10. Colder than Cold


I'm pregnant.

Paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang mga salitang iyon habang nasa bahay pa lang—naliligo, nagbibihis, pati sa almusal. Kahit sa biyahe papuntang OB-GYN.

I had to take some lab tests kasi ina-update iyon sa investigation. The last test I had was to check for infections such as chlamydia and such. Negative ako roon. Unfortunately—or, I guess not so—I was positive on my pregnancy test.

Hindi na ako nagtaka na buntis ako. Even my parents were expecting that. Kahit ako rin, kasi hindi pa ako dinadatnan. Wala pa akong nakikitang result at that time kasi hindi ako humahawak ng records. Maybe my parents already knew that, kaya siguro laging nagtatalo sina Mommy at Gina kapag naaabutan ko.

Nagulat lang ako at nasamahan pa ng takot habang nakatingin kay Leo na mas nauna pang nalaman ang tungkol doon bago ako.

Inisip ko pa noong nakauwi ako, kung mabubuntis man ako, ayokong malaman ni Leo. Ayokong isipin niya na gagamitin ko ang anak namin para lang maging kami. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya habang halata namang wala siyang interes makasama ako.

Tapos na ako sa phase na iyon na naghahabol ako sa kanya. Ayoko na rin kasing humabol. Nanghihinayang ako sa mga napapalampas ko. Pero ngayon . . .

"Wala ka bang pasok?" tanong ni Daddy kay Leo nang maabutan namin siya sa labas ng clinic ng OB-GYN. May messenger bag pa nga siyang dala kaya mukha siyang may klase.

Umiling naman si Leo. "Bukas pa po saka sa Sunday. Galing lang po ako sa site, nag-check ng blueprint."

Friday at wala na akong pasok since waiting na lang ako ng graduation four days from now. Pero si Leo kasi, may summer class daw. Hindi naman siya bagsak gaya ng explanation niya sa parents ko, pero training daw kasi iyon sa welding, para makakuha siya ng national certificate, kaya kailangan niya ng oras dahil oras ang iniipon doon.

Leo is taller than my dad . . . and my mom as well. Lalo siyang nagmukhang matangkad sa black slacks saka sa dark blue long sleeves niyang nakatupi hanggang gitna lang ng ibabang braso. He still looked tired, but he was trying to be civil and comfortable with my parents. He still has the grace of a fine man, kaya siguro hindi rin siya masyadong pinagtutulungan ng parents ko. He wore a decent watch and has no piercings whatsoever aside from his gold necklace with a small pendant and a silver ring on his pinky, which means he wasn't interested in marrying anyone, and I didn't want to exempt myself.

Kasama ko ang parents ko saka si Gina, and so far, wala naman silang ibang sinasabi na makaka-offend kay Leo.

Mom and Dad understood that Leo was also a victim, specifically on that part where we had to do something we didn't want that night. Pero hindi nila dini-disregard na naroon sa ganoong lugar si Leo. Pero sabi nga ni Gina, I was there too. And Gina was the one still thankful that Leo was the only guy who touched me that night in a sensual way. Kasi gaya nga ng sinabi niya, kung lahat ng barkada ni Elton ang gumalaw sa akin, and they were eleven, for sure na February pa lang, wala nang kasong aandar kasi babalikan ni Mommy ang lahat ng sangkot.

Ayaw bitiwan ni Mommy itong kaso until now, and she badly wanted her revenge na sinasabi rin sa akin ni Gina. Ayaw kasing sabihin sa akin ni Mommy dahil baka nga raw ma-stress ako. At mukhang matagal na niyang alam na bawal nga akong ma-stress kahit na ibig sabihin n'on, hindi siya magsabi ng totoo.

Doctor Anne Mamaoag was the one assigned to my checkup. She was handpicked by Mommy. Kapag hindi siya ang doctor, nilinaw na walang ibang hahawak sa akin.

