20. War of the Generals


"Mommy, can I ask you a favor?"

Mom was busy doing her inventories sa storage room sa kabilang side ng bahay. All of her ammunition and firearms, nakatago roon. It was her "small warehouse" apart from the ones she had near BJMP.

"What is it?" she asked, focusing on the papers on the clipboard she was holding.

"Don't bully, Leo. He's trying to be civil naman with you and Gina."

Mom stopped writing and looked at me with bored eyes. "At sa lagay na 'to, kami pa ang bully? Mommy mo 'ko pero sinasagot-sagot niya 'ko. Bakit? Siya na ba'ng may-ari nitong bahay?"

Nakagat ko ang labi ko saka napayuko. That wasn't a lie, though. Si Manang nga lang ang nirerespeto ni Leo sa bahay na ito. Si Manang lang din ang kinakausap niya nang hindi siya nahihirapang sumagot at hindi rin niya sinasagot nang pabalang.

"He's trying to be nice naman, Mom."

"He's not nice at all, Belle, and he's not trying to be. You don't call people nice na ganoon makitungo sa tao. He better shut his mouth."

It was a hard pill to swallow that Mom was right. Leo is not being nice to everyone. Kung sino lang ang gusto niya, sila lang ang kinakausap niya nang maayos. The rest, gaya ng ugali niya noon, kapag ayaw niya, ayaw niya. Sad to say, isa si Mommy sa mga ayaw niya, and he was showing it to my mother's face at my parents' house.

May afternoon class si Leo. Lunch na at sanay naman na kami ni Manang na ganitong oras, tumatawag siya at sabay kaming kumakain kahit nasa malayo siya. Ako tuloy ang naiilang na nakikita ni Mommy kung ano ang setup namin ni Leo noong wala pa sila.

Ayoko sana, pero sabi nga ni Leo, hindi niya babaguhin ang setup namin dahil lang nakauwi na ang mommy ko.

"Naka-ready na ang vitamins mo diyan?" tanong niya habang sumusubo ng lunch niya ngayon. As usual, ginawa na naman niyang sandalan ng phone ang bag niya.

"Nire-ready pa lang ni Manang." Nilingon ko ang kitchen kasi nasa dining table na kami pero nagpe-prepare pa lang si Manang ng lunch namin.

"Dadaan ako sa pharmacy after lunch, paubos na ang laman niyan. May ipapabili ka?"

"Gummy bears."

"Ano pa?"

"'Yon lang."

"Nasaan ang tumbler mo?"

Napatingin ako sa itaas. Hala, hindi ko maalala kung saan ko nailapag kanina.

"Ipahanap mo agad kay Manang. Ipakuha mo 'yong tumbler na nasa tabi ng dispenser. May laman na 'yon."

"Okay." Napalingon ako sa kanan nang maglapag na ng pagkain namin si Manang. Tofu and wanton soup ang luto niya ngayon para sa akin.

"Manang," tawag ni Leo.

"Ano 'yon, hijo?" sagot ni Manang na inaayos ang gitna ng mesa kung saan niya ipinatong ang lahat ng ulam.

"Mamayang two, 'yong gatas ni Kyline, baka makatulugan na naman. Kahapon, hindi inubos ang gatas niya, iniwan lang sa side table."

"Hamo't ipaaalala kong ubusin."

"Pasuyo na rin 'yong tumbler niya, Manang. Kinalimutan na naman sa kung saan. May itinabi na 'kong isa pa sa tabi ng dispenser, pakikuha na lang din. Huwag n'yong painumin ng masyadong malamig."

"Ay, ako na ang bahala. Kumain ka lang diyan at malalaki na ang mga tao rito sa bahay."

"Sige po, Manang."

Ipinagsalin ako ni Manang ng soup at nakita kong tapos nang kumain si Leo. Kinuha na rin niya ang bag niya saka naglakad paalis doon sa canteen na kinainan niya.

"Kung pupunta ka sa nursery, dalhin mo ang phone mo para makakatawag ako."

"Okay."

"Manang, kapag nakatulog doon si Kyline, pasabihan ako, baka kasi hindi na naman sumagot sa calls."

"Ako na ang bahala't kakatukin ko kung makakatulog na naman doon."

