31. PPD
This morning was a bit different from our previous mornings, probably because Tita Shan was mocking Leo and she had no plan to stop.
"Dito nga ako mauupo," sabi ni Tita, hinaharangan ang upuang puwesto lagi ni Leo. Pilit pa akong inaabot. "Baby ko 'to!"
"Baby ko rin 'yang nakaupo diyan!" galit na sigaw ni Leo.
Naiinis ako sa sagutan nila pero napapangiti rin ako sa kilig. Pasipol-sipol lang si Gina habang pahigop-higop ng kape.
"Simpleng upuan lang, pinagtatalunan n'yo pa!" Parehong hinampas ni Manang si Leo saka si Tita Shan para lang maglayo. "Maupo na nga kayong dalawa! Ke aga-aga, nagsisigawan kayo! Tinataboy n'yo ang grasya ng Panginoon!"
Si Manang na ang naghatak ng upuan patabi kay Mommy. "Dito ka na maupo, Leo. Hayaan mo na si Shannon diyan."
Ang sama ng tingin ni Leo kay Tita at saglit pang yumuko.
"Hoy, Leo!" Napatili ako nang buhatin niya ang upuan ko na parang wala man lang akong kabigat-bigat. Inilapag niya ako sa gilid saka inayos ang upuang hinatak ni Manang para sa kanya.
"Sana pinatayo mo na lang si Belle," natatawang sabi ni Gina.
Hindi na talaga mawawala kay Leo ang pag-irap niya sa mga babae sa bahay.
"Napaka-OA! As if namang nanakawin si Belle!" parinig ni Tita sabay paikot ng mata.
I could see why Leo wanted to sit beside me. Kapag kasi tumabi si Tita sa akin doon sa puwesto niya, siya na ang nasa dulo at katabi si Tita. Ayaw rin naman niyang katabi si Mommy, pero wala na siyang choice ngayon.
Si Mommy, hindi na siya pinapatulan ever since noong nagkita-kita kami sa maternity clinic at nakasalubong namin si Coach Wally.
I saw Leo cried. Doon pa lang sa apartment niya noong fresh pa ang nangyari sa stag party. That was the first time I saw him cry and beg to die. I didn't want to bring that up again until the last time he cried again habang nasa biyahe kami at kasama na namin ang mommy ko at si Gina.
But last night, I could feel that he was in a good mood. 'Yon lang, baka ako lang ang nakakapansin na good mood siya. Kasi sa table, kung gaano siya kasungit sa pamilya ko, ganoon pa rin until now.
"May pasok ka?" tanong ni Mommy kay Leo.
"Mamayang 11," simpleng sagot ni Leo, binabantayan ang pagkain ko.
"Hihiramin mo ulit ang sasakyan ko?" tanong ni Gina. "May six days ka pa. Magandang pam-flex 'yon sa school." Ngumisi rin si Gina pagkatapos.
"Okay na ako sa motor. Ayokong maipit sa traffic. Maaga akong uuwi ngayon."
"Wala kang work?" tanong ni Gina.
"Midterm na namin. Magre-review muna ako."
Natatawa si Gina habang nakatitig kay Leo kaya hindi ko maiwasang bagalan ang pagnguya.
"Ang seryoso mo naman sa pag-aaral," sabi ni Gina, pailing-iling pa.
"Mommy!" Sabay-sabay kaming nagulat doon sa sumigaw sa pintuan ng dining area.
Hindi ko alam ang ire-react kasi nandoon si Clark, naka-T-shirt na white, shorts, slippers, saka magulo pa ang buhok na parang diyan lang siya sa second floor natulog last night.
"Sino ba 'yang punyetang 'yan?" naiiritang tanong ni Mommy at nilingon pa ang likuran niya.
"Hahaha! 'Tang ina, ang kalat mo talaga ever!" natatawang sinabi ni Gina at inabang ang kamay para batiin si Clark.
"Manang, ano'ng breakfast natin diyan?" tanong ni Clark na para bang casual na casual lang siya rito.
