23. Twin


I couldn't remember Leo being my sign language teacher. He was a student teacher, but not specifically in ASL na natutukan ako. Or maybe . . . I forgot about that part since ASL was just a month-long training na naging part na lang din ng extra-curricular activities namin. Hindi graded iyon. Part lang ang program ng project ng student-government body related sa SPED (Special Education).

That was the time na required kaming makipag-usap sa mute and deaf exchange students for a month using sign language. Kung ano ang lesson namin, lesson din nila. In-expose kami sa PWD students para din mawala ang stigma about them at ang PWD students ay hindi kailangang iwasan just because they have their disabilities.

Hindi si Leo ang nagturo sa akin ng sign language, kasi buong SSG ang nagga-guide sa aming lahat. May teacher din talaga kami for that. But Leo was a former SSG Vice President, and I knew him from there. Magkaiba kasi kami ng section kaya hindi talaga kami magkaklase. And I only digested ASL during OJT namin sa course ko since kailangan naming matuto ng maraming languages to communicate sa mga plane passenger.

I didn't know Leo would remember me as one of his team's batch of trainees, and thought na iyon ang reason kaya ako sunod nang sunod sa kanya. Iba kasi ang reason kaya ko siya hinahabol during my high school and freshman year of college. And I was so petty during those years, for real.

After he said that I forgot about him being our SA noong high school, hindi na niya pinilit o kinulit ako. Siguro kasi naramdaman niyang naiilang ako sa topic, and Leo wasn't the type of guy na mang-aasar nang mang-aasar para lang makuha ang attention ko. Clark, maybe, but not him.

Nasa antique divan kami ni Leo, nakasandal siya at nakalatag ang left leg niya sa tabi ko at ang isa naman ay nakatupi patapak naman sa carpet sa sahig. Nakasandal ako sa kanya habang nagbabasa ako ng novel book. Siya, nagbabasa rin naman, pero handouts niya sa engineering economy na super kapal.

Naging favorite tambayan na namin ni Leo iyon kapag ayokong umakyat at bumaba ng hagdanan, saka malapit sa front door kapag gusto kong dumaan sa garden.

Leo and I really thought na whole day sina Mommy at Gina sa shop kasi sobrang agang umalis, pero wala pang two ng hapon, may maingay na ulit sa bahay.

"Manang, pahingi ng tubig!"

Sabay pa kami ni Leo na tumingin sa nakabukas na pinto. Napaayos ako ng upo nang makita si Tita Shannon—kakambal ni Mommy—na napahinto pagkakita sa amin. She wore a fitted black shirt, denim jeans, and Jimmy Choo flat boots.

"Nagpagupit mommy mo?" tanong ni Leo.

Tita Shannon and Mom really looked so identical, and they were in the same field too.

She's still in service compared kay Mommy na retiree na. Kung PNP si Mommy, sa airforce naman si Tita. And her hair was shorter than Gina's. Pixie cut, but stylish. She definitely looked like Cara Delevingne with brown eyes. But compared to Mom na lesbian, Tita likes guys. Single siya, kaso sobrang choosy. Lagi niyang sinasabi sa amin na gusto niya ng poging sundalo kaya siya nag-PMA. So far, may mga nakikita naman daw siya, pero gusto niya ng poging sundalo na mayaman. Kapag hindi mayaman, ayaw niya. Pero ayaw rin niya ng mayaman pero sobrang arte. Kaya nga sundalo ang like niya para sure na kahit sigawan niya (in his face), hindi raw "mag-iinarte" at iiyak.

That was the main reason she's still single. The qualifications are too hard to reach.

"Hi, Tita Shan!" I stood up, and Leo helped me.

I could see her eyes scanning Leo from head to toe, which was an expected move from her kasi nga hindi pa niya nakikita si Leo dito sa bahay.

"Ang baby ko, magkaka-baby na rin!" She kissed both my cheeks and cupped my face as if I were the cutest thing on earth right now. "Ang tambok ng pisngi mo, nanggigigil ako sa 'yo!" Lalo pa niyang kinurot ang magkabilang pisngi ko pero hindi naman mahigpit.

Tita Shannon is my second mother, and she was the one who always went to all my school activities when I was in high school. Kapag may PTA meeting, siya ang kasama ko. Kapag may school program na need ng parents kaso wala sina Mommy at Daddy, she would go.

