30. Placid
Mom and Tita Shan were talking to Ronie and Calvin, and they didn't want us to interfere with them. Kaya ang naiwan sa dining table, kami-kami na lang.
It looked like Gina was enjoying Clark's company. Siguro kasi magkapantay lang ang brainwaves nila when it comes to humor.
"O, ito ang pa-request ng buntis!"
Dala-dala ni Manang ang ni-request ko kagabi pang seafood buffet kahit pa ang gusto ko lang kainin doon ay bangus. I wanted the smell of seafood, but I had no plan on eating any of it. Pero pinagbigyan na ako ni Manang kasi buntis naman at may kakain naman daw, sabi niya.
Will carried a huge tray at iba pa ang dala ni Manang na tray na puro sawsawan. Para iyong paella pero mas marami ang seafood kaysa kanin since for meryenda lang sana.
May fried squid na nakahilera sa isang side, may shrimps, may tahong, may tortang talaba na favorite ni Gina, may scallops, may daing na bangus na favorite ko, may fried danggit pa sa isang side. Then java rice na sa gitna.
Sa isang tray, may butter sauce, may cajun sauce, may sweet and sour dip, may sukang gawa mismo ni Manang na mas lamang ang tamis kaysa asim, may taba ng talangka, may other dip pa na bago sa mata ko.
"Wow."
Kahit malansa kung tutuusin, ang bango pa rin kapag bagong luto.
"Manang!" galit na sigaw ni Clark.
"Sigaw ka nang sigaw, sino ba kaaway mo?!" sigaw rin ni Manang sa kanya.
"Pahinging plato," nakangisi nang sagot ni Clark.
"Kumukuha na si Leo. Nagmamadali, hindi ka naman mauubusan!"
"Ay, sorry na, Manang." Dinamot agad ni Clark ang pritong pusit na nasa stick at ipinakita kay Gina. "Yu no wats dis?" tanong niya, mariin ang accent.
Wala pa man, natatawa na si Gina. "Ano?"
"Dis is a prayd eskwid."
"Gago, anong eskwid?"
"Pusit! Eskwid! Gagi, hindi alam. Ambobo mo naman."
Marahan siyang sinapok ni Gina habang tawa nang tawa. "Gago!"
Kumurot si Clark sa fried squid habang scallops naman ang inuna ni Patrick na isinawsaw sa vinegar dipping.
"Wow," sabi ni Patrick, nanlalaki pa ang mata, nagulat sa nakain niya.
"Masarap ba?" tanong ni Manang kina Patrick.
"Yes, Manang!" natutuwang sagot ni Clark.
"Ano'ng lasa?"
"Uh, very . . ." Napatingin pa sa itaas si Clark. "Oceanic. I can taste the 500 feet below sea level of the Pacific Ocean."
"'Tang ina ka." Nasapok na naman tuloy siya ni Gina sa ulo.
"Gago, tikman mo kasi! It tastes so delicious!"
"Spell delicious?"
Biglang sumimangot si Clark. "Sabi ko, yummy! Y-U-M-M-Y, yummy! Ano ba 'yan, Gina, ang daming tanong!"
Tawa lang ako nang tawa kay Clark kahit na kung tutuusin, never siyang tumawa kapag nagdyo-joke siya. Ewan ko kung paano niya iyon nagagawa nang sobrang seryoso.
"You see this?" tanong na naman niya kay Gina, itinuturo ang galamay ng pusit. "These are tentacles. Do you have tentacles? I have three tentacles."
"Gago, anong tentacles ka diyan!"
Inilapag ni Clark ang hawak niyang pusit at nagtaas ng index finger. "I have one major tentacle." Sabay tingin sa ibaba, sa pants niya.
Biglang hagalpak ng tawa ni Gina kasama nina Will.
"And I have two minor tentacles."
"Gago, testicles 'yon!" sabi ni Gina.
Biglang sumeryoso si Clark. "Ang bastos mo naman, Gina." Lumingon pa siya sa may kitchen. "Manang, o! May bastos dito!"
Tawa lang kami nang tawa habang nasa table.
Dala ni Leo ang mga plato pagbalik niya. And even if Clark was joking about everything na masilayan ng mata nito, nag-aalala pa rin ako kasi hindi pa bumabalik sina Mommy kasama sina Calvin.
