15. Letting Go
I dreamed of having a baby girl when I was in high school tapos si Leo ang daddy. Titira kami sa cute house na malapit sa lake or beach. And we would make a beautiful family, like I expected.
But having a child was not easy. I was having a baby boy. Leo might be the father, but he wasn't what I was expecting him to be. Nasa bahay kami ng parents ko, and family were far from reality, like what I had dreamed of.
Every fragment of my high school dream was shattered by my reality, which pierced me like broken glass day by day. The emotional pain was as unbearable as the physical pain I was experiencing. And what was worse? I had no medicine to relieve the pain. And enduring it every night was a punishment I never wanted to experience.
Nakaupo ako sa loob ng porcelain tub, nakapikit nang sobrang diin. At kahit anong breathing exercise ang gawin ko, ayaw humupa ng stomach cramps ko.
27 weeks, and there was a one-pound baby inside me.
Normal lang daw ang cramps sa buntis, pero feeling ko, hindi normal ang nararamdaman ko.
I was having these cramps during my 16 weeks, lalo sa itaas ng tiyan, and like what the doctor said, ganoon daw talaga kasi nagpu-push daw ang uterus hanggang sa ribs habang lumalaki ang baby.
Nagkaka-headache ako before, pero ang headache ko ngayon, sumasabay sa stomach cramps. Ang sakit din ng likod ko, ilang beses akong muntik nang masuka. Nahihiya ako kapag nakikita ni Leo na namamanas ang mga paa at kamay ko, minsan ang mukha ko; parang ina-allergy na hindi ko masabi.
"Kyline?"
Every night since mid-June, naaabutan ako ni Leo sa bathroom. Doon ako umiiyak sa sakit. Kahit nasa guest room siya natutulog, dumadaan siya sa kuwarto ko, saka lang niya malalaman na wala ako roon at nasa bathroom, nagmumukmok.
Madalas kasi, nasusuka ako o kaya feeling ko, parang makukunan na ako sa sobrang sakit ng tiyan, to the point na doble ang pain sa normal dysmenorrhea.
"Masakit na naman ang tiyan mo?"
Tumango lang ako sa kanya. Saglit niya akong iniwan habang unti-unti nang humuhupa ang sakit na hindi ko alam kung gaano katagal kong tiniis ngayong gabi.
Kumikirot pa rin at ayaw mawala ng paninindig ng balahibo ko. Parang pinupunit ang laman ko habang tinutusok ng kung anong matulis. If not, parang pinipilipit naman.
"Come here."
Inalalayan ako ni Leo patayo at pinaupo niya ako sa vanity stool saka siya lumuhod sa harapan ko.
Kunot na kunot ang noo ko habang tiniitis ang papahupa nang sakit. Mas kaya nang tiisin kaysa kanina.
Naramdaman kong pinupunasan ni Leo ang noo kong butil-butil ang pawis simula pa kaninang pumunta ako sa bathroom.
"Aalisin ko muna 'tong damit mo." Saglit kong itinaas ang magkabila kong braso para mahubad niya nang maayos. Maingat niyang inangat ang tricot knit nightgown na suot ko. Kung alam ko lang, sana manipis na lang ang isinuot kong dress.
Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko nang mahanginan nang bahagya ang katawan kong nababad sa pawis.
"Masakit pa rin ba?"
Tumango lang ako sa tanong niya habang nakapikit. Inipon niya sa kanang balikat ang buhok ko at saka niya pinunasan ng towel ang likod kong patuyo na sana ng pawis.
Saglit siyang huminto, nagbukas ng sink, at pagbalik niya, basang towel na ang ipinamumunas sa akin.
"Inaantok ako . . ." mahina kong sinabi habang humihikbi.
"Pagkatapos nito, matutulog na tayo."
Para akong batang hinihilamusan habang tinitiis ang sakit na unti-unti na rin namang nawawala.
May mga gabing ganito kami, may mga gabing tahimik lang akong natutulog. Pero ayoko talaga ng mga ganitong klase na kahit gusto kong matulog, ayaw akong patulugin ng sakit.
Binalot ako ni Leo ng bath towel at akay-akay ako hanggang sa kama. Ihihiga na sana ulit niya ako pero humindi agad ako. Ang hirap kasing bumangon kapag sumasakit na naman ang tiyan ko.
Saglit siyang umalis at pagbalik, may bagong dress na siyang dala.
