa second floor, may railings doon at pinaka-office part iyon ng bahay na nakahiwalay talaga at may sariling hagdan.

Sa tapat ng library kung nasaan kami, may malaking black rounded rug sa sahig na pinapatungan ng round black oak table na may white crystal ball sa gitna. Black couch ang nakapalibot doon na nakapormang cornered U at may white throw pillows na nakapatong. Sa taas ng ceiling ng living area, magkakahilera roon ang pendant lights at saka ko lang napansin na eksaktong sa tabi ko lang, may swing doon na pang-isang tao lang.

Hawak-hawak ni Clark ang kamay ko habang dinadala niya ako sa kung saan sa bahay niya.

Nakatingin ako sa kanang gilid namin. May mini bar doon at another space sa dulo bilang kitchen at dining area niya.

Maliban sa hagdanan ng library at doon sa nakahiwalay na office, wala na akong makitang daan papuntang second floor. Akala ko nga kung saan niya ako dadalhin, pero pagdating namin sa kanto ng library, itinulak niya ang dulong shelf na puro libro at saka ko lang nalaman na pintuan pala 'yon.

Feeling ko, pulang-pula na ang mukha ko kapipigil na ma-amaze sa bahay niya. Doon sa pinasukan namin, may karugtong pa palang billiard area at puting-puti naman sa loob compared sa labas na halos puro black and wooden ang interior.

Umakyat kami sa cantilever staircase niyang black wood naman ang pinaka-steps. Mula sa white-painted wall, nakatitig ako sa mga display na painting doon. May isa roong napataas ang magkabilang kilay ko kasi may pirma at pangalan ni Leo ang ibaba.

Pag-akyat sa second floor, kung anong ikina-open ng living area niya, siya namang ikina-private ng bedroom.

Wooden pa rin ang sahig. Ang bintana lang ng kuwarto niya ay nakatutok sa langit, at mula roon, kitang-kita ang hindi buong buwan na eksaktong nakatapat sa amin. Sa isang corner, meron siyang malaking telescope gaya ng mga ginagamit sa stargazing. May ergonomic chair siya roon at maliit na space for his laptop and a pair of black speakers. Wooden wall ang tatlong side ng kuwarto at black-tiled wall ang likuran ng kama niya na nag-iisang side na naka-tiles.

May isang white bean bag sa gilid. Black oak nightstand sa magkabilang tabi ng kama na may table lamp. Ang pinakailaw sa loob ay galing sa ceiling panel na itaas ng bed area.

Gray, white, and black ang motif ng kama niya. Gray ang blanket at ilang unan maliban sa ilang white. Black elevated platform ang lalagyan ng white mattress.

And I must say, his diffuser smelled comfort, peace, love, and something na feeling ko, kung sa ganitong bahay ako uuwi, mararamdaman ko talagang nakauwi na 'ko after a very tiring day.

Hindi ko pa mapapansing binitiwan ako ni Clark kung hindi ko pa siya nakitang ilapag ang phone niya sa nightstand.

"Mamaya na kita aasikasuhin paggising," sabi niya at naupo sa kama. "Monday today, may meetings ako, three hours pa lang ang tulog ko, at kailangan ko ng stable mind mamaya. Lahat ng rants mo, i-reserve mo mamayang paggising. Bathroom, over there." Itinuro niya ang wooden door sa left side ko sa likod. After that, isinunod niya ang right side. "Safe haven ko 'to kaya sorry, wala kang mahahanap na damit ng babae rito para magamit mo. Pero kung walang-wala ka na, magkalkal ka sa closet ko, bahala ka na, malaki ka na."

Humiga na siya sa kama at nagkumot. "Puwede kang tumabi sa 'kin kung trip mo. Kung ayaw mo, kumuha ka rito ng unan, mahiga ka sa kung saan mo gustong mahiga. Marami kang option."

I was amazed at his house, pero sobrang welcoming niya, ha. Nakaka-touch with heavenly eye roll here.

Ayoko nang mag-inarte. Wala na akong choice. Lumapit na rin ako sa kanya at sumampa sa kama bago sumuot sa kumot kung nasaan siya. Ipinatong ko ang dala kong phone sa nightstand na katabi ko saka napatingin sa white ceiling.

Nang mapahinga ako sa lambot ng kama, pakiramdam ko, hinahatak ng gravity ang katawan ko para antukin lalo. Ang combo ng smell ng diffuser at lambot ng kama, parang ayaw na akong pabangunin.

