24. Decision


Ever since Leo, Mom, and Gina stayed under the same roof, hiniling kong sana makapag-dinner (or even breakfast and lunch) kami nang tahimik. It happened tonight, but I didn't like the silence served at the table along with our dinner, na ultimo si Manang na madaldal talaga, tahimik ding nagse-serve.

It was creepy, and I couldn't eat properly without shifting my gaze from Leo to Mom, then to Gina and Tita Shannon.

Mommy was glaring at Tita. Gina was keeping her laugh as she ate. Tita was biting her spoon seductively and waiting for Leo to look at her.

And then there was Leo, who never looked at anything or anyone apart from me, my meal, and his dinner. It was the first time he ate with me. Parang kagabi lang, o kahit kaninang lunch, kakain muna ako bago siya.

I didn't like how Tita Shan looked at Leo, and I already called her out. Kahit si Mommy, si Gina, at si Manang. But she wasn't listening at all. Leo wasn't giving any reaction to her green jokes, and she didn't look like she was going to stop unless Leo would bite her traps.

"Ganito ba kayo lagi katahimik dito?" tanong ni Tita Shan nang mapansin na walang umiimik sa amin. "Manang."

"Ay, bakit?" painosenteng tanong ni Manang na nagsasalin ng tubig sa bawat baso nila.

"Ang lungkot n'yo naman dito."

Walang sinabi si Manang na nasa likuran niya at may hawak na pitsel. Pilit na pilit ang ngiti ni Manang—na hindi niya normally ginagawa—habang pinandidilatan ang basong kadarampot lang.

"Lagi silang malungkot dito," sagot ni Manang na hindi ko alam kung tatawanan ko ba o ikagugulat. "Araw-araw, ang tatahimik nila. Parang may multo na nga rito sa sobrang tahimik ng mga batang 'yan."

Mukha nang hahagalpak ng tawa niya si Gina kaya napakuha na ng table napkin pero sa buong mukha na itinakip imbes na sa bibig lang.

"E di, dito na lang ako titira para hindi tahimik."

"Hindi na kailangan, Shan," kontra agad ni Mommy.

"Oo nga," dagdag pa ni Gina. "Saka may bahay ka sa Diliman, di ba?"

"Alam n'yo, lalo akong naku-curious kung ano'ng meron dito sa bahay na 'to."

"Wala nga kasi," sabay na sagot nina Gina at Mommy.

"Hahaha!" Ang lakas ng halakhak ni Tita saka tiningnan ulit si Leo. "Psst. Huy, pogi."

Napatingin ako kay Leo na busy lang sa pagkain niya sunod ay titingin sa kinakain ko. Hindi talaga niya tiningnan si Tita.

"Sabi ni Manang, may work ka rin daw malapit dito," sabi ni Tita, tutok kay Leo.

"Tigilan mo 'yan," warning ni Mommy.

"Selosa ka talaga, Linda."

Napasimangot ako sa sinabi ni Tita at napayuko na lang. Sumulyap ako nang saglit kay Tita Shan. Hindi nawala ang titig niya kay Leo habang ngumunguya siya. 'Yong titig na parang hinuhubaran niya si Leo sa imagination.

Nao-offend ako pero hindi ko masabi. Hindi ko kasi matingnan nang ganoon si Leo. Feeling ko kasi kapag ginawa ko iyon, baka never na akong lapitan ni Leo kung sakali man.

"Kailan kayo ikakasal ni Belle?"

Hindi sumagot si Leo sa tanong ni Tita. Bumagal ang pagnguya ko. Alam kong hindi iyon masasagot ni Leo kasi sa aming dalawa, ako ang may ayaw munang magpakasal. And as expected, wala pa ring sinabi si Leo na kahit na ano.

Natapos ang dinner namin na tahimik si Leo. Walang sinagot na tanong, walang sinabing kahit na ano basta si Tita Shan ang nagsalita. Si Mommy, nagawa pa niyang tanguan saka sagutin nang kaunti noong tinanong siya kung may pasok ba siya bukas sa school.

Ilang na ilang ako kay Tita Shan. Hindi naman ako awkward sa kanya before kasi parang mommy ko na rin siya. But she was targeting Leo, to think na buntis ako at si Leo ang tatay ng baby ko.

Gusto ko sanang silipin si Leo kung nasa guest room ba si Tita at kinukulit siya. Hindi kasi talaga kami magkasama ni Leo sa iisang room, and we would only see each other during video calls. But maybe hindi ko na kailangang sumilip. Pinag-iisipan ko pa lang kasing pumunta sa pinto ng kuwarto ko, pumasok na siya sa loob.

