Chapter 13: Missing Point
My anxiety would definitely kill me at this point because I had no idea what Clark's plan was at the moment.
He could recall all of my stupidity when I was a kid at hindi ko alam kung ano ang sinabi niya sa mga nakakakilala sa akin!
I couldn't imagine him barging on someone's door and shouting "Hey! I have chika!" And the topic was about me as a horny kid.
Tinatawagan ko siya pero nagulat ako kasi iba ang sumasagot—and it was a guy handling his phone, telling me that "Sir Clark" was busy at the moment, tumawag na lang ako by four in the afternoon.
Busy ako, but I couldn't think properly. So I took an emergency break for the rest of the day at hinayaan ko muna kay Aki ang shop. Kasi kung magtatagal ako roon just to overthink, wala ring sense mag-work pa na kailangan ng focus.
I immediately went to Purple Plate sa Roxas Boulevard para makausap ang sister-in-law ko.
Jae's café would always be her bragging achievement since this two-story coffee shop was built out of pride. Half past two in the afternoon, the café wasn't that crowded with customers and it was a perfect time to talk to the owner na hands-on sa work niya.
The place was cozy, and it smelled delectable from the doorway. It looked like a vintage ice cream parlor—cute but classy. There was a combination of purple and white, then it shifted to mahogany and lighter shades of brown.
"Good afternoon, welcome to Purple Plate!" the cashier greeted, and really, I seldom go here for the reason that I didn't want to get fat. Especially now na malapit na ang wedding ni Melanie and I was taking my diet strictly para hindi bumakat ang belly fats ko sa dress. But the staff and crew already knew me kasi madalas kong daanan si Kuya rito para mangulit kaya alam na nila ang ibubungad ko sa kanila kahit pa gusto ko sanang umorder ng croissant.
"Where's Jaesie?" I asked the lady over the counter.
"Sa office po, Miss Sab."
"Thanks."
There was a narrow hallway beside the counter and at the end of it was a wooden door. I knocked twice and the voice inside it said, "Come in."
"Hi, Jae!" I greeted her with a fake smile.
Jaesie's office looked so gloomy and very clerical. Ang liit pa. Parang limang armspan ko lang ang lawak. Ang ganda ng interior sa labas, pero sa loob ng office niya, para akong pumasok sa office ng accountant na naghihintay ng first client niya after years of its foundation.
Hindi amoy kape at tempting cakes sa loob, and I was thankful that the whole room smelled Calvin Klein. Jae didn't like her perfume cute and sexy, rather she was into some hot, intimidating, and seductive colognes for men—in short, cologne ni Kuya Ronie.
"Sabi ni Rico, dadalhin ka na raw niya sa psychiatrist." Then she crossed her arms.
"Si Kuya ang dapat pumunta ng psychiatrist, duh." Lumapit agad ako sa visitor's chair na nasa tapat ng table niya at sumilip sa ginagawa niya roon.
Hindi masasabing babae ang owner ng table. There was a wooden calendar on the far right end na manually iniikot para baguhin ang date. May pen holder na puno halos ng pen. And there were a lot of papers and folders and some photos of mouth-watering cakes and coffee mixes from different flyers for her review, I guess. For their marketing maybe.
"Nasa factory n'yo ngayon si Rico, hindi niya sinabi?" tanong ni Jaesie.
"He did."
"Hinatid ka rito?"
Umiling ako. "I called Pat. Nagpahatid ako sa service niya na nasa Rockwell din kanina."
"Buti nadaanan ka."
"Yeah. Patrick's too busy nowadays." I glanced at Jaesie, and she looked like she was waiting for me to say something other than saying hi to her.
"What is it, Sab?" she asked, and her instinct was pretty strong—or maybe because I didn't go here usually just to say hi because she knew that her café is my guilty pleasure.
I heaved a deep sigh before I started. "May sinabi ba si Clark about me?"
She moved an inch closer to me as if she didn't hear what I said. "Si Clark?"