"Papasok na ho ako, Manang. Salamat ho."

Saka namatay ang call.

Sa amin ni Manang, sanay na kami sa ganoon. Pero pagtingin ko kay Gina na katapat ko ng upuan, gusot na gusot ang mukha niya habang nakatingin sa akin, parang nandidiri pa.

"Ang daming reminders!" reklamo ni Gina. "Talo pa commander namin sa squad, a."

"Kulang pa nga 'yan," dagdag ni Manang at ipinagsalin ako ng tubig sa baso. "Wala pa yung utos niyang huwag magbibilad si Kyline niya sa garden. Kapag sumakit ang tiyan, tawagan daw agad siya. Kapag may ipabibili si Kyline niya, i-text agad para maipasalubong pag-uwi. Ay, 'ku! Kabisadong-kabisado ko na ang mga pautos niyan sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Nagbuntis din naman si Belinda, e hindi naman ganyan kaaligaga si Adrian."

"Worried lang siguro, Manang," katwiran ko naman.

"Ay, ang mommy mo, anak, noong ipinagbubuntis ka, nakikipagbarilan pa 'yan sa mga kabaro niya."

"Sus, magsasawa rin 'yan," parinig ni Gina sabay paikot ng mata.

"Ako na ang naunang magsawa, Regina. Umay na umay na ako sa paalala niyan, parang hindi linggo-linggo sinasabi."

"Manang, aware na kaming benta ang lalaking 'yon sa 'yo. Hindi mo na kailangang ibenta nang ibenta pa sa 'min. Matabil pa rin ang dila n'on at napakayabang pa," sabi ni Mommy na naghain na ng sarili niya at hindi na hinintay si Manang na hinahandaan ako ng tanghalian ko.

"Kay Manang nga lang mabait," sabi ni Gina na natatawa sa sinabi.

I looked at my mom's resting bitch face when she looked at Gina. Mom's silence was something I didn't want to be thankful for. Kapag kasi tahimik siya, alam ko na agad na marami siyang iniisip.

"Ano 'yon, Manang, laging ganiyan sila?" usisa ni Gina.

"Kapag may pasok 'yong isa, oo." Nakabantay lang sa amin si Manang pero doon siya nakaupo sa kabilang dulo ng table. Gusto sana namin siyang kasabay kumain pero madalas kasing nauuna na siya bago kami. Ayaw niya rin daw kaming kasabay kumain lalo pa't nagsisilbi siya. Maaabala ang kain niya.

"Kailan pala ang house cleaning?" tanong ni Mommy.

"Sa makalawa. Ay!" Napatingin agad ako kay Manang nang kawayan niya ako nang isang beses. "Sa park ba ulit kayo sa cleaning?"

"Wala pa pong sinasabi si Leo," sagot ko.

"Ay, sige. Itatanong ko pag-uwi."

"Inilalabas niya si Belle?" tanong ni Gina.

"Kapag may house cleaning, namamasyal sila kasi nag-iimis dito ng alikabok. E, nasisinghot nga raw nitong buntis niya." Tumayo na rin si Manang. "Ihahanda ko pala muna ang pautos n'on para dito kay Belle at baka ako naman ang pagalitan pag-uwi."

For sure, Mom and Gina noticed everything Leo was doing. Maybe, sanay na lang talaga kami ni Manang. But really, Gina called him 'so OA' for doing things and reminding me and Manang what to do for the whole day. Ultimo nga raw kung saan ako mauupo, gaano karami ang iinumin ko, ilang serving ba dapat ng sweets ang kakainin ko, kailangang i-remind pa.

Dinner time lang nang mapansin nila na hindi ko hawak ang phone ko.

"So, ano, nagsawa na ba sa kaka-update sa 'yo?" parinig ni Gina habang nakatingin sa akin at ngumunguya.

"Baka nasa biyahe pa," sabi ko na lang.

Nilingon ko ang kitchen. Naririnig kong naghuhugas pa roon si Manang kaya hindi siya makakasagot para sa akin.

"Pakakasalan ka pa ba n'on?" tanong na naman ni Gina. "May balak pa ba siya?"

"Sabi niya, meron."

"Sabi niya?"

"Sabi ko, kapag malaki na ang baby namin, saka kami magpapakasal."