"Ire-ready ko na yung tub," sabi niya at saka dumeretso sa banyo.

I was dying to ask him about Tita. Kung okay lang ba siya na nandito siya sa bahay habang ganoon si Tita Shan sa kanya. Kasi compared kay Mommy, feeling ko, mas okay pang nakikipagtalo siya sa mommy ko kaysa mukha siyang pinagpapantasyahan ng tita ko sa mismong harapan ko.

Happy naman ako na gusto siya ni Tita Shan, pero sana hindi naman 'yong ganoong level ng pagkagusto.

Plano ko sanang hintayin si Leo pero sinundan ko na siya sa bathroom. Saglit akong nag-stay sa closet area para lang tantiyahin kung magagalit ba siya kasi hindi ko na siya hinintay na sunduin ako sa kama. Saka ko siya nilapitan sa may tub sa bandang dulo ng buong bathroom ko nang wala naman akong napansing galit sa kanya kahit nakita na niya ako sa puwesto ko.

"Leo . . ."

Hawak ko ang tiyan ko habang palapit sa kanya.

"Bakit? Masakit?" Lumapit agad siya sa akin at hinawakan ang tiyan ko.

Titig na titig ako sa kanya at nagtatanong ang tingin ko.

"Ano'ng nararamdaman mo?" tanong pa niya saka ako tinagpo ng tingin.

"Sorry kay Tita Shan."

Napabuntonghininga siya sabay irap. "Masakit ba ang tiyan mo o hindi?" masungit niyang tanong.

Umiling lang ako para sabihing hindi.

Ang lalim ng hugot niya ng hininga saka tumango. "Tara na, maliligo ka pa."

Leo acted as if Tita Shan was just my imagination, and he still functions like usual. Pero hindi talaga ako mapalagay knowing na paglabas niya ng kuwarto ko, hindi ko na alam kung ano ang puwedeng mangyari sa kanya.

My Mom has a storage room full of guns. Tita Shannon is a sharpshooter and the owner of a gun shop too. I didn't want my aunt to point a gun at Leo's head, as Elton did, just to satisfy what was inside her mind. Knowing Tita Shannon, she has the capacity to do so.

Lumapit na ako sa bath tub habang titig pa rin sa mukha ni Leo. Ako ang nag-aalala para sa kanya.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na," utos niya at inangat ang dress ko para mahubad.

"Si Tita, nasa nursery room. Safe ka ba sa room mo?"

"No," mabilis niyang sagot at nakita ko na lang ulit ang mukha niya pag-alis ng dress ko. "Kung wala ka rito, kanina pa ako umuwi sa apartment."

"May pasok ka bukas, di ba?"

"Malamang."

"Hapon pa 'yon."

"Ano'ng magagawa ko?"

Inis na inis nga si Leo. Kahit sa pagsagot sa akin, naiirita siya.

Sinuotan muna niya ako ng shower cap bago inalalayan paupo sa porcelain tub na puno ng puting tubig. Umaabot lang iyon hanggang itaas ng dibdib ko at parte ng tuhod kapag itutupi ang binti ko.

Ten minutes akong bababad sa milk bath para hindi ako madaling magka-rashes. After my milk bath, doon na rin naman ako sa shower at nakatayong magbabanlaw.

Nakaupo lang si Leo sa mababang vanity stool habang sumasalok ng tubig at ibinubuhos sa balikat ko.

"Sa guest room daw makikiligo ang tita mo. Dito ako makikiligo ngayon," sabi niya habang marahang pinupunasan ang likod ko ng sponge.

"Sabay tayo?" tanong ko . . . kasi iyon ang unang pumasok sa isipan ko. Pero pagtingin ko sa kanya, natigilan din siya sa sinabi ko. Nakagat ko ang labi at napaiwas agad ng tingin. "Sorry."

Hawi na lang ako nang hawi ng tubig sa tub para lang masabing may ginagawa ako. Wala naman siyang sinabi, pinupunasan at nililinisan lang ang binti ko pababa sa mga daliri sa paa.

Napapapikit ako habang inaalala ang kahihiyan kung bakit ko ba naitanong iyon. Si Tita Shan kasi, sabi niya, para daw tipid sa tubig, magsasabay na lang daw silang maligo.

Hindi naman kami nagtitipid sa tubig, pero baka dito maliligo si Leo kasi baka nga sabayan siya ni Tita sa shower—na ayoko rin namang mangyari kahit pa kayang gawin iyon ni Tita using violence.