"Yeah."
"Like . . . what exactly?"
Hindi ko makakausap nang mabuti si Kuya kasi matagal na siyang hindi matino kausap, so I should be thinking of Jaesie as the rational one and the girl here.
"Like . . . you know?" I shrugged. "Something embarrassing about me?"
Jae narrowed her eyes a bit. Nalilito yata sa tinutukoy ko. "Like?"
"Hmm . . . you know? About me and . . . some stupid shits na hindi ko dapat ginawa before."
"You mean like . . . spending money for Ivo?"
Oh, whoa, wait? Excuse me! Ganoon ba ka-big deal 'yon para iyon ang maisip niya?
What about me touching myself and Clark caught me doing it? That was more stupid than spending money on Ivo! Come on!
"Sabrina, listen . . ." And Jaesie was so freaking serious about Ivo, I couldn't even! "Naiintindihan ko kung gumastos ka for a guy kung 'yon ang love language mo. But you should move on."
Ang layo ng topic, girl! Pakialam ko na kay Ivo, buwisit siya!
"I moved on, okay?" I sarcastically answered and let out a defeated sigh.
Paano ko ba ida-drop kay Jaesie ang kabaliwan ko noon nang hindi ako mukhang petty for doing it before? Bakit ko ba kasi kailangang gawin pa 'to? Kasalanan talaga 'to ni Clark.
"By the way, can I ask for another solicited opinion?" I said.
"Go on, I'll listen." She went back to her work, checking something on her papers.
"What do you think of Clark?"
She stole a glance at me and shrugged. Nagpatuloy na lang siya sa pagbabasa sa mga papel na hawak niya.
"Clark's crazy," she said.
"I know."
"But not the crazy crazy. Ibig kong sabihin, makulit siya at annoying. But!" She paused for a second and nodded. "He's a good choice."
Naipatong ko ang magkabila kong braso sa table niya habang sumisilip sa ginagawa niya roon. "What's it like to date him anyway? I mean, never ko pang naka-date si Clark na jowa level apart from family gatherings or something outside romantic shiz and all that jazz."
"Oh, tungkol ba sa wedding ninyo?"
Nagkibit-balikat na naman ako. "Probably, yeah."
"All right." Tumango na naman siya at nagbuntonghininga. "Alam mo, Sab, I'll be honest, Clark's an odd choice for Tita Tess to come up with para ipakasal sa 'yo. Never kong mai-imagine, for real."
"Same."
"But as a person outside family matters, or as someone na naka-date si Clark before I got married, sa totoo lang, 50-50 ang decision ko."
Saka lang ako napasulyap sa kanya dahil doon.
So, there was a "no" vote for Jaesie, but half-hearted nga lang. May "yes" pa rin doon, and that was higher than expected.
"I dated Clark before Rico, at alam kong alam mo 'yon," dagdag niya.
Natawa ako nang mahina. "Ex ka nga raw ng barkada."
"There's no lie about it. Si Clark ang huli kong naka-date before ang kuya mo."
I nodded at that. Open sila sa story na 'yon, and even though it was a bit of a pride for them, it felt weird pa rin na ex-fling si Jaesie ng halos buong barkada ni Kuya.
"Hindi mo ba na-feel na parang pinagpasa-pasahan ka lang nila, Jae?" malungkot na tanong ko.
"Ha?" nagtatakang tanong niya.
"I mean, you had a thing with Calvin, then with William, tapos ex-fiancé mo pa si Patrick, then naka-date mo si Clark, tapos kay Kuya ka napunta."
Jaesie suddenly chuckled, na para bang ang stupid ng sinabi ko para maisip ko 'yon.
"Ang gago ng buong barkada ng kuya mo, as in. I always told them that. Pero alam mo kung ano ang gusto ko sa kanila? They will never look at you like a slut or someone lower than a person. They acknowledged the pain they gave to me and they are really sorry for it. Okay kaming lahat."
