9. Meet the Parents


My mom wasn't that kind of mom na girly. Although she likes to wear light and neon colors, she doesn't like dresses. Palaging shirts—V-neck, tees, tank top, halter top, sports-back bralette. She could even go outside wearing a bandeau top and cargo pants. Sa bottom, kung hindi shorts, sobrang laking cargo pants or joggers na hindi hindrance sa kanya kapag gagalaw.

Belinda Brias was one of the youngest senior officers in the national police, but she was also one of the early retirees. She was 32 when she left the PNP. Ang daming nanghinayang, pero siya, nope. No one could tell that she was once a senior inspector because at the age of 45, mukha lang kaming magkapatid. She's exercising daily, and she's maintained a healthy lifestyle kaya hindi na nakagugulat kung young looking siya.

She liked her straight hair long, at hanggang waist na iyon ngayon. During her inspector years, lagi 'yong maikli. Boy-cut na nga. She liked her eyebrows perfectly lined, and the rest of her face could survive without any makeup on.

Hindi naman talaga morena ang mommy ko, pero babad siya sa arawan kaya tanned ang skintone niya. Although that only gave her a fiercer look since her upturned eyes were piercing and something someone should avoid looking at. Mom has that resting bitch face even when she smiles. And once she does that "real smile," also known as her evil grin, no one can tell if she's genuinely happy or if she has something vile in mind. But she wasn't that scary . . . I guess? Or sanay lang siguro ako. Or maybe . . .

Siguro kasi nagpakasal siya sa gaya ni Daddy.

My dad, Adrian Chua, is a ray of sunshine, as per my mom's words. Kay Daddy ko nakuha ang monolids ko saka skintone na maputi—klase ng puti na parang anemic na. My mom stood at six feet, and my dad was three inches shorter than her, and I was the same height as my dad.

SPO pa lang si Mommy nang magpakasal sila. Si Mommy raw ang nanligaw. Si Daddy, natuwa lang sa effort ng mommy ko kaya sila nagkatuluyan. Dad was never intimidated by my mother, and he looked at her with admiration, not because she's a policewoman but because he sees her as a woman with virtues.

However, their marriage didn't last long.

Ang daming reasons na puwede kong isipin na dahilan kaya sila naghiwalay. They didn't really point out exactly what happened aside sa iba na ang preference ni Mommy pagdating sa relationship.

Then Gina came. Gina likes her hair short. Buong right arm niya, may full-sleeved tattoo. Marami siyang piercings sa katawan, pero sa left brow lang siya may hikaw pagdating sa mukha. I really thought na siya ang tomboy sa relationship nila ni Mommy, but she acted like a straight girl. Mas masculine pa ang mommy ko kaysa sa kanya. Same sila ng optimistic vibe ni Daddy, pero mas punky lang siya. Well, basically, she's the "punk girl" version of my dad.

Tita Hellen, the now-wife of my dad, is a modest lady, far from what my mom and Gina look like. Sobrang bait saka sobrang understanding niya. My dad loves her a lot. Daddy is so proud of Tita Hellen, and he would always brag about her to my mom kahit sobrang liit lang ng details na ikinukuwento ni Daddy. My mom was the one asking my dad how it was going with my father's new family. Ganoon ka-healthy ang relationship nila na kahit bago na ang family nila, they still get in touch at walang magseselos na bagong partner o asawa nila.

I couldn't say that I came from a broken family. My parents separated for good, and they lived happily with each other's new partners and spouses. Hindi ako nagkulang sa pamilya. Hindi ko naramdamang may kulang sa akin kahit hindi magkasama ang parents ko bilang mag-asawa.

But I guess it was never enough for me to keep myself in a stable place as their daughter.

Everyone was acting weird. First time din na dumalaw si Daddy sa Dolleton nang sobrang random na araw.

Madalas kasi, scheduled siyang pumupunta. Laging nasa calendar kasi busy rin siya sa work, and tinutulungan din niya si Tita Hellen.

It's been days, and Mommy and Gina have been consistently arguing about something na matitigil lang kapag nakita ako. Now, pati si Daddy, dumadamay na rin sa kanila. Hindi ko na tuloy naiwasang makisali.

Nasa garden sila, doon sa malayong sulok malapit sa wooden planks na mataas. Lumapit na ako roon para magtanong.

"Mom . . . Dad . . . what's happening?"

Nagulat silang tatlo at pilit na pilit ang ngiti sa akin nang harapin ako.

"Darling, how are you feeling?" Daddy asked, walking towards me with open arms, asking for a hug.

Niyakap niya ako at hinawi-hawi ang buhok ko na humarang sa noo.

"Is there something wrong?" I asked instead of answering.