Napapatakip ako ng bibig kasi natatawa ako sa kanya, himas-himas pa niya ang tiyan.
"Good morning, Gina!" masaya niyang bati kay Gina at sinalo ang kamay n'on para sa hand greetings na for guys lang sana.
"Good morning, Mommy 2.0! Good morning, my loves!" Kunwari pa siyang nagulat pagkakita kay Leo. "Dude! Napadaan ka? How are you?"
"Puta ka," sabi ni Leo na naka-smile nang slight kahit parang isa rin sa nagulat.
"Ang kapal naman ng mukha mo," singhal ni Mommy, nakaawang ang bibig habang pinanonood si Clark na maupo sa tabi ni Gina. "At sino'ng nagpapasok sa 'yo rito?"
"Bukas ang gate! May nagwawalis sa façade. Wow, bacon." Dumampot agad siya sa platong kaharap niya kahit wala pang nagsasabing makikain siya sa amin.
"Mamamatay ka nang maaga diyan sa ginagawa mo," natatawang sinabi ni Gina, kinukurot sa pisngi si Clark na parang batang ngumunguya.
"Uy, by the way, Mommy, may chika ako sa 'yo, mainit-init pa."
"Clark," pag-awat agad ni Leo, at seryoso na siya.
"Dude, come on. May agreement na tayo kay Mommy Linds, di ba?" Dumampot pa siya ng isang slice ng ham saka kinawayan si Manang na may dalang orange juice na nasa pitsel. "Manang, pahinging plato."
Si Manang, natatawa na lang sa kanya. "Kapag pinasabog ni Linda ang menudensiya mo diyan, ay hindi na ako magugulat."
"Manang, hater ka. Saka tall glass, ha? May kape kayo? Palagyan ng cream."
Ang cringe na ang funny ni Clark, hindi ko alam ang ire-react. Pumayag na rin si Mommy na sumabay siya sa breakfast namin kasi nga, meron daw siyang "chika na mainit-init pa." But even if he said that, wala pa rin akong narinig sa kanyang kahit na ano maliban sa papuri niya kung gaano kasarap ang luto ni Manang.
Natapos na nga lang namin ang breakfast na kahit isang clue sa "chika" niya, wala man lang sumayad sa mesa. Pero naiwan sila sa dining table kasi nga, magde-dessert pa siya.
Sinasabi naman nila na may alam ang barkada ni Leo sa kung ano man ang nangyayari every night around Manila. The boys were clean, and I couldn't see anything na magtuturong guilty sila sa kung ano mang ilegal na bagay, aside sa nakikipagpustahan sila dati.
But that gambling thing was illegal too. However, Mom knew that as well. And it was what? Years since I learned about that. First year pa lang kami, aware na ako roon. Graduate na ako ngayon, and nothing has changed.
Now, patapos na raw ang kaso nina Elton Corvito. Walang ikinaso kina Leo pero puwede raw silang gawing witness. But I never heard na pumayag sila. Kahit din ako, hindi papayag kasi masyadong delikado.
Sobrang limitado lang ang alam ko sa case kung saan part dapat ako. I'm not sure if I should be thankful na walang nakakarating sa akin na potential cause of stress ko.
Pero okay na rin. Angimportante lang naman sa akin, safe kami ng baby ko kasama si Leo.
♥♥♥
I had a plan to be a mom and have Leo as my husband. High school pa lang, pangarap ko na iyon. But sometimes, dreaming will always keep the best part of the idea, setting aside the reality of what comes after that.
My dream was to be Leo's wife and a mother to our children. And no one told me that not all dreams are nightmares in reality . . .
"Ky. Okay ka na ba?"
I was staring at Leo. It felt like a huge part of my memory had been removed from me.
We went to Doc Anne in the maternity clinic for a checkup, and the next thing I heard was, "Paki-ready ng bed. Faster!"
It was just our normal day . . . our normal checkup day . . .
Then everyone was shouting and ordering someone to prepare this and that . . .
