26. Guidance


"MILD CONTRACTION lang naman. Normal 'yon sa mga buntis na nasa ganyang buwan. Hindi pa siya manganganak."

"Narinig mo 'yon?" sermon ni Mommy kay Leo. "Normal! Hindi pa manganganak! Kung makatawag ka ng ambulansiya, parang kritikal ang anak ko!"

Pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan, tapos napapangiti na lang si Doktora Anne habang umiiling at may isinusulat sa patient records ko.

"Sinusunod naman ang routine at meals niya daily. Helpful din na nakakapag-exercise si Kyline at nabawasan na ang back pain niya. Bawas na lang din sa stress."

"Narinig mo 'yon?" dagdag na naman ni Mommy na nakatayo at nakapamaywang pa rin habang dinuduro si Leo. "Bawas sa stress."

"Mas madalas pa akong ma-stress kaysa kay Kyline. Huwag ako ang pagsabihan mo," sagot na naman ni Leo sabay irap.

"Antipatiko ka talaga kahit kailan, 'no?" Damang-dama namin ang gigil ni Mommy kanina pa sa bahay.

Sumakit kasi ang tiyan ko habang nagsasagutan sina Tita Shan at Leo. As usual, Leo didn't want to lose the argument because he was definitely pissed off by my aunt looking at him like meat ready to be consumed.

We ended up here in the maternity clinic, malayo sa sariling clinic ni Doc Anne kung saan kami usual na nagpapa-check up. But it was nearer our house kasi ilang kilometer lang ang layo, and Doc Anne is currently the doctor in this clinic. Ang ayaw lang ni Mommy, ang daming tao. Sa clinic ni Doc Anne, hindi pa lumalampas ng lima ang kasabayan namin. And since maternity clinic ito, walang office si Doc. Kita kaming lahat ng mga tao kasi may table lang sa gilid at doon kami kinakausap.

Ako lang ang nakaupo, nakatayo na sina Leo, Mommy, at Gina.

"Here." May inabot na papel sa akin si Doc Anne pero si Leo ang kumuha bago ko pa mahawakan.

"Wala po bang reseta?" tanong ni Leo nang mabasa ang maliit na papel na ibinigay ni Doc.

"Wala akong irereseta. Wala naman nang nararamdaman si Kyline. Okay naman ang intake ng vitamins at diet. Contraction lang 'yon and that's normal. Nangyayari talaga 'yan. Hindi 'yan maiiwasan." Itinuro niya ang hawak ni Leo na papel. "Dalhin na lang 'yan sa cashier. Bumalik na lang kayo sa clinic sa next checkup."

Hindi ko na alam ang ire-react. Nagpapalitan lang ng talim ng tingin sina Mommy at Leo.

Wala kasing sariling sasakyan si Leo maliban sa motor niya. Gusto na niyang tumawag ng ambulansiya kanina para isugod ako sa emergency room. Si Manang, nagpa-panic kung sino ang susundin: kung tatawag ba ng ambulansiya o ihahanda ang SUV ni Mommy.

Si Mommy, kahit ayaw mag-panic, nagpa-panic na rin kasi buhat ako ni Leo. Pero ang gusto ni Leo, magtawag na lang ng taxi at pupunta kami ng ospital para ipa-admit ako sa emergency room.

At dahil wala ngang taxi sa area namin since exclusive subdivision, walang choice si Leo kundi sumakay sa SUV ni Mommy. Pero ang gusto niya, siya ang magda-drive. E di, nag-away na naman sila ni Mommy kasi kotse ng mommy ko iyon.

Kinaladkad na siya ni Gina papunta sa backseat para daw ako ang bantayan niya. He agreed. However, habang nasa biyahe, sigawan sila nang sigawan ni Mommy na bilisan daw ni Mommy ang pagda-drive.

Si Mommy naman, ang reason, overspeeding na sila at matitiketan siya. Policewoman si Mommy, of course, aware siya roon! But Leo insisted that it was an emergency, and Mom was supposed to have a "wangwang" on her car because she's a police officer. And mom shouted, "Paano ako magwawangwang, retirado na 'ko! Gago ka ba?!"

Thankful ako na super lapit lang ng maternity clinic sa bahay at nataong nandito si Doc Anne kundi baka sa biyahe pa lang, napaanak na ako. Habang iniisip ko, lalo akong nasi-stress.

Akay-akay ako ni Gina at nagpaunahan pa sa cashier sina Leo at Mommy kung sino ang unang magbabayad sa kanila. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao roon.

"May pambayad ka ba naman?" sarkastikong tanong ni Mommy na minamata si Leo.

"Kahit bayaran ko pa ang lahat ng pasyente rito para lang matahimik ka," maangas na sagot ni Leo at kinuha ang wallet niyang itinawag pa niya kay Manang kahit nagpa-panic na siya.