"May swimming ba tayo bukas?" tanong ko na lang kay Leo.

"Sabi mo, hindi sumasakit ang tiyan mo nang sobra kapag may swimming ka. Malamang meron," masungit pa rin niyang sagot.

"Okay . . ." Napanguso ako sabay yuko.

Ibig sabihin, kung walang pasok si Tita Shan bukas, maaabutan niya kami sa pool.

Kung ngayon ngang naka-T-shirt lang si Leo, kulang na lang, maglaway na si Tita, what more kung shorts na lang ang suot ni Leo?

Napatingin kami sa phone ni Leo na tumutunog. Naka-timer ang milk bath ko at hindi ako puwedeng magtagal sa pagligo. Inalalayan na niya ako patayo saka inalis ang stopper ng tub para ma-drain agad ang laman. Inalis ko na ang shower cap ko at dumeretso sa likod ng glass wall para sa shower. Ang tipid ng ngiti ko paglingon kay Leo pero biglang bumagsak ang panga ko nang makitang naghuhubad siya ng damit.

Natakpan ko agad ang bibig ko saka ako tumalikod. Pinandidilatan ko ang bathroom window na nakasara habang nakikita sa tinted glass ang reflection ni Leo na himas-himas ang batok habang inuunat-unat iyon.

Pigil na pigil ang paghinga ko. At kahit gusto kong huminga nang maayos, kusa iyong natitigil habang hinihintay siyang makalapit sa akin.

Oh my God . . .

Dito nga talaga siya maliligo.

Yumuko ako at sumulyap lang sa tinted glass nang makita si Leo sa likod ko mula roon. Napapahawak ako sa itaas ng dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi pa kami nagsasabay maligo. Siya lang ang nagpapaligo sa akin at nakita naman na niya ang buong katawan ko—araw-araw pa nga. Feeling ko, mas kabisado na niya ang katawan ko kaysa sa akin kasi pati likod at batok, iniinspeksyon niya kung may rashes ako o kaya sunburn kapag nabibilad sa garden.

Hirap na hirap akong lumunok. Kusang hinahabol ng mga balahibo ko sa katawan ang presensya niya. Parang may magnet na kung saan ang bakal, doon sumusunod.

"Ano'ng ginagawa mo diyan sa gilid?"

Napasinghap ako sa gulat nang hawakan niya ako sa balikat at ipalapit sa kanya. Napapikit ako nang dampian ako ng tubig na mas malamig nang kaunti kaysa sa tubig ng tub.

Normal na halos sa amin gabi-gabi ito. Pagkatapos sa milk bath, sa shower na. Saka lang niya ako lalagyan ng shampoo at mahihilamusan since napasadahan na niya ang sponge ang ibang parte ng katawan ko at sa hita pababa.

Ang hindi lang niya nahahawakan ay ang sensitive parts ko kasi kahit hirap, ako pa rin ang hinahayaan niyang maglinis ng sarili ko. May ginagawa lang siyang iba kapag ganoon gaya ng paghahanda ng towel o ng mga moisturizer na ipapahid sa akin pagkatapos maligo.

Kaso . . . ibang usapan na kasi ngayon. Hindi ko naman kasi siya kasabay maligo noon.

Ang lalim ng paghinga ko nang ipaharap niya ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung saan titingin. If I look down, I'll see something I'm not prepared to see. If I look up, I'll see his face. Either reason, ayokong makita.

Nakatingin lang ako sa ceiling, para na akong timang. Si Leo ang naglalagay ng shampoo ko, at madalas, siya na rin ang nagkukusot. Nahihiya kasi ako, hindi na ganoon kaputi ang kilikili ko. Hindi naman itim, pero kitang-kita ang pagkaka-brown. Siya ang naiilang sa panonood sa akin na hindi ko maitaas ang kamay ko nang maayos.

Sanay akong yumuyuko kapag umiiwas ako, pero hindi ako makakayuko this time. Kusa nang nakikita ng mga mata ko ang mukha niya kasi kapag tumitingala ako, eksakto lang siya sa angle ng pagtaas ko ng mukha.

Parang crystal na gumagapang ang tubig sa tangos ng ilong niya saka sa panga. Makapal ang eyelashes niya at mas nagmumukhang makapal pa kapag nababasa.

