Chapter 12: Embarrassing Moments

I need to go to work. Clark has to go to work too. Wala akong kotse. Well, actually, meron, pero ayokong nagda-drive. That's the reason why madalas kong tawagan si Kuya para sa service. I seldom ride taxis or other private services. Kung emergency na lang talaga ang taxi or transport app. Or I would call Patrick for a ride. Hindi ako pinapayagan nang madalas sa other public services dahil nga baka maulit ang nangyari sa akin before.

Nasa Ayala ang condo ko, nasa Rockwell ang shop. Si Clark, sa dami ng ginagawa niya, hindi ko na alam kung ano ba sa mga 'yon ang pupuntahan niya today, but I'm sure, busy siya.

The morning sun wasn't that nice kasi cloudy today, but I see no chance of rain any time of the day kaya ayos na rin. Malakas nga lang ang hangin, but it was better than nakaka-heat stroke na init.

Something happened between Clark and I last night, and everything about it wasn't clicking. I mean, ang dami kong questions na hindi ko alam kung paano ko sisimulang itanong. I was attempting pero natitigilan ako kasi parang awkward itanong out of the blue.

It took me a lot of minutes before I had the guts to speak.

I looked at him. He was bobbling his head as he tapped the steering wheel samantalang wala naman akong naririnig na tugtog sa paligid.

"Clark."

"O?"

"Yung about sa sinabi mo . . ."

"Na?"

Dahan-dahang kumukunot ang noo ko kasi patuloy lang siya sa pag-tap sa steering wheel habang patingin-tingin sa kalsadang dinaraanan namin. Kung kumilos siya, parang hindi siya seryoso last night.

"Do you love me?" I asked, with no restrictions on my words.

"Hmm . . . in what aspect?"

Nahampas ko siya sa hita. "Anong in what aspect ka diyan?" nainis kong tanong.

"Nagtatanong nga ako para alam ko ang isasagot," katwiran niya, hindi naman galit, hindi nagtaas ng boses.

"Do you love me, like romantically?" sarcastic na tanong ko.

"Romantically, I don't want you to go there at this point," he replied. His head was turned toward me, but his eyes were still on the road. "You're someone special to me, natural, oo ang sasabihin ko. But you see? Nasa complicated situation tayo ngayon."

"Complicated like what? Na ikakasal tayong dalawa?" naiirita kong tanong.

"Hindi muna kita pakakasalan sa ngayon."

"So, may balak ka?"

"Pinag-iisipan ko pa ang situation nating dalawa."

"Ano ba, Clark! Don't give me mixed signals! Yes or no lang naman dapat ang sagot, binibigyan mo 'ko ng additional headache!"

"Ikaw ang nagbibigay ng headache sa sarili mo, alam mo ba 'yon?" sabi niya, at bumabalik na ang tono niyang hindi na sumeseryoso ng topic. "Hindi mo kailangang ma-stress sa wedding. It's not yet happening!"

"Then ano yung nangyari sa 'tin last night?"

"Well, we call that copulating."

"Puta ka, Clark! Huwag mo 'kong pinipilosopo!" Nakadalawang palo agad ako sa braso niya sa sobrang inis.

"Hahaha! Sab, come on! Don't make a big deal out of it."

Kusa nang umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

Don't make a big deal out of it?

Seryoso ba siya?!

"Ang gago mo talaga!" Paulit-ulit ko siyang pinalo pero nasasangga ng kamay niya ang bawat palo ko kahit nagmamaneho pa siya. "Isusumbong kita kay Kuya!"

Tawa lang siya nang tawa kahit naiinis na ako. Ang sama-sama na nga ng loob ko kasi dinadaan na naman niya sa joke ang situation namin, ganito pa ang gagawin niya?!

"I hate you!" Nahuli niya ang kaliwang kamay ko kaya pagpaling niya sa akin, sinampal ko agad siya gamit ang kanang kamay ko.

Eksaktong huminto ang sasakyan nang mamuo na naman ang traffic.