"Huh!" Kahit tawa ni Mommy, ang sarcastic.

Dumukot ng one thousand peso bill si Leo sa wallet saka ibinagsak sa counter sa kahera, hindi inaalis ang tingin kay Mommy, na kung nakakasunog lang ang tingin niya, baka abo na ang mommy ko ngayon.

Pag-abot ng sukli kay Leo, aabutin na sana niya ako para siya na ang umalalay pero inawat agad siya ni Gina at hinarang ang kamay niya.

"Ako na. Mag-away muna kayo ni Linda."

"Gina!" sita ni Mommy, pero ngumisi lang si Gina para mang-asar.

"Ako na. Baka makunan pa 'to kung nag-aaway kayo't nakagitna 'to si Belle sa inyong dalawa."

Napatingin sina Leo at Mommy sa akin.

Matipid ang ngiti ko nang tumango sa kanilang dalawa. "Kay Gina na lang ako." Saka ko niyakap si Gina mula sa gilid habang inaalalayan niya akong maglakad palabas ng clinic.

I knew Mom had the capacity to do something worse to Leo para lang mawala sila sa landas ng isa't isa. And I'm thankful that she was still keeping her hands off of Leo kahit pa halos araw-araw, kulang na lang, magbatuhan sila ng gamit sa bahay.

Mom loves challenges, but Leo is a different challenge she has to deal with every day.

Paglabas namin ng clinic, halos mag-agawan sa pintuan sina Mommy at Leo. Pero sa ending, si Leo pa rin ang nakaagaw ng handle at nakapagbukas.

"Ayaw mo talagang patalo, 'no?" mataray na sinabi ni Mommy, hinahagod ng tingin si Leo mula ulo hanggang paa.

"Mag-thank you ka na lang, Belinda."

"Mamamatay muna ako."

Grabe. Ako ang nasi-stress sa kanilang dalawa. Buti si Tita Shannon, naiwan sa bahay. Hindi ko ma-imagine kung magkakasama silang tatlo.

Papunta pa lang kami sa pinag-parking-an ng SUV ni Mommy, napahinto agad sila ni Leo na nag-uunahan sa sasakyan kung sino ang magbubukas. Kahit si Gina, bumagal ang paglakad kaya napatingin din ako sa kanya.

Nakatingin silang tatlo sa lalaking may kaakbay na buntis na napahinto rin pagkakita . . . kay Leo.

Matangkad ang lalaki, ka-edad ni Mommy. Ang laking tao, malaki rin ang muscles. Kasingkulay ng balat ni Leo at halos magkahawig sila. Kung hindi ko pa iyon matititigan nang mabuti, hindi ko pa mare-realize na si Coach Wally pala ang nakasalubong namin.

Pero ang mas nakaagaw ng pansin naming lahat, ang kaakbay niyang babaeng mas bata pa yata kaysa kay Leo . . . at buntis. Parang ilang buwan pa lang kasi maliit pa ang tiyan kompara sa akin.

"Leo," pagtawag ng babaeng kaakbay ni Coach Wally. I'm sure na hindi iyon ang mama ni Leo.

"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, dito lang pala kita makikita," sabi ni Coach Wally, at ang bigat sa pandinig ng boses niya. Parang sobrang strict. Mas tunog militar kaysa kay Mommy.

Walang sinabi si Leo. Papunta na sana siya sa kabilang side ng kotse ni Mommy nang bigla siyang salubungin ng kamay ng daddy niya at itinulak siya mula sa dibdib.

"Bastos ka talaga, kinakausap ka pa."

Manunulak pa sana si Coach Wally pero humarang na agad si Mommy at pinagtaasan ng mukha ang daddy ni Leo.

"Walang masamang ginagawa 'yang bata sa 'yo," matigas na sinabi ni Mommy. Napayakap tuloy ako kay Gina dahil sa takot.

"Hindi na bata 'yan!" Dinuro niya si Leo mula sa likod ni Mommy saka ibinalik ang tingin sa mommy ko. "Sinabi ko na sa inyo ng asawa mo, hindi ko tatanggapin 'yang kung ano man 'yang nasa tiyan ng anak mong pusher. Mabubuntis ba 'yan kung hindi 'yan pumunta sa club?"

"At talagang galing sa 'yo 'yan, ha!" mataray na sinabi ni Mommy saka nagkrus ng mga braso. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kinakausap mo? Anak ko ang binabastos mo!"

"Sana binantayan mong maigi 'yang anak mo para hindi kung saan-saan nadadampot! Ito namang tarantadong 'to, pulot nang pulot ng kung sino-sino lang!"

"Aba, talagang—"

Sinalo na ni Leo ang kamay ni Mommy na pasampal na sana, at siya pa ang nagtulak kay Mommy na pumunta sa bandang driver side ng kotse ng mommy ko para sumakay na roon.

"Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Mommy mula sa side ng kotseng hindi namin makita ni Gina.

Mabilis akong pinasakay ni Gina sa backseat habang nakalingon ako sa bintana ng sasakyan.

Sa sobrang gulo ng nangyari, imbes na si Leo ang katabi ko sa backseat at si Gina sa tabi ni Mommy sa passenger seat, nagkapalit na sila ng puwesto.

Pag-atras ng sasakyan, napahigpit ang kapit ko kay Gina kasi mukhang sasagasaan ni Mommy ang daddy ni Leo saka ang babaeng kasama n'on.

"Belinda," saway ni Gina. "Hayaan mo na 'yan. Sayang lang ang oras mo diyan."

Mula sa rearview mirror, nakita ko pa kung paano umirap si Mommy at ipinaliko na sa kanan ang kotse para makaalis na kami.

Biglang tumahimik sa kotse. Napahawak ako sa tiyan kong sumasakit na naman, pero kaya pa namang tiisin. Kinakabahan ako. Kahit wala naman nangyayari sa loob ng sasakyan, mas malakas ang kaba ko kaysa noong papunta kami't nagtatalo kung saan ba ako dapat dalhin.

Hagod-hagod ni Gina ang buhok ko habang nakasandal ako sa balikat niya. Si Leo, ang tahimik lang. Kahit si Mommy, walang imik.

Mom was looking for Leo's parents since summer, pero hindi na niya nabanggit ang tungkol doon pagdating ng June hanggang ngayong August na. And I guess I already knew why.

Leo's dad called me a pusher.

I . . . was.

The rest of Debby's gang confirmed that. I used drugs noong January kapag nagpupuyat kami sa duty and may thesis pa. But I was far from addicted. Even the reason why I ended up at that stag party, drugs din.

My "friends" . . . at that time . . . exposed me to that. Normal naman daw iyon. Drugs, alcohol, sex, money. Hindi ka "in" kung hindi ka lulong sa apat na iyon. I had no other friends aside from those guys na akala ko, friends ko. Kailangan kong maging "belong" kaya alam ko sa sarili kong hindi ako kasinlinis gaya ng tingin ng iba sa akin.

I might be soft and timid, but I was forced to do something terrible just to be a part of a "cooler" crowd. And I remember Calvin. Sinasabi niyang mas maraming puwedeng ikaso sa akin compared sa kanila during those investigation ng illegal abduction sa akin ng grupo nila.

Wala silang ina-abduct. Walang drug user sa kanila. Hindi sila puwedeng kasuhan ng illegal gambling kasi first of all, naniningil lang si Leo roon ng pera niya. At ang pera niya, kahit pustahan iyon, it was more of a deal than gambling. Si Elton at si Leo lang ang may transaction, at hindi sumunod sa usapan si Elton kaya naroon sa stag party si Leo.

But there I was, wearing a bunny suit, barely naked, my face covered with a bunny mask . . . carrying three packets of drugs inside my bra para ibigay sa barkada ni Elton. And before that, I even smoked weed para lang hindi ako lamunin ng hiya sa gagawin ko.

Yes, the boys were innocent, and I was not.

I didn't know if Leo was aware of that. But Calvin was, and he told me what he knew, so he could possibly tell everything to Leo at any time since sila ang magbarkada.

"Ang gago talaga ng tatay mo," biglang sinabi ni Mommy kay Leo out of the blue. "Nabubuwisit talaga ako sa taong 'yon."

"Alam mo naman palang gago, pinatulan mo pa," sagot din ni Leo.

"Hindi mo kasi sinasagot!"

"Magsasayang ka ng oras kausapin 'yon, e sarado na'ng utak n'on! Isa ka pa, e."

"Nasaan ba kasi ang mama mo, ha?!"

"E di, hukayin mo sa sementeryo para makausap mo!"

Akala ko, sasagot pa si Mommy pero wala na akong narinig na kahit ano matapos sumigaw ni Leo.

Ewan ko kung ako lang ba pero parang hindi na kami nakaimik sa sagot niya.

Wala na ba siyang mama? Pero may kasama pa siya noong graduation namin four years ago. O baka . . .

Papasok pa lang kami sa subdivision namin nang makarinig kami ng may sumisinghot sa harapan. Si Gina, sinisilip na si Leo. Kahit din ako. Naabutan pa namin siyang ipinampupunas ng mukha ang collar ng T-shirt niya.

"Leo . . ." pagtawag ko.

Nagtaas ng kamay si Mommy para awatin ako.

Kahit hindi naman ako angnakasagutan, naiiyak ako para kay Leo. Sa kung ano mang dahilan, hindi ko nama-pinpoint. Niyakap ko na lang si Gina habang tahimik na kami sa sasakyan.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top