Chapter 18: Conflict

Part ako ng prep team kaya okay lang na hindi ganoon kabongga ng suot ko. Just to blend in, nagsuot lang din ako ng light green off-shoulder draped blouse and white pencil-cut skirt.

Not that I hate weddings but really, nakakaantok ang ceremony kung audience ka lang, especially with this kind of setup na ang iba, nanonood lang sa TV from the auditorium para lang makita ang mga nasa cherub fountain na ikinakasal.

I was busy checking my emails kasi nagsunod-sunod ang email sa akin na hindi ko pa natse-check mula pa noong nakaraang two weeks. Finishing kami ng suits that time so I made an auto-reply na babalikan ko sila after my current commitment.

Umaasa akong walang importanteng content doon until I saw an email from Sun-Dias Inc.

Bigla akong kinabahan dahil ang tagal ko nang walang response sa kanila.

They handled all my endorsements and ads. Agency rin nila ang gumawa ng branding ko. I am the face of Sabrina's, and that brand was under Sun-Dias. I worked hard for that specific brand, and Mum knew what I'd been through just to get this big-time opportunity to have my own name aside from being a Dardenne.

Hi Sabrina,

I hope you're doing well.

It has come to my office that you are planning to get married soon, and we already received the notice from your office.

May I remind you about the terms of our contract:

3.2.2

To maintain the face of Sabrina's, the client must remain on her civil status: single, to keep the brand exclusive for single women.

We are still in consideration of your trademark revocation. I am hoping you have time so we can talk privately regarding your upcoming wedding and the termination of our contract.

I'm looking forward to seeing you in my office.


Sincerely,

Olga J. Serrano
Senior Vice President
Sun-Dias Inc.


It felt like I lost all my energy after reading that email.

Shit.

Ire-revoke nila ang trademark ko?!

Mabilis kong tinakbo ang puwesto nina Mum na nanonood ng wedding mula sa mga upuan na malapit sa fountain. Doon ako sumiksik sa likuran nila na puro na flower decors.

Yumuko ako para bulungan agad si Mum.

"Mum, care to explain about Madame Olga's notice about my brand revocation?"

Mum barely looked at me and was contented with her slight glance at her back. "Sabrina, hindi mo ba nakikita, ongoing pa rin ang ceremony," she said in almost a whisper.

"Sun-Dias is terminating my contract for my brand!" I whispered loudly.

"Mamaya na tayo mag-usap diyan. Can't you see?" She pointed the fountain. Patrick and Melanie were kneeling in front of the altar. "Nag-a-assist na ang kuya mo. Minsan ko lang 'tong mapapanood."

And she really had the audacity to prioritize Kuya over the couple na ikinakasal, ha!

Mum and her nonsense viewpoints!

I walked faster para makalapit sa puwesto nina Clark. Hindi ko siya malalapitan gaya ng kay Mum kasi naroon sila nakaupo malapit sa waterway. May malaking wall of flowers doon na sinasandalan ng mga upuan nila kaya imposibleng makalapit ako unless rarampa ako sa harapan nilang mga groomsman.

I almost forgot about that agreement. Although matagal naman na kasi 'yon. Ten years ang validity ng contract, and that was signed when I was twenty-one. Five years pa lang! Half pa lang ng buong agreement ang natatapos ko!

Hindi ako puwedeng magpakasal. Hindi ko isusuko nang ganoon lang kadali ang nag-iisang achievement ko na sure akong pinaghirapan ko.

Mum might be the one handling the finances and management, pero ako ang nagtayo ng brand ko. Alam ko ang contribution ko, and I wouldn't risk everything na pinaghirapan ko para lang sa plano ni Mum.

Bakit na lang kasi hindi niya ibigay si Clark sa anak ng mga kumare niya?

Kung may issue siya sa mana na para kay Clark, e di i-revise niya ang last will and testament niya, problema ba 'yon?

Bakit kailangang ako ang mag-adjust nang mag-adjust?