Nangingilid na naman ang luha ko habang nakatingin sa kanya. Hiningal ako gawa ng pagsigaw habang pinipigilang huwag umiyak. Gusto kong bawiin ang kaliwang kamay ko pero lalo pa niyang hinigpitan ang hawak. Matipid ang ngiti niya sa 'kin at bahagyang ipinaling ang mukha pakaliwa.

"Sampalin mo na rin ang kabila para pantay." Itinaas niya ang kamay kong hawak niya saka iyon isinampal-sampal sa kanang pisngi niya.

"Ang gago mo talaga," mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya.

Hindi seryoso ang tingin niya sa akin, and he even had the nerve to shrug at me, as if telling me na ganoon talaga, wala na siyang magagawa.

Binitiwan na rin niya ang kamay ko at bumalik na siya sa pagmamaneho. Gamit na niya ang magkabila niyang kamay sa pagpaikot ng steering wheel paliko sa highway.

Hindi ko na alam. Clark wasn't serious again, and I didn't want to talk about serious things kung ganito lang din siya.

"You can just tell me na naglabas ka lang ng init ng katawan mo last night, matatanggap ko pa," sabi ko at pumaling na paharap sa bintana. "At least, I know na wala akong dapat asahan sa 'yo."

Ang sama ng tingin ko sa kanya nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. Kagat-kagat niya ang hinlalaki habang nakapatong ang kaliwang siko niya sa nakabukas na bintana ng kotse.

"Nang-iinis ka ba talaga, ha!" sigaw ko.

"Sab, four months na 'kong single."

"Bakit, ikaw lang ba?"

"Huwag mo nang paulit-ulitin na naglabas lang ako ng init ng katawan sa 'yo, kasi kung gugustuhin ko, September pa lang, nailabas ko na lahat ng gusto kong ilabas sa kahit na sinong babaeng makakausap ko."

"Kaya mo naman palang gawin, dinamay mo pa 'ko sa kagaguhan mo! Sana naghanap ka na lang ng ibang babae kaysa gagaguhin mo 'ko. Buwisit ka."

Hindi siya sumagot, tinawanan lang ulit ako.

Nakakainis na siya! Hindi ba niya kayang magseryoso kung kailan dapat siyang magseryoso? I really hate him when he's like this. Nakakainsulto na.

"You're better when you were sixteen," I murmured, glaring at him.

"I'll definitely agree."

My glare intensified after he said that.

"And you said you heard me moan your name before last night? May nangyari ba sa 'tin nang hindi ko alam noong bata pa 'ko? Matagal ka na bang may hidden desire sa 'kin? How dare you!"

"Ay, wow! Ha-ha!" From sarcastic laugh, lalo pa siyang nang-asar sa pagtawa niya. "You know, Sabrina, doctor ang daddy ko. I took caregiving. May effect ba sa 'kin ang katawan ng babaeng nakahubad para mag-isip ako nang masama? Wala. Kaya kong maghubad, magpaligo, at magbihis ng babae nang walang malisya ang ginagawa ko sa kanya. And you know what? Lawyer ang mommy ko. Alam mo ang content ng Article 6 sa RA 7610? Kung naka-sex mo 'ko noong bata ka pa, makakasuhan ako. At alam mo kung ano ang tawag sa 'kin? Pedophile. Child-groomer. And no sane sixteen-year-old boy will tell a ten-year-old girl na 'Maghihintay ako paglaki mo kasi mahal na mahal kita.' Because that was freaking sick at hindi tayo sina Romeo and Juliet. Ni wala ka pa nga sa pre-adolescent period n'on habang puwede na 'kong makabuo ng pamilya ko. Oh! You know why I ghosted you when you were ten? Kasi masyado ka nang indulged sa mga bagay na hindi mo pa dapat ine-experience. Tandaan mo, lagi kitang binibisita noong bata ka pa para lang patulugin, pero tumigil ako noong naabutan kitang may ginagawang hindi mo dapat ginagawa sa age mo. Believe me, Sab. Mas kuya mo pa 'ko kaysa kay Rico, so I should know better. I know you more than your own brother kaya alam ko kung paano kita iha-handle."