I only wore Mat's long sleeves and her low-cut bikini bottom. May AC din naman ang kuwarto ni Clark, pero parang hindi ako nilalamig.

I heard Clark sigh and grab my arm gently para palapitin ako sa kanya. Umurong din naman ako.

"Tinakot mo si Mat kanina," mahinang sinabi niya pagtabi naming dalawa. "Sana sinabi mo na lang na tabi kayong matulog para may kasama ka."

"Disappointed na nga si Mat sa ginagawa sa 'kin ni Mum, magre-request pa 'ko nang sobra?" sagot ko.

"Hindi sobra 'yon. Nakita mo'ng nangyari sa 'yo?"

"I kinda regret not asking. My fault."

I felt his left arm wrapped around my waist. My back rested on his body and it was warmer than what I felt earlier after I lay here on his bed.

Three days ago, Kuya asked him to stay with me in the same room and slept with me on the same bed. Aside from hugging me, Clark didn't do anything worse. Not that I was asking for something more, but behaving well didn't fit Clark, who doesn't like to behave so well every time.

When I was in Kuya's house, or kapag doon ako natutulog kasama siya, Kuya used to hug me to kept me from having nightmares. Hindi yung pang-jowang hug, but that kind of hug na ginagawa lang niya talaga akong patungan ng braso niya kasi nakadipa siya matulog habang nakadapa. Ni hindi ko nga mai-consider na hug 'yon kasi hindi naman niya talaga ako niyayakap. Kuya didn't like lights kapag natutulog. Either nakadapa siya o may nakatakip sa mukha niya kapag natutulog siya.

Kapag wala si Kuya, I take my gummies. Noong bata ako, sleeping pills talaga. But since Daddy didn't want my kidney to fail at an early age, and when Kuya proved that Dad was right, I started to take my gummies kapag wala ako sa bahay, or I would sleep na lang with Kuya para wala akong tine-take na chemicals.

Naging factor din 'yon kaya ang tagal na single ni Kuya kasi pag-uwi ko ng Philippines, wala na siyang choice kundi samahan akong matulog. Or else, pagagalitan siya nina Daddy.

Recent lang ako nasasamahan ulit ni Clark after a very long time. Kapag nalaman ni Mum na bumabalik ang dating setup namin ni Clark, baka magpa-fiesta pa siya.

I had a better sleep in Clark's pad than I had in Mat's house. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng phone ko. It was my alarm. I had to wake up 5:30 in the morning—tanghali na nga as per Inday Sita's timezone—dahil nga may tinatapos akong suits. Nakalimutan ko lang patayin ngayon kasi tapos naman na ang work ko.

Titingin pa lang ako sa tabi ko nang makita si Clark na may hawak-hawak na mga papel at kaaakyat lang sa hagdanan nitong kuwarto niya.

"Ang aga pa," bati niya, na gusto ko ring sabihin para sa kanya. "'Musta tulog mo?"

"Better."

"Good." He sat down on the bean bag and flipped the page of the paper he was reading.

I was curious, so I asked, "What's that?"

"Contract mo sa Sun-Dias."

Oh, wow. And he got a hard copy now, huh?

"Saan mo nakuha?" tanong ko.

"Mat sent me this galing sa laptop niya," he answered, eyes still on the paper. "Walang issue sa contract mo, sayang. Halos lahat nga rito, pabor pa sa 'yo. Si Tita Tess ba gumawa nito? Buti pumayag ang Sun-Dias dito."

Ugh! Tell me about it.

Pangiti-ngiti siya at napapailing habang binabasa ang content ng contract ko. Umaasa akong may magagawa siya gaya ng sinasabi ni Kuya pero parang wala.

"May laban ba 'ko?" dismayadong tanong ko.

He hopelessly shook his head. "Ang daling malaman kung paano na-pull off ni Tita Tess ang termination sa brand mo," sabi niya. "Kung ako rin si Tita, ilalaban ko ang age mo para magpalit ng branding."

Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?"

"Twenty-one ka noong pinirmahan 'tong contract," sabi niya saka tumingin sa akin. "Single ladies ang target market ng brand mo. May clause dito na open for amendments and termination ang contract basta ba na-fulfill ang responsibility mo for five years."

"I know. Na-explain naman before."

