Epilogue


Twelve years.

Imagine waiting that long para lang sa isang ceremony na one day lang gaganapin.

Nagli-live in kami ni Ky. Meron na kaming dalawang anak. Grade 7 na si Eugene, nasa nursery school na ang bunso naming si Luan. Pine-pressure na kaming magpakasal after Rico and Patrick's wedding na wala naman sa plan ten years ago.

Ang tagal ng twelve years. Maraming nagbago, maraming nangyari. Year after year after year, everything gets messier because of pressure.

"Mum, can we do this properly?" Nakikiusap na si Rico kasi pre-nup photoshoot namin ni Kyline at nagsalubong ang init ni Belinda at ni Tita Tess.

At this point, parang gusto ko na lang biglang maglaho o kaya sina Tita Tess na lang ang maglaho para bawas stress.

"I'm just suggesting, anak," pagpilit ni Tita.

Personally, ayoko ng wedding gown ni Kyline kahit pa family heirloom 'yon noon pang panahon ni Jose Rizal. Ang pangit kasi talaga, at alam ko kung saan nagmumula si Tita Tess. Pero ang point nga kasi, hindi niya ako anak para magreklamo siya sa gown ng asawa ko. Gusto ko ring magreklamo, pero nakakahiya kasi sa nagplano nitong kasal.

Sponsored ng ninang ni Ky ang wedding. Kasi nga raw ang tagal na naming hindi kasal. Ang kaso, short din sa budget ang sponsor kaya tipid kung tipid kami. Hindi makatanggi si Ky kasi nahihiya nga rin siya. Ayoko ring tumanggi kasi unang beses mag-yes ni Kyline sa wedding offer, alangan namang mag-inarte pa 'ko.

"Wala namang nang-imbita sa 'yo rito, ha," sabi ni Belinda at hinawakan ko na siya sa balikat para ilayo kay Tita Tess kasi nagduduruan na silang dalawa.

"Groomsman ang panganay ko," sagot ni Tita Tess.

"Groomsman hindi groom! Nakapag-grade one ka ba!" sigaw ni Belinda at pinagtaasan ko na siya ng mukha para awatin.

"Tama na," pakiusap ko sa kanya.

"Hoy, Leopold. Don't tell me, kinakampihan mo 'yan?" panduduro sa akin ni Belinda.

"Wala akong kakampihan. Maglayo na kayo."

"You're supposed to give the best wedding for your bride, Leo!" sermon sa akin ni Tita Tess, at narinig ko ang paglahad ng pamaypay na hawak niya mula sa likuran ko.

"Mum, take it easy!"

"Ronerico, kilala mo 'ko. Ayoko sanang mangialam—"

"Sa lagay na 'yan, ayaw mo pang mangialam, ha!" sigaw na naman ni Belinda.

"I am disappointed in this wedding preparation!" sigaw rin ni Tita Tess.

"Walang humihingi ng opinyon mo!"

Kinakaladkad ko na si Belinda palabas ng hotel room namin kasi kapag nagpang-abot talaga sila ni Tita Tess, baka literal na dumanak ang dugo rito.

Paglabas namin, tinabig agad ni Belinda ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Hoy, lalaki." Namaywang siya sa isang kamay at dinuro ako. "Wala akong pakialam kung nanay 'yan ng kabarkada mo. Ayokong makita 'yan sa kasal ninyo ng anak ko!"

"Ako na'ng bahala. Dito ka muna."

Binalikan ko si Tita Tess sa loob ng unit at ang tahimik ng lahat ng naroon.

Paypay lang nang paypay si Tita Tess sa mukha niyang pulang-pula na dahil sa galit. Inirap-irapan pa niya ako paglapit ko.

"Minsan ka lang ikakasal, Leopold, tapos pumapayag ka sa ganitong less than mininum effort? My God!"

Pasimple kaming nag-ikot ng mata ni Rico sa sinabi ni Tita Tess. Para namang choice ko rin 'to e next year nga ang usapan.

"Sorry po, Tita," malungkot na sinabi ni Kyline habang nahihiyang hawakan si Tita Tess.

Parang nakakadiring bagay si Tita Tess nang tingnan ko matapos lapitan at hawakan si Ky sa pisngi.

"Kyline, my dear, you don't deserve this . . ." malungkot na sinabi ni Tita Tess, at hindi ko na naiwasang tingnan siya nang masama dahil sa kilos niya. "You don't deserve this . . ." Itinuro pa niya ang lumang gown na nasa likod namin. "You don't deserve all of this substandard preparation, my God!"

Parang maiiyak na si Ky, namumula na ang mata. Akala yata, pinagagalitan siya ni Tita.

"Sorry po," naiiyak na sinabi ni Ky.

"Mum, huwag mo ngang paiyakin si Ky. May photoshoot pa 'yan mamaya."

"Sshh!" sita ni Tita Tess kay Rico. "Isa ka pa at ang asawa mong hindi nakikinig sa 'kin! Ang titigas ng ulo ninyong mga bata kayo!"

"Whoah! Wow. Mum! This is not my wedding, for the record!"

Wala na, sisisihin na ni Tita lahat ng madaraanan ng paningin niya ngayon kahit walang kasalanan.

Binalikan na ni Tita Tess si Kyline, at mula sa witch mode niya, nagbait-baitan na naman.

"Don't worry, my dear," mahinahon niyang sinabi kay Kyline habang hawak-hawak ang pisngi ng asawa ko. "You listen to me and we'll fix everything, okay?"

"Okay po," maluha-luhang sagot ni Ky.

"Kung ayaw kang asikasuhin ng ina mong atribida, ako'ng bahala sa 'yo."

"Opo." Tumango naman si Ky sa kanya.

"Very well." Tumalikod na siya at naglahad na naman ng pamaypay. "Tony!"

"Yes, madame." Lumapit na agad ang malaking guard na nakatambay sa pintuan ng unit.

"Tawagin mo na si Enrico, sabihin mong uuwi na kami."

"Yes, madame."

Nauna nang lumabas ang guard bago si Tita. Pero bago siya makalapit sa pintuan, nilingon niya pa kami saka tinuro ng kasasara lang na pamaypay ang anak niyang katabi namin. "Iuwi mo ang kapatid mo, ha. Baka kung saang sulok na naman mapunta 'yon si Sabrina."

"Isabay n'yo na lang ni Daddy," reklamo ni Rico.

Matalim na tingin lang ang ibinigay ni Tita Tess sa anak niya at nagbago agad ang ihip ng hangin.

"I'll try," pagsuko ni Rico.

Huling panduduro kay Rico at tuluyan na ngang lumabas si Tita Tess sa rented unit namin.

Pare-parehas kaming napabuga ng hangin dahil doon.

"This is the reason why I prefer secret wedding," sabi ni Rico at pinandilatan ang sahig bago tiningnan si Kyline na parang maiiyak na nga. "I'm sorry, Ky." Maingat niyang niyakap ang asawa ko saka hinagod sa likod. "I'll talk to Mum after this."

"It's okay, Ronie."

Pagsalubong ng tingin namin ni Rico, pareho lang kaming nakasimangot. Kahit walang nagsalita sa amin, alam na namin ang sinabi ng isa't isa. Wala talaga kaming maasahang maganda kay Tita Tess.

Haaay, ayoko talaga ng kasal na 'to.

Babawi talaga ako next year.

Dadalhin ko talaga sa malayo si Kyline para lang pakasalan next year.



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top