CHAPTER TWENTY
"Kelly"
Parang bumagal ang oras nang makita ko ang patakbong batang babae papunta sa halimaw na gustong-gusto akong lapain at pira-pirasuhin. Agad na nilapat ni Arrya ang kanyang inosentang mga palad sa braso ng halimaw. Ilang saglit lang ay natunghayan ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata. Kulay kahel ang nilalabas niyang ilaw sa kanyang mga mata. Mga ilang segundo matapos niya iyong gawin ay nakita ko ng buong detalye kung paano sumabog ang katawan ng halimaw. Unang napunit ang maputlang balat nito na kung tawagin at ang epidermis at sumunod naman ang tinatawag nilang dermis. Halos masuka ako nang pumutok ang mga buto nito at mubulwak ang itim na likido na sa tingin ko ay ang kanyang dugo.
Umakyat ant pagsabog ng kanyang mga laman mula sa kanyang braso hanggang sa kanyang ulo. Bumiyak ang kanyang bungo at ang huling pumutok ang kanyang nakalabas na utak. Tumalsik ang itim na dugo nito ang kanyang Cerebrospinal fluid. Sa nangyaring iyon ay hindi ko na nagawang pigilan ang aking pagsusuka. Nabalot ng dugong itim ang buong katawan ni Arrya dahil sa kanyang ginawa sa halimaw.
Ilang sandli pa ay bigyang bumigay ang kanyang mga tuhod dahil sa nangyari. Kung tama ang pagkakatanda ko ay hindi niya pa kayang gamitin ang kanyang kapangyarihan dahil hindi pa siya nababawian ng lakas.
Tumakbo ako palapit sa kanya para saluhin ang kanyang ulo. Nang masalo ko iyon ay pinilit ko na huwag mapangiwi sa sakit dahil ginamit ko ang aking kamay na walang tatlong daliri sa pagsalo sa kanya.
"S-Salamat at buhay ka pa, Toby."
Nararamdaman ko ang panghihina ng kanyang katawan base sa kanyang tono aa pagsasalita. Nahihirapan ito sa paghinga at minabuti niyang ipikit ang kanyang mga mata.
"Don't close your eyes. Arrya. Don't close your eyes!" kinakabahang sambit ko sa kanya habang nililibot ko ang aking paningin kung saan ko nailagay ang aking bag.
"I'm not going to die," nakangising sambit nito, "I-I need some-some rest."
"Mukhang nagamit mo lahat ng iyong lakas kanina. Nanghihina ka."
"Kaya nga kailangan kong matulog."
Pinahiga ko siya saglit sa damuhan at naghanap ako ng tubig sa paligid. Medyo sa tingin ko ay malayo sa aming deriksyon ang ilog ng Central City. Kailangan ko na makahanap ng tubig para maalis sa katawan ni Arrya ang dugo ng Killer Lizard. Hindi ko alam kung mayroon ba na epekto ang dugong iyon sa kanyang katawan pero mas mabuti na ang mas ligtas. Pinunit ko ang laylayan ng aking damit para ibalot sa dumudugo kong putol na daliri. Kahit gusto kong hanapin sa wasak na katawan ng Killer Lizard ang aking daliri ay hindi ko iyon mahanap dahil bukod sa maalinsangang amoy nito ay nakakadiri rin itong tignan.
Sa mga pagkakataong ito ay nawawalan na ako ng pag-asa. Nawawalan na ako ng pag-asa na makakalabas pa ako ng buhay dito sa loob ng kagubatan. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko ang grupo ng RAPSCALLION. Nawawalan na rin ako ng pag-asa na magkakaroon pa ng magandang pangyayari sa susunod na araw.
Tila ba ay nang makapasok ako sa loob ng kagubatang ito ay puro pighati at takot na ang aking naramdaman. Sa dinarami-rami ng aking misyong nagawa ay ito palang ang sa tingin ko na hindi ko makakayang pagtagumpayan.
Nawalan ako ng kaibigan, kakampi, at kapatid. Nawalan din ako ng mga daliri, hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi dahil nawalan ako ng daliri. Sa mga pagkakataong ito ay parang bumibigat na ang aking mga paa. Hindi ko na kayang maglakad pero kailangan kong humakbang para kay Arrya. Siya nalang ang natitira sa akin.
Ang dugong puno ng tapang at pag-asa ay biglang naglaho nang naranasan ko ito.
Isang boses ang bigla kong narinig mula sa aking isipan. Boses na nagbigay sa akin ng pag-asa, tapang, at pagmamahal. Boses iyon ni Kelly. Napapikit ako sa aking narinig ay sa kadilimang nakikita ko mula sa aking pagpikit ay nakita ko ang mukha ni Kelly. Nakangiti ito habang hinahawakan ang kuwentas na binigay ko sa kanya.
Nagpaalala ito sa akin na kailangan ko na mabuhay para sa kanya. Bakit nakalimutan ko ang aking pangako kay Kelly? Bakit sa lahat ng nangyari sa akin dito sa loob ng kagubatan ay nakalimutan ko na mayroon palang babaeng matiyagang naghihintay sa aking pagbabalik. Si Kelly ang babaeng pinangakuan ko na pakakasalan ko matapos ko na matapos ang ang misyong ito.