After a short check on my genital area and a short explanation with my parents, nag-ultrasound na. Habang nakatingin ako sa monitor sa bandang right side ko, kahit wala pa akong nakikitang kung ano roon na masasabi kong baby na talaga, pakiramdam ko, may malaki nang mawawala sa akin habang dumaraan ang mga araw.

I was just twenty. Hindi na bata kung tutuusin. Pero wala pa kasi sa plano ko ang magkaanak. Maybe when I was in high school, I dreamed of having a family with Leo. But maybe . . . maybe that was too much for a dream I couldn't afford to bring to life.

But we've already brought it to life. And my dream came from a nightmare.

It was hard to swallow the truth that we created life in a deadly situation. And the consequences were unbearable for a weak heart. Kinakaya ko, pero hindi ko alam kung kinakaya rin ba ni Leo.

The doctor talked to my parents after that. Naiwan kami ni Leo sa waiting area para maghintay na matapos ang usapan.

Leo was focused on his phone. Gusto ko sanang isipin na baka may girlfriend siyang kinakausap pero parang broken record ang memory ni Elton sa imagination ko.

"So, single ka nga?"

Sumulyap ako sa phone niya kahit panakaw lang, saka ko nakitang wala pala siyang kausap. Nanonood siya ng video ng mga nagwe-welding.

Leo took up architecture when he was in FE Manila. Nag-associate program sa applied physics. Nag-shift sa mechanical engineering. And now, may short course siya sa SMAW (Shielded Metal Arc Welding). Napapaisip ako kung paanong hindi tinatamad si Leo na mag-aral to think na lahat ng course na kinuha niya, hindi rin naman madadali.

"Leo . . ."

Mabilis siyang nagpatay ng phone saka tumingin sa akin. "Nagugutom ka?"

Nakagat ko agad ang labi para pigilang ngumiti. Magtatanong lang sana ako kung bakit ang hilig niyang mag-aral.

"Nauuhaw?" tanong pa ulit niya. "Gusto mo ng tubig?" May kinuha siyang glass tumbler sa bag. Wala pang bawas ang laman n'on.

Nahihiya akong magsabi na hindi tubig ang sasabihin ko pero tinanggap ko na lang din para hindi niya isiping sinasayang ko ang oras niya para magtawag ako nang magtawag nang wala namang kailangan.

"Thank you." Marahan kong inangat ang pinakatakip ng tumbler saka sumulyap kay Leo na bumalik ulit sa panonood sa phone niya.

Uminom ako nang kaunti sa tumbler, at para akong inatake ng kung ano sa dibdib nang bigla kong ma-realize na inuman pala ni Leo ang iniinuman ko.

Nanlalaki ang mga mata ko habang umiinom pa bago iyon ibinaba. Payuko-yuko na ako habang napapalunok kasi hindi ko alam ang gagawin. Ni sa panaginip, hindi ko ma-imagine na iinom ako sa pinag-inuman niya.

"O-Okay na . . ." Paiwas kong iniabot sa kanya ang tumbler, at pagtingin ko sa kanya, nakasimangot na siya sa akin.

"May lagnat ka ba?"

"H-Ha?"

"Ang pula mo."

"Ha?" mas malakas ko nang nasabi.

"Patingin—" Madali akong umurong paatras para lumayo nang akma niyang hahawakan ang noo ko.

Pati siya nagulat sa pag-iwas ko kaya naiwan ang kamay niya sa hangin habang nakatitig sa akin.

Ilang segundo rin kaming nakatingin sa isa't isa, parehong nagulat at hindi agad naka-recover.

"A-Ayos lang ako." Mabilis akong yumuko, pero nag-angat din ako ng tingin nang mahagip ng tingin ko si Daddy na palapit.

"Kyline, are you hungry?" Dad peeked at his watch. "It's almost noon. May continuation daw ng checkup mo after lunch break. Babalik tayo rito by 1:30."

Tumayo na rin si Leo.

"Uuwi ka na?" tanong ko nang sabayan siyang tumayo.