"Eight months lang akong nawala, may ganito ka na agad?" sabi pa niya at himas-himas ang tiyan ko. Saglit pang nanlaki ang mga mata niya nang may maramdaman doon. "Sumisipa, a." Yumuko siya patapat sa tiyan ko. "Gusto ko 'yan, matapang." Dumeretso na siya ng tayô saka ako niyakap mula sa gilid. "Si Linda saka si Gina, nasa parking lot pa rin yata. By the way, ito ba ang tatay niyan?"

"Ay, yes. Tita, this is Leo," pakilala ko kay Leo na nasa harap lang namin at walang ibang emosyong mababasa sa mukha.

"Good afternoon ho."

"Leo . . ." Naningkit pa ang mga mata ni Tita Shannon habang nakatingala ako sa kanya. "Familiar ka. Nagkita na ba tayo before?"

Umiling agad si Leo at nag-iwas ng tingin. "Hindi pa ho."

"Ano'ng full name mo?"

"Leopold Scott ho."

"Ilang taon ka na?"

Twenty ho."

"Huwag mo na akong i-ho. 45 pa lang ako."

Tumango lang si Leo, walang sinabi.

Nanliit na naman ang mga mata ni Tita kaya kinabahan na ako kasi mukhang nag-iisip na siya. Mom is a terror, and Tita Shannon is slightly nicer than Mom. Mas mabait si Tita kaysa Mommy ko. But the thing was, Leo impregnated me, and we both didn't like how it happened.

"Scott, 'no?" tanong na naman ni Tita.

"Yes."

"Taga-FE Alabang ka ba dati?"

Tumango na naman si Leo.

"Pamilyar talaga ang mukha mo. Saglit . . ." Lalo pang nag-isip si Tita roon.

Tiningnan ko si Leo, wala pa ring reaksiyon.

"Hindi ko matandaan, a. Anyway, may ginagawa kayo?" tanong na lang ni Tita.

"Si Kyline, wala," sagot ni Leo.

"Ikaw?"

"Review."

"Hindi ka pa graduate?"

Umiling naman si Leo para sabihing hindi.

"Bakit? Nag-stop ka?"

"Engineering."

"Ah . . ." Napatango-tango si Tita habang gusot ang magkabilang dulo ng labi. "Five years. Kung ako 'yon, baka ten years na, nasa second year pa rin ako." Saka siya ngumisi at tiningnan ako. "Ayos ka lang ba? Masakit ba 'to?" Hinawakan ulit niya ang tiyan ko.

"Mm-mm." Umiling ako para sabihing hindi naman.

"Tara sa dining, nagugutom ako."

We both headed to the dining area. And even if Tita didn't invite Leo to come with us, sumunod pa rin siya. Malamang kasi kasama ako.

Kaya nga pag-upo ko, tiningnan na naman ni Tita si Leo mula ulo hanggang paa. Sabay kasi nilang hinawakan ang sandalan ng upuang puwesto sana ni Leo pero uupuan din sana ni Tita sa tabi ko.

Walang sinabi si Tita Shan pero nagulat ako nang bigla niyang suntukin ang dibdib ni Leo. Saka ko lang nakitaan ng pagbabago ng reaksiyon ang mukha ni Leo na takang-taka kung bakit ginawa iyon ng tita ko. Napahawak tuloy siya sa dibdib niya.

"Aba . . ." Napangisi si Tita pagkatapos n'on. "Ang tibay mo, ha."

Kagat pa ni Tita Shan ang labi niya nang pasadahan ng kanang palad ang dibdib ni Leo pababa. Inabot ko tuloy ang kamay niya bago pa bumaba sa may tiyan iyon.

"Tita!" singhal ko habang salubong ang kilay.

Pangisi-ngisi pa si Tita Shan sa akin na binabawi ang kamay niya. "Easy. Kinakapa ko lang kung matigas."

"Tita naman." Napalingon ako kay Leo nang maghatak ng dining chair at doon nakisiksik sa kabilang gilid ko.

"Ang sensitive mo naman," buyo ni Tita kay Leo saka naupo sa upuang pinag-agawan nila kanina.

Hindi ko alam kung sino ang unang iisipin. Inilipat ko ang tingin kay Leo na ang talim na naman ng tingin sa tita ko, gaya ng tingin niya kay Mommy kapag binu-bully siya.

"Leo . . ." Hinawakan ko siya sa pisngi para ipaling ang tingin niya sa akin at hindi na niya panlisikan ng mata si Tita Shan.

Inalis niya ang kamay ko sa pisngi niya at ipinatong iyon sa kaliwang hita niyang halos dumikit na sa gilid ng upuan ko. Parang sinasabi niya kay Tita kung sino lang ang puwedeng humawak sa kanya nang hindi niya sinasalita iyon.