"Did they hurt you that bad?" I asked awkwardly.
Tinawanan lang niya ako nang mahina. "I don't think it was that bad kasi lahat naman kami, in good terms ngayon. And besides, Rico knew that I wasn't that fragile para magtanim ng sama ng loob sa mga gaya ng barkada niyang nanggagago lang. They're not strong enough to hurt me that bad."
"And you're pretty strong na kahit si Mum binabangga mo."
That would be the greatest jealousy I could feel towards Jaesie na hinihiling kong sana kaya ko ring gawin kay Mum para lang madepensahan ko ang sarili ko.
"Do you really think Clark's a good choice?" I asked once again.
"Hmm . . . actually, aaminin ko, nakipag-date ako kay Clark because of his businesses. I really assumed that he was the best choice over anyone I know. He's far from good, Sabrina. He's more than what good means."
Seryoso na naman siya. Pero iba ang tono niya this time. Parang nangungumbinsi na.
"When I first encountered Clark doing serious work, bumilib agad ako sa kanya kasi . . ." Jae opened her mouth to continued what it was she was talking about, but lost the words she wanted to use. Naghintay pa ako nang ilang segundo sa pagpapatuloy niya. "Ang talino ni Clark noong unang impression ko sa kanya. He's a funny guy, no wonder, but there was something in him na nakuha ang attention ko. Hindi siya boring kausap. At kapag may gusto kang mangyari at hiningi mo ang tulong niya, ginagawa niya 'yon nang wala nang masyadong tanong, hindi gaya ng kuya mo."
Ayokong sabihin kay Jaesie pero ang seryoso niya ngayon, kahit ako tinataasan ng balahibo sa paliwanag niya.
"Hindi kami nagtagal sa dating stage kasi hindi niya ako sineseryoso. At wala akong time para makipaglaro sa kanya," Jaesie continued, and she started to speak like a strict boss. Parang hindi na good for a heart-to-heart talk. "But the thing is this. If I need something, I'll call Clark kahit na gaano pa ako nabubuwisit sa kanya. Because I know he can deliver. Si Clark ang tinawagan ko kaya ko nakilala ang kuya mo. Hindi man siya ganoon kaseryoso, pero alam kong alam ni Clark ang ginagawa niya. We're just playing along with it ever since ma-realize ko na hindi lang basta nanti-trip si Clark kaya siya nagbibiro."
"May nangyari ba sa inyo?" biglang tanong ko.
"Ni Clark?"
Tumango lang ako bilang sagot.
"I don't know how to put this through words pero . . ." Napatitig siya sa table at inatake agad ako ng kaba.
Clark said kung gugustuhin niya, kaya niyang maglabas ng init ng katawan sa iba, and Jaesie's not exempted sa bagay na 'yon. After all, before Kuya Ronie, si Clark naman ang nauna kay Jaesie.
"Third week of dating namin ni Clark, he took me sa isang 5-star hotel . . ."
I don't know why pero parang horror story ang kuwento ni Jaesie para kabahan ako nang ganito.
"I was expecting for a night with him. Kumuha siya ng executive room. He took a shower first saka ako. Hindi kami nagsabay, anyway. That was the first time I saw his body draped in a towel."
"He's sexy," I said, almost in a whisper as if I was a child listening and following her tale.
"Yeah, absolutely. He's hotter than Rico."
"I know . . ." We both nodded in agreement.
"Then . . . I asked kung ready na ba kami," sabi niya.
"Okay, then . . . ?"
"He started to take pictures."
"Oh. You? Naked?" I cringed.
"Nope. Actually, he was taking pictures of me mula sa likod, and I was wearing a robe. Then para siyang may pictorial doon sa loob ng hotel room. Pinanonood ko lang siya. Then I asked again kung ready na ba."
"Okay, tapos?"
"Tapos sabi niya, nakalimutan niyang magdala ng condom. Naka-IUD na ako that time. I don't see that as a problem, though."
