Chapter 22: Dead End

Hindi ko na alam kung sino ang sisisihin ko ngayon. Obviously, it was Mum's fault, but my mind was too clouded.

"You know what, Sab, walang patutunguhan 'to," Mat said. "Pauuwiin ko muna si Clark. I don't want any commotion here in my place. Wala rin namang mangyayari kahit magsagutan pa kayong dalawa."

I really didn't want to blame Clark for what happened. Pero kasi, kahit sino naman siguro, iyon ang iisipin kasi umamin siyang nag-yes nga siya sa wedding.

Sa bibig na niya mismo nanggaling. He said yes to Mum. After Leo's wedding, sigurado nang siya ang susunod. And that's gonna happen next year.

Wala pang clear plan sina Leo and Ky apart from beach wedding. Walang clear details and the planning for that takes time.

I can't marry Clark. I need my brand. Walang-wala na 'ko ngayon. Even my IDs, wala.

I texted Kuya and asked what was happening doon sa wedding.

S: Kuya, did Mum say something about the wedding ni Leo or sa akin?

It took him a few minutes to respond. From the glass wall of the living room, I saw Clark's car move, and I guess he'd go home as Mat suggested.

R: Mum and Jae are at it again. She's asking for a freaking baby and Jae has a different opinion. Ang gulo na nila.

S: Ayaw ni Jae ng baby?

R: Jae wants to, but things are complicated. Tita Filly kept on bragging about Eugene's trophies, and Auntie Liz added fuel to the fire. The Vizcarras brought Pat's baby here sa reception, and now we're in the middle of chaos.

Kuya sent a photo of Mum glaring at Melanie's mother carrying a baby in a cute white onesie and a light pink bonnet. Everyone's attention was on that baby, and I could see why Mum was forcing Jaesie to have one too.

The mere fact that the baby is a Lauchengco, no one could blame my Mum's inggitera side for having a grandchild soon.

S: Did Mum request a baby boy from you?

R: YES!!! Kanina pa niya ako kinukurot na dapat lalaki ang anak ko next year! Like WTF??? And Jae said na kung makikinig ako kay Mum, maghanap na lang ako ng ibang mabubuntis, hindi raw siya magagalit. Pero uuwi na siya sa condo niya. Hell freaking no!

I was heartbroken for a moment pero natawa ako sa reply ni Kuya. Napatakip ako ng bibig para itago ang tawa ko.

R: I was expecting about your problem with Clark right now, and how I wish 'yon talaga ang topic. -_- Not me and Jaesie and having a baby or whatsoever. Nakakapundi na si Mum.

S: Poor you.

R: By the way, Clark said you're in Mat's place right now. What happened?

Ah! Of course, muntik ko nang makalimutan.

S: Mum locked my penthouse. Hinarang din kami kanina sa Ivory Meadows, ire-report daw ako kung pumunta ako sa bahay mo.

R: What?

S: Hingin mo nga kay Mum wallet ko right now, Kuya. Wala ako kahit piso!

R: Wait, hang on.

I closed my phone for a moment and checked the gate. It was already closed and Mat was busy checking her plants habang nasa labas. May mga inurong siya roong pots ng cactus at ilang aloe vera.

My phone beeped and I checked the messages.

R: Mum said umuwi ka na raw sa Dasma.

S: No way! Ni-lock niya ang penthouse ko para lang ma-force akong umuwi sa Dasma!

R: Paano 'to? Itinago niya raw lahat ng gamit mo. Don't expect na matutulungan kita. Gusto ko sanang tumawa kaso hinihingan niya 'ko ng baby kapalit ng wallet mo and three pairs of clothes. WTF???

S: Your mother's a lunatic, Ronerico!

R: ( -______- ) Don't you dare, Sabrina Dardenne.

S: Tell this to your mom: she sucks! And she even talked to my agency na magpapakasal na 'ko, and now, my brand is on the verge of termination! Iyo na mama mo, hindi ko na siya mama!

I was expecting an immediate reply, but what shocked me was Kuya beeping me through video call. Sinagot ko agad at nakitang nagtatago siya sa medyo madilim nang part ng reception, doon sa maraming halaman. Nagbago yata sila ng venue kasi hindi na familiar ang lugar.

