12. Same Roof
June na pero ang tummy ko, mukha lang akong bagong kain. Hindi ako sobrang payat, hindi rin naman ako mataba. Ang sabi ng doktor, wala naman daw problema sa baby. Four months na pero walang magkakamaling buntis ako.
December last year, plano na naming magkakaibigan na papasok sa airlines as flight attendants. And since pasok naman ako sa height requirements, puwede sana ako. Pero imposible na yatang mangyari 'yon. Aside sa wala na akong mga kaibigan na makakasama sa airlines, magkakaanak na rin ako soon.
Hindi naman hindrance ang anak sa pagiging flight attendant, pero kasi . . . ayokong magsakripisyo nang mas malaki pa.
Hinihintay nina Daddy ang signs of pregnancy ko pero wala pa ring lumalabas.
I was thinking . . . totoo bang buntis ako? Totoo ba ang lumalabas sa ultrasound? Hindi kasi ako naglilihi. Hindi rin ako nagsusuka. Nahihilo ako kung minsan pero same nga lang halos kapag napupuyat ako o nagka-cram sa exams. Hindi ko masabing kakaiba.
Every week, nagdadala si Leo ng mga pagkaing nasasarapan akong kainin, but I didn't think those affected my weird cravings kasi wala namang special sa citrus fruits and nuts na laman din madalas ng ref namin.
Pero recently, sobrang random din minsan ng pasalubong ni Leo kapag bumibisita siya sa amin. Like most of the time, I had no idea why he brought me weird food. Hindi naman super weird, pero kapag kasi hindi sina-suggest ng doktor o ni Ronie, weird na for me.
And today, he brought me some apple pie and peanut brittle. Saturday, may time siyang pumunta sa bahay namin kasi wala siyang OJT.
Nasa garden kami, sa may pergola, magkatabi kami sa upuan. Hindi nga rin siya mukhang gagala kahit Saturday at nabanggit na ni Ronie na barkada time dapat nila. Naka-polo lang siya saka jeans.
"Where did you buy this?" I asked, munching my peanut meryenda na nasa colorful cellophane.
"Sa Antipolo," sagot niya habang kumukuha ng slice ng apple pie.
"Ano'ng ginawa mo sa Antipolo?"
"Bumili niyan."
Nagsalubong ang kilay ko habang napapaisip kung ano'ng connect ng pagpunta sa Antipolo at sa meryenda namin.
I mean, okay, mabibili itong mismong dala niya sa Antipolo. Pero hindi ko makita ang sense ng pagpunta roon, knowing Leo, hindi naman siya mukhang lakwatsero.
"May outing ba kayo?" tanong ko ulit.
"May pasok ako, paano ako mag-a-outing?"
"Pero ang layo ng Antipolo. Wala kang dinaanang ibang tao?"
Huminto siya sa paghihiwa saka ako tiningnan na parang naiinis na siya sa pang-uusisa ko. Napayuko tuloy ako dahil sa hiya.
"Sorry."
Nag-Antipolo siya . . . wala naman siguro siyang ibang dadaanan doon.
O meron? I don't know.
Ilang weeks nang wala si Mommy at si Gina. Four months and a half sila sa Switzerland. May kinakausap silang supplier doon na hindi puwedeng ayusin online since may quality check na gagawin. Ayaw sana ni Mommy na umalis kaya pinilit niya ang daddy ko na bantayan ako.
Unfortunately, si Daddy, two days na lang, babalik nang Macau. Panibagong argument na naman kung sino ang mag-aalaga sa akin. Before, okay lang na mag-isa ako. Kaso buntis kasi ako ngayon kaya nagtalo na naman sila.
Inabot din nang isang buong araw para lang payagan na nila si Leo na mag-alaga sa akin. Pero hindi raw ako aalis sa bahay. Ang sabi, pag-uusapan daw muna ang setup bago umalis si Daddy kaya nga nandito na naman si Leo kahit na hindi siya dapat nandito.
"Sabi pala ni Calvin, nagbawas ka ng work. Okay lang ba 'yon? May allowance ka pa ba?" Nakatitig lang ako kay Leo na tutok sa pagkain niya, hindi ako pinapansin.
Wala rin siyang sagot, kumain lang nang kumain.
Ang lamig pa rin ni Leo until now. If that was because of the medicine he was taking, his feelings for me, or his hatred of our situation, I had no idea. Pero sure akong ayaw niya sa setup namin at napipilitan lang siya. At ipinararamdam niya iyon kada dalaw niya sa bahay.
"Sasabihin ko kay Daddy, kukuha na lang ako ng nurse para hindi mo na need pumunta rito sa Dolleton."
Naibagsak niya ang kutsara niya sa platito kaya halos mapatalon ako sa upuan dahil sa gulat.