I scowled because it was a weird transition, but okay?
"And something happened?" I asked.
"Nagbihis na siya and he said next time na lang kasi wala siyang protection na dala. Mag-stay na lang daw ako sa hotel hanggang bukas for breakfast, siya na ang bahala sa bill. Tinawagan niya rin ang friend niya para samahan ako."
There I could see my face shouting, "Nge???"
"Iniwan ka niya?" tanong ko habang nakangiwi.
"Yeah. Really, that turned me off," Jaesie added. "'Yan ang isa sa reasons kaya naiinis ako sa kanya. Kasi puwede niyang sabihin ang totoong dahilan kung bakit siya nag-decline, but he resorted sa pinaka-petty na reason para tumanggi. And he kept on complimenting na ang sexy ko and all, and he wanted to bang me kapag sila-sila na ng mga barkada niya ang nag-uusap. Ang kaso, puro lang siya yabang, never niya namang ginawa. Believe me, Sab, pagdating sa ganyang bagay, hanggang salita lang si Clark. Kung mag-compete man sila ni Will pagdating sa sexual activity, ilalampaso siya ni Will nang walang kahirap-hirap."
Mixed emotions ako, hindi ko alam ang ire-react. Hindi ito ang topic na inaasahan ko.
"Pero ngayong nasa ganito kayong situation," sabi ni Jaesie, at mas huminahon na ang boses niya. "Mas na-appreciate ko si Clark na . . . never siyang nag-take advantage sa akin o sa kahit sinong kakilala ko na naka-date din niya. Ang daming ways para iparamdam sa 'kin na gusto niya lang ang katawan ko kaya kami nagde-date, pero mas pinili niyang buwisitin ako araw-araw hanggang sa mapunta ako kay Rico. Hindi magandang move for him as a guy kasi sobrang childish, but it was him. Hindi siya si Clark kung hindi kami mabubuwisit sa kanya."
Napatakip ako ng bibig para lang hindi ako matawa nang malakas.
"Nakakabuwisit pa rin naman siya until now, but we're good friends. And besides, mukhang seryoso siya sa wedding plan ni Mum for the both of you, and we barely see him that serious, so baka nga big deal sa kanya 'to. After all, gaya nga ng sabi ni Rico, hindi lahat ng babae, sineseryoso ni Clark, pero seryoso siya sa 'yo. And we should take that as a good sign."
♥♥♥
I went to Purple Plate para lang sana magtanong kung itsinismis ba ni Clark kay Jaesie ang kahihiyan ko noon, pero ibang bagay ang nakuha ko mula sa sister-in-law ko.
Maliban sa nakakabuwisit nga raw si Clark—na alam na naming lahat—wala na siyang ibang nabanggit about me. Pero si Jaesie nga pala 'yon. Paano siya kukuwentuhan ni Clark kung wala pa man, nabubuwisit na siya?
Dumeretso agad ako sa gym ni Will. That was located along the road sa may business area sa Pasig. Eksaktong dinner time nang makarating ako because traffic would always be a hindrance para sa mga naghahabol ng oras sa kalsada.
Naabutan ko si Will na kumakain ng dinner niya sa may counter. Nasa likod siya ng glass covers kaya napasilip ako roon sa ibaba.
"Hi, William!"
"Uy, Sab! Ang aga mo."
Six naman na. Although, seven ako madalas sa gym niya until nine, pero yeah, maaga nga.
"What's that?" I asked, checking his meal.
He showed me his meal box. "Chicken strips, vegetable salad, wheat bread." He scooped a spoonful of salad and chicken saka itinapat sa bibig ko ang kutsara. "Ah."
I ate what he offered and tried to taste his food. "It was good," sabi ko habang nakakunot ang noo. "Ang savory ng chicken. Hindi 'to plain boiled?"
"Marinated 'yan kaya mabango. Kuya mo gumawa ng recipe."
"Hindi nakakataba?"