"Ano yung sinasabi mong termination ng brand?" seryosong tanong niya. Magalaw ang camera, probably he was hiding from everyone.

"Di ba, may clause sa contract ko sa Sun-Dias na dapat single ako until the contract ends?" explanation ko.

"Yeah, but you were just 21 when that agreement was signed. Ang bata mo pa n'on."

"Pero open for negotiation na ang Sun-Dias para sa termination ng contract ko sa kanila. Si Mum ang nagpadala ng announcement."

"Nakausap mo na si Clark?"

"Yeah! Nag-away kami kani-kanina lang."

"Bakit inaway mo na naman?"

"Because he promised Mum na magpapakasal kami after ng wedding ni Leo!" I tried to suppress my shout para hindi ako masabihan ni Mat sa labas na may kaaway na naman dito sa loob.

"Clark didn't say that."

"He indirectly said that!"

"Sab, hindi ako sure about Clark's decision, pero wala siyang pina-promise na kahit ano kay Mum. He's planning to get married only after Leo's wedding and conditional pa 'yon. Huwag ka ngang assumera. Parehas lang kayo ni Mum, e."

Para akong nakidlatan sa sinabi ni Kuya about Clark.

Kuya continued, "At huwag kang bintang nang bintang ng kung ano-ano kay Clark. He can't do his usual kasi binabantayan siya ngayon. He's working on everything. Patience mo na lang ang hihingin niya sa 'yo, huwag ka nang umarte pa."

Parang dumoble ang frustration ko sa mga sinasabi ni Kuya. Nagi-guilty tuloy ako sa pambibintang ko kanina kay Clark.

"You better talk to Clark about your contract sa Sun-Dias."

"Bakit kay Clark?" tanong ko agad. "Puwede ba 'kong maghanap ng sariling lawyer?"

"Sab, walang problema sa contract mo. Lawyer ni Mum ang nagpulido n'on, remember? So Mum knew how to use that against you. Wala kang laban kahit ilang lawyer pa ang i-hire mo diyan."

Oh fuck.

Of course, Mum fucking settled things for me!

Mababaliw na 'koooo!

"Kaya ba 'tong ayusin ni Clark?" tanong ko kahit nanghihina na 'ko sa kinahihinatnan ng sitwasyon ko.

"Legally, no. Pero favorite naman siya ni Mum. If Clark wants to amend that contract for you, kaya niya kung gugustuhin niya. Clark has his ways on persuading Mum to do something favorable to him, remember?"

"Pero nag-away nga kasi kami!"

"O, kanino ang fault?"

I instantly rolled my eyes. "I hate you!"

"Talk to Clark. Makipagbati ka, kasalanan mo 'yan."

"I'm so lucky to have you all as my family," I sarcastically whined. "Kasi every time na may problema ako, you're always there para dagdagan pa lalo!" I dropped the call and threw my phone on the couch.

Pipilitin niya 'kong mag-sorry kay Clark, e hindi pa nga ako ready. Baka nga masama pa ang loob sa 'kin n'on.

Pumasok na rin si Mat sa loob ng bahay at may pinindot sa tabi ng switch malapit sa pintuan saka sumara ang ilang kurtina sa living room.

She was looking at me with pity. "Sab . . ." Nilapitan niya ako at naupo sa tabi ko. Niyakap niya ako mula sa gilid at hinimas ang kaliwang braso ko para amuhin ako. "Maybe we can talk to Tita about this. Ayokong may kampihan sa inyo ni Clark. Special ka sa 'min, but we will always respect Clark's decision no matter what."

I heard it once again.

They always respect Clark's decision.

Ever since bumalik ako rito sa Philippines, sa kanilang magbabarkada, si Clark ang hindi nila magawang seryosohin. Kahit nga si Kuya, binu-bully siya every time. Halos lahat sila, binu-bully siya because of his stupid pranks. Yet recently, kapag nae-encounter ko ang issue sa aming dalawa, laging sinasabi ng lahat na nirerespeto nila ang decision niya, na kahit si Kuya na sobrang bossy, hindi siya pinangungunahan.

Kahit anong ikot ng usapan, doon at doon ako bumabagsak. Either I should follow Mum or I should respect Clark's decision. Unfortunately, if I followed Mum, contrasting iyon sa decision ni Clark. Feeling ko tuloy, wala akong freedom mamili ng mangyayari sa 'kin.

