CHAPTER TWENTY-FOUR
“Bite”
“What are you talking about?” he asked me with a curiosity across on his face, “I think you misheard everything, didn’t you?”
Agad akong napatigil sa aking pagsasalita nang marinig ko mula sa kanya ang mga salitang kanyang binitawan. Pati ako ay nalito sa kanyang katanungan. Mukhang hindi yata nito naintindihan ang aking sinabi kaya gano’n nalang ang kanyang binigay sa aking tanong.
“W-What do you mean?”
“You said that you need our help?”
“That’s right.”
“You think we can help you with our numbers?” he said it with a sarcastic voice building inside his throat, “Are you out of your mind?”
Bigla akong kinabahan sa kalagayan ngayon ni Arrya dahil hanggang ngayon ay nasa bisig pa siya ng lalaking ito. Nangamba ako dahil mukhang medyo hindi ko gusto ang takbo ng utak ni Christian. Hindi ko rin alam kung anong klaseng tao ang mga RAPSCALLION. Dapat sa umpisa palang ay hindi na ako naging panatag sa kanya. Pero kung iisipin ng mabuti ay wala na akong ibang pagpipilian pa kundi ay sumama sa kanya. Ganun na ba talaga ako naging desperado para lamang mabuhay sa gitna ng kagubatang ito?
“We can’t help you with that, I’m sorry, man,” pagpapaumanhin nito tsaka dahan-dahang binaba si Arrya at sinandal sa gilid ng puno.
Sa kanyang ginawa ay nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang ay ginawa niya ang bagay na iyon, kung hindi ay mapipilitan akong labanan siya kahit pagod na pagod ang aking katawan. Hindi ko na rin maalala kung anong araw ako nagkaroon ng magandang tulog nang sinimulan kong sumali sa Headquarters.
“I-I am so sorry if I offended you. It’s not what I meant, If you please, can you lead us to your leader?”
“But why?”
“Look, I know I am being jerk earlier but I need your help. I’m sorry—”
“You don’t have to apologize —”
Bigla siyang napaubo at kasabay ng kanyang paghawak sa kanyang dibdib ay ang paglabas ng inaakala kong plema pero hindi, isa pala iyong malapot na dugo na lumabas sa kanyang bunganga. Mabilis ko siyang nilapitan para masalo ang kanyang buong katawan. Nanlambot ang kanyang mga tuhod at kung hindi ko siya nasalo ay paniguradong tumama na ang kanyang ulo sa matigas na bato sa lupa.
Tinanong ko siya kung ano ang nangyayari pero hindi siya makapagsalita dahil sa patuloy na pag-agos ng dugo mula sa kanyang bunganga. Ilang sandali pa ay napadaing ito sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Nang titigan ko siya ng maigi ay mukhang nakita ko na ang pangyayaring ito. Hindi ko na matandaan kung saan ko nakita ang ganito pero natitiyak ko na parang nangyari na ito. Hindi ako sigurado kung saan ko iyon nasaksihan pero sigurado ako na nakita ko na ang ganitong kalagayan ng isang taong namimilipit sa sakit.
“Dude, I-I don’t know—”
Hindi ko natuloy ang aking sinasabi nang mahigpit nitong kinapitan ang mangas ng aking damit upang doon kumuha ng lakas sa sakit na kanyang nararamdaman. Kahit nahihirapan itong ibuka ang kanyang bunganga ay pinilit niya pa rin na magsalita. Hindi masyadong malinis ang kanyang paglalahad ng mga salita pero naintindihan ko na naman iyon kahit papaano.
Ayon sa kanya ay nakakuha siya ng isang misyon sa isang tao na hindi niya kilala. Ayon sa misyon ay kailangan niyang patayin ang isang tao na hindi ko na alam kung ano ang kanyang pangalan pero ayon kay Christian ay isa siyang doktor. Doktor na katuwang sa isang lihim na ekspiremento sa ilalaim na pamumuno ng CRYPTIC. Inatake niya raw ang doktor pero dahil sa kanyang kakulangan sa pagdepensa sa sarili ay hindi nito naiwasan ang isang syringe na mayroong lamang isang pulang likido na tumusok sa kanyang paa.
Doon ay nabitawan niya ang doktor at sa kanyang pinsalang natamo ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kagubatan hanggang sa nakita niya si Arrya na nakahiga sa ilalim ng puno. Habang pinapakinggan ko ang kanyang pagsasalita ay bigla namang napupunit ang kanyang mga laman sa kanyang tiyan.
Napadaing ito sa sakit nang masaksihan ko ang isang maliit na kuko ng isang hayop na lumabas sa sugat na nasa kanyang tiyan. Dahil medyo nararamdaman na ni Christian na mawawalan na siya ng hininga ay agad niyang kinapa ang kanyang bulsa at inabot sa akin ang isang pen na kamukha ng pen na ginagamit ko para hanapin ang RAPSCALLION. Kahit hindi nito sabihin kung ano ang pen na iyon ay alam ko na ang laman nun ay ang tunay na mapa ng RAPSCALLION papunta sa kanilang bagong fortress.
Tumirik ang mata ni Christian sa biglang pagpunit ng kanyang dibdib at lumabas ang ulo ng isang Killer Lizard. Maliit lamang ito kumpara sa aming kinalaban sa loob ng kagubatan. Umungol ang halimaw at nang makalabas ito sa katawan ni Christian ay doon lamang nabawian ng buhay ang lalaking miyembro ng RAPSCALLION. Ang lalaking nagtuturo sana sa aming dalawa ni Arrya papunta sa RAPSCALLION ay ngayon ay wala ng buhay.
Nabaling ang atensyon ng halimaw sa biglang pagkakagising ni Arrya sa ilalim ng puno. Agad nitong akmang hahatiin si Arrya nang mabilis kong nakita ang isang baril sa katawan ni Christian. Agad ko iyong kinuha at tinutok sa tumatakbong halimaw.
Tinamaan sa balikat ang halimaw at nagpagulong-gulong ito sa lupa. Sinigawan ko si Arrya na tumayo na sa kanyang hinihigaan pero medyo hindi pa siya nababawian ng kanyang ulirat dahil sa kanyang nasaksihan. Wala na akong ibang ginawa kundi ang tumakbo papunta sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay pero bigla akong inatake ng halimaw. Sa pagkakataong iyon ay hiniwa nito ang natitira kong daliri sa kaliwang kamay ko. Napamura ako sa sakit sa kanyang ginawa at dahil nabitawan ko ang baril dahil sa kanyang ginawa ay sinuntok ko ang kanyang mukha para depensahan ang aking sarili.
Mabuti nalang ay magaling ako sa suntukan noong nagsasanay palang ako sa loob ng Headquarters. Kahit sa malalakas kong suntok na pinapakawalan ay hindi pa rin ito umaalis sa pagkakadagan sa akin.
Umungol ito ng nakakapangilabot at natigil ang eksenang kanyang ginagawa nang biglang hinampas siya ni Arrya gamit ang isang kahoy. Sa pangalawang pagkakataon ay nabaling na naman ang atensyon ng halimaw sa murang mukha ng batang babae.
Dahil sa ginawa ni Arrya ay nagkaroon ako ng oras na kunin ang baril na aking nabitawan kanina. Hindi ko pa nakakalabit ang baril nang mayroong dumating na dalawang Killer Lizard. Sa kanilang biglang pagpapakita ay medyo nawalan na ako ng dahilan na mabuhay. Bigla kong binaril ang halimaw na lumabas sa katawan ni Christian. Nakabukas ang kanyang dibdib at nagkalat ang kanyang mga laman sa lupa.
Bigla kong tinago si Arrya sa aking likuran upang ang atensyon ng mga Killer Lizards ay mapunta sa akin. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Arrya na nanginginig na sa takot. Hindi pa siya nababawian ng lakas upang gamitin ang kanyang abilidad. Kung magagamit man niya ang kayang abilidad ay hindi ko pa rin siya papayagang makipaglaban. Masyado pa siyang bata para sa ganitong mga bagay.
“I’m scared, Toby.”
“You don’t have to, I'm here for you.”
Napakapit ito sa aking putol na mga daliri at napatalon ako sa sobrang sakit. Mabuti nalang ay hindi gumalaw ang mga Killer Lizards sa aking biglaang pagtalon. Agad naman siyang nagpaumanhin sa kanyang ginawa at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sumunod niyang tanong sa akin.
“Tutubo ba ang mga daliri mo ulit?”
“W-What?”