Tumayo na tuloy ako para silipin sila sa garden.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Leo nang harangin ako bago pa ako makaliko sa mesa.
"Sisilipin ko lang sina Mommy."
"Huwag na. Hayaan mo na sila r'on."
Nakipagsukatan pa ako ng tingin kay Leo, pero sa bandang huli, ako rin ang naunang sumuko.
"Huy, kayong dalawa!" tawag sa amin ni Clark. "Maupo na kayo! Feel at home! Nagpahanda ako para sa inyo! Manang, come here."
"Hayup ka talaga!" Halos sakal-sakalin na siya ni Gina sa sobrang panggigigil.
I tried to shrug off the idea that the boys were here because they had to defend themselves from what happened last February. I know Mom couldn't say they were guilty of anything kahit pa itinakas nila ako sa night club. Kung tutuusin, dapat ngang magpasalamat pa si Mommy because there really was a chance that something worse could have happened to me that night if the boys weren't there.
Inaya sila ni Gina for dinner, but Ronie said they should be at home before seven. Nasa Makati lang ang house nina Ronie pero ibang level ang traffic sa EDSA kaya kailangan na nilang umalis as early as possible dahil nga sa agreement about security thing. Nabanggit niyang 24 hours naman ang usapan, pero gusto niyang humabol sa family dinner nila. Si Patrick, puwede naman daw magtagal, pero ayaw niyang siya lang mag-isa ang sasabay sa amin. Si Clark at si Will, maglilipat ng gamit sa bagong bahay ni Leo na gagawin nilang opisina. Kailangan tuloy sumama sa kanila ni Leo para mag-assist. Si Calvin, kapag wala ang barkada, ayaw niya. So we ended up having dinner without the boys.
And maybe that was an advantage because Mom, Tita Shan, and Gina were talking about them at the table.
"Kumusta?" tanong ni Gina nang makakuha ng buwelo para magtanong kay Mommy. "May nakuha kayo?"
"Matalino 'yong Dardenne. Nakipag-deal pa."
Napangiwi tuloy si Gina. "Magkano?"
Umiling si Mommy. "Mas okay pa nga kung gaya ni Leo, e. Kaso hindi."
Sumabad si Tita Shan. "Nanghihingi ng info sa amin. Palitan lang ng records. Kung ano ang alam namin, sasabihin sa kanila kapalit ng gusto naming malaman na alam nila."
Napasipol si Gina dahil doon.
Hindi ko sila naiintindihan pero parang sobrang seryoso ng topic nila.
"'Yong Mendoza," sabi ni Mommy.
"Si Clark?" tanong ni Gina.
"Hindi lang pala legal documents ang hinahawakan n'on para sa grupo nila."
Napapahigop tuloy ako ng juice nang sobrang dahan, palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo.
"Maliban sa clown, ano pa siya?" nakangising tanong ni Gina.
"Siya yung informant nila. Mukha lang palang tarantado 'yon pero halos lahat ng transaksyon nila, hawak n'ong Mendoza."
Sumingit si Tita Shan. "Nasamid talaga ako n'ong nilapagan kami ng info ni Adrian."
Si Daddy?
"Mukhang maraming nakakausap ang batang 'yon. Ang daming alam," sabi ni Mommy. "Ultimo ang owner ng pinagsu-supply-an ng alak ni Addie, kilala."
"Kahit 'yong operator ng casino sa Pasay."
"Pati 'yong informant ni Demetrio, kilala niya, e."
"'Yung hepe sa Station 4?" gulat na tanong ni Gina.
"Mas kailangan kong kausapin 'yong Clark Mendoza kaysa kina Leo. Mukhang mas marami siyang alam kaysa sa barkada niya."
"Good luck sa BP mo," natatawang sabi ni Tita Shan.
♥♥♥
Leo said he needed to fix his new house kasi bukas na bukas din, start na sila ng operation ng new business venture nila. That was unexpected kasi wala naman siyang nababanggit na may business pala sila ng barkada niya. Sabi niya, he will explain pag-uwi. Sabi rin niya, magpatulong muna ako kay Manang o kay Mommy sa pagligo.
Noong maliit pa ang tiyan ko at nasa bahay pa sina Mommy, kaya ko namang maligo mag-isa. Pero noong siya na ang nag-aasikaso sa akin, kahit mukhang kaya ko naman, feeling ko, hindi ko kaya.