Napansin ko agad na natigilan sa pag-cut ng tonkatsu niya si Mommy kaya lalong hindi ako makatingin sa kanya.

"And why is that?" tanong niya sa akin.

"Aware naman siya sa setup natin nina Daddy at Tita Hellen. Okay naman tayo sa ganito. Ayoko lang ma-experience ng baby ko na . . ."

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko. Pagsilip ko kay Gina, wala na ang nang-aasar niyang tingin sa akin. Sumeryoso na rin siya.

I always told myself that my family wasn't really broken. But people around us see my parents as irresponsible and impulsive.

My dad married another lady. Misogynists find that normal since a lot of men in this country are doing that. Na dahil lalaki naman at hiwalay na sa asawa, puwede nang mag-asawa ng iba. But my mom's partner is another girl. None of them looked like guys, na stereotypical for some na dapat isa sa kanila, mukhang lalaki just to inform people indirectly na may "masculine" sa kanilang dalawa. But really, if masculinity is the parameter of their relationship, mom will automatically be the guy.

I just took everything before na baka nagustuhan ni Mommy si Daddy kasi softie si Daddy and something she wanted to protect.

"If Leo will stay, I'll be thankful," I told them. "If not, we both deserve a better life with someone else."



•••



GINA WAS preparing some of the stocks na ipapa-pick up bukas. Puro lang naman iyon headgears and bulletproof vest. Mom was checking all the items sa clipboard na hawak niya habang iniisa-isa ang binibitbit ni Gina. And she was almost done.

Napapaisip ako na malamang, hindi ko makikita ito kung hindi ako buntis. Kasi malamang na lagi na ako sa hotel o kaya nasa flight na.

I was almost accepted as a flight attendant sa isang international airlines. Kaso nawala na ang chance ko. If ever na makapanganak na ako, hindi ko rin alam kung tutuloy pa ba ako as an FA kasi kailangan kong alagaan ang baby ko. Nasa college pa lang si Leo. Next, next year pa siya makaga-graduate . . . if hindi siya magsa-sacrifice ng units.

Working naman na siya, and there were times na kailangan niyang mag-focus doon—na isinasabay niya sa tulog ko minsan.

I haven't seen Leo smile or be happy for the past few months na magkasama kami. I didn't want to tell him na ipakita naman niyang masaya siya kahit peke lang. I knew him enough na kapag ayaw niya, ayaw niya.

Nasa couch ako at nanonood ng Supernatural series nang pumasok si Manang na may bitbit nang black Mochino laptop bag, white paper bag, at white blouse. Napaayos ako ng upo nang makitang pumasok si Leo pero hindi agad pumunta sa akin. Inipon niya ang triple ng dami ng binubuhat ni Gina saka iyon binuhat palabas ng bahay. Huminto si Gina sa may pintuan at pinanood si Leo na ubusin ang mga natitirang inilalabas niyang stock. Nakatingin lang ako sa kanila ni Mommy na nagpapalitan ng tingin.

Hindi ko narinig na nagsalita si Leo o kung nag-alok man ng tulong. Tatlong balikan lang niya, nagpagpag na siya ng white T-shirt niya at kamay bago lumapit sa akin, hindi man lang binati sina Mommy o nagtanong kung may ipagagawa pa ba.

"Kumain ka na?" bungad na bungad niya paglapit sa akin, pero doon siya sa likod ng couch dumaan.

Inangat ko ang kaliwang kamay ko at sinalo naman niya iyon para hawakan. That was our way of greeting each other without greeting each other.

"Kanina pa," sagot ko habang nakatingala sa kanya. "Si Manang, ipinagtira ka ng dinner. Ipainit mo na lang."

"Ako na." Saglit niyang hinagod ang buhok ko. "Sumakit ang tiyan mo?"

"Mm-mm." Umiling ako para sabihing hindi.

"Pinaakyat ko na kay Manang yung gummy bears mo. Kakain lang ako tapos paliliguan na kita."

"Okay. Sige."

Binitiwan na rin niya ako saka siya dumeretso sa dining room.

Pagtingin ko kay Gina, pasipol-sipol na naman siya at nasa labas na yata si Mommy para mag-double check ng mga inilabas ni Leo.

