14. Loveless Days


"Kumain ka na?"

"Hindi pa. Waiting kay Manang."

Nasa uni si Leo kasi exam. It was supposed to be a morning schedule, but their professor moved it to lunch kaya nauna na si Leo na mag-lunch bago ang 11 a.m. exam niya. That subject took three hours, and he said he would go home after that.

His phone was placed in front of him. I could even see the strap of his bag na ginagawa niyang sandalan ng phone para makapag-video call kami nang hindi niya hawak ang phone niya.

He was eating inside a small eatery outside the campus. Palakad-lakad ang ibang mga student sa paligid niya at sobrang ingay roon kahit pa naka-earphone siya. Aside from that, nakatabi sa plato niya ang reviewer niyang tatlong page na compressed pa at maliliit ang sulat. Nagbabasa siya roon, then susubo saka titingin sa paligid kapag may nagsisigawan at tumatawang mga estudyante bago babalikan ang nire-review.

Hindi ko kayang mag-focus sa ganoong lugar habang may kausap. Ako ang nahihirapan sa kanya.

"You can drop this call para hindi ka maistorbo sa review," sabi ko.

"Sabihin mo kay Manang, padamihan ng sabaw ang pagkain mo. Saka bigyan ka ng citrus."

Hindi na naman niya pinansin ang sinasabi ko.

"Belle, kakain na."

Napatingin ako sa may pintuan nang sumilip doon si Manang.

"Sige po." Tiningnan ko ang screen ng phone ko para magpaalam kay Leo. "Kakain na ako. Papatayin ko na 'tong—"

"Kumain ka lang. Hayaan mo 'tong call."

Matipid lang akong ngumiti saka tumango. "Okay."

It was almost the end of my second trimester, and my baby bump was visibly showing kaya naka-maternity dress na ako. It felt like I was carrying another pound in my tummy. Sabi ni Manang saka ni Will, maglakad-lakad daw ako lagi para hindi ako masyadong nagka-cramps.

Hindi ko pa rin ibinababa ang video call pero wala ni isa sa amin ni Leo ang nagsasalita. It's been more than a month since we started this setup. Leo was still cold, but he was responsible. Sa sobrang drained na kami sa presensya ng isa't isa, parang hindi na matandaan ng feelings ko na nagustuhan ko siya noon.

If loving him is an activity, then I'm tired of doing it. Probably because he let me feel that he was frustrating to love, and I meant not to exhaust myself. Until we ended up having each other out of the necessity of being together temporarily.

"Nandiyan ba si Manang?" tanong ni Leo habang sinisimulan ko nang kainin ang nilutong beef soup saka beef steak ni Manang.

"Bakit daw?" tanong ni Manang nang marinig siya. Sumilip pa si Manang sa phone ko na nakalagay sa phone stand. Naabutan niya si Leo na nasa ibaba ang view ng camera at naglalakad, pabalik siguro sa campus. "Ano 'yon, hijo?"

"Paayos ho ng buhok ni Kyline. Kanina ko pa sinasabihang magtali 'yan bago kumain, ayaw sumunod."

Natawa nang mahina si Manang pero napasimangot ako. Ang alam ko kasi, magpapatay na ako ng call bago ako kumain. Hindi naman niya kasi makikita 'yon. Ang kaso, ayaw nga niyang ipapatay ang call.

"Ito na, aayusin ko na," natatawang sinabi ni Manang at humugot ng hair band niya sa may wrist.

Pasubo-subo lang ako habang tinatalian sa buhok.

"Saka, Manang, yung vitamins ho ni Kyline. Paki-ready diyan sa table. Baka makalimutan na namang inumin."

"Naka-ready na," sagot ni Manang.

"Three pa ho ako makakauwi. Magte-text ho ako, patimpla ng gatas niya mamayang alas-dos. Pabantay rin kasi baka lumamig, hindi na naman niya ubusin. Laging nagtitira, wala namang ibang iinom niyan."

"Sige, babantayan ko."

"Saka kapag ho dumoon na naman sa garden, huwag siya sa mainit. Nagkabungang-araw 'yan last week. Sinabi nang huwag magbibilad sa may pool."

"Nasa harapan mo lang, anak, o!" Tinuro-turo pa ako ni Manang sa pisngi. "Ikaw ang magsabi sa kanya!"

