13. Peers


Leo's barkada is a group of good boys trying "hard" to be bad. Kung tutuusin, para lang silang mga batang naglalaro sa playground, not minding if their environment was way worse than what they had imagined.

Will was playing music from our music player. We Found Love by Rihanna had a nice beat for us to dance to. Nasa visitor's lounge kami pero nakatabi ang mga mesa at magsasayaw raw.

Sabi ni Will, maganda raw para sa buntis ang gagawin namin para hindi ako madalas mag-cramps.

Three steps going to the right, then clap. Three steps going to the left, then clap. Saka iikot at papalakpak ulit.

Hinahanap ko si Patrick. Wala raw siya kasi may family meeting. Sayang at hindi sila kompleto. Ang kulit pa naman nina Clark.

"Energy! One, two, three, pak!"

I was wearing a strappy peach dress. Hindi halata ang tiyan ko na hindi pa naman malaki. Kaso hindi ako makagalaw nang gaya ng kay Clark kaya tinatawanan ko na lang siya.

It's been . . . four months since may bumisita sa bahay na hindi si Leo. I was expecting my "friends" to visit me, kahit man lang daanan ako sa gate, kahit na hindi sila pumasok . . . but no one went here aside from these boys.

And it was the first time I laughed so hard since that tragic event.

"Tao?" pasigaw nang tanong ni Clark.

"Hindi!"

They were playing the Pinoy Henyo version of charade, and Calvin was his partner. Nakaupo sila sa magkahiwalay na single-seat sofa at sobrang layo nila sa isa't isa kung tutuusin. Nakaupo naman kami sa couch, nasa gitna ako nina Ronie at Leo.

"Hayop?" sigaw na naman ni Clark.

"Oo!"

"Ikaw?"

"'Tang ina ka—" Biglang hinubad ni Calvin ang isang moccasin niya at akmang ibabato kay Clark.

Tawa nang tawa si Will na may hawak ng timer.

"Hayop nga! Pota! Lima paa?"

"Gago! Maghanap ka ng hayop na lima paa, puta ka!"

"Tinatanong nga, e!"

"Ayusin mo tanong mo, ibabato ko 'tong sofa sa 'yo!"

"Apat!"

"Oo!"

"Gorilla?"

"'Tang ina, ilayo n'yo nga ako rito, baka mapatay ko 'to!" Napatayo na si Calvin habang kakamot-kamot ng ulo. "Gorilla, gago ka ba? Apat ba paa n'on?"

"Kabayo?"

"Hinde! Puta ka, 'sarap mong sipain!"

"Aso?"

"Hindi nga!"

"Pusa?"

"Hindi!"

"Platypus?"

Saka ko lang narinig ang halakhak ni Ronie dahil sa sagot ni Clark.

"Hindi nga! 'Tang ina! Ambobo amputa." Paikot-ikot na si Calvin sa upuan niya habang tawa kami nang tawa sa kanila.

"Naglalakad?"

"Gago!" mura na naman ni Calvin. "Apat na paa, gusto mo lumipad?"

"Lumilipad kaya yung penguin!" sagot naman ni Clark.

"Bobo! Gusto mong ikaw ang batuhin ko ng penguin, gago ka ba?"

Naluluha na ako sa katatawa habang nauubo.

"Times up na!" sigaw ni Will na natatawa rin nang ipakita ang screen ng phone niya kung nasaan ang pinahuhulaan.

"Unicorn?" di-makapaniwalang tanong ni Clark. "Gago, nagsabi na 'ko ng kabayo kanina! Ambobo mo naman, Calvin Dy! Hindi ka pa ba nakakakita ng unicorn?" Pinagbabato tuloy niya ng throw pillow si Calvin hanggang sa nauwi sa hampasan ng unan ang asaran nila.

Sobrang tight ng barkada nila. They really made time kahit na sa kanilang lahat, si Leo na lang ang natitirang hindi pa graduate.

Whole day, ang inaasahan ko, tatambay lang ako sa garden at magbababad online, pero heto sila at dito sa bahay ginagawa ang usual nilang bonding time.

"Working ka na, Ronie?" tanong ko habang nagdi-dinner na kami.

"Yeah! Freelance sa company ni Daddy pero may NGO pa rin ako."

Sina Clark at Will ang naupo sa puwesto ni Daddy o ni Mommy sa dulo ng table. Ako ang nasa right side nila, nasa left nila si Ronie na katabi si Calvin. Ang katabi ko, si Leo.