I stood straight when Clark stood up from his seat. May sinabi siya kay Will na tinanguan naman nito. Umalis na siya sa puwesto niya at inayos niya ang suit bago naglakad papalapit sa kung nasaan ako nag-aabang.

Wala pang ilang metro ang lapit niya, napansin na niya ako kaya nag-jog na siya papalapit sa akin.

"May kailangan ka?" tanong niya at bahagyang yumuko para magkarinigan kami sa lakas ng speakers sa area. Inayos pa niya ang cuff ng long sleeves niya habang sinasabayan ko siya sa paglalakad.

"Nagpadala ng notice si Mum sa agency ko na ikakasal na tayo," balita ko.

"And then?"

"Ite-terminate nila ang contract ko sa Sabrina's kapag ikinasal ako. I must remain single or else, mare-revoke ang brand ko!"

"Oh, wow. Kailan mo nalaman?"

I quickly handed him my phone and I glanced at the pathway we were heading. Papunta kami sa dulo ng stage ng auditorium, sa bandang likod.

"Aw! Oo nga pala, may market nga pala kayong hini-hit. I see, I see." Nakaabang lang ako kay Clark at sa sasabihin niya habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa dinaraanan namin. "Kung sakali palang ikasal ka, magre-rebranding ka."

"Hindi ko na mare-rebrand ang Sabrina's. Ang daming naka-lineup na marketing plans and brand strategy for this year ang brand ko. January pa lang, Clark. Saan ako pupulutin kung mawawala sa akin ang business ko?"

"Mas complicated na pala ang situation natin ngayon." He handed me my phone and he ran inside the men's room na nasa dulo ng auditorium. "Pag-usapan natin 'yan after ng wedding. Sunday ngayon, walang office."

Bakit ba kung kumilos silang lahat, parang hindi emergency ang situation ko?!

Bumalik ako sa upuan ko na meant for the wedding prep team. I crossed my arms and legs and looked at the fountain like I was gonna burn the whole place down any time soon.

Mum sent a notice sa agency ko para sabihing ikakasal na 'ko. And that means hindi na ako puwede sa brand na products for single ladies kasi kaya nga may brand ako na para makaakit ng aasawahin!

Well, that was kinda ironic na endorser ako ng brand na pampaganda para makakuha ng love life, pero single ako. And now, single na nga ako, bawal pa akong mag-asawa!

I'm already twenty-six, though when Sabrina's started, twenty-one pa lang ako. That was too young to marry. Twenty-three years old nga, need pa ng consent ng guardians para magpakasal.

January pa lang. Magre-release ang Sabrina's ng bagong brand ng facial soap and hydrating serum before May. Tatapusin lang itong wedding ni Patrick na main priority sa last quarter last year. By March, may product testing na kami. May photoshoot na rin for billboards. Kumukuha na rin kami ng schedules and slots for TV ads.

Mum should fucking know that because she was managing my schedule and activities. So what now? Lahat 'yon, canceled? For what? For my supposed wedding?

Alam niya kung ilang milyon ang ginagastos for research and trials para lang makagawa ng bagong product. Hindi 'yon basta napanood lang sa DIY video clips and five-minute hacks! We hired experts and cosmetic chemist for formulas! Hindi lang one thousand pesos ang product development formulation!

Don't tell me, magtatapon siya ng milyones para lang maikasal kami ni Clark as soon as possible?

Hindi ako papayag sa plano niya. Kung gusto niyang maikasal kami ni Clark, maghintay pa siya ng another five years para maikasal kami!

"Sab."

Umangat agad ang tingin ko nang walang hiya-hiyang dumaan si Clark sa harapan naming mga mag-a-assist mamaya sa exit.

Really? Sobrang shameless, ha.

My gaze was following him until he stopped in front of my seat and sat on his heels. He placed his folded arms on my lap and looked up to see me clearly.