"Noong nagbuntis din ako sa 'yo, kaya ko pa rin namang maligo mag-isa," kuwento ni Mommy habang kinukuskos ang likod ko.
"Sorry, Mom." Napanguso na lang ako at kinuskos ang braso kong si Leo naman ang usual na nagkukuskos kaso wala siya. Ayoko ring utusan si Mommy para gawin ang kaya ko namang gawin.
"Laging ganito ang ginagawa n'yo rito ni Leo?" tanong niya na tinanguan ko naman. "Ayaw mo bang magpakasal sa kanya?"
Saglit akong natigilan bago tiningnan si Mommy. "Gusto po."
"E, bakit tumatanggi ka?"
"Kasi baka maghiwalay rin kami gaya n'yo ni Daddy. Hihintayin ko na lang kapag sure na kaming dalawa sa isa't isa."
Mom didn't answer. She let out a sigh and brushed my back instead.
"Until now, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kayo naghiwalay," malungkot na sabi ko at nakatingin lang kay Mommy. "Do you like girls better? Is Gina better than Daddy?"
She sighed again and met my gaze. "Your dad is a great man. Sobrang rare naming magtalo. We were . . . perfect."
"What happened?"
"Sometimes, in order to protect those people around you, you have to let them go. Hellen is a lot better for him. Simple, private, modest. Hindi nga 'yon nakakatawa nang hindi nagtatakip ng bibig. Softie ang daddy mo. And you know? I'm living a dangerous life. And Addie didn't deserve all the danger surrounding me."
"Did you love him?"
Ang bigat ng buntonghininga ni Mommy at saglit na huminto sa pagpunas sa likod ko. "I love your dad. Until now, I did. I always make a call, asking him how his day was. Kumusta sila ni Hellen, kumusta ang business niya. I still care for your dad."
"And Gina?"
"Gina is a breath of fresh air. Saka hindi ako natatakot para sa aming dalawa gaya ng takot ko kapag kasama ko ang daddy mo. Hindi ko puwedeng i-keep ang taong alam kong mapapahamak any time dahil sa akin."
"Kahit ako?"
"Mas lalo na ikaw. Pero nandito ka sa bahay kasi walang ibang safe na lugar para sa 'yo kundi dito lang. Until ma-clear ang nangyari sa 'yo at sa stag party na 'yon, dito ka muna."
"Si Leo . . . kapag okay na po ba, puwede na akong tumira sa ibang bahay kasama siya?"
Natagalan sa pagsagot si Mommy. Nakatingin lang ako mukha niya. Parang hirap pa siya sa pagsagot.
"Titingnan ko muna, anak, hmm? Sa ngayon, dito muna kayong dalawa."
It was a no.
But Mom didn't say Leo should go somewhere far from me, so I assumed that she liked Leo to be with me for now.
That was one of the fastest baths I've had since Leo took care of me. Walang alarm kaya maaga pa lang, pinaahon na ako ni Mommy. Actually, halos ako na lang ang nagpaligo sa sarili ko kasi ayokong mag-utos sa kanya after milk bath.
I could take a bath myself, but Leo made it look like I couldn't. Ngayon ko lang na-feel na sobrang spoiled ko pala kay Leo. Hindi ko pa mare-realize kung hindi pa siya late umuwi.
Nine, dapat tulog na ako. Kaso nag-aalala ako kasi wala pa si Leo sa bahay. Gusto ko sanang sumandal sa headboard kaso pinahiga naman ako ni Mommy kaya hindi ko na alam kung paano pupuwesto.
May unan sa likod ng binti ko. May unan sa ibaba ng likod. May unan patungan ng braso. May unan na nakaipit sa mga binti. Ngayon ko lang naranasang maglikot kasi mas komportable talaga akong nakasandal. At si Leo madalas ang nakakaalam ng puwestong komportable ako.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Dalawang ring pa lang, sinagot na niya agad.
"Hi, Leo . . ." malungkot kong bati sa screen.
Nakababa ang phone niya, magalaw, saka parang may harang.
"Dude, ibaba mo na lang dito," boses ni Clark.
Bumaba ang camera at doon ko lang napansin na may buhat pala siya . . . habang hawak ang phone?