Minsan na nga lang kami magkatinginan, lagi pang matalim ang tingin niya sa akin. Bumibigat talaga ang pakiramdam ko kapag feeling ko, may nagagawa akong mali na hindi niya nagugustuhan.
"Sorry." Napayuko na naman ako at nakuyom ng kamay ang suot kong dress sa bandang hita. "Ayoko lang na mahirapan ka dahil sa 'kin."
Matunog ang buntonghininga niya, sinasadya yatang iparinig sa akin para makonsiyensiya ako.
Wala siyang sinabing kahit na ano.
Buong meryenda namin, tahimik lang siya kaya hindi na rin ako nagsalita. Sa tagal kong pinangarap na makasama siya at mabigyan ng ganitong chance, ngayon ko lang pinagsisihan na hiniling ko pa iyon.
Because at this point, masyado lang akong nangarap nang mataas para sa isang pangarap na hindi naman pala deserving abutin.
♥♥♥
"NOVEMBER PA ulit ako makakauwi. End of September naman si Linda. Wala akong ibang hihilingin kundi alagaan mo ang anak ko habang wala kami."
I was five when my mom and dad separated. Dad was working abroad dahil may business siya roon. But most of his months, nasa Philippines siya for Tita Hellen. Hindi rin naman masyadong big deal kasi wala naman akong ibang kapatid kay Daddy, lalo na kay Mommy. Ako lang ang anak nilang dalawa kahit hiwalay na sila.
Si Mommy . . . busy sa business. She made time for me—sila ni Gina. But maybe Dad took care of me a lot better than her kasi gaya nga ng sinasabi ni Manang kapag si Manang ang naiiwan sa bahay, "Ayaw lang niyang magaya ka sa kanya kaya gusto niya, kay daddy mo ikaw magmana."
Mom loves guns. Gina loves those scary things too. Kaya nga parang hindi raw ako anak ng isang Brias kasi masyado raw akong mabait. I am more of a soft-hearted Chua, like my dad.
Leo proved himself enough for Mom, I think. Dad had already given his word before leaving. And the day after he left, occupied na ni Leo ang guest room namin. That was the door in front of mine. It was supposed to be my baby brother's room, like what my dad wanted before, kaso separated na sila ni Mommy bago pa man sila makabuo ng kapatid ko. Now, it was for our guest na lang—and Leo is that "guest" right now.
May gamit na siya sa kabila pero isang maleta lang ang dala niya paglipat niya sa bahay. If I'm not mistaken, may OJT siya. Pero ewan ko kung bakit parang ang dalas niyang walang pasok.
"Hindi mo naman kailangang magdala ng maraming pagkain palagi. May pang-grocery naman kami rito," paalala ni Manang Chona kay Leo habang nagla-lunch kami.
The dining table was good for ten people, and we both sat across from each other. Nasa tapat ko siya nakaupo kahit na inaasahan kong tatabi siya sa akin.
"Ayos lang naman ho. Kumakain din naman ho ako rito," sagot ni Leo na nakatutok lang sa plato niya.
Ipinagsasalin kami ni Manang ng pineapple juice pero nag-request si Leo ng four seasons. Siya rin ang bumili n'on kasi wala namang umiinom sa amin ng four seasons.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong ulit ni Manang.
"Ayos lang naman ho," sagot ni Leo.
"Hindi ka ba nahihirapan na manggagaling ka pang Maynila at umuuwi ka rito sa Alabang?"
"Ilang oras lang naman ho ang pasok ko saka three days a week na lang."
Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi niya. "Wala kang OJT?"
Hindi siya sumagot sa akin.
"Oo nga, ano? Wala ka bang OJT? Hindi ba't buong araw 'yon?" ulit ni Manang sa tanong ko.
"Hindi ko ho kinuha ang OJT ngayon para ho makapagbantay ako rito. Hihintayin ko ho munang manganak si Kyline bago ako kumuha ng units next year."
Parang piniga ang dibdib ko sa sagot niya. O hindi ko alam kung saan sasama ang loob ko: sa hindi niya pagsagot sa akin pero sumagot siya kay Manang sa kaparehong tanong; o dahil imbes na makatapos siya agad sa college, nagbawas pa siya ng units para lang mabantayan ako.
Ako ang umaasang hindi makaga-graduate on time, pero si Leo ang nagsasakripisyo ngayon ng pag-aaral niya para sa akin.
Malas siguro ako sa buhay niya kaya ayaw niya akong kausapin nang maayos gaya ng pagkausap niya kay Manang.
♥♥♥
SA TOTOO lang, hindi ko maramdaman na nakatira si Leo sa amin. Maybe because hindi ko siya halos nakikita kahit nasa iisang bahay lang kami.
Our house was big enough to have six bedrooms and different lounges and lofts. Madalas lang ako sa garden or sa may poolside.
I thought it was the same day again without Leo around kahit nasa bahay siya pero . . .