Kapag natititigan ko siya, mas lalo kong natatanggap na imposibleng walang magkagusto sa kanya kasi ang guwapo niya sa kahit anong anggulo. Kaso bigla kong naaalala ang dahilan kaya ayaw niya sa akin. Ang sungit din kasi niya.

"Ah—" Kusang tumaas ang kamay ko at napahawak sa balikat niya nang biglang lumakas ang tubig sa shower at may narinig akong pag-rattle sa likod ko.

"Sorry!" sabi niya, nagpa-panic. "Sorry. Nabangga ng shampoo."

Madali niya akong hinilamusan para maalis ang lahat ng bubbles na napunta sa mukha ko.

Saglit akong napayuko para makahinga nang hindi naaabutan ng tubig sa ilong. Kaso pagdilat ko, nakita ko ang kanina ko pa iniiwasan, at para akong pinagbabantaan sa itsura n'on. Napatakip agad ako ng mata at napapaling sa kanang gilid.

"Sorry!" tili ko, takip-takip ang buong mukha. "Sorry, hindi ko sinasadyang makita."

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Feeling ko, may ginawa akong krimen.

Saglit akong sumilip kung pagagalitan niya ako. Pero pagtingin ko kay Leo, hawi-hawi niya ang basang buhok habang natatawa nang walang tunog. Napailing pa siya paharap sa kabilang gilid na parang ang hopeless-hopeless ko.

"Tara na dito," sabi lang niya saka kinuha ang isang kamay kong nasa mukha. "Nagtatagal ka na. Uubuhin ka na naman niyan."

Kagat-kagat ko ang labi at tumingin sa kanya, nagpapaawa. Pinagtatawanan niya kasi ako. Gusto ko rin naman siyang makitang tumawa, pero sana hindi dahil sa kahihiyan ko.

"Hindi ko naman sinasadyang makita," sabi ko, nakanguso.

"Natural, kahit hindi mo sadyain, makikita mo 'yon kasi wala akong damit." Binanlawan na niya ang buhok ko at sinunod ang braso ko pababa sa kamay.

"Hindi ka galit?" tanong ko, hinahabol ang tingin niyang nasa braso ko nakatuon.

"Bakit ako magagalit? Mabubuntis ba kita kung naka-shorts ako?"

"Ang pilosopo mo."

"Ano'ng pilosopo r'on, e totoo naman?"

Pati ako, sinasagot na niya kung paano niya kausapin si Mommy.

Tinapos na niya ang pagbabanlaw sa akin saka niya ako sinuotan ng bathrobe. Pagkatapos n'on, saglit niya akong pinapunta sa may closet para hintayin siyang matapos maligo.

Mula sa puwesto ko, pasulyap-sulyap ako sa kanya habang naglilinis siya ng katawan.

Kasintaas na niya halos ang shower ko. Kailangan pa niyang kunin ang detachable shower head para hindi siya mauntog doon. O kung hindi man, yuyuko pa siya.

Lalaki ang magiging anak namin. At kung kamukha iyon ni Leo, ikatutuwa ko talaga.

Sa sunod na sulyap ko, nagbabalot na siya ng towel sa baywang. Tumutulo pa ang buhok at katawan niya nang umalis sa shower area. Ang ganda ng hulma ng katawan niya, halatang mahilig sa exercise.

Sobrang guwapo ni Leo. Kahit wala siyang gawin o hindi siya mag-ayos nang sobra, ang guwapo niya talaga. Kahit towel lang ang suot niya, ang guwapo niya pa rin.

Napapahawak ako sa tiyan ko kasi sumisipa ang baby ko roon. Nararamdaman yatang may nakiki-stay na butterflies kung saan siya naka-stay ngayon.

Mula sa sink, kinuha ni Leo ang woven basket na lalagyan ng mga sabon at inilagay roon ang lahat ng bote ng facial and body moisturizer ko. Paglapit niya sa akin, naghatak siya ng vanity stool katabi ng sidetable malapit sa pinto saka humarap sa akin.

"Leo . . ."

"Mm."

"Puwedeng dito ka matulog sa kuwarto ko tonight?"

"Masakit ba ang tiyan mo?"

Umiling naman ako. "Hindi. Kaso baka lang kasi hindi ka comfortable sa guest room. May susi kasi n'on si Tita."

"Alam na alam mong papasukin ako roon ng tita mo, a."

Napanguso ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi, pero wala akong magagawa.

"Selos ka?" biglang tanong niya.

Nagsalubong agad ang kilay ko pag-angat ko ng tingin sa kanya. "Hoy, Leo."