Sa haba ng sinabi niya, feeling ko, na-bombard ako ng mga information na ayokong marinig. Sa sobrang init ng buong mukha ko, hindi na ako nakaimik habang nakaawang ang bibig.

"Libre ka nang magsalita, go ahead," sabi pa niya.

What the fuck?

At anong sasabihin ko!

Shit.

Oh, my fucking hell.

Had he seen me touching myself?

Oh my gosh.

Shit.

Shit!

Nawindang ang buong pagkatao ko, oh my gosh.

Napahawak agad ako sa magkabilang sentido habang iniisip ang lahat ng mga kagagahan ko noong bata pa 'ko.

My gosh, parang gusto ko nang magpalamon sa lupa, now na!

"O, bakit natahimik ka?"

I could see myself from afar, jaw-dropped, wide-eyed, and frozen from my seat, thinking about how to evaporate from my solid state in just a nick of time.

Did Clark see me touching myself while moaning his name? And he didn't bother telling me that until now?!

Fuck!

"Huy, Sab. Humihinga ka pa ba?"

My gosh . . . puwede bang bumalik sa past para lang sampalin ko whole day ang self kong ubod nang landi?

"It's not a big deal for me, okay? Kung na-broken ka naman dahil sa ginawa ko noon, sorry for hurting you, pero kung uulitin ang nangyari, lalayuan pa rin kita kasi nirerespeto kita, nirerespeto ko si Rico, nirerespeto ko ang parents mo. Hindi lang tayo puwedeng mag-focus sa feelings kasi madaling sabihing mahal kita kung 'yan ang gusto mong malaman mula sa 'kin, pero maraming factors na kailangang i-consider para maging tama ang iniisip kong mali. For now, chill lang muna tayo. Hindi natin kailangan ng headache."

I can't move on.

Gusto ko na lang maglaho sa Earth.

Bakit ba nangyayari sa 'kin 'to?

Whyyy?



♥♥♥


"Miss Sab, okay ka lang ba? One hour ka nang tulala, may problema ka ba?"

Clark saw me touching myself. Oh my gosh.

"Miss Sabrina?"

"Akiiii!" I yelled and feigned a cry. "Nakakahiyaaaa."

"Ang alin po?"

Paulit-ulit kong inuntog ang sarili ko sa working table na puno naman ng pinagpatong-patong na golden satin.

"Hala, Miss Sab, bakit?"

Sinabunutan ko na ang sarili ko habang pinandidilatan ang mesa.

Clark knew everything. He fucking knew everything. Aaaahh!

Inuntog-untog ko na naman ang ulo ko sa table hanggang sa mawala ang lahat ng laman ng utak ko.

Hindi na sana ako nagsalita. Hindi na sana ako nagtanong. Para hindi ko na nalaman kung ano ang mga nalaman niya, and I doubt na iyon lang ang alam niya.

He caught me touching him when I was a kid, and he wasn't pointing out that yet! What more kung nagsalita pa siya nang beyond pa sa nasabi na niya?

Oh my gosh. Nakakahiya na talagaaaaa!

He wasn't making fun of me, though. But it was scaring the shit out of me.

Paano kung ikinuwento niya 'yon kay Kuya? O sa barkada niya? O sa kung sino man? Or worse, kina Mum! Ang daldal pa naman niya.

Do I have to follow him from now on?

Kailangan ko na bang tanungin ang mga nasa paligid ko kung ano ang alam nila about sa amin ni Clark?

But no one's speaking about us. Ano ba?

Nagkukunwari lang ba siya? Pina-plastic lang ba nila 'ko? Do they make fun of me behind my back?

"Sabrina."

Napatingin agad ako sa pinto ng working area ko.

"Kuya!"

Kuya Ronie was crossing his arms and raising his brow. "Alam mong busy ako, right?" He walked toward me. "What's happening? Bakit tumawag sa bahay ang secretary mo, kanina ka pa raw inactive."

Tumayo ako mula sa upuan at kinuha si Kuya para papuntahin siya malapit sa lagayan namin ng mga tela.

"Kuya, may sinabi si Clark?" tanong ko habang nakatingala sa kanya.

"Sinabi na?"

"Kahit ano?" nalilitong sagot ko.