"Kaya nga. So, fixed na 'to, naka-five ka na. Kung ilalaban ni Tita Tess na dahil naka-five ka na at kailangan mo nang mag-asawa, puwede na 'tong i-consider ng Sun-Dias to change your brand kasi pa-out ka na sa age demographics na target ng brand mo from the date of signing. Yung customer demographics ng Sabrina's noong nag-sign ka ng contract, ang target ninyo, 18 to 24 years old. Again, 26 ka na. Babagsak na ang market demographics ng Sun-Dias para sa 'yo sa market ng mga 25 to 34 years old. Marami na rin silang reason to rebrand your products kasi lampas ka na sa age ng original market mo. Kung titingnan ang logic nito, may point si Tita to pull you out sa Sun-Dias any time. Hindi ka required maging single until you're 31. Ang kaso lang, 'yon nga, puwedeng mawala ang Sabrina's sa market later on until stocks last. Kailangan mo na talagang mag-rebrand."

Napapikit na lang ako at nasapo ang noo habang iniisip na wala na talaga. Mum trapped me; my contract said I was already at the age where I couldn't stay single anymore; and legally, useless naman pala ang reklamo ko. I-keep ko man ang Sabrina's, wala rin palang sense!

"Can I, at least, release all Sabrina's products this year?" I asked him, annoyed by all the expenses my team had incurred on the planning and everything.

"Puwede naman siguro, basta ba hindi ite-terminate ang contract ngayong year."

"If Mum pushed our wedding, kasi mukhang g na g siya, puwede bang i-next year or someday na lang?"

"Ayoko munang magsalita about sa wedding," sabi niya at ibinato na sa computer table niya ang hard copy ng contract ko. "Pag-iisipan ko na lang kapag ikinasal na si Leo."

"May pasok ka ngayon?" tanong ko agad.

"Office, gan'on?"

Tumango ako para sabihing oo.

"Puro lang ako meetings ngayon," sagot niya.

"Puwedeng sumama? Saka puwedeng mangutang pambili ng damit? Dadaan din ako sa boutique ko, dadaan ka ba sa Rockwell?"

Clark looked at me as if he was annoyed with all of my requests. Nakasimangot lang siya at parang nandidiri sa mga pinagsasasabi ko.

"Oo na, sige na," sagot niya pero halatang labas sa ilong.

My eyes rolled at that kasi hindi man lang itinago ang annoyance niya.

"May extra toothbrush ka?" tanong ko pag-alis sa kama.

"Sa cabinet sa bathroom," sagot niya.

"Pahiram ng towel."

"Humatak ka roon sa dingding, marami roon."

"Mabango ba shower gel mo?"

"Kahit naman mabaho 'yon, wala ka namang ibang choice."

Wow, ha.

"May facial wash ka?" tanong ko ulit.

"Tumingin ka na lang diyan sa shelf."

"Lotion, meron? Moisturizer? Lip balm? May sun block ka? Gumagamit ka ba ng hydrating serum?"

"Mukha bang Watson's ang bahay ko?"

"I'm just asking, ano ba!"

"Magkalkal ka na lang sa may shelf! Kung ano ang nandiyan, 'yon lang ang meron ako! My God, Sabrina Dardenne. Dapat sa bahay ka ni Patrick naghahanap ng mga 'yan kasi malamang kompleto siya niyan!"

Ano ba'ng inirereklamo niya, I was just asking, duh!

Dumeretso na lang ako sa bathroom niya kaysa mag-away na naman kami umagang-umaga.

Although, may impression nang naiwan sa akin ang kabilang part ng bahay at itong kuwarto niya, but his bathroom made me say Kuya made the right decision to let Clark design his house in Ivory Meadows.

His bathroom has a black and white chess-themed tiled floor. The walls were painted black and matte-finished. Cabinets and drawers were lined up in front of the door.

Parang malaking blank canvas ang side ng pintuan at may mahabang salamin doon at dalawang bowl-like black sink. Even his toilet bowl on the covered cylindrical stall was black and matte-finished.

May mga halaman din sa loob at may pots na display kung saan nakatanim ang red roses na magaganda ang pagkakabukadkad. Not sure if nakatanim talaga or what, pero may mga dahon kasi at hindi ko masasabing peke.

Ang lawak sa loob. Paglampas ko sa toilet area, may malaking space pa sa right side kung nasaan ang black bath tub niya at isang buong space na end-to-end wall para lang sa shower area.

May malaking shelf doon na puro bote ng iba't ibang products na hinahanap ko sa kanya kanina at floor-to-ceiling mirror sa gitna. Nakarolyo rin sa shelf ang mga itim at puting towel na alternate na nakalagay sa spaces para bumagay sa chess theme ng bathroom.