"Ha?" Nilingon niya agad sina Mommy at Gina na nag-iwas din ng tingin sa kanya. "W-Wala! Nothing, honey. Everything's fine."

But I could sense that everything wasn't fine.

Hindi naman na ako ten years old para isiping wala silang pinagtatalunang may kinalaman sa akin. Kada tingin at tanong ko sa kanila, iwas lang sila nang iwas.

"Sir Adrian, Ma'am Linda, may bisita ho kayo."

Sabay-sabay kaming napalingon sa may pathway papasok sa bahay.

Akala namin kung sino na. Pero kahit pala sina Mommy, hindi inaasahan ang dumating na bisita.



•••



"MABUTI'T ALAM mo itong bahay namin," mataray na sabi ni Mommy.

I was getting goose bumps. My heart was beating so fast, then babagal, tapos bibilis ulit habang nakatitig sa kanya.

"Marami ho akong puwedeng pagtanungan," Leo answered, avoiding my mom's gaze.

We were sitting at a round glass table. Leo was sitting across from us. Nasa gitna ako nina Mommy at Daddy. Gina was sitting beside the door palabas ng garden. Nasa visitor's lounge kami at doon kinakausap si Leo na mag-isa lang na humarap sa amin.

He looked tired. Kitang-kita ang eyebags niya. Mukha rin siyang inaantok. Casual naman ang suot niya. Light green button-up shirt and white slacks. It's been two months since I last saw him. Hindi ko alam kung bakit ba siya nandito.

"Tapos na ang therapy mo?" Dad asked.

I tried to hide my surprised reaction kasi hindi ko alam na may therapy pala si Leo.

"May remaining two sessions na lang po."

Leo really looked so weary. Parang ayaw pa niyang nandito siya pero wala na siyang choice.

"Nasaan ang parents mo, bakit hindi mo kasama?" tanong ni Mommy.

"Kaya ko pong humarap sa inyo nang ako lang. Hindi ko po kailangan ng magulang. Nasa tamang edad na po ako."

"Ehem." Tumikhim agad si Daddy at nakasimangot na lumingon sa may garden. Sobrang rare lang sumimangot ni Daddy, pero madalas, ginagawa niya iyon kapag nagbibiro siya. Alam ko ang itsura ni Daddy kapag galit. Para ngang gusto pa niyang tawanan si Leo.

Mom crossed her arms and sat comfortably in her chair. "Kahapon lang tayo nag-usap, nandito ka na agad."

Napatingin ako kay Mommy habang gulat ang reaksiyon. "Mom?"

Kinausap niya si Leo? Why? What was happening?

"Gusto ko lang pong maging klaro sa sitwasyon," sagot ni Leo.

"At ano'ng kaklaruhin mo?" tanong ni Mommy.

"Nandito po ako para sa karapatan ko."

"Leo?" Nalipat ang tingin ko kay Mommy. "Mom, what's happening?"

"Anak . . . later." Mom tapped my right leg to listen to their conversation kahit na gustong-gusto kong malaman ang sagot sa topic nila.

"Paninindigan ko po si Kyline kung kinakailangan."

Natawa nang mahina si Daddy habang himas-himas ang noo. "Ilang taon ka na nga ulit, hijo?"

"Twenty po."

"Hindi ka pa graduate ng college, di ba?"

"Third year na po ako."

"Still, hindi pa rin."

Leo's eyes have no signs of intimidation kahit na nai-intimidate ako sa sarili kong parents. Poker faced pa siya na parang wala lang ang mga kaharap niya.

"Kinausap ka namin ni Gina kahapon para lang linawin ang kaso ng anak ko na may kinalaman ka," mahigpit na sinabi ni Mommy na lalong nagpakaba sa akin.

"Kung ipakukulong n'yo ako, hindi po ako lalaban. Kung ano ang sa tingin ninyo ay dapat gawin sa kaso noon pang February na kasama ako, wala po akong irereklamo. Pero gusto ko lang din pong linawin na kung meron mang mabuo sa tiyan ni Kyline, paninindigan ko 'yon."

"Wha—Mom?" Litong-lito na ako sa pinag-uusapan nila.

Anong mabubuo? Wait, buntis ba 'ko?

At hindi ko alam?

"Mom, what's going on?" Naiinis na ako, hindi ko alam ang pinag-uusapan nila.

"May natitirang follow-up test pa para kay Bellamy," paliwanag ni Mommy sa strict niyang tono. "Katatapos lang niya sa lab test for possible infections. Although, negative ang result, nag-positive naman siya sa pregnancy test, at alam kahit ng prosecution na walang ibang semen and DNA sample na naka-record sa evaluation niya kundi iyo lang."