"As long as hindi mo kakainin ang one pound in one sitting, of course not."
"Grabe ka naman sa one pound."
Will smiled, and I thought it was an offensive joke as me being matakaw, but he said, "Si Pat, naka-half kilo niyan sa isang lunch lang. Pinag-awayan pa namin 'yan kasi kulang."
Saka lang ako natawa roon. Hindi pala joke. Kung sa bagay, kung si Kuya Ronie naman kasi ang nagtimpla, no doubt na kukulangin talaga.
"Kumain ka na?" tanong ni Will. Umiling agad ako. "Sana kumain ka muna." Inilapag niya ang meal box niya sa glass counter at saka niya kinuha ang phone sa bag niya sa ibaba.
"O-order ka?" tanong ko.
"Ipapa-reheat ko yung stock ko ng pagkain sa kabila." Inurong niya sa akin ang dinner niya. "Kain."
Tumingin ako sa meal box sunod kay Will na hinihintay akong kumain.
"Kaka-start mo pa lang kumain, inagawan na agad kita ng dinner," sabi ko saka dinampot ang tinidor para tumusok ng ilang pirasong meron sa box.
Nakatayo lang kaming dalawa habang nakapagitan sa amin ang glass counter.
"Ang sarap ng chicken," sabi ko pa habang nginunguya ang pagkain dapat ni Will.
"Trial lang daw 'yan, sabi ng Kuya mo. He's trying to make a healthier recipe para sa chicken breast na masarap pa rin pero hindi maraming calories."
"First day mo pa lang bang kakain nito?" tanong ko habang ngumunguya at pinipili ang lettuce at tomato kasama ng chicken sa tinidor.
"Second day, and monitoring kami ni Early Bird kung may effect ba sa weight ang intake."
"Tapos inagaw ko pa, may experiment pala kayo."
"Hahaha! Nah, it's okay. Sasabihin ko na lang sa kanya ang adjustments sa skipped day."
Kuya Ronie and Will always do healthy living stuff. Habit nilang mag-experiment na dalawa. Kuya Ronie will cook food, and William's role is to eat that food and assess the technical stuff pagdating sa katawan kung kaya bang maging feasible ang recipe to promote sa mga client na naghahanap ng healthier diet apart from existing diet styles.
Pero ewan ko ba kay Kuya kung bakit ang hilig kumain ng cake sa harapan ko samantalang kung makapag-experiment siya ng healthy recipes, parang gusto niyang iligtas ang lahat para sa potential obesity issues.
A few minutes later, may isang lalaking macho ang lumapit sa amin at inabutan si Will ng panibagong meal box, pero nasa paper box na.
Umuusok pa nga nang buksan niya. Mixed vegetable ang nasa loob at chicken, pero mas plain at dull tingnan at parang walang lasa. Pero may corn saka ilang slice ng white cheese na natunaw na lang dahil sa init.
Sinabayan na niya akong kumain. At dahil tahimik kami, hindi ko na napigilang magsalita.
"Will."
"Yeah?"
"May sinasabi ba si Clark about me?"
"Gaya ng?"
"Like . . . when I was a kid, I did this or that? Mga gano'n?"
"Uh . . ." Saglit akong sumulyap sa kanya, parang nag-iisip siya ng isasagot. "Parang wala naman siyang sinasabi tungkol sa 'yo. Ang alam ko lang na about sa 'yo, yung tungkol sa tattoo niya."
Pasubo na sana ako nang matigilan. "Saan?"
"He admitted na sulat mo yung pinag-iinitan last time ni Melanie na sulat daw ng anak niya."
Bumagal ang pagsubo ko at hindi alam ang ire-react. That wasn't a secret. Or maybe because alam ko kasi ako ang nagsulat n'on.
"Alam mo rin yung sa chest niya?" tanong ko agad.
"Uh, yeah?"
"Ano?" Lalong tumaas ang curiosity ko because of that.