"Wazzup, mga ka-hampy!"
Muntik ko nang maibato ang hawak kong orange juice na nasa drinking glass dahil doon sa sumigaw. Sa sobrang gulat ko, tumapon na sa kamay ko ang juice na iinumin ko pa lang sana.
"Ay, ano ba 'yan? Bakit maingay?" singhal ni Manang.
"Manang! Wer is da pader op may inaanak?"
Napalingon agad ako sa may pintuan sa living room at nakitang sunod-sunod na pumasok sina Clark doon.
"Hi, Ky!" My lips automatically smiled after I saw Ronie and Calvin. Mabilis kong pinunasan ang nabasa kong kamay bago pa sila makalapit sa akin.
"Kyline, my love forever and ever, I miss you so much!"
"Ay!" Halos mapatalon ako sa couch nang mag-dive mula sa likod ko si Clark patawid sa kung saan ako nakaupo.
Gumulong pa siya sa sahig at biglang nag-posing na parang Spiderman pagbangon.
"Bigyan n'yo nga ng leash yung alaga n'yo, nagkakalat na naman," sabi ni Calvin.
"Hi, Manang. Pasalubong namin! May pasalubong ka rin diyan, check mo sa blue paper bag." Sinamahan na ni Ronie si Manang papuntang kitchen.
"Hoy, pagkain, saglit!" Nagpaunahan pa sina Will at Clark papuntang kusina, mukhang mga gutom na.
Takang-taka naman ako sa nangyayari kasi wala namang nagsabing dadaan sila today—o kung pinayagan ba silang dumaan dito ng parents ko.
"How are you?" Calvin asked, checking my tummy hiding in my peach flowy dress. He even held it carefully, as if he could feel the baby inside.
I was staring at Calvin's face. It had been four months since I saw him. Other than Leo and Ronie, hindi ko pa sila nakikitang lahat ulit.
"Okay na kayo, Calvin?" mahinang tanong ko, nakikitang seryoso siyang inoobserbahan ang katawan ko, parang hinahanap ang mga sugat na four months na niyang huling nakita.
"We're . . . we're fine."
"About sa kaso nina Elton . . ."
Lalo pang lumapit si Calvin at halos dumikit na siya sa akin para lang bumulong. "Hindi kami puwedeng idawit nina Elton kasi nag-testify ang manager at staff ng club na pinuwersa kaming mag-stay roon sa stag party nila. Alam kong walang sinasabi ang mama mo sa 'yo, pero mas marami siyang inayos na kaso mo kaysa kaso namin ng barkada ko."
All of a sudden, napalunok ako at para akong nabalisa sa kuwento niya. Lumayo pa siya nang kaunti at titig na titig sa mukha ko habang iniipit ang mga buhok ko sa likod ng tainga.
"But we're working on it . . . isipin mo ang baby mo, hmm?"
My heart was racing, and I was getting goose bumps because of his news. Calvin was the one informing me of almost everything about Leo and their nighttime activities. And he still does that for me.
"Congrats pala, graduate ka na. Hindi muna kami lumapit last summer kasi . . . alam mo naman. Under surveillance pa kami." Kinuha niya ang kanang kamay ko at tiningnan iyon.
Hindi nagkakalayo ang kulay naming dalawa. Maputi rin kasi siya. Ibang klase lang ang putla ng balat ko.
"But right now, iniwan na lang ang kaso ni Elton." Nginitian ako ni Calvin na haplos-haplos ang kamay ko. "Tapos na sa amin kaya puwede ka na naming dalawin di—"
"Ehem."
Mabilis kong nabawi ang kamay ko kay Calvin bago nilingon ang tumikhim na iyon. Pagtingin ko sa kanan, ang talim na naman ng tingin sa akin ni Leo.
"Dude!" Tumayo agad si Calvin at binati ng bro hug si Leo.
Pero kahit nagyayakapan sila at nagtatapikan ng likod, hindi nawala ang talim ng tingin ni Leo sa akin.
"Uy, may pasalubong pala kami. Gusto mo ng strawberry jam? Naghahanap ka ng jam, di ba?" sabi pa ni Calvin habang akbay si Leo na ayaw alisin ang tingin sa akin.
"Sige," simpleng sagot ni Leo.
"Ky, tara!" Inalok ni Calvin ang kamay niya sa akin kaya tumango naman ako at tumayo na.
Nakayuko lang akong lumapit sa kanila at akma nang kukunin ang kamay ni Calvin pero nagulat ako nang nauna na akong hatakin ni Leo bago ko pa maabot ang kamay ni Calvin.
"Um-hm. Okay?" Calvin said.
Pinandilatan ko si Calvin na nagtaas ng mga kamay para sumuko, sunod ang kamay kong hawak ni Leo.
I had no idea what was going on, pero . . .
What?
♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top