Hindi ko tuloy alam kung paano siya hahawakan kasi . . . hindi ko naman siya usually hinahawakan sa hita. Sa braso, sa kamay, sa pisngi, saka sa buhok pa lang. Kahit nga dibdib at tiyan niya, hindi ko pa nahahawakan. Hanggang tingin lang ako. Likod ko lang ang nakakadama n'on kapag humihiga ako sa kanya.

"Where's Shannon?"

Pagtingin ko sa pinto ng dining area, papalapit na sa amin si Gina, may dalang dalawang box ng pizza saka apat na iced coffee.

"Nandito si Shan!" sigaw ni Gina saka dumeretso sa puwesto namin.

"Sabi n'yo, mukhang impakto yung bagong salta rito," sabi ni Tita kay Gina at pinandilatan ko ng mata ang sinabi niya sa napakaraming dahilan.

Mukhang impakto? Si Leo ba? Pero bakit kailangang sabihin habang nandito si Leo sa tabi ko?

Nagpigil ng ngiti si Gina saka sumulyap kay Leo bago ibinalik kay Tita Shannon ang tingin. Napasipol na naman siya at kumuha ng iced coffee para inumin habang patingin-tingin sa kung saan.

"Shannon," tawag ni Mommy, nakakrus pa ang mga braso at nakataas ang kilay. "At talagang hindi ka man lang tumulong magdala ng gamit mo, ha. Ginawa mo pa kaming alila mo."

Nagpa-cute ng ngiti si Tita Shannon at inipit ang maikling buhok niya sa likod ng tainga. "Well . . ."

"Manang, pahinging tubig," utos ni Mommy.

"Sige, saglit!" sigaw ni Manang sa may kitchen.

"Ayusin mo ang gamit mo sa itaas. Hindi ako ang magdadala n'on para sa 'yo," utos ng mommy ko.

"Bisita mo kaya ako," katwiran ni Tita na nagtataray.

"Buwisit ka," mataray ding sagot ni Mommy. "Ayusin mo na ang mga gamit mo."

"Iaakyat ko mamaya," sagot ni Tita sabay hagod ng tingin kay Mommy mula ulo hanggang paa. "Hindi naman naka-lock ang guest room, di ba?"

"Tita, doon naka-stay si Leo," sabi ko naman.

"Ay, doon?!" tili niya saka napatingin kay Leo. "Iakyat ko na right now!"

"Shannon!" malakas na sigaw ni Mommy pagkatayong-pagkatayo ni Tita kaya bigla akong na-tense.

"What?" tanong pa ni Tita. "Iaakyat ko na nga sa guest room, di ba?"

Napahigpit tuloy ang paghawak ko sa hita ni Leo.

"Kararating mo lang, baka gusto mong palayasin agad kita," warning ni Mommy.

"Bakit ba?" nakasimangot na sagot ni Tita pero napapangiti naman. "Para tipid sa room, right? Tipid sa room, tipid sa electricity, tipid sa water if sabay kaming maliligo—"

Napabuga ng kape si Gina saka naubo sa gilid.

"Regina, ang kape iniinom, hindi nilulunod sa sarili," sarcastic na pang-asar ni Tita.

"'Tang ina ka rin minsan," natatawang sinabi ni Gina na punas-punas ang tumapong kape sa buong bibig niya.

Lumapit na si Mommy kay Tita at halos sumiksik sa gilid ko. Mabilis akong itinayo ni Leo para makaalis kami roon bago pa magkagulo sina Mommy at Tita.

"Tigilan mo si Leo," seryoso nang warning ni Mommy kay Tita.

"Ay . . . territorial, as always. Ayaw mong ipahawak?"

"Buntis si Belle. Huwag mong pagdiskitahan ang tatay ng anak niyan."

"Kaya mo ba sinisiraan sa akin kasi ganito ang makikita ko rito? Impakto pala, ha."

Napayakap ako kay Leo dahil sa naririnig ko sa kanila.

"Three days lang, Shan. Huwag mong pababain ng isang oras ang limit ng pag-stay mo rito sa bahay ko," warning na naman ni Mommy.

Nagtaas agad ng kamay si Tita saka kami sinilip habang nakangisi. "Okay," pagsuko niya, pero duda ako kung susuko ba talaga siya.

Mukhang masi-stress na naman ako kasi ang gulo na nga nina Mommy, Leo, at Gina; ngayon, dadagdag pa si Tita sa kanila.

Gusto ko na lang talagang lumipat ng ibang bahay.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top