Nagkibit-balikat siya saka umiling. "Madaldal si Clark."
"I know, pero ano nga?"
"That's the point, Sab," he replied with a timid smile. "If Clark's not speaking about it, then wala kaming karapatang magsalita about it."
"Kahit clue?"
"Clue . . . hmm." Tumanaw sa malayo si Will habang ngumunguya. "It's a promise."
"Like?"
"Clue lang, Sab. Si Clark na lang ang tanungin mo diyan."
Grabe! Bakit ang dadamot nila sa info?
"Ano pa'ng sinabi niya about me?" I asked again. "Yung nakakahiya."
"Nakakahiya?" Will's forehead creased instantly. "Like what? Nag-propose ka kay Ivo?"
What the fuck? Ivo na naman?!
Hindi naman si Ivo ang topic, bakit puro ex ko, ha?!
"Aside from that," sarcastic nang sagot ko habang tinuturo siya ng tinidor. "Yung mapapa-what the fuck ka na lang?"
"Uh . . . like . . . ginawa mong juice ang fabcon noong bata ka pa?"
"What the fuck?" My jaw automatically dropped.
"Yeah, ayan na ang what the fuck mo."
Naibagsak ko ang kamao ko sa counter. Napatingin tuloy roon si Will sunod sa mukha ko.
"What?" tanong pa niya.
"Sinabi niya 'yon?" di-makapaniwalang tanong ko.
Tumango naman si Will. "Yeah. Madalas niyang i-bring up 'yon kapag nag-aalala siya sa 'yo. Laging 'Uy, gago, puntahan ko muna si Sab, baka tumutungga na naman ng detergent 'yon.' O kaya 'Tawagan ko nga si Sab, baka lumalaklak na naman ng fabcon 'yong babaeng 'yon.' Mga ganyan. At first, akala namin, he's just dropping his hyperboles, pero sabi ni Rico, ginawa mo raw talaga before. Wala kaming idea kung bakit, pero parang inside joke nilang dalawa 'yon kapag nagrereklamo ka sa calls. We don't judge you naman, don't worry."
Do I have to be thankful na paubos na ang kinakain ko? Naiwan na lang akong nakanganga habang nakatitig kay Will at sa mga sinabi niya.
"Alam mo, Sab, parang baby sister ka na ng buong barkada," mahinahong paliwanag ni Will. "Yung problema mo, kapag problema na ni Rico, problema na rin namin. Now, problema na rin namin kapag problema na ni Clark."
Dahan-dahan kong naibaba ang kutsara ko at hindi na ako makaimik. Hindi ito ang sagot na gusto kong marinig sa kanila, pero bakit ganito ang naririnig ko?
"Naiintindihan namin si Clark kung bakit ayaw niyang magpakasal sa 'yo ngayon, at hindi 'yon dahil hindi ka niya gusto. Sa bibig na rin niya mismo nanggaling na kaya ka niyang alagaan hangga't kaya niya, at malinaw na oo 'yon para sa barkada. Pero alam mo, mabigat para sa amin ang bawat hindi ni Clark. Kasi hindi siya tumatanggi nang walang mabigat na dahilan. Kailangan lang muna niya ng adjustments. Bigyan mo lang muna siya ng time."
"Sinasabi mo bang hintayin ko siyang maging ready?" nag-aalangang tanong ko.
"Sinasabi kong hintayin mo siyang matapos sa ginagawa niya."
"Gaya ng?"
"Gaya ng pagharap niya kay Tita Tess."
"Pero favorite siya ni Mum."
"At 'yan ang isa sa mga rason kaya siya nahihirapan."
Ano bang meron bakit ganito ang isinasagot nila sa akin?
"Hintayin mo na lang siya. Alam naman niya ang ginagawa niya. Kailangan lang niya ng time."
Wait . . . may nangyayari ba ngayon kay Clark at sa family ko na hindi ako aware?
Shit. Mukhang kailangan ko na nga talagang makausap si Clark.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top