"Papasok na ho ako, Manang. Kapag ho natulog, pasabihan ako kasi baka tumawag ako, hindi niya masagot."

Biglang namatay ang call pagpasok na pagpasok niya sa loob ng building.

"Itong batang 'to talaga, lahat kailangang ipadaan sa akin?" Si Manang na ang nag-off ng phone ko saka maayos na inilapag sa table. "Hindi mo mawari kung nag-aalala ba o nanenermon. Ay, sus!"

Manang looked at me as if she were refraining from laughing. "Ang daddy mo, malayo diyan sa ugali niyan ni Leo. Kahit mommy mo, hindi ganiyan."

"Sorry po, Manang," sabi ko at napanguso habang ngumunguya.

Leo was doing things none of us could explain or predict. He was still cold and was still avoiding talking to me directly if he wanted me to do things, but he didn't want to tell me directly. Sabi ko nga, puwede niya namang sabihin sa akin nang direkta, pero lagi niyang kinakausap si Manang . . . nang nakaharap ako.

Noong una, nao-offend ako na hindi niya ako sinasagot sa tanong ko, pero kapag si Manang, mabilis pa siyang magsalita kahit hindi pa tapos ang tinatanong.

Nasanay na lang din ako sa ganoong ugali niya, lalo pa't halos lahat ng sagot niya, tungkol din naman sa akin.

Habang wala siya, binisita ko ulit ang nursery ng magiging baby namin. Katabi iyon ng room ko. Isang pinto rin ang layo sa guest room kung saan naka-stay si Leo pansamantala.

Puno na ng playmat ang sahig. Shades of blue ang napili niyang kulay—na suggestion ni Ronie at pumayag ako kasi ang cute ng colors. Computer-related ang course ni Clark pero siya ang nag-design ng interior ng buong room. And Clark didn't look like someone who could put up a cute concept like what he did to my baby's nursery room.

Light shades of blue ng polka dots and hot air balloon ang design ng wallpaper. May apat na bean bags na apat ding shades ng blue. May white bunnies and teddies pang nakaupo sa sahig na gift ni Ronie para sa baby. Si Patrick naman, nakipag-collaborate kay Clark para gumawa ng race car baby crib. White ang railings na may thin rubber cover at ang magkabilang end ay hood saka trunk ng blue car.

May round bed canopy rin na cover ng crib. Light blue silhouette iyon at may ilang cushioned stars na nakasabit.

Si Calvin ang namili ng mga painting na bagay sa hue ng wallpaper at si Will naman ang nag-assist sa kanilang lahat para mag-ayos ng interior.

Wala nga silang katulong na helper sa pag-ayos ng buong nursery. Sila-sila lang ang gumawa ng halos lahat.

Kapag naiisip kong lalabas na ang baby ko a few months from now, natatakot na nae-excite ako. Hinawakan ko ang tiyan kong malaki-laki na ang umbok saka yumuko para kausapin ang baby ko.

"Mababait ang mga ninong mo, baby. Malamang na matutuwa sila paglabas mo."

Kapag wala akong ginagawa, kung hindi ako sa garden, sa nursery ako tumatambay. At dahil napagalitan na rin ni Leo si Manang sa paglabas ko sa garden, sa nursery na lang ako nag-stay.

Sumandal ako sa pader at nagpatong ng unan sa bandang hita.

Nagbabasa-basa ako roon ng children's book at hindi ko na rin namalayang nakatulugan ko na kung hindi pa ako ginising.

"Kyline."

"Hmm." Papikit-pikit pa ako at nakasimangot nang lumingon-lingon sa paligid. "Leo?"

"Bakit hindi ka nahiga? Tumayo ka na diyan?" Hinawakan niya ako sa kamay saka ako inalalayang tumayo.

"Nakatulog ako," sabi ko habang nakapikit pa at lalong inantok nang gisingin niya.

Gusto ko pang matulog.

"Oo nga, nakatulog ka nga. Nakaupo ka na naman."

"Ang hirap kasing bumangon," reklamo ko nang palabas na kami ng nursery.

Feeling ko, ang tamad ko. Kapag kasi nahihiga ako, lalo kapag nap lang, hirap na hirap akong bumangon. Parang nabibigatan ako sa sarili ko.

"Tapos na exam mo?" tanong ko, sinisilip ang mukha ni Leo kahit na inaantok pa rin ako.

"Kanina pa."

