CHAPTER TWENTY-ONE
“Flashback: How I met her”
Napasigaw ang isa kong kasamahan sa medical room ng Headquarters dahil sa mga natamo kong sugat dahil sa misyong ginawa ko. Masyadong malakas at marami ang CRYPTIC kaya madugo ang natamo kong sugat sa aking katawan.
“There is no nurse here! We need medical assistance! We need to stitch his wounds or else he will die!”
“Geez, relax,” sagot ng isang babaeng bago lang sa aking paningin.
Kahit natatabunan na ng dugo ang aking mga mata mula sa sugat sa aking ulo ay malinaw na malinaw kong nakikita ang kagandahan ng babaeng ito. Makinis ang kanyang balat at maputi ito. Mapupula ang mga labi at mahahaba ang itim na buhok na mayroon siya. Ang kanyang boses naman ay katamtaman lang, hindi maliit, hindi rin maskulado pakinggan.
“Miss, I don’t know you but my friend need medical attention—”
“Okay okay, I am Kelly. It’s my first week in this job so please hold your horses,” nagsisimula na siyang magmaldita pero ang dating sa akin ay napaka-cute, “Maliit lang ang bilang ng medical personnel ng Headquarters kaya hindi namin kayang maasikaso ang buong Intelligent Agent Department. So please, Sir, can you wait outside?”
Wala ng ibang ginawa ang kasama ko kundi ang sumunod sa sinasabi ng babaeng nurse. Nakita ko sa kanyang name tag ay kanyang pangalan. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi alintana sa akin ang dugong humaharang sa aking mga mata.
“Kelly.”
“What a good name,” sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang kanyang maganda at mala-anghel nitong mukha.
“Mukhang epekto yata iyan sa natamo mong sugat sa ulo,” sabi nito at agad siyang naglakad palayo sa akin at mayroon siyang ginawa sa kanyang computer.
Ilang sandali pa ay mayroon na siyang ginawa sa aking mga sugat sa aking katawan. Para sa mga minor open wounds na natamo ko ay gumamit siya ng parang antibiotic ointments at agad niya iyong tinapkan ng malinis na bandage. Sumunod naman niyang ginawa ay ang pagtahi sa malalim kong sugat matapos niyang gamitan iyon ng High-Tech Meds. Ang damit kong puno ng dugo ay agad niyang nilagay sa kanyang trash bin at nabilis niya akong inabutan ng isang malinis at puting damit.
“You’re good to go,” mahinahon niyang sabi sa akin.
“I have to ask you some questions.”
Lumingon ito sa akin habang nililigpit niya ang kanyang mga gamit sa kanyang lamesa. Naghintay ako sa kanyang sasabihin matapos niyang magawa ang kanyang ginagawa. Lumapit ito sa akin at sinagot ako habang nakapamewang ito.
“The reason why I am here is because of your Dad.”
Mukhang hindi ko yata naintindihan ng mabuti ang kanyang sinabi kaya muli ko siyang pinaulit sa kanyang sinabi. Inulit nga niya ang kanyang naging sagot sa akin at hindi nga ako nagkamali sa aking unang narinig.
“H-How?”
“I was a member of CRYPTIC,” matapang nitong sagot sa akin habang nakataas ang kanyang isang kilay.
Napaatras ako ng kaunti sa aking narinig at sinimulan kong ihanda ang aking katawan para sa mga hindi ko inaasahang pag-atake ng babaeng ito. Bakit hindi ito nalaman ng Headquarters. Bakit mayroong kaaway ang nakapasok sa aming organisasyon?
“Don’t worry, your General himself approved my presence here and besides, I was a member and I am a member now of Headquarters. My Mom and Dad killed my parents when they helped Mr. Siyaszo Diasque and your Dad to escape in their secret base.”
Napatawa ito ng mahina nang makita niya na kinakabahan ako ng kaunti sa kanyang mga galaw. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng ito. Kung nagsisinungaling siya ay paniguradong hindi niya isiniwalat sa akin ang lahat na ito. Hindi kaya ay sinasabi niya sa akin na isa siyang miyembro ng CRYPTIC dahil mayroon na siyang nilagay na lason sa aking mga nakabukas na sugat?
“My way of fighting isn’t poisoning my enemies so don’t worry about the medicines I used to your wounds, that wasn’t my cup of tea, stop looking me like that!”
Tumaas na ang kanyang boses at mukhang naririndi na ito sa aking ginagawang ekspresyon. Hindi niya ako kayang masisi kung ganito ang pagtitig ko sa kanya. Baka siguro binibihag niya ang kanyang kalaban sa kanyang angking ganda at kapag nangyari iyon doon lang niya ito papaslangin.
“Please, can you go out now? I’m saving lives here,” nakasimangot nitong sabi sa akin.
“How can I be so sure that you are not a loyal member of CRYPTIC —” naputol ang aking sinasabi nang pumasok si Miss Sam. Suot pa rin nito ang kanyang mataray na pagmumukha at kung maglakad ito ay tuwid na tuwid at tila ba ay wala siyang nakikitang tao sa paligid. Sigurado ako na maganda si Miss Sam nang siya ang dalaga pa lamang.
“Ano ba ang problema mo, Mr Lui at binubulabog mo si Miss Kelly?”