Mat made a homemade lasagna, which, sadly, I didn't enjoy. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, mas pinili na lang niyang hindi magsalita habang kumakain kami.

I only had my phone. Ni extra clothes, wala ako. I'm lucky that Mat is a transgender woman kaya hindi ko kailangang magtiis sa iisang damit buong araw, may maipahihiram siya sa akin.

Ang kaso, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pahiram niyang damit sa akin.

Obviously, hindi kami magkasingkatawan. She's a lot bigger than me kung body build lang naman ang basis. Magkasinlaki nga sila ni Kuya. But since I gained weight (hindi naman sobrang taba), magkasing-waistline na kami.

Meron siyang unopened box of VS animal print bikinis. It was too sexy, actually. Rare daw siyang mag-bra to avoid saggy skin in the future. Most of the time, naka-nipple tape lang siya. Ayoko namang mag-nipple tape kahit matutulog na lang. I just told her na bikini na lang ang gamitin ko. It was a leopard print bikini bottom, low cut crunched and barely covered my butt cheeks. I'm glad that I shaved because I didn't want to look messy wearing something like this sa bahay ng ibang tao.

Pinahiram na lang niya ako ng maroon long sleeves niya na button down. Sa sobrang haba n'on, halos umabot na sa gitna ng hita ko.

Ayoko nang abalahin si Mathilda kasi unexpected guest niya ako. But I made a wrong decision of not telling her kung puwede ba akong makitulog sa kanya, as in sa tabi niya.

I slept as early as nine, and I was too tired kasi two days na akong nag-aasikaso sa wedding ni Patrick.

Hindi ako makapag-request kay Mat ng gummies kasi ibig sabihin n'on, maghahanap pa siya ng drugstore na nagbebenta ng gummies na tine-take ko—and I couldn't take any brand apart from the doctor's recommended brand kung ayaw kong magka-allergy at gumising na parang kinagat ng maraming bubuyog.

There . . .

I saw it again.

I saw a man wearing black leather jacket and a leather cap. I was running away, dala ang mga laruan. Ramdam ko ang kaba na baka mahuli ako.

My breathing started to get heavier. I felt like someone was choking me. An arm grabbed me from behind.

Sinusubukan kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang lumalabas na boses sa 'kin. I was shouting inside my head to wake up because I knew that that was just a dream.

Pero hindi ako magising.

The arm threw me inside the trunk with a spare tire, a long rope, and some blank tarpaulin.

I tried to shout, "Help!" But I was inaudible. Walang boses, at mas natakot ako kasi alam ko nang walang makakarinig sa 'kin.

I barely breathed and started to gasp for air.

"Help!" another inaudible shout and a fist threw a strong punch at me. The fist already had a knife for the second attack and stabbed me.

I held my left arm. It was bleeding. I put my hand on my mouth, and all my teeth were falling one by one.

Blood was flowing in my mouth endlessly and I was catching it all along with my fallen teeth.

"Help! Clark! Help!"

I was looking for Clark. All I wanted was to see him and save me.

"Sab!"

"Claaark!"

"Sab, wake up!"

"Help—" I gasped so hard and I found myself being shaken by Mathilda to wake me up.

I was panting in short but continuous sequences. I looked at her with wide and fearful eyes.

Tiningnan ko ang mga kamay ko kung may mga dugo ba. Sunod kong kinapa ang bibig ko kung wala na ba akong mga ngipin.

Hindi ko na napigilan, umiyak na lang ako habang natatakot sa napanaginipan ko.

"Sshh, it's okay." Niyakap ako ni Mat at doon ako sa balikat niya umiyak nang umiyak.



♥♥♥


"Ronie, can we do something about this?" Mat confronted Kuya through a video call. Pauwi pa lang daw sina Kuya from Patrick's wedding, and it was already one in the morning.

"Si Clark ba, papunta na?"

"Malapit na raw siya."

Nasa iPad tumatawag si Mat at nakapatong iyon sa center table sa living room. Mula roon, nakikita kong frustrated na rin si Kuya kasi hinihimas na niya ang noo niya habang natatahimik. He wasn't the one driving, though. Si Jaesie ang driver niya kasi nakainom daw siya. Hindi naman siya mukhang lasing, pero sa way ng pagsasalita niya, obvious na obvious na nakarami siya ng inom. Medyo hazy kasi saka malat.