I still have no idea what was happening in this house until now. Pumayag si Mommy na mag-stay si Leo because Manang said so. Leo wasn't really nice to Mom, and Gina was making fun of them. I didn't know kung kanino ako kakampi every time they were clashing kasi may point si Mommy at may point din si Leo.

Kaya nga para din hindi na masyadong lumaki pa ang gulo, habang pinaliliguan ako ni Leo, kinausap ko na rin siya.

"I talked to Mom earlier. Sabi ko, huwag ka na niyang i-bully."

"Hindi mo na dapat ginawa."

Tiningnan ko siya at titig lang siya sa buhok kong pinaaagusan niya ng tubig galing sa shower head.

"Ayoko lang na nag-aaway kayo para hindi rin ako masyadong ma-stress."

Napahinto siya sa pag-asikaso sa buhok ko saka lang ako tiningnan nang deretso sa mga mata. Nagbuntonghininga lang siya saka binalikan ang pagbabanlaw sa akin.

Wala siyang sinabi hanggang sa matapos ako sa paliligo.

Ever since lumaki na ang baby bump ko at hirap na akong yumuko, si Leo na ang nagpapaligo sa akin hanggang sa makapagbihis ako.

At first, sobrang naiilang ako kasi after ng stag party kung saan may nangyari sa amin, makikita na ulit niya ang katawan kong walang kahit anong damit. But Leo didn't look like he was turned on by my body. Siguro kasi, aside sa buntis ako, hindi rin talaga niya ako type. Kahit sina Ronie, walang idea sa mga type ni Leo. Pero twice ko siyang nakitang napangisi kapag may nakakausap siyang matapang na babae.

Unfortunately, I was far from that. Isang warning glare nga lang niya, tiklop na agad ako.

He was helping me wear my undies. Then he would cover me with a towel saka ako lalagyan ng moisturizer sa katawan. Then baby powder sa likod para hindi ako nagkaka-rashes gaya rin ng sabi ng doktor since mas naging sensitive ang balat ko during my second trimester. After that, tutulungan niya akong magbihis ng maternity dress bago kami pumunta sa vanity table ko para naman i-blow dry niya ang buhok kong basa pa.

He had been doing this for two and a half months, at iniisip kong baka nagsasawa na siya sa araw-araw na ginagawa niya, yet I never heard him complain about it.

Kaunting hintay na lang, hindi na niya ito magagawa sa akin kasi manganganak na rin ako. Baka nga by that time, hindi na rin niya ako alagaan kasi may baby na kami at kaya ko na ang sarili ko n'on.

After kong maligo, lumabas na rin siya ng room ko. Kahihiga ko pa lang, tumatawag na agad siya for a video call.

Wala siyang sinasabi pero nakikita kong sine-set up niya ang camera sa stand hanggang sa mapirmi iyon at makita ko ang study table niyang napakaraming libro, folders, at papel na patong-patong. Seven dapat ang subjects niya, pero tatlo roon, na-take na niya before. Irregular student na nga siya ngayon, at ang mga subject na hindi niya tine-take ngayon ay puro may laboratory hours. Puro lang siya lectures.

Elective niya ang automotive, at ang laking factor na may associate degree siya sa applied physics kasi hindi na nga raw mahirap sa kanyang pag-aralan ang fundamentals and aerodynamics.

He was telling me all that kapag tinatanong ko kung ano ang subject niya at kung kailan ko siya puwedeng "abalahin" kasi alam ko ring hindi madali ang course na kinukuha niya. And may software programs pa siyang mino-monitor every now and then dahil doon siya kumukuha ng income niya.

Leo is a busy guy. He's hardworking and responsible. Iyon lang, hindi siya people-pleaser. But I still managed to see the good in him, despite his coldness.

I was watching him do his homework, and the next thing I knew, I left my phone open, and it was beeping, saying it was on low battery and I had to charge it.

The video call was still on, but all I could see was a dark screen.

"Leo?"

The phone moved, and the lights went on. I saw Leo's face, scowling as he combed his hair using his fingers. Nagising ko yata siya.

"Nakatulog ako," sabi ko sa kanya. "Low batt na ang phone ko. Papatayin ko na, ha?"