Sinagot niya ang phone habang may buhat siya?
"Busy ba kayo?" tanong ko.
"Yes."
"No."
Sabay na sagot sa kabilang linya.
"Hi, Ky!" Nakita ko pang kumaway si Will sa camera. Nakatutok sa kanila iyon.
"Hi, my loves! Tulog ka na, bawal magpuyat!" paalala ni Clark. "Bukas pa uuwi 'to si Leopold!"
Para ngang bago ang bahay kung nasaan sila. White lang ang pintura. Wala halos ka-design-design ang paligid. Ang daming box sa buong area nila.
"Kumain ka na?" tanong ni Leo.
"Yes."
"Uminom ka na ng gatas?"
"Yes."
"Tinulungan kang maligo ng mommy mo?"
"Yes."
Palakad-lakad siya at may dinadampot para ilipat sa kabilang puwesto.
"Kung busy ka, papatayin ko na 'tong call," sabi ko.
"Hindi, okay lang." Lumipat siya ng puwesto at ipinatong sa mas steady nang lugar ang phone niya. Doon ko nakitang sobrang dami pala nilang inaayos doon. Ang daming box na mula sa labas, ipinapasok pa lang nila.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya.
"Hindi ako makahiga nang maayos," sagot ko, nakasimangot. "Bukas ka pa uuwi?"
"Hmm. Sige, tapusin ko lang 'to."
Wala na akong sinabing kahit na ano. Pinanood ko lang silang mag-ayos doon. Kahit dapat natutulog na ako, hinintay ko pa rin silang matapos.
Quarter to ten na nang mabalikan ako ni Leo. Narinig ko pa siyang magpaalam kina Clark na doon na rin pala muna matutulog sa bahay na iyon.
Inilagay niya ang phone niya sa motor at hindi talaga pinatay ang call. Nagsuot lang siya ng helmet at pinanood ko siyang mag-drive nang hindi nagsasalita ng kahit na ano.
Ilang oras pa lang na wala si Leo, nami-miss ko na siya agad. Hindi ako mapakali, gusto ko siyang makita.
Not sure kung mabilis lang ba siyang magpatakbo ng motor o sobrang lapit lang sa amin ng bagong bahay niya. Hindi man lang ako inantok sa paghihintay sa kanyang makauwi.
Akala ko, sa room ko siya dederetso pero doon muna siya sa guest room nagpunta. Hindi pa rin niya pinapatay ang video call kaya hindi ko rin muna pinatay. Nakita kong may kinakalkal siya sa drawer, at pagkatapos n'on, gumalaw na naman ang screen at dumeretso na siya sa bathroom.
"Maliligo ka, naka-video call tayo?" tanong ko, nagpipigil ng ngiti.
"Puwede mo naman nang i-drop ang call."
"Ayoko."
"Ayoko rin, so deal with it."
Ang sungit talaga.
Ipinatong niya ang phone sa may sink, ang kaso, nakatapat iyon sa pader. At nasa gilid ang shower.
Wala tuloy akong ibang makita kundi pader lang. Wala rin akong ibang marinig kundi tunog ng tubig sa shower.
"Leo, may work ka bukas?"
"Ha?"
"Sabi ko, may work ka ba bukas?"
"May pasok ako bukas sa school, di ba?"
Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko. Absent pa naman siya kahapon. Busy nga pala siya, muntik ko nang makalimutan.
"Okay na raw sina Ronie dito sa bahay. Puwede naman daw silang dumalaw any time," balita ko.
"Sabi nga ni Rico. Pero parang mas gustong makita ni Belinda si Clark kahit buwisit siya r'on."
Hindi ako sumagot. Mukhang nagmadali na lang siya sa pagligo. Wala pang twenty minutes, tapos na siya. Bukas pa rin ang call kahit pumasok na siya sa room ko. May towel pa sa balikat at naka-shorts lang. Dala naman niya ang shirt niya kaso mukhang basa pa siya.
Ako na ang nagpatay ng call habang naka-smile lang sa kanya. Ang guwapo ni Leo kapag bagong ligo. Suot pa rin niya ang bili kong necklace para sa kanya.
"Sumakit ba ang tiyan mo?" tanong niya pagkuha ng upuan.
"Hindi. Kaso gusto kong sumandal."