"Kanina ka pa nakasimangot. Akala nila, nag-away tayo."

"Pinagso-sorry ka ba nila?" masungit na tanong ko.

"Joke lang," natatawang sagot niya. "Anyway, may copy ka ng contract mo sa Sun-Dias?"

"Sa email, meron."

"Send mo later. Ire-review ko."

"Kausapin mo nga si Mum," naiiritang utos ko sa kanya. "For sure, hindi siya makikinig sa 'kin e. Wala naman sa usapan na magpapadala siya ng notice sa agency ko. Ni hindi nga ako aware na ipu-pursue pala niya ang wedding natin. I have so many plans for this year, and I'm not gonna let her ruin my projects because of her bravado. And I'm not gonna marry you if that means I'm gonna lose everything I worked hard for the past years of my profession."

Clark answered me with a sigh and a slight nod. He stared somewhere far behind my seat and nodded again.

I was looking for dismay in his reaction because I was the one declining him now, but he didn't look disappointed or sad about my sudden "no". Mas mukha pa nga siyang nag-iisip ng seryosong counter-attack kay Mum habang kagat-kagat niya ang labi niya at marahang tumatango.

"Pag-iisipan kong mabuti 'to," sagot niya at bumalik na sa akin ang tingin. "May schedule ka ba ng projects mo dapat for Sabrina's?"

"I already have it sa email. I'm not sure if tuloy pa 'yon after Mum's stupid decision of taking the marriage thing to Madame Olga."

"Pero sabi doon, kakausapin ka pa raw muna nang personal, di ba?"

"For sure, sa clearance 'yon. Baka mag-penalty pa 'ko because of breaching my contract."

"Malamang."

"Kailan mo kakausapin si Mum?" tanong ko agad.

Mabilis siyang umiling. "Kung kakausapin ko si Tita Tess, walang patutunguhan 'to. Ire-review ko muna ang contract mo. Tapos naman na ang wedding today, may pasok ka bukas?"

"Mum cleared all of my schedules. May pasok dapat ako, pero wala na dahil canceled na lahat!"

I tried not to grit my teeth and shout, pero nakakagigil kasi sa inis ang ginagawa ng mommy ko sa 'kin.

"She's starting to control my finances to control me," I defended. "She already did this to Kuya, and now she's doing this to me!"

"Easy ka lang." Clark gently tapped my left leg to calm me down. "Gagawan nga natin ng paraan, di ba? Chill ka lang. Ako'ng bahala sa 'yo."

Clark glanced over his shoulder to check the ceremony. They were almost done with the wedding vows.

"Patapos na sila. Magpi-picture taking na." Tumayo na rin si Clark at hinawakan ako sa bandang likod para ipalapit sa kanya. Saglit ko siyang niyakap sa bandang baywang habang tina-tap niya ang likod ko. "Ido-double-check ko muna ang plano ni Tita Tess. Siguro pag-uwi, send mo agad sa akin ang copy ng contract mo saka yung calendar ng Sabrina's ngayong year. Kung possible, pati FS copy ng previous three fiscal years para mache-check ko ang potential loss kung sakaling daanin ka na sakal ni Tita."

Naiinis ako kay Clark kapag ganito siya kaseryoso. Ayoko ngang ganito si Kuya, tapos pati siya, ganito rin ang ginagawa.

"Babalik na muna ako sa puwesto ko. Hahanapin kita mamaya." Tinapik niya na ang likod ko kaya bumitiw na rin ako sa yakap ko sa kanya.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang naglalakad siya paalis. Pagdating sa pathway ng aisle, lumingon pa ulit siya sa akin saka nagsalita nang walang boses.

"Mamaya." Then he gave me a thumbs up.

If this is the reason why Mum likes him a lot, hindi ko masisisi si Mum kung bakit. Sobrang reliable naman kasi talaga ni Clark. Unfortunately, it looked like we had no other choice but to play with Mum's game right now or else, mawawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko.

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top