Pinaupo nila ako sa table. May itinusok sila sa likod ko na sobrang laking karayom—na sa sobrang sakit, doon na yata ako nawalan ng malay.
And now . . .
"Ky? Naririnig mo na ba 'ko?"
Hinawakan ko ang kamay ni Leo na nasa pisngi ko. Napalipat ako sa kamay kong lagi niyang hinahalikan. May board na pinagpapatungan ang kamay ko at naka-belt doon para hindi magalaw ang iba pang nakadikit doong tubes.
Napahawak ako sa tiyan kong makirot. Flat na ulit at may mahigpit na nakabalot doon.
"What happened?" nanghihinang tanong ko.
"Nasa NICU na si Eugene."
"NICU . . ." Marahan ang pagpikit ko habang iniisip ang salitang iyon.
NICU . . .
Eugene . . .
Naramdaman ko na lang na hinalikan ako sa noo ni Leo.
"Pahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay kay Eugene."
Eugene.
I was supposed to give birth by the first week of November. Pero end of October pa lang.
Giving birth to Eugene was unexpected, and it scared the hell out of me.
Hindi kasi namin inaasahan. Saka ang alam namin, normal delivery ang mangyayari. But Doc Anne said na kailangan nang ilabas ang bata kasi bumababa na raw ang oxygen supply ni Eugene.
Two weeks after kong manganak, feeling ko, parang kalahati ng buong buhay ko ang nawala sa memory ko. I even came to the point na whole day akong nakatulala, and Leo had to assist and support my arms and hands from behind para lang makapag-breastfeed nang maayos si Eugene. Walang araw na hindi ako umiiyak. Leo was taking care of me and Eugene. And as much as I didn't want to burden him, lalo lang lumalala kapag pinipilit ko.
May work sina Mommy at Gina, pero kinailangan nilang mag-stay nang matagal sa bahay para alagaan din ako.
And the worst part of what happened?
Leo had to stop schooling for the second semester para lang maalagaan ako at ang baby namin.
"Manang, okay na po ba yung damit ni Eugene?"
"Leo, anak, magpahinga ka muna. Kaya na namin 'to."
"Sige ho, saglit lang."
Nakatitig lang ako kay Leo na pabalik-balik at hindi alam kung ano ang uunahin. Kalong-kalong ko si Eugene habang naghihintay sa pagligo nito.
"Yung tub po, okay na?" tanong na naman ni Leo.
"Nakahanda na. Maupo ka muna at kami na ang magpapaligo."
"Manang—"
"Sige na! Kaya na 'to ni Linda. Matulog ka na. Tingnan mo'ng itsura mo, o!"
Sa liit ni Manang, nagawa niyang itulak si Leo patabi sa akin sa mattress. Mula nang maipanganak si Eugene, sa nursery room na ako natutulog. And of course, doon na rin si Leo, pero sa rubber mat naman na nilalatagan lang niya ng foldable mattress.
"Akin na ang baby namin at maliligo na," panguso-nguso pa si Manang habang maingat na kinukuha si Eugene sa akin. "Ang cute-cute naman ng batang ito, kamukhang-kamukha ng daddy niya."
Pasayaw-sayaw si Manang papunta sa bathroom. Nandoon na si Mommy at may towel nang nakasampay sa balikat.
Napalingon ako kay Leo. Nakapikit na siya habang nakasandal. Ang laki na ng eyebags niya at halatang walang maayos na tulog.
"Leo . . ."
"Hm." Napaayos siya ng upo, namumungay ang mga mata. "Si Eugene? Tapos na maligo?" Tatayo pa sana siya pero inawat ko agad.
"Leo."
"Bakit? Ano'ng masakit sa 'yo?" Hinawi-hawi niya ang buhok ko at tiningnan ang katawan ko para hanapin ang masakit na sinasabi niya.
"Matulog ka muna," utos ko.
"Walang magbabantay kay Eugene."
"Si Manang na lang muna."