"Kakain lang din muna ako. Hihintayin kong matapos ang checkup," sagot niya.

"Sumabay ka na sa amin," sabi ni Daddy.

"Addie," kontra agad ni Mommy, halatang ayaw.

"Let the kid," Gina said, trying to persuade my mother to let Leo join us for lunch.

Mom obviously didn't like Leo. She has so many reasons not to like him, though. Aside from the fact that Leo was forced to have sex with me, he impregnated me too. And now, my mom has experienced Leo's cold treatment, which was a bit colder than what he'd done to me a few years ago.

May restaurant na malapit sa clinic. Texas-style steakhouse, and the whole place smelled so good it was mouth-watering.

Kumuha si Daddy ng table for five. May square tables pero nakakuha kami ng round table na good for six pero five chairs lang ang meron.

Mom and Gina ate a lot. Hindi ko masasabing walang breeding, pero kasi pareho silang graduate sa police academy, and that academy didn't raise soft people who do ballroom dancing and such.

Pagbigay sa amin ng menu, nagtanungan na agad sina Mommy at Gina kung ano ang kakainin nilang dalawa.

"Honey, you want something other than these foods?" Dad asked, showing me the menu.

Ngumiti lang ako sa kanya. "I'm all good, Dad."

Dad ordered calamari rings for starters. We both had rib-eye steak with red wine sauce and chunky chips. Since it was only lunch and I have a baby, Dad and I ordered cranberry juice.

Mom, Gina, and Leo ordered a tomahawk steak. And my mom and Gina ordered alcohol in freaking daylight. Although, may order pa rin naman silang cold water, pero Sangria and cabernet sauvignon . . . sa tanghaling tapat?

Red wine was forgivable since bagay talaga sa steak pero sina Mommy, tanghali, iinom ng drinks na may Bacardi. And their reason? Buti nga, Bacardi lang. Kung nag-Long Island sila, saka na raw kami mag-react.

Malakas naman silang uminom ni Gina kaya ayos lang kay Daddy since hindi ganoon karami ang servings ngayon na ibibigay sa kanila.

Our rib eye was nothing as compared to a tomahawk cut. May table manners pa rin naman sina Mommy at Gina, but all of us were staring at Leo, who held his utensils like Dad held his. They both moved synchronously as if they were the ones who had entered a "military school" without the military in it.

Sabay silang naghihiwa, sabay silang sumusubo, sabay na nga rin halos ngumuya at dumampot ng baso para uminom.

Sumasabay kaming kumain pero pagtingin ko kay Gina, kahit siya napapabagal ng nguya habang palipat-lipat ng tingin kay Leo at kay Daddy na magkatabi lang.

"Hindi ka ba busy?" tanong ni Mommy, at sure kaming si Leo ang tinatanong niya kasi aware si Mommy sa schedule ko, ni Gina, at ni Daddy.

Tiningnan pa muna kaming lahat ni Leo bago tumingin kay Mom.

"Hindi mo kailangang sumama sa amin sa checkup kung busy ka," sabi ni Mommy, na kahit kalmado lang at nagpapaliwanag, ang obvious na ayaw niyang pasamahin si Leo sa amin.

"Busy nga po ako," sagot ni Leo. "Pero kung gusto naman po ng taong unahin ang kailangang unahin, magagawa niya. Wala namang pong taong busy sa committed sa priorities."

Saglit na napabuga ng tawa si Gina na mabilis niyang binawi at tinakpan ng bibig. Pinagtatawanan niya si Mommy kaya nasiko tuloy siya.

"He's right," Gina defended, "right?"

"Kahit pa," naiinis na sagot ni Mommy na kahit si Daddy, pinigil ding pagtawanan.

Nakagat ko ang labi nang titigan na naman ni Mommy nang masama si Leo.

"Pag-iisipan pa namin kung gagamitin ng apo ko ang apelyido mo," sabi ni Mommy na nagpawala ng pinipigil kong tawa. "Kahit hindi mo 'yon ginusto, ayaw ko pa rin sa 'yo."