I've been to my exes' flats and apartments (wala sa kanila ang may sariling bahay), at sobrang messy pa nila since boys, mostly, are too lousy when it comes to organizing their places. And this was the first time I'd seen a man's house na sobrang elegant. Kuya's houses are more of white and blue na parang nasa heaven ako. Si Daddy, ganito ang mga peg niya, but since he's living with Mum, hati sila sa decision ng interior so they ended up with white, red, and gold for a royal theme.

May shower gels and shampoo nang nakalagay sa loob ng shower area. There were black buttons on the tiled wall beside the glass wall, and I was this curious girl who pushed those buttons one by one.

The top button opened a speaker inside the bathroom. It played a soothing piano cover of a familiar song, though hindi naman malakas pero enough para masabi kong dinig sa buong bathroom.

I pushed the middle button and I almost jumped out of shock when the whole glass wall turned black, but not pure black. Same feature sa transition lens. Kita pa rin sa labas pero darker na.

The last button was a mystery to me kasi walang nangyaring weird gaya ng sa dalawang nauna, not until I heard the speaker.

"Sab, hindi mo kailangang paglaruan ang mga button diyan sa bathroom."

"Oh shit. May hidden cam ka rito?!" Napatingala ako para maghanap ng camera.

"Walang camera diyan. Pindutin mo ulit 'yang third button para patayin ang speaker. Intercom 'yan."

"You have an intercom in your bathroom?"

"Sab, huwag mong hintaying pasukin kita diyan para patayin 'yang line."

"How did you know that I pushed this button?"

"Naliligo ka na ba?"

"Hindi pa."

"Lumabas ka."

At inutusan pa nga ako.

Lumabas naman ako. Pagbukas ko pa lang ng pinto, kulay pula na ang ilaw sa loob ng kuwarto niya. Tinataasan din niya ako ng kilay habang hawak ang phone niya roon sa may bean bag kung nasaan siya kanina pa. Mula sa itaas niya, nakikita ko sa bintana ang pasikat nang araw.

"So, nagbabago ang lightings dito kapag nakabukas 'yong intercom mo?"

"Nakabukas ang intercom para sa speaker sa buong bahay," bored niyang sagot. "Kahit nasa sala ako sa kabila, maririnig kita mula sa bathroom."

"Wow . . ." Hindi ko na naitago ang pagka-amaze ko. "May ganito kang ginawa sa bahay ni Kuya?"

Umiling naman siya para sabihing wala.

Ooohh . . . parang gusto ko rin.

"Maligo ka na kasi maliligo rin ako," paalala niya.

Bigla tuloy nanliit ang mga mata ko at inasar siya nang kaunti gamit ang ngisi.

Masyado na akong nai-in love sa bahay niya—sa bahay niya.

"Kung hindi ka pa maliligo, mauuna na 'ko," sabi pa niya.

"Himala, wala kang green jokes. Hindi uso rito sa bahay mo?" buyo ko.

Nagkamot lang siya ng ulo at ibinato ang phone niya sa kama bago tumayo. "Sab, hindi mo 'ko kailangang asarin kung gusto mong patulan kita."

"Grabe, ang seryoso, ha. Alam ba nina Calvin na ganyan ka kaseryoso?"

"Sab, maliligo ka na lang, ang dami mo pang pasakali."

The house is too sexy for a house, and every corner of this place screamed masculinity. I could really sense na wala pang babaeng nakakatapak dito since I see no sign of feminine invasion anywhere.

I was having the urge to ask Clark to show me more of the masculine side of his house from its owner, kaso ayokong i-drop 'yon using words. However, Clark knew me well. When he stood in front of me, he just raised his brow and placed his hands on his hips.

"Huwag mo 'kong nginingisihan nang ganyan, hindi mo 'ko boyfriend."

Ngi. Ang bilis ng pickup kaso hindi marupok.

"Maliligo ka o sasabunutan kita?" warning niya.

Pinandilatan ko siya. "Grabe ka!"

"Hindi kita dinala rito para magpa-cute." Itinulak na naman niya ako papasok sa banyo bago niya hinawakan ang door knob. "Patayin mo ang speaker at maligo ka na. Kapag bumalik ako rito't hindi ka pa tapos maligo, palalayasin na talaga kita rito sa bahay."

"Ang sama ng ugali mo. Friends nga kayo ni Kuya!"

"Matagal na! Bilisan mo, ha. Magbe-breakfast ako sa kabila, wala kang choice, wala kang pera."

"Bahala ka. Tse!"


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top