Humikab siya saka nakapikit na tumango. Pinatay na niya ang call kaya inilapag ko na iyon sa side table. Hindi pa ako nakakabalik nang maayos sa higaan, bumukas na ang pinto ng room ko at himas-himas ni Leo ang batok niya nang lumapit sa akin.

Nakasimangot lang siya, pero hindi siya mukhang galit. Parang naabala ko talaga sa tulog niya. Kinumutan na niya ako nang maayos saka niya kinuha sa drawer ko ang charger at phone kong nasa side table. Saglit siyang naupo sa gilid ng table ng kama at isinaksak doon ang phone kong low batt na.

"Sorry, nagising ba kita?" mahinang tanong ko habang nakaupo lang siya sa sahig at nakayuko.

Umurong siya sa tabi ng kama ko at ipinatong ang ulo niya sa gilid. Hinawakan ko ang pisngi niya at hinagod ang buhok.

"Tulog ka na ulit sa kuwarto mo," sabi ko.

"Mm." Saglit siyang tumango habang nakapikit pero hindi naman kumilos.

"Leo . . ."

"Mm."

"Sige na. Bawi ka ng tulog mo."

Kinuha niya ang kamay kong idinampi ko sa pisngi niya saka iyon saglit na hinalikan. Kusa na lang akong napangiti at saglit na uminit ang sarili kong pisngi nang maramdaman ko ang labi niya sa palad ko.

"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka," paalala niya.

"Sige."

Tumayo na rin siya saka humihikab na naglakad palabas ng kuwarto ko.

Kahit anong pigil ko sa ngiti ko, ayaw pa ring mawala. Napatakip na lang tuloy ako ng kumot sa buong mukha habang inaalala ang nangyari.



•••




ANOTHER MORNING na umaasa akong okay na sina Mommy at Leo kasi pareho ko naman na silang nakausap. Last night, tinulungan pa sila ni Leo without them saying anything negative, so I guess that was a good start. But not all expectations are meant to be met.

"Manang?"

I was brushing my teeth when the water from my bathroom sink stopped flowing. Tiningnan ko pa sa shower, wala ring tubig. Kahit sa dalawa pang faucet, wala rin.

"Manang?"

May bula pa ang bibig ko habang hawak-hawak ang toothbrush nang bumaba.

Tumingin din ako sa kitchen, wala si Manang. Ibinuga ko roon ang bula sa bibig ko bago ako pumunta sa maid's quarters na karugtong ng hallway mula sa pantry at sa laundry area.

Pagliko ko, nagulat ako kasi likod ni Mommy ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa kasi tumutulo pa ang buhok niyang naka-hairclip na malaki, naka-towel lang din, at parang naliligo pa pero wala rin yatang tubig sa kanila. Yakap niya mula sa likod si Gina na isa ring naka-towel at may kagat ding toothbrush gaya ko.

"Mom? Gina?" Paglakad ko sa hallway, natigilan ako nang makita kong nandoon si Leo nakaupo sa white elevated platform na lalagyan ng mga halaman. Nakabalot ng towel ang balikat niya at may bula pa sa buhok. Naka-towel lang din siya habang nakatingin sa akin.

Masosorpresa sana akong nakakaya nilang lumabas nang naka-towel lang, pero mas marami pa nga silang ipinakikitang balat kapag nasa pool kami kaya hindi na rin ako nagtaka.

"Wala ring tubig sa room mo?" tanong ko saka lumapit sa kanya.

Inalok ni Leo ang kamay niya na kinuha ko rin.

"Sabi ni Manang, may tubig siya rito sa drum niya. Lilinisin lang daw muna niya yung paliguan sa loob," paliwanag ni Leo at marahan akong pinalapit sa kanya. "May water interruption daw talaga ngayon, late nang na-announce." Pinasada niya ang hinlalaki niya sa gilid ng labi kong may bula pa saka ipinunas sa towel na nasa balikat niya.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Leo na kalmado lang at mukhang hindi pa nagsasalubong ang init ng ulo nila ni Mommy.

"Bakit ang aga mong magising? Six pa lang, a." Tiningnan na naman niya ang mga daliri ko sa kamay na namamanas. Hindi pa mahaba ang kuko ko. Wala pa siyang guguputin.