"I'll try to talk to Mum," he answered. "Hindi puwede sa bahay si Sab."

"Ayoko na ng panibagong headache dahil kay Mum, ha," Jaesie interrupted, and she really sounded so annoyed. "You better not go to their place, Sabrina. Huwag mong hahayaang ginaganyan ka ng mama mo! Ibalik niya ang bahay mo kasi bahay mo 'yon!"

"Wow," Mat whispered, and her eyes widened for a moment.

"Jae," Kuya called out.

"Isa ka pa!" sermon ni Jaesie kay Kuya. "Puro kayo tawa ng barkada mo! May nakakatawa ba sa sitwasyon natin?"

"I'm drunk, sorry."

"Huwag mo 'kong hawakan, baka masipa kita palabas nitong kotse."

Si Mat na ang nag-drop ng call kasi parang nanonood na lang kami sa LQ nina Kuya at Jaesie, na for sure, kasalanan na naman ni Mum at sa baby request n'on kina Kuya.

"Huwag na tayong umasa sa kuya mo," Mat reminded. "Kung doon mo ipipilit sa bahay niya kasama si Jaesie, baka manaksak ang babaeng 'yon out of the blue sa sobrang inis."

For sure.

Kahit din naman siguro ako maiinis like Jaesie. Ako nga, inis na inis na, e. Even wallet ko lang at ilang damit, ipinan-trade na ni Mum for a baby kay Kuya.

Wala pang five minutes, may nagdo-doorbell na.

"Nandiyan na yata si Clark," sabi ni Mat. Tumayo na siya at lumabas para buksan ang gate.

Ayoko pa sana siyang makita ngayon, pero habang tumatagal, siya na lang ang option ng lahat at sa kanya ako lagi itinuturo.

Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso pagtapak niya sa living room ng bahay. Mukhang natutulog na nga rin siya. Pambahay na ang shorts at naka-white tee. Naka-slides nga lang din. Ni wala nga siyang suot na relo. Magulo rin ang buhok. Parang bumangon lang at nag-drive na agad papunta rito.

May binulong sa kanya si Mat na tinanguan lang niya. Lalo akong yumuko nang lumapit siya sa puwesto ko.

I was expecting na pagagalitan niya 'ko, pero lumuhod siya sa harapan ko saka sinilip ang mukha ko mula sa ibaba. Ipinatong niya ang kanang braso niya sa kandungan ko saka niya isinuklay ang mga daliri niya sa kaliwang kamay pahawi sa buhok kong nakaharang sa mukha.

"Nakalimutan kong magpaalala kay Mat," sabi niya, basag pa ang boses pero mas malumanay kaysa noong umalis siya ritong galit sa akin. "Sarado na ang binibilhan mo ng gummies."

Para akong maiiyak pa nang mas malakas dahil sa ginagawa niya. Kung kumilos siya, parang hindi siya galit noong umalis siya rito kanina dahil sa 'kin. Nanginginig na ang mga dulo ng labi ko habang nagpipigil ng hagulhol.

"Doon ka muna sa 'kin," sabi niya. "Mahirap yung ganito na kalagitnaan ng gabi, nakakaabala tayo."

Wala na akong nagawa. Tumango na lang ako saka nagpunas ng namamasang mata.

Tumayo na rin siya at inakay ako patayo.

"Mat, doon na lang muna siya sa 'kin. Kakausapin ko na lang si Tita mamayang paggising. Sorry sa istorbo."

"It's okay, Clark. You better talk to Tita about this. Kahit si Ronie, ginigipit din niya."

"Nakita ko nga kanina sa reklamo ng barkada."

Akbay-akbay ako ni Clark nang maglakad kami palabas ng bahay. I wanted to complain kasi naka-bikini, long sleeves, at furry slippers lang ako, kaso gusto ko na lang makatulog nang maayos kaysa makapagdamit nang maayos. After all, wala naman akong choice sa idadamit ko.

"Yung mga damit ni Sab, kukunin ko mamaya sa shop mo," paalala ni Clark. "Kapag nagtanong si Tita about Sab, alam mo na ang gagawin."

"Yeah. Ingat kayong dalawa sa biyahe."

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top