“Kase yung ngipin ko tumutubo pagkatapos itong naputol,” inosenteng sabi nito, “tutubo na yan?”
“O-Of course, it will grow back,” pagsisinungaling ko para naman tumigil na siya sa kanyang pagsasalita.
Natigil ang aming pag-uusap nang narinig ko ang malalakas at mabibilis na hakbang ng mga Killer Lizards. Naamoy ba kami ng mga hayop na ito hanggang dito? Hindi ko lubos maisip kung bakit hanggang dito ay nasundan pa rin kami. Talagang kakaiba ang pang-amoy ng mga halimaw na ito.
Napatili sa sobrang takot si Arrya nang makita niya ako makipaglaban sa halimaw. Ang mga pangil ng Killer Lizard ay masyadong matalim at ang panga nito ay malakas kaya hindi ko magawang makalapit sa halimaw upang patayin sila. Isang malakas na pag-atake gamit ang kanyang bunganga ay kayang magpatumba ng maliit at payat na puno. Kung isang halimaw palang ay nahihirapan na akong patayin ay paano pa kaya kung dalawa silang sabay na atakihin ako?
Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait kaya mas pinili kong tumakbo para manatiling buhay. Agad kong binuhat si Arrya at binilisan ang paggalaw ng aking mga paa para makaiwas sa mga halimaw na naging balakid sa aking buhay nang pumasok ako sa kagubatang ito. Hindi ibig sabihin na naduduwag ako sa mga halinaw dahil sa aking ginawang pagtakbo. Hindi kaduwagan ang piliin ang manatiling buhay upang sagipin ang taong nangangailangan ng aking abilidad.
Kailangan kong panatilihing buhay si Arrya dahil sa aking binitawang pangako. Ang pangakong poprotektahan si Arrya para kay Trudea at ang aking pinangako na sasagipin ang mga kabataang dinukot ng CRYPTIC. Kailangan kong tupadin ang dalawang pangakong iyon.
“Bilisan mo, Toby. Malapit na nila tayong mahabol,” natatakot na sambit ni Arrya.
Hindi ko siya pinansin at mas lalong naging mahirap sa akin ang pagtakbo nang bigla kong naramdaman ang isang batong humaharang sa aking nilalakaran. Napatid ako doon at mabuti nalang ay mabilis kong kinulong si Arrya sa aking mga bisig. Nagpagulong-gulong kaming dalawa sa maalikabok na daan at dahil sa aking paggulong ay napabilis ang aming pag-iwas sa mga Killer Lizard. Malayo ang aming narating dahil sa aksidenteng natamo naming dalawa.
Kaya nagkaroon ako ng oras upang
makapag-isip ng plano kung papaano patayin ang mga hayop na iyon.
Sa aming pagtayo ay nahulog ang isang pen na binigay sa akin ni Christian at mabilis ko iyong pinulot. Ang pen na ito ay ang magtuturo sa akin sa fortress ng RAPSCALLION. Nang mapulot ko iyon ay nagkaroon ako ng ideya kung papaano ko patayin ang mga Killer Lizard.
“Arrya, listen to me,” pagtawag ko sa kanya at agad naman siyang nakinig sa aking sasabihin, “You have to hold this and tell me where is the exact location of RAPSCALLION, can you do that?”
Matapos ko iyong masabi ay tumango ito upang sumang-ayon sa aking pinag-uutos. Agad niyang hinawakan ng mabuti ang pen at mabilis ko siyang binuhat. Hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo ang aking mga putol na daliri. Dahil sa kirot at sakit na nararamdaman ko na nakapalibot sa aking putol na daliri ay hindi ko mapigilang umiyak at napangiwi sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Dahil din doon ay hindi ko rin nabubuhat ng maayos si Arrya.
Napalingon kaming dalawa sa deriksyon ng mga Killer Lizards dahil naririnig namin ang kanilang nakakapangilabot na ungol na talagang umaalingawngaw sa buong paligid. Kahit siguro ang pinakamatapang na tao ay magtatago kapag marinig ang kanilang ginagawang tunog.
“Toby,” sabi ni Arrya.
“What is it?”
“Please don’t die,” sabi niya at nagsimula nang tumubig ang kanyang mga mata, “please, promise me.”
“I won’t die, I promise you,” sagot ko naman sa kanya at pinilit na ngumiti upang mapalitan ang kanyang nangangabang mukha.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top