“She was a member —”
“Enough with this nonsense,” pagpuputol ni Miss Sam sa aking sinasabi at nakataas ang kilay nitong hinarap ako, “You have nothing to fear, she is with us now. By doubting her means you are doubting with you father and General’s decision.”
Dahil sa kanyang sinabi ay wala na akong ibang ginawa kundi ang paniwalain sa aking isipan na totoo ang mga sinasabi niya. Agad akong lumabas kanilang laboratoryo at piniling magpahinga sa loob ng aking kuwarto.
Dahil hindi ako kumbinsido sa aking nalaman tungkol sa pinagmulan ni Kelly ay bawat araw na nagdaan ay pasekreto kong minamatyagan si Kelly sa kanyang laboratory. Ako ay naghahanap ng ebidensiya na isa pa rin siyang loyal servant ng CRYPTIC. Hindi ko hahayaang siya ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Headquarters. Kahit sinasabi niya na hindi na siya ang dating miyembro ng CRYPTIC ay hindi ko pa rin iyon paniniwalaan.
Alam ko na mayroon pa rin siyang koneksyon sa organsisyon na iyon at iyon ang aking hahanapin. Minamatyagan ko siya mula sa bintana ng kanyang laboratory at sa walang kadahilanan ay biglang tumibok ng mabilis ang aking puso nang makita ko siyang tumawa ng marahan kaharap ang isang agent ng Headquarters. Hindi ko alam kung bakit gano’n nalang ang aking naramdaman. Mukhang iyon siguro ang kanyang ginagamit na abilidad para talunin ang kanyang kalaban. Kung minsan pa ay nagkukunwari akong mayroong ng minimal injury para makapasok sa kanyang laboratoryo. Hindi sabi niya ay trabaho niyang gamutin ang mga agents ay iyon na nga ang ginawa ko para makamanman sa loob.
Ilang beses niyang nalalaman ang aking pagpapanggap na mayroong injury at ilang beses niya rin akong pinalabas sa kanyang laboratoryo. Sa tuwing nasa loob ako ng kanyang laboratoryo ay agad kong hinahalungkat ang kanyang mga gamit sa kanyang personal na lamesa. Kahit ginagawa ko iyon ay wala akong nakitang kakaiba.
“Now, I’m starting to believe that you are my stalker,” sabi nito sa akin nang isang beses niya akong nahuling hinahalungkat ang kanyangmga gamit.
Wala akong ibang sinabi sa kanya kundi ang magparatang na isa pa rin siyang miyembro ng CRYPTIC. Hindi ko napigilan ang aking mga salitang lumalabas sa aking bunganga at dahil doon ay medyo nasaktan ko ang kanyang damdamin.
Unang beses kong nakita siyang umiyak sa aking harapan. Nasanay kase akong nakikita siyang mataray at palaging masungit. Ang namimilog niyang mga luha sa kanyang mga mata ay agad niyang pinupunasan gamit ang kanyang mga kamay at kahit umiiyak ito ay wala siyang nilalabas na ingay.
Mukhang nagkamali yata ako sa aking mga sinabi at agad akong nagpaumanhin. Sinampal niya ako gamit ang kaliwa niyang kamay at tumakbo palabas ng kanyang laboratoryo. Matapos ang nangyari ay nabalisa na ako sa aking ginawa. Mukhang ang tingin ko sa aking sarili ay masamang tao. Bakit ko ba kase hindi pinaniwalaan na hindi na siya ang dating miyembro ng CRYPTIC.
Matapos ng nangyari ay nahiya na akong dumaan sa kanyang laboratoryo at kahit nagkakasalubong kami sa hallway ay hindi ito tumitingin sa akin. Hindi ko alam kung papaano ko aayusin ang aking pakikitungo kay Kelly. Mukhang nasaktan ko yata ang kanyang damdamin.
Sa palagay ko ay mas matalim pa ang mga salita kahit hindi ito nakikit kaysa sa mga balang pumapasok sa laman ng tao.
Dahil kasalanan ko rin naman ang nangyari ay ako na mismo ang gumawa ng unang hakbang upang magkaayos sa kanya. Dahl mayroon akong misyon ay binalak ko at sinadya ko talagang magpataman ng baril sa aking kanang balikat para nakapasok sa laboratoryo ni Kelly upang doon ay magamot niya ako at makausap ko siyang ng masinsinan.
Nangyari nga ang aking pinaplano. Nakapasok ako sa kanyang laboratoryo at sa aking inaasahan ay siya nga ang maggagamot sa aking mga sugat. Hindi ko na siya hinintay na gupitin ang damit ko upang makita niya ang balang nakabaon sa aking balikat dahil ako na mismo ang nagpunit sa aking sarili damit.
“I’m sorry,” marahang sagot ko sa kanya at tinignan siya sa kanyang mga mata. Wala siyang ibang sinabi kundi tusukin ang sugat ko sa balikat at doon ako napaliyad sa sakit, “A-Aray.”
“Iyan ang ganti ko sa bawat salitang sinabi mo sa akin,” sagot nito sa akin at sinimulan na niyang gamutin ang aking sugat.
“Paano ako makakabawi?”
Hindi ito nagsalita at agad siyang ngumiti sa akin ng napakatamis at nakisabat na rin ako sa kanyang pagngiti. Mukhang napawi na sa kanyang dibdib ang galit at poot mula sa akin. Mabuti na rin at naging maayos na ang pakikitungo nito sa akin.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top