"Ikaw, Clark?" tanong ko.

"Wala, tambay," sagot niya saka ngumisi sa akin. "Sa September pa ako maghahanap ng work. Pahinga muna."

"Wow, ang kapal magpahinga. Parang nahirapan sa course," sagot ni Calvin.

"E, ba't ba?" kontra ni Clark. "Ikaw nga rin, tambay ka rin ngayon, e."

"Ako kasi 'yon."

"E, ba't nangingialam ka?"

"E, ba't nangingialam ka?" paggaya ni Calvin kay Clark.

Dumampot ng buto ng chicken si Clark at ibabato sana kay Calvin pero tinutukan na siya ng steak knife ni Ronie.

"Ibato mo at ipalulunok ko sa 'yo 'yan," warning ni Ronie na nakapagpatahimik sa aming lahat na natatawa pa sana.

Clark was making faces, and he looked like a kid having tantrums in his seat.

We continued eating, and I asked Will about his life.

"Hmm, sakto lang," Will confidently said and nodded.

"Ulol. Saktuhin ko mukha mo," sagot agad ni Clark sa kanya bago ako nilapitan nang kaunti para kunwaring bumulong. "Hindi pa 'yan graduate, nampo-prospect na 'yan ng mga mauuto niya—aray!" Napahawak si Clark sa braso niyang malakas na tinapik ni Will. "Bakit ba, e totoo naman?"

"Huwag kang maniwala diyan. Palibhasa tambay, walang magawa sa buhay niya," paliwanag ni Will.

"Gago."

Still, wala pa rin akong nakuhang matinong sagot kay Will aside sa may work na siya pero secret pa muna.

After dinner, nagpaalam na rin sila, and they promised na dadalaw ulit sa next weekend. Si Ronie, nasa loob pa lang ng bahay, nauna nang magpaalam kaya siya na ang nauna sa van na dala nila. Inihatid ko na lang sina Clark sa may gate.

"Basta, remember 'yong itinuro ko, ha? Exercise ka lagi para hindi ka laging magka-cramps," reminder ni Will at yumuko sa tiyan ko. "Baby, paglabas mo, magiging dancer ka—"

"Ay, paladesisyon?" sagot ni Clark sabay tulak kay Will gamit ang puwet niya bago ako nginitian. "Kyline, my love forever and ever, na-miss talaga kita!" Niyakap niya pa ako nang mahigpit pero nakalayo siya sa tiyan ko. "Kapag ayaw sa 'yo ni Leopold, sabihin mo, akin ka na lang."

"Ay, angas. Ako pa pala ang paladesisyon dito, ano? Tara dito at baka paglihian ka pa ni Kyline, kawawa ang baby!" sabi ni Will at piningot si Clark para hatakin palayo sa akin.

Sunod na humarang sa harapan ko si Calvin na nakalingon kina Clark at Will na nagbubugbugan na naman.

"Thank you sa pagbisita, Calvin." Nginitian ko siya nang matamis saka pinagpag ang gusot sa bandang balikat ng polo niya.

"Kapag hindi ako busy, dadalawin kita rito. Nasa iyo naman na ang number ko." Hinagod-hagod niya ng palad ang buhok ko habang nakangiti rin sa akin.

Ako na ang nag-alok ng yakap sa kanya at tinanggap naman niya. Hinalikan pa niya ako sa tuktok ng ulo saka bumulong sa puno ng tainga ko. "Mag-text ka kapag may kailangan ka, ha?"

"I will. Ingat sa biyahe."

Sumakay na sila sa kotse at kumaway pa mula sa nakabukas na bintana.

"Bye, guys!"

I really thought I lost friends after what happened to me last February at that stag party, but I found better company right now than those people I thought were friends of mine.

Pagbalik ko sa loob ng bahay, naabutan ko si Leo na tinutulungan si Manang na ayusin ang lahat ng naiwang gulo nina Clark. Hindi naman marami dahil nakapaglipit naman na sila bago umalis, pero may mga furniture saka gamit kasi na hindi na ipinagalaw ni Manang at baka lalo lang mabasag kung sina Clark pa ang mag-aayos.

"Ngayon na lang uli nagkaroon ng maingay rito sa bahay," natatawang sinabi ni Manang. "Ang tatahimik n'yo naman kasi. Maigi 'yang hindi kayo mapanisan ng laway habang narito kayo."