Akala ko, doon siya uupo pero doon niya ipinatong ang shirt at ang towel. Ang buhok niya, basa pa rin pero hindi naman na tumutulo. Hindi naman kasi ganoon kahaba para matagalan ng tubig.
Inalis niya ang dalawang unan sa binti ko. Ibinangon niya ako, as if namang bedridden ako at hindi makakilos. Sumampa na siya sa kama at pigil na pigil ang ngiti ko nang ipasandal niya ako sa kanya kahit wala pa siyang shirt na suot.
Tuyo naman na siya kung tutuusin, kaso ang lamig ng balat niya. Ang tigas ng katawan niya, sobrang firm ng muscles. Pero iba talaga ang feeling kapag nararamdaman kong magkadikit ang mga balat namin. Kahit malamig siya, parang mainit sa mga parteng nadadampian ko.
"Bakit hindi ka pa magbihis?" tanong ko.
"Basa pa ang buhok ko. Mamaya."
Dumantay ako sa bandang leeg niya at napapikit sa sobrang bango ng shower gel. Nitong sabay kaming naliligo, pareho naming gamit ang bath soap ko na vanilla and milk. Kaso doon siya sa kanya naligo ngayon, at ang lakas makaguwapo ng amoy. Mas ramdam ko na may katabi nga akong guwapong lalaki.
Kinuha na ulit niya ang kamay ko at tingnan ang mga daliri kong malalaki pa rin dahil sa pamamanas.
"Mahaba na ang kuko mo. Gugupitan ko na 'to bukas."
"Busy kayo kanina?" tanong ko, paiwas sa kukong pinapansin niya.
"Ten na. Matulog ka na."
"Akala ko, doon ka matutulog sa malayo ngayon."
"Kaya nga ako umuwi agad. Tulog na."
"Leo . . ."
"Mm?"
"'Yong business n'yo nina Clark . . . legal ba 'yon?"
"Legal 'yon. Tinanong ba ni Belinda? Isa-isahin ko pa sa kanya lahat ng naka-frame naming business permit. Saka matulog ka na."
"Leo . . ."
Wala pa man, ang lalim na ng buntonghininga niya. "Bukas ka na magtanong. Please lang, Ky, matulog ka na. Ten na. Kawawa si Eugene, nagpupuyat ka."
"Kapag nanganak na ako, tatabihan mo pa rin akong matulog?"
Hindi siya sumagot.
Palingon pa lang ako sa kanya nang salubungin niya ng halik ang pisngi ko at halos mapaurong pa kaming dalawa sa kabilang side sa sobrang diin n'on.
"Ang kulit mo, sabing matulog na."
Sa sobrang gulat ko sa ginawa niya, nakapaling lang ako sa kanya at hindi na alam kung ano ang ire-react.
"Huy, Leo . . . okay ka lang?"
Nakangiti lang siya sa akin at iniipit ang buhok ko sa likod ng tainga. At sa tagal na panahon naming magkasama, ngayon ko lang siya nakitang ganito—hindi man OA na tuwa, pero mas good ang mood niya compared before.
"May nangyari bang maganda?" tanong ko kasi mukhang masaya siya.
"Um, yeah."
"Ano?"
"Sasabihin ko bukas. Matulog ka muna."
"Lalo akong hindi makakatulog. Ano 'yon?"
Nawala ang tamis ng ngiti niya at naging pilit na. "Nabawasan lang kami ng alalahanin tungkol sa nangyari last Feb. Probably iko-close na ang kaso sa amin kasi mahina ang laban."
"Sure na ba?"
Tumango naman siya. Unti-unting nawala ang ngiti niya habang nakatitig sa mga mata ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. At aaminin kong sa mismong segundong iyon, hiniling kong halikan niya ulit ako sa labi.
Ang kaso, mabilis siyang umurong pasandal ulit sa headboard at hinalikan ako sa kamay sunod sa may sentido.
"Tulog ka na."
Napasimangot ako sa pagkadismaya at sumandal na lang sa kanya. "Puwede mo naman akong i-kiss sa lips. Hindi naman ako magagalit."
Inayos lang niya ang pagkakakumot sa akin saka niya ako niyakap nang mahigpit.
"Bukas paggising."
Hmp! Saglit lang naman 'yongkiss. Damot.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top