"Ang daming ginagawa ni Manang."
"Gusto mong mag-hire tayo ng nanny? Kahit for one week lang muna?"
Ang bigat ng buntonghininga ni Leo saka nagkusot ng mata. "Saka ko na pag-iisipan 'yan. Magpahinga ka na lang muna."
"Ikaw rin."
"Kapag tapos nang maligo ng baby."
"Leo . . ."
"Mamaya, promise." Hinalikan niya ako sa noo saka siya pumunta sa bathroom. Pagdating doon, singhal na naman ni Manang ang inabot niya.
Giving birth wasn't all rainbows and butterflies, and having baby blues wasn't helping. May mga araw na whole day akong tulala, to the point na oatmeal o durog na pagkain na lang ang kinakain ko—yung mga hindi na kailangang nguyain—at si Leo ang nagsusubo sa akin. Umaga, tanghali, gabi.
Kung hindi man tulala, umiiyak. Kung hindi umiiyak, may instances na kapag pumikit ako, ayoko nang dumilat ever. Gusto ko na lang magpahinga permanently.
It took me a lot of weeks to recover, and it saddened me to see how Leo sacrificed a lot of things just to take care of me and our son.
Yung school niya. Yung time niya for himself. Yung mga hirap na hindi naman niya dapat nararanasan, nararanasan niya.
Kaya habang nasa nursery room at nakasandal na naman ako sa kanya, kinausap ko na siya.
"Leo . . ."
"Mm? Nagugutom ka?"
"Gusto mong magbakasyon?" Nilingon ko siya mula sa likuran ko.
"May gusto ka bang puntahan?" tanong niya habang iniipit ang buhok sa likod ng tainga ko. Sunod niyang sinilip si Eugene na pinabe-breastfeed ko. "Pa-one month naman na si Eugene, puwede na siguro siyang magbiyahe."
"No, I mean . . . ikaw."
Nagsalubong ang kilay niya. "Ako?"
"You can take your rest. You've sacrificed too much. Puwede mo muna kaming iwan ni Eugene."
Biglang nawalan ng gana ang mga mata niya. "Ky . . ."
"You didn't deserve this, Leo." Nakatitig lang ako sa mga mata niyang bakas na bakas ang lahat ng paghihirap sa pag-aasikaso sa amin ng anak ko. "Yung pagod, yung puyat, everything. Hindi mo deserve 'to. Hindi pa naman tayo kasal."
"Ky, please lang, ayokong pag-usapan 'to."
"You deserve better. You deserve someone better."
"Sshh." Inalalayan niya ang kanan kong kamay pahawak kay Eugene at kinuha niya ang kaliwa. "Huwag kang mag-overthink. After this, kapag puwede nang ibiyahe si Eugene, magbabakasyon tayo, okay? You'll be fine soon. We'll be fine. Dito lang ako sa 'yo, hindi ako aalis."
Kahit ayokong umiyak, naiiyak pa rin ako. Pakiramdam ko, pinahihirapan ko siya. Ever since na magkakilala kami, parang wala na akong ibang ginawa kundi pahirapan siya.
Pinangarap ko rin namang magkapamilya kasama siya, pero hindi ganito ang pangarap ko . . .
Never kong inasam na pahirapan siya dahil sa akin at sa pangarap ko kasama siya.
Napapagod na ako para sa sarili ko, at napapagod din ako para sa kanya. At ayoko nang pahirapan pa siya.
It was a very impulsive decision. And I came to that point of desperation. Sa sobrang intense ng emotion and fear and anxiety, habang naliligo si Leo, kinuha ko si Eugene, bumaba ako, sinilip kung ano ang ginagawa ni Manang—busy sa kusina—at wala akong ibang dala paglabas ng bahay kundi si Eugene lang na nakabalot sa lampin.
Walang bag, walang wallet, walang kahit ano . . . kundi si Eugene lang.
Ayokong makitang nahihirapan si Leo . . . kaya ako na ang naunang lumayo.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top