Halos mapigtal ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Mommy. Naiwang nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.

I'm pregnant.

I am . . . pregnant.

"Kaya po nandito ako," sagot ni Leo.

"Hindi mo kailangang panindigan ang anak ko. Hindi mo rin kailangang pilitin ang sarili mo rito dahil kaya naming buhayin ang anak niya," mahigpit na sinabi ni Mommy at nailipat ko ang tingin kay Leo na wala pa ring kahit anong emosyon sa mukha.

"Hindi ko po pinipilit ang sarili ko. Kung hindi ako desidido, hindi n'yo ako makikita ngayon o kahit na kailan."

"Hijo," sabad ni Daddy, "alam din namin ang status mo ngayon. Hindi ka pa okay. We're only informing you that this case is still ongoing and that the results came up with something na magpapaandar sa kaso ninyo nina Elton Corvito."

"Naiintindihan ko po, sir. Pero desidido rin po akong pakasalan si Kyline kung kinakailangan."

Para akong nanlambot sa sinabi ni Leo.

Maybe at some point in time, I've wished for that to happen—that Leo wanted to keep me forever—but now? Ayokong madurog kaming pareho dahil lang dito. Habang nakikita ko siya ngayon, hindi ko maramdaman na gusto niya akong makasama habambuhay.

"Alam kong nasa batas na hindi ka makakasuhan kapag pinanindigan mo ang anak ko," masungit nang sagot ni Mommy. "Kung iniisip mong sa ganoon mo matatakasan ang kasong 'to, tumigil ka na ngayon pa lang."

"Wala po akong tatakasan, ma'am," mabilis na sagot ni Leo, ni wala man lang pagbabago sa timbre at reaksiyon niya kahit nagsisimula nang ma-offend si Mommy. "Hindi ko po babaguhin ang desisyon ko."

"Hiwalay kami ng daddy ni Belle. Nabuhay ang anak ko nang hindi kami magkasama ng daddy niya. Bilang magulang, alam ko kung ano ang kahihinatnan ng papasukin ninyong dalawa."

"Alam ko po ang pakiramdam ng hindi kinikilala ng magulang, at ayokong maranasan din 'yon ng magiging anak ko. Bilang anak, sana naiintindihan din ninyo kung bakit ko ginagawa 'to."

"Sa lagay mo ngayon, tingin mo, maaalagaan mo ang anak ko, hmm?"

"Tatapusin ko lang po ang therapy ko. Pero kung naghahanap kayo ng financial support, may pera po ako. Hindi pa ako graduate ng college, pero first year pa lang po, nagtatrabaho na ako para sa sarili ko. May associate degree po ako sa applied physics. Nag-work din po ako as financial consultant. You can check my background, may record po ako as an employee sa Citilife Finance. Meron din po akong hawak na account sa operations under ng DCY Distributors. Two years na lang naman, graduate na ako. And for the record, ako po ang nagpapaaral sa sarili ko. Wala po akong kotse, pero may hinuhulugan akong monthly amortization sa isang bahay diyan Alabang West. Nasa Makati lang po ako ngayon kasi doon po ako nagpapagamot. Kung nag-aalala po kayo na ibabahay ko ang anak n'yo, hindi ko po siya kukunin hangga't walang permiso. Kung kailangang dalawin ko siya rito sa inyo araw-araw, wala hong problema, gagawin ko po. Huwag n'yo lang ilayo sa akin ang responsabilidad ko."

Mom and Dad left the table, and there I was staring at Leo, with nothing in his eyes and face. But what he said meant a lot more than his reactions.

I'm pregnant . . . with Leo's child.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

We both didn't want this. But he was here . . . alone . . . asking for his rights. Na kahit ako, hindi ko alam kung bakit niya ipinaglalaban pa kahit na hindi naman niya ginusto ang nangyari.

"Don't force yourself, Leo. I'm fine," I said, almost whispering. I kept myself as calm as possible kahit na gusto kong umiyak sa sobrang sama ng pakiramdam ko.

His empty eyes met mine, and I couldn't read anything from there. Even that disgust he used to give me, wala talaga.

"You don't have to hurt yourself like this." My tears automatically fell from my eyes. "If Mom threatened you to do this, please don't . . ."

"Kung idinaan ako ng mama mo sa threat, hindi ako pupunta ritong mag-isa—o hindi ako pupunta at all."

"Leo . . ."

"Ginawa natin 'yang dalawa kaya paninindigan kita." Saglit siyang dumukot sa bulsa at biglang ibinato saharapan ko ang panyong nakuha niya. "Magpunas ka ng mukha. Baka sabihin ng parents mo, hindi pa tayo kasal, pinaiiyak na kita."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top