"Sana mataas ang score mo. Ang ingay kanina sa kinainan mo."

"Natural lang 'yon."

Siya na ang nagbukas ng pinto ng kuwarto ko saka ako inakay papasok doon.

"Uminom ka na ng gatas mo?" tanong niya.

Tumango naman ako habang nakapikit at nakanguso.

"Vitamins?"

Tumango ulit ako.

"Nasaan ang phone mo?"

"Sa drawer."

"Bakit hindi mo dala?"

"May exam ka, e. Saka akala ko, hindi ako makakatulog kasi nagbabasa ako."

"Dapat dalhin mo pa rin."

Sa totoo lang, ayokong dalhin kasi baka magtanong lang ako nang magtanong tungkol sa exam niya kung kumusta na. Hindi ko kasi alam kung nakapag-review ba siya nang maayos sa sobrang gulo ng paligid niya tapos kausap pa ako.

Paglapit sa kama, inurong agad ni Leo ang pink silk cover ng bed canopy ko para iupo ako roon.

"Sasandal na lang ako, ayokong mahiga." Pinagpatong-patong ko ang mga unan ko pero hindi umabot sa ulo kaya halos tumingala ako habang nakapikit at nakadikit ang ulo sa mataas na headboard.

Antok na antok ako kapag ganitong oras ng hapon. Minsan lang ako hindi antukin. Kapag may ginagawa akong masaya. Pero minsan lang 'yon kasi sobrang boring madalas sa bahay.

Ang hirap pala kapag buntis. Hindi naman ako antukin dati. Ni hindi nga ako natutulog halos noon sa dami ng kina-cram sa school.

"Kyline."

"Hmm?" Napadilat na naman ako nang may humatak nang marahan sa braso ko.

"Umurong ka," utos ni Leo.

"Bakit?"

Hindi niya ako sinagot pero umurong din ako paharap.

Akala ko kung ano ang gagawin ni Leo. Inalis niya kasi ang ibang unan na sinasandalan ko. Pagsampa niya sa kama, inilagay niya ang magkabilang binti niya sa magkabilang gilid ko. Saka niya ako binuhat mula sa kilikili na parang wala akong kabigat-bigat, saka niya ako inilapit sa kanya.

Inalis niya ang hair band na pahiram ni Manang saka ipinaling sa kanang balikat ang lahat ng buhok ko.

"Sumakit ba ang tiyan mo?" tanong niya bago niya ako ipinasandal sa dibdib niya.

"Nope." Pinigil kong mapangiti nang maamoy ulit siya. Halatang bagong bihis dahil sa amoy ng humidifier na katabi ng closet niya.

"Sasabihin ko sa daddy mo, magpapakabit ako ng phone sa nursery para puwede akong tumawag doon."

Isinandal ko ang ulo ko hanggang sa tumama ang sentido ko sa ibaba ng panga niya bago pumikit.

"Mahirap ang exam mo?" tanong ko, bumibigat na naman ang katawan, parang sinasadya akong patulugin sa kanya.

Hindi pa rin niya ako sinagot pero ayos lang. Ang komportableng mahiga sa kanya. Ganito siya kapag mas gusto kong maupo matulog. Ginagawa ko siyang higaan kasi siya naman ang may gusto, para hindi nga raw ako mangalay.

Saglit akong sumilip sa maliit na pagkakabukas ng mata ko nang maramdamang iniisa-isa niyang hawakan ang mga daliri ko sa kaliwang kamay.

"Gugupitan na kita ng kuko bukas. Huwag ka munang magpa-pedicure, baka masuka ka na naman sa amoy ng chemicals."

"Okay."

Leo was still cold . . . but he could enumerate all things na kahit ako, nakakalimutan ko kahit araw-araw namang ginagawa.

"Matulog ka na. Ako na ang magbabangon sa 'yo mamaya."

Maybe we were both tired of trying to like each other because of what happened between us. And those tiring and loveless days were the same days when Leo took care of me the most.

Like my mom used to say, love that person who still stays with you even if you're not in your loveable days. Emotions are temporary, commitment is continual.

Leo might not love me the way I loved him before, and I didn't love him as much as I did back then. But these were the days when we didn't love each other that deeply, and these were the same days when he showed me that staying with me was a lot better than loving me.

Actions still speak louderthan words, and his actions were still louder than his intentional silence.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top