Manang Chona has been our all-around nanny since I was a kid. Baby pa lang ako, kasambahay na namin siya. Halos siya na nga ang naging second mother ko kapag masyadong busy ang pareho kong parents sa mga career nila.

"Ako na ho ang mag-uurong nito, Manang."

Kitang-kita ang laki ng height difference nina Manang at Leo. Nasa 4'10" si Manang, hanggang balikat ko nga lang. Sa taas niya, hindi man lang siya umabot sa gitna ng dibdib ni Leo.

Walang kahirap-hirap na inurong ni Leo ang malaking couch na halos tumabingi na gawa ng bugbugan nina Clark doon.

Parang halos lahat ng naurong na furniture namin, kagagawan ni Clark.

"Ikaw na muna rito, Leo, at ipaghahanda ko ng bihisan niya si Belle."

"Sige ho, Manang. Thank you ho."

Leo was cold, and I had an idea why. Ang daming reason kung bakit at ayoko nang isa-isahin kasi may fault din naman ako kung bakit ganito siya makitungo sa akin. Pero nabawi naman 'yon nina Calvin. Maybe he was still adjusting. Like what Ronie said, hindi nila pinipilit maging okay si Leo because he needed time to heal and recover from what happened. And not just because we moved on, it also meant he did too.

Ayokong ipilit sa kanya na maging okay siya sa akin pero ayoko ring maramdaman na napipilitan lang siyang pakisamahan ako.

Saglit ko pang nilingon ang hagdanan para makita kung hindi pa nakakapasok sa kuwarto ko si Manang bago ko nilapitan si Leo na pinupunasan ang center table na kaninang kinalatan nina Clark ng potato chips.

"Leo . . ."

Wala na naman siyang sagot sa akin. Tanggap ko naman kaya nagsalita na lang din ako kasi alam kong makikinig pa rin siya kahit hindi siya sumagot.

"June pa lang naman. Baka puwede ka pang humabol sa OJT mo."

Inayos niya ng flower centerpiece sa gitna ng table at hindi pa rin sumagot.

"Five years ang course na tine-take mo. Ayokong madagdagan ka ng isa pang year. Hindi mo naman kailangang mag-stay rito kung—" Natigilan na naman ako nang tumayo siya nang deretso at nagkrus ng mga braso saka ako tiningnan na parang may sinabi na naman akong ikagagalit niya. "I-I mean . . . ayoko na lang na . . . mahirapan ka."

"Pinag-usapan na natin 'to kasama ng parents mo, di ba?" seryoso niyang sinabi, at kahit hindi siya nagtaas ng boses, kinabahan pa rin ako sa timbre ng boses niya. Parang inaalisan niya ng lakas ang binti ko kaya napakapit agad ako sa sandalan ng couch sa harapan ko.

"A-Ayoko lang na—"

"Mahirapan ako? Paulit-ulit ka."

Napayuko ako. "Sorry."

"Kung 'yan lang naman ang araw-araw mong sasabihin sa 'kin, huwag ka na lang magsalita." Binalikan na niya ang pag-aayos sa mga throw pillow na design sa ibaba ng center table.

"Ayoko lang na pinipilit mo ang sarili mo sa 'kin."

Napansin ko ang paghinto niya.

"I've been there." Matunog ang paglunok ko habang nakatingin lang sa carpet sa ibaba namin. "Nararamdaman ko namang ayaw mo sa 'kin. Yung parents ko, napalaki naman ako nang hindi sila magkasama sa iisang bahay. Ayoko lang na ma-stress ka dahil sa 'kin. Ayoko ring lagi akong ganito na parang isolated ako kahit nasa bahay ako. Puwede ka namang umalis . . . hindi kita pipigilan."

Hinintay ko siyang sumagot.

Kahit kaunting imik lang . . . pero wala.

Tinapos lang niya ang pag-aayos sa living room na ginulo ng barkada niya.

"Belle, handa na ang mga damit mo sa kuwarto. Maligo na't matulog kay anong oras na." Nilingon ko si Manang na pababa pa lang sa hagdan at dala na ang laundry basket ko sa bathroom.

"Opo, Manang."

I still waited for Leo's answer, but maybe he didn't care about me at all. He only cared about his responsibility. He only cared about the baby inside me.

That was all.

And I was never a part ofhis priorities after all.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top