"Karapatan n'yo hong magalit sa 'kin. Kahit din ho ako, magagalit kung ako ang nasa posisyon ninyo," sagot ni Leo, na hindi ko alam kung paano niya nagagawang sabihin kay Mommy nang hindi natatakot.

Natatakot kasi ako kay Mommy para kay Leo. Maliban sa alam ko kung ano ang puwede niyang gawin, for sure, kapag siya ang kumilos, hindi na makakaimik pa si Leo.

"Mukha ka namang matalino. Ang dami mo ring academic records. Hindi ka ba nanghihinayang para sa sarili mo, hmm?"

Paubos na ang pagkain ni Mommy kaya sunod-sunod na ang tanong niya. Buti pa siya. Kami, baka mawalan na ng gana dahil sa inis niya kay Leo.

Akala ko, sasagot si Leo, pero tiningnan lang niya nang deretso sa mata si Mommy habang ngumunguya. Kahit wala pa siyang sinasabi, feeling ko, ang sarcastic na niya.

Ang weird na kayang maging sarcastic ni Leo nang walang ginagawang kahit na ano kundi tumitig lang sa kausap.

Natawa nang mahina si Mommy at sumandal na sa upuan saka nagkrus ng mga braso. Kahit siya, hinahamon na rin nang tinginan si Leo.

"Linda," pagtawag na ni Gina at sandaling inawat ang pagkain para si Mommy naman ang awatin.

"Masyado kang matapang. Sana nagawa mo 'yan noong hindi mo pa ginagalaw ang anak ko," walang kaabog-abog na sinabi ni Mommy. Kahit si Daddy, napahinto sa pagkain.

Akala ko, matatakot si Leo, pero wala pa ring ipinagbago ang reaksiyon niya. Sumagot pa nang walang kinaiba sa unang tono. "Kung kayo ho ang nasa kalagayan ko at that time, hindi n'yo gugustuhing maging matapang ako. Kasi kung pinalagan ko sina Elton at pinabayaan ko si Kyline sa kanila, baka namimili na kayo ngayon kung sino ang ama ng magiging anak niya at sigurado akong wala ako sa option n'yo bilang suspect."

Lalong tumalim ang matalim nang tingin ni Mommy. And for the first time in my life, may nakausap si Mommy na kaya siyang sagutin at kaya rin siyang patahimikin nang sabay.

"Belinda, tigilan mo na ang bata," sermon na ni Daddy. Tumayo na si Mommy at pabagsak pang inurong ang upuan niya paatras.

"Linda," pagtawag ulit ni Gina habang nakatingala.

"Pupunta lang ako sa restroom" pairap na paalam ni Mommy, saka siya naglakad paderetso sa dulong hallway na katapat namin. Ni hindi man lang niya inalala kung sino ang makasalubong, siya pa ang iniwasan ng mga waiter na may dalang tray na puno ang laman.

"Sorry," mahina kong sinabi kay Leo, pero paglipat niya ng tingin sa akin, napaatras agad ako kasi parang inilipat lang niya sa akin ang tingin niya kay Mommy. Nanunuot, nananakot, parang bawal kantihin.

"Masama lang ang loob niya sa nangyari kay Kyline," paliwanag ni Daddy kay Leo.

"Dapat lang po," sagot ni Leo saka tumutok sa pagkain. "Kasi kung hindi masama ang loob niya, hindi ko ho masasabing magulang siya ng anak n'yo."

Leo was colder than before, but I could hear him not minding the pain of the truth he delivered.

I didn't want to see him as someone I once admired, but every time I heard him talk . . . everything made sense as to why I admired him from the very beginning.

He knew what he wanted, andhe was willing to have it in any way possible. And knowing I was the one hewanted this time . . . hell, a nightmare gave me my dream in the worst wayimaginable.


♥♥♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top