"Like?"

"Kahit ano nga? Last night? Last week? Last month?"

"Ang daming sinasabi ni Clark, which among those?"

"About me."

"About you? Like what? Na maarte ka?"

Napalo ko siya sa braso. "Kuya!"

"Hahaha! What is it? Ano ba 'yon?" He placed his hands on his waist and looked at me, waiting for my answer.

"May sinabi ba siya about me? About sa aming dalawa?"

My heart was beating double time, and I was sweating like hell.

"Hmm . . . about you? Wala naman apart from he's compromising about the wedding thing between the two of you. Mum's silent about it kaya ang fishy ng timing. Or maybe because Pat's wedding is something na ayaw pangunahan ni Mum kaya ayaw niyang sumapaw. Bakit? Pinag-aawayan n'yo pa rin ba 'yan?"

My eyes looked askance and I attempted to ask Kuya about my childhood's greatest stupidity.

"Yung wedding namin ni Clark, about ba 'to sa rant ko sa kanya before ako dalhin ni Tita Ali sa U.S.? I mean yung sinabi kong gusto ko siyang makasama like . . . forever?"

"Hmm . . ." Kuya massaged his chin as he thought about his answer. "Mum said it was a deciding factor. Not really the reason why, pero sabi niya, you like Clark naman, so puwedeng i-workout ang agreement."

"But I was just ten years old when I said that! At hindi ko sinabing gusto kong pakasalan si Clark. Ang alam ko, sinabi ko lang na gusto ko ulit siyang bumalik. Wala naman akong plan na maikasal sa kanya!"

"And you almost drink a bottle of fabric conditioner to kill yourself for Clark. Iniiyak mo pa kay Mum na kung hindi mapupunta sa 'yo si Clark, you were good as dead. Really, Sabrina?"

"Pero ten pa lang ako n'on! Stupid pa 'ko that time!"

"So, Ivo is a genius choice, wow."

"Kuya!" I bit my lip as I slapped his arm again. "I hate you!"

"Sab, may dilemma ngayon si Clark about the marriage thing, okay? But I know he can take care of you more than your two exes."

"Three!"

"Three ba? Sorry, hindi ko binilang si Ivo. Hindi qualified."

"Shut up!"

"But let's go back to your secretary first. Bakit ka tulala kanina pa? Dadalhin ka na ba namin sa psychiatrist?"

"Clark's messing with me."

"Clark's messing with everyone every time. What's new apart from that? Yung convincing para ipa-ospital na kita."

"Kuya, alam mo, ang sama ng ugali mo."

"Okay, then. Ano pa?"

My eyes automatically questioned him because what the fuck? Hindi ko ba talaga makakausap nang matino ang kapatid ko?! Wala ba 'kong makakausap na matino sa barkada niya?!

"Did Clark tell you to change your closets in your room?" I asked.

His forehead wrinkled and inclined his head sideways with a hint of wonder. "Uh, that was an odd question, but yeah. Why?"

"Sinabi niya ang reason?"

He nodded. "Yeah."

Oh shit. So alam ni Kuya na nanonood ako ng porn before sa closet niya secretly?

Shit.

"Sinabi talaga ni Clark?" di-makapaniwalang tanong ko. Nakaawang lang ang bibig ko habang nakatitig kay Kuya.

Tumango na naman siya. "Actually, may point naman siya. Mas lumaki nga ang room ko noong inilipat ko near the doorway. Tuwang-tuwa nga si Mum noong naisip 'yon ni Clark, kahit sa bathroom closet ko. Bakit, magpapaayos ka rin ng interior sa kanya?"

In an instant, parang nawalan ng lakas ang mga binti ko.

"Hey!" Nasalo agad ako ni Kuya bago pa ako bumagsak. "Sab? Are you okay?"

Oh my gooooosh!

Feeling ko, mamamatay ako sa mini heart attacks at anxiety nito!

Ano pa ba'ng alam ni Clark na hindi pa niya sinasabi! Diyos ko, mababaliw ako nito dahil sa kanyaaaa!

Kailangan ko siyang makausap. As in now na!

♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top