"Alas-dos pa lang, sana tumawag ka kanina kung sumasakit ang tiyan mo. O kaya kinatok mo 'ko sa kabilang kuwarto."
Hindi ko siya sinagot. Sa sobrang bigat ng ulo ko, ayoko na lang magsalita.
Binihisan na ulit niya ako at inayos ako ng pagkakaupo sa kama. Sumampa ulit siya roon. At gaya ng nakasanayan na naming dalawa, isinandal na naman niya ako sa may dibdib niya at hinawakan niya ang mga kamay ko—o hinayaan niya akong hawakan ang kamay niya.
Sa ganoong paraan kasi, kapag humihigpit ang kuyom ko sa kamay ko, nalalaman niyang may masakit sa akin na hindi ko kayang sabihin.
Sa mga ganitong pagkakataon, nagagawa naming maintindihan ang isa't isa kahit wala naman sa aming nagsasalita.
Lalong bumigat ang pakiramdam ng katawan ko hanggang sa makatulugan ang natitiis ko nang sakit habang nakasandal sa kanya.
♥♥♥
"KUMAIN KA na?"
"Kakatapos lang."
"Ano'ng kinain mo?"
"Nilutuan ako ni Manang ng bulalo. May itinabi siya for you. Ire-reheat na lang daw niya pag-uwi mo."
Nakatingin ako sa screen ng phone habang nasa garden at nagmemeryenda. May pasok si Leo. Dalawang subject sa afternoon class, may one hour na pagitan. Isang 1 p.m. to 3 p.m. saka isang 4 p.m. to 5p.m. Sa Tuesday na ulit ang pasok niya. Friday naman na, rest day na niya ulit.
"Nilutuan ako ni Manang ng rice pudding para sa meryenda. Sabi ko, tabihan ka rin."
Sabay kaming nagmemeryenda. Kumakain ako ng parang lugaw na matamis. Sabi ni Manang, ginataang munggo raw ito para nakakakain ako ng may beans. Si Leo naman, may kinakain siyang haluhalo saka turon. Mag-isa siyang nakatambay sa ilalim ng puno. May cemented table doon at doon siya nakapuwesto habang naghihintay ng 4 p.m. class niya. Nakasandal na naman ang phone niya sa bag, pero this time, mas tahimik na siyang nakakakain saka wala rin siyang nire-review.
"Nag-chat si Ronie sa IG. Dadaan daw sila sa bahay bukas," kuwento ko.
"Sabi nga niya."
"Tinatanong niya ako kung ano raw ang name ng baby natin."
Nakayuko lang si Leo habang hinahalo ang meryenda niya.
Hindi pa namin napag-uusapan ang name ng baby namin. Basta alam lang naming dalawa, lalaki ang anak ko.
"Si Clark pala, may suggest—"
"Ano'ng gusto mong pangalan?" putol niya.
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko at natitigan siya. Nawala ang salita ko kasi nakatitig siya sa akin, naghihintay. Parang sandaling huminto ang lahat habang nakikita kong hindi siya nag-iiwas ng tingin.
Sa sandaling 'yon, feeling ko, ako lang ang nakikita niya.
"Maayos naman ang signal ko, di ba?" tanong niya.
"H-Ha?"
"Narinig mo ba 'ko?"
"O-Oo. Oo . . . narinig ko. Ano . . ." Ako ang hindi nakatagal sa pagtingin sa screen at kagat-kagat ang dulo ng kutsara habang nakatanaw sa malayo. "Gusto kong name yung name sana ng baby brother ko. Gusto ko, Eugene. Yung room ko, dati may 'Kyline' na name plate doon. Then sa room mo, may 'Eugene' naman. Kaso pinatanggal na ni Mommy after nilang maghiwalay ni Daddy. Kaya guest room na lang 'yon ngayon. Ikaw?"
"Sige, Eugene na lang."
Tiningnan ko na siya kasi nasa haluhalo na ang tingin niya.
"Ayaw mong magdagdag?" tanong ko.
"Mas okay na 'yon para hindi mahirap lakarin kapag kukuha ng documents."
Leo didn't look excited about it. Noon, iniisip ko pa lang ang ipapangalan namin sa magiging mga anak namin, nae-excite na ako. Gusto ko sanang Charlize kasi ang meaning ay "free man" o kaya Everleigh. Kaso hindi babae ang anak ko, at hindi na rin ako excited sa pagpapangalan.