"Nag-breakfast ka na?" tanong ko na lang.

"Hindi pa. Kababalik ko lang sa jogging. Binilhan kita ng almusal. Nasa mesa na."

Kahit gusto kong tumingin lang sa mukha ni Leo, hindi maiwasan ng mata kong bumaba ang tingin. Minsan lang kasi siya lumabas nang walang pang-itaas na suot. Napapailag agad ako ng tingin kapag mas bumababa pa ang mata ko.

Leo's body is something na malayo sa katawan ng mga nanligaw sa akin. Probably because they didn't like gyms and exercises kasi mga college boy lang. Kung hindi man, mga 30s na single pa rin at hindi rin mahilig mag-exercise.

But Leo's barkada has a potential gym instructor and a dietitian. Even Clark knew medical whatevers. Sobrang maintained ng katawan niya. Hindi naman for body-building, but enough para masabing tinutunaw niya ang fats sa mga part na madalas magkaroon ng fats and converted na ang mga iyon into firm muscles.

If only his attitude, at least, landed on the good side. We really can't have it all.

"Hindi mo kailangang hawakan si Kyline. Hindi naman 'yan mawawala," sita ni Mommy na yakap naman si Gina.

Napatingin tuloy ako sa kanang kamay kong hawak ni Leo sunod sa mukha nito.

Umirap na naman si Leo saka masungit na nagbuntonghininga.

Akala ko, sasagot na naman kay Mommy pero lalo pa akong hinatak palapit sa kanya at kinuha ang toothbrush ko. Saglit niyang kinagat ang handle ng toothbrush at kinuha ang magkabila kong kamay para ipalibot sa may balikat niya.

Pagkatapos n'on, saka niya kinuha sa bibig ang toothbrush ko at iyon ang hinawakan niya habang ang isang kamay ay nasa gilid nakapatong, katabi ng cactus pot.

Para akong pinigilan sa paghinga at papikit-pikit sa kanya. Ang talim ng tingin niya kay Mommy sabay irap.

Oh my gosh.

Gina chuckled and bit her toothbrush in a playful manner. I gripped my hands tightly when I saw my Mom laugh bitterly and smirk.

"Nang-aasar ka ba?" hamon ni Mommy.

Hindi sumagot si Leo, nakatingin lang sa pinto ng bathroom sa maid's quarters.

"Wala ka talagang galang."

Marahang ipinaling ni Leo ang mukha niya sa direksiyon nina Mommy, bahagyang nakataas, bagay na ginagawa niya kapag nagmamalaki. Napalunok na lang ako sa talim ng tingin niya sa mommy ko. Pero ang mas hindi ko inasahan, bigla siyang ngumisi para mang-inis saka umirap na naman.

Hindi ko na alam kung maguguwapuhan ba ako sa ginagawa niyang pang-iinis sa mommy ko o kakabahan kasi nga nagagawa niya ito kay Mommy.

"Aba . . ." mahinang sinabi ni Gina, at mukhang kahit siya, parang ready nang makipag-away kay Leo kahit nakangisi.

"Leo . . ." Inawat ko na si Leo bago pa siya makaimik.

"O, sino ang unang gagamit?"

Nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ang pinto sa gilid namin at lumabas si Manang na may dala-dala nang baldeng maraming lamang damit.

"Sila na muna, Manang," sabi agad ni Leo.

"Sigurado ka?" tanong din ni Manang.

"Opo."

Kinakabahan akong napatingin kina Mommy at Gina. Nakangisi lang sila at tinatarayan ang kaharap ko.

"Ipagdasal mong tirhan ka namin ng tubig para sa paliligo mo," banta ni Mommy saka tinaasan ng kilay si Leo.

"Kung ikaw si Kyline, kahit lumuhod pa 'ko."

Parang kusa nang nanabunot ang kamay ko sa buhok niya dahil doon habang pinandidilatan siya ng mata.

"Huy, Leo!" malakas na bulong ko.

Napasipol lang si Gina at patawa-tawa naman si Manang sa likod ko.

My God . . .

Ano ba kasi'ng issue ni Mommy at ni Leo? Hindi ba sila puwedeng mag-usap nang hindi nagtatalo?



♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top