Patawa-tawa pa siya habang umiiling, tutok sa lotion na kabubukas pa lang.

"Ang sama mo."

Bakit nang-aasar na siya ngayon? Inaano ko ba siya?

Kinuha niya ang kamay ko. Akala ko, lalagyan niya ng lotion, pero hinalikan niya nang marahan ang palad ko saka iyon inilapag sa hita niya. Napanguso na naman ako at nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay ko at sa mukha niya.

"Lagi mong hinahalikan ang kamay ko," sabi ko sa kanya. "Bakit?"

Nawala na ang ngiti niya. Wala rin akong natanggap na sagot.

"Gusto ko lang malaman," dagdag ko. "Hindi mo naman kasi 'yon ginagawa dati. Like . . . noong first months mo rito. Naguguluhan na rin kasi ako."

"Naguguluhan ka saan?"

"Sa kilos mo."

"Ano ba'ng meron kilos ko?" Nilagyan na niya ng lotion ang braso ko.

Napanguso ako saka nagbuntonghininga. "Madalas, ang sungit mo. Kapag may ginagawa ka, sabi ni Manang, sweet ka naman daw sa akin. Pero parang . . ."

Hindi kasi halata. Lagi kasi siyang nakasimangot, parang napipilitan lang sa ginagawa niya. Kada usap namin, lagi akong nagso-sorry kapag feeling ko, nao-offend ko siya.

"Parang ano?" tanong niya.

"Parang hindi ka naman sweet."

"Kailangan bang sweet ako lagi sa 'yo?"

Nanulis na naman ang nguso ko roon. Gusto ko sanang ganoon.

"Kung hindi mo ba 'ko nabuntis, magugustuhan mo ba 'ko?" tanong ko na gustong-gusto kong itanong sa kanya, o kahit ang tanong lang na magugustuhan ba niya ako without any reason na gusto kong malaman ang sagot since high school.

Nakatitig ako sa kanya pero busy siya sa paglalagay ng lotion sa akin. Until now yata, wala siyang balak sumagot. Wala pa man, sumuko na agad ako.

"Okay lang, Leo—"

"Hindi."

Saglit na napatid ang paghinga ko sa biglang sagot niya. Sa isang iglap, nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at parang sinampal ako ng katotohanan sa sagot niyang iyon kaya hindi ako nakaimik.

"Ayoko sa 'yo kasi pulis ang mama mo tapos puro baril ang business n'yo."

Kusa nang kumuyom ang kamao ko, pilit itinatago ang sama ng loob sa naging sagot niya.

"Wala rin akong balak mag-asawa," dagdag niya, at parang gusto ko nang matunaw sa kinauupuan ko habang nagsisising nagtanong pa ako.

"Sorry . . ."

"Puwede ko namang piliin na iwan ka noong tinututukan ka na ng baril. Hindi naman ikaw ang ipinunta ko roon kundi si Elton saka yung pera ko. Kung pilahan ka man nila, hindi ko na problema 'yon. Ni hindi ko nga alam na nandoon ka."

Marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak doon.

"Pero gusto ko lang maging malinaw rin sa 'yo na hindi ako nandito kasi wala akong choice. Doon pa lang sa stag party, pinili na kita. Hindi pa tayo nakakalabas sa night club, ine-expect ko nang mabubuntis kita. That same night, sinabi ko na sa sarili ko, wala na akong pakialam kung pulis ang mama mo. Wala na rin akong pakialam kung ayokong mag-asawa. Wala na rin akong pakialam kung magalit ang daddy ko, o mag-stop ako sa college, o mapilitan akong mag-nursing kahit engineering ang kinukuha ko."

Nakagat ko ang labi ko, pinipigilang maiyak habang nakatingin sa kanya.

"I don't rely on my feelings. Hindi ako gaya nina Calvin na dadaanin ka sa kilig. Nandito ako sa harap mo ngayon kasi alam kong pakakasalan kita. Kung twelve years pa ang hihintayin ko, e di twelve, wala akong pakialam. And if by that time, kung hindi mag-work 'to, wala ring problema. Wala pa rin akong balak mag-asawa. Kaya kung hindi ikaw, masaya na 'kong mag-isa. Wala akong ibang aalagaan maliban sa 'yo. At gusto kong malinaw na 'yon ngayon pa lang para hindi ka na tanong nang tanong."

Nangingilid ang luha ko at nakatitig lang sa kanya. "Leo . . ."

"Kukuha lang ako ng damitsa kabila. Hintayin mo 'ko rito."


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top