Special Chapter 1

You can read all the special chapters of Alabang Boys Series on Telegram paid channel. 75 pesos for one month access.

♥♥♥

Alabang Boys Series Special Chapter

(Small Things)

Clark Mendoza

• • •


"Leopold Scott! Tingnan mo nga naman."

Bumaba ang tingin ni Leo sa karga ni Clark sa mga bisig niya. "Ano 'yan?"

"Ah! Hahaha! Mga tanong mo talaga, pantanga kahit kailan, e." Proud pang nilakad ni Clark ang patawid sa street kung saan pinaaarawan ni Leo ang apo niyang lalaki.

Nangasim agad ang mukha ni Leo nang mapansing baby ang karga-karga ng kumpare niya.

"Saan mo ninakaw 'yan?"

"Excuse me, Leopold Scott! This is my one and only apo. Poging-pogi, mana sa lolo."

Nandidiri ang tingin ni Leo kay Clark nang tabihan siya nito.

Patawa-tawa pa si Clark nang titigan ang karga ni Leo. "Ayan na apo mo? Hahaha! 'Apakapanget."

"'Ina mo," mahinang mura ni Leo. "Ano pangalan niyan?" Saka inginuso ang baby na karga ni Clark.

"Charley . . . Anakim."

Nandidiri na naman ang tingin ni Leo kay Clark. "Anakin na si Luan, Anakim pa 'yan."

"Desisyon nga raw ng asawa ni Cheesedog, e bakit ka ba nangingialam? Di ba, baby?" Panguso-nguso pa si Clark habang isinasayaw-sayaw ang apo. "Si Luke Anakin, Luan . . . ang apo ko, puwedeng . . . Ley-An? Kaso nga lang, tunog babae . . ."

"Puwede ring Cha-Nak. Bagay sa lolo, mukhang engkanto."

"Hoy, Leopold Scott, inaano ka ng apo ko, ha?"

"Hahaha!" Mabilis na lumayo si Leo nang habulin siya ng sipa ni Clark.

"Napakasura ng ugali mo. Ang ganda-ganda ng pagkakapangalan ko sa bunso mo tapos gaganyanin mo lang ang apo ko? Haw der yu?" Ngumuso na naman si Clark at pinisil-pisil ang pisngi ng apo niya. "Huwag kang makikinig sa kanya, baby. Siya ang mukhang engkanto rito, hindi ikaw."

"Bakit pala nasa iyo 'yan?" tanong ni Leo. "Nasaan ang ama niyan?"

"Nandoon sa bahay, ginawang pam-blackmail 'tong anak. Di ba, baby? Ang cute-cute mo tapos ipangne-negotiate ka lang? Ang bad nila, 'no?" Isinayaw-sayaw ulit niya ang apo na nakamulat na at ang sama ng tingin sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Ano na namang ipinanakot sa 'yo?" tanong ni Leo.

"Tungkol nga raw sa Afitek."

"Na naman? Dahil na naman ba sa pagbenta?"

"Ano pa ba?"

"Si Connor, ayaw ipabenta ang Afitek. Paano 'yan?"

"Eto nga ang sinasabi ko kay Rico. Tutal, nasa lowest point naman na 'yang kompanya, ipasok na niya si Connor kasi two years na lang, magre-retire na kaming dalawa."

"Ayokong i-underestimate si Connor, pero kaya ba niya? Ano'ng sabi ng girlfriend niya?"

"Ang nabalitaan ko, nasa ospital si Audree, nagpapa-chemo."

"O? Lumala ba ang sakit?"

"Oo raw. Tapos itong mga Sioco, nanghihingi na ng kondisyon. Ang tagal na raw nina Coco at Dree, parang wala naman daw nangyayari."

"Anong kondisyon ba?"

"Nanghihingi na ng kasal ang ina."

"O? Papayag ba si Rico niyan?"

"'Yan ang hindi ko alam, pero duda akong papayag si Early Bird niyan. Siya nga ang tumanggi kay Veronica, ano lang ba si Audree?"

"Ano raw ang plano ni Connor?"

"Ay, naku! Ayoko nang manghula sa isip ng batang 'yan. Sila na ang mag-usap ng daddy niya. Basta ako, may cute na chikiting na naman akong aalagaan. Di ba, baby? Gusto mo, hingin kita sa daddy mo? Doon ka na lang sa 'kin tapos pabagsakin natin ang angkan ni Leopold Scott."

"'Lul."

Ang sama agad ng tingin ni Clark kay Leo. "Kausap ka ba, ha? Apo ko kausap ko, di ba?"

"Bakit ba kasi nandito ka? Bahay mo ba rito?"

"Dito may araw, e! Bakit ba?"

"Bakit? Wala bang araw sa inyo at nandito ka nakatambay?"

"Naiinggit ka lang kasi kinuha ni Eugene yung isa mong apo."

"Magkamukha naman yung kambal, aanhin ko yung dalawa?"

"Tss! Isumpa ka sana ni Rhyann paglaki n'on."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top