Malayo ang Dolleton sa PLM. Nagko-commute dati si Leo, pero bumili na siya ng motor para mabilis ang biyahe. Ayaw raw niya ng four wheels kung papasok kasi sobrang mahirap daw sa biyahe. Alam ko rin naman. Kahit mag-commute, kahit mag-personal car, mahirap talagang maipit sa traffic.
Seven-thirty na siya nakauwi. Naghuhugas na nga si Manang ng pinagkainan namin nang dumating siya. Nakasalubong ko pa habang may dala akong leche flan na nasa ramekin.
"Kumain ka na?" tanong niya.
"Um-hm." Lumapit agad siya sa akin saka hinawakan ang tiyan ko. "Hindi sumakit ang tiyan mo?"
"Hindi." Tiningnan ko ang mukha niya, sunod ang pink paper bag na dala niya sa isang kamay. Saglit akong natigilan habang nakatitig doon. Bigla akong nalungkot kasi mukhang galing sa babae ang dala niya.
"May . . . dinaanan ka?" naiilang na tanong ko at pilit hinuli ang tingin niya.
"Hinatid namin ang kinakapatid ni Calvin sa airport. May training siya sa New York kaya baka matagalan siya sa pagbalik." Itinaas niya ang paper bag para makita ko. "Nagpagawa ako ng cake. Gusto mo?"
Hindi ko alam kung paano ngingiti sa kanya. Nagpagawa siya ng cake. "Babae ang gumawa?"
"Si Melanie 'yon."
"Melanie . . ." Si Mel Vizcarra ba ang tinutukoy niya? May classmate din kasi akong Melanie pero Aguas naman ang surname.
Pumunta agad kami sa kitchen at doon namin tiningnan ang pasalubong ni Leo.
Box pa lang na may clear plastic sa cover, kita na ang design. It was a dedication cake, hindi nga lang malaki. Good for two people lang ang size at sinlaki lang ng dobleng cupcake.
"Blueberry cake 'to." Hindi na iyon inilabas ni Leo nang makita niya ang kinakain kong leche flan. "Si Manang ang gumawa niyan?"
"Mm-hm."
"Bukas mo na 'to kainin. Ilalagay ko na lang sa ref."
"Puwede namang—"
"Huwag kang puro matamis, matutulog ka na maya-maya."
Hindi na ako nakasagot. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kitchen area.
"Ay, tikbalang!" tili ni Manang doon. "Nakauwi ka na palang bata ka!"
Nakarinig pa ako ng hampas doon kaya sumilip ako nang kaunti.
"Sorry ho, nagulat ko ba kayo?"
"Ay, sus Ginoo! Akala ko pa naman, magkausap kayo sa call ni Belle!"
"Pasensiya na ho. Ilalagay ko lang ho sana ito sa ref."
"Ako na at alagaan mo ang asawa mo diyan sa labas."
"Sige ho, salamat ho."
Kapag si Manang ang nagsasabi kay Leo na "asawa" niya ako, hindi ko naririnig na tumatanggi si Leo. Iniisip ko na lang na baka ayaw niyang pagalitan siya ni Manang kapag tumanggi siya.
Bumalik na si Leo sa dining area saka ako pinaupo roon kahit na sa garden ko sana gustong kumain kaya nga ako lalabas. Naupo siya sa tabi ko at ipinatong ang kaliwang kamay niya sa sandalan ng dining chair kung saan ako nakaupo.
"Nag-chat pala mama mo. By next week daw, uuwi na sila," sabi niya na tinanguan ko naman.
"Sinabi rin sa akin kaninang pag-alis mo," sabi ko. "Tumawag sa phone. Si Manang ang nakasagot."
"Baka bumalik na ako sa apartment kapag nakabalik na sila."
Natigil ang pagsandok ko sa leche flan at tinitigan ang ramekin.
Napalunok ako. Although, ine-expect ko na kasi malamang na hindi siya patatagalin dito ni Mommy, pero . . .
"Dadalawin na lang ulit kita tuwing umaga bago ako pumasok."
Hindi na ako nagsalita. Kahit gusto ko sana siyang piliting baguhin ang desisyon niya, malamang na hindi rin niya ako pakikinggan.
"Dalhin mo lagi ang phone mo para matatawagan kita any time."
At that moment, saka ko lang naramdaman na ayoko nang hawakan ang phone ko.
Sa sobrang sama ng loob ko,sinabi ko sa sarili kong hindi ko muna hahawakan ang phone ko sa susunod nalinggo.
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top