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako sa aking naramdaman at nang makita ko mula sa aking isipan ang maganda at maamong mukha ni Kelly. Dahil sa aking naramdaman ay lumagablab sa aking dibdib ay apoy ng pag-asa na hindi pa tapos ang lahat. Hindi pa natatapos ang kuwentong ito. Hanggang nabubuhay pa ako ay hindi pa huli ang lahat. Huminga ako ng malalim at tinignan ang mukha ni Arrya.
Nang makasigurado akong maayos ang paghiga ni Arrya sa damuhan ay agad na akong lumisan. Balak ko pa sanang hindi ituloy ang aking binabalak pero nanguna sa aking isip ang kalagayan ni Arrya.
Nang hindi pa ako lubusang nakakalayo sa pinag-iwanang kong lugar kay Arrya ay nakaramdam na ako ng kakaibang kutob. Kasabay ng aking masamang pakiramdam ay ang kauskus na tila ba ay hindi na bago sa aking pandinig. Awtomatikong lumundag ako ng mataas at tumakbo ng matulin para lang balikan si Arrya.
Sa una palang ay mali na ang desisyon ko na iwan siyang mag-isa sa kagubatan. Maraming halimaw sa paligid kaya hindi ko puwedeng iwan lang siya ng gano'n lang. Mabilis kong hinahawi ang mga dahon na sumasagabal sa aking dinaraanan at nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Arrya ay agad kong tinadiyakan ang isang tao na nakatayo malapit kay Arrya.
Napahinto ako sa aking ginawa at kinusot ang aking mga mata kung totoo ba ang aking nakikita. Tumalsik ang isang tao na aking tinadiyakan kanina malapit sa patay na katawan ng Killer Lizard. Nang maamoy nito ang mabahong bangkay ng halimaw ay napabalikwas siya at nandiri ng husto.
Kinusot ko muli ang aking mga mata para tignan kung talagang tao nga ang nakikita ko o isa lamang ilusyon na ginagawa ng aking utak.
"What the hell, dude?" tanong nito sa akin at agad nitang inayos ang kanyang sarili. Hinawi nito ang kanyang buhok at tinignan ako ng maigi mula ulo hanggang paa.
"W-Who-what are you doing-"
"Okay," sabi nito nang pinutol niya ang aking sinasabi, "The most common questions we received when we met people inside this vast forest is 'What are you doing here', 'Who are you", "Are you a member of CRYPTIC", "Are you a human? Or a protector of the forest", and the most offensive question I got is, "ARE YOU A GIRL?" Am I looked feminine?" sumigaw na siya sa huling mga salita na kanyang sinabi.
Lumapit ito sa akin at parang kung makipag-usap ito sa akin ay kaibigan niya ako. Kung gumalaw ito ay parang kaibigan ko lang. Kung magsalita ito ay parang kaswal lang at komportableng-kompertable itong magreklamo.
"Am I looked feminine to you? Of course, I take a good care with my body so the girls will fall in love with me but that was too far. Should I grow a moustache or beard so I can looked like a masculine?" sunod-sunod nitong sabi sa akin, "You know what, I was planning to cut my hair because maybe this is the reason why I looked like a girl."
"W-WAIT!" sigaw ko para sa pagpapatigil ko sa kanyang pagrereklamo na hindi ko naman gustong pakinggan, "Sino ka ba? Bakit nga ba bigla kang lumitaw dito?"
Ngumisi ito ng napakalapad at agad nagpakilala ng pormal sa akin. Mahaba nga ang kanyang buhok at mas makinis pa ang kanyang balat sa mukha kaysa sa balat ng itlog ng manok. Hindi bumagay sa kanyang mukha ang hubog ng kanyang katawan. Masyado itong malaki kumpara sa mala-babae nitong mukha. Pinigilan ko ang aking pagtawa nang mapagtanto ko na mukha nga siyang babae. Babaeng maskulado.
"Ano ang tinatawa-tawa mo?" nakasimangot nitong tanong sa akin, "Sa iyong katanungan, ako pala si Christian."
Nagpumilit itong ngumiti kahit medyo nararamdaman niyang namamatay na siya sa kahihiyan sa kanyang ginagawa. Hindi ko kase mapigilang matawa sa kanyang mukha dahil mukha nga siyang babae kung titignan. Mabilis itong magsalita at matikas kung gumalaw. Yung mukha lang talaga ang gumagambala sa pisikal niyang anyo.
"I am a Member of RAPSCALLION."
Nanlambot ang aking mga tuhod nang marinig ko ang kanyang sinabi. Agad ako niyong inalalayan sa pagtayo.
Nagtaka ito sa kanyang nakitang emosyon na aking ginawa. Hindi ko mapigilang umiyak ng husto dahil sa likod ng nangyari sa akin sa loob ng kagutabang ito ay ngayon ko lang nahanap ang grupo ng RAPSCALLION.
"IS IT TRUE? ARE YOU A MEMBER OF RAPSCALLION?!" muli ko siyang tinanong. Tumango ito ng ilang ulit para pagtibayin ang kanyang sinasabi na miyembro nga siya ng grupo.
Bigla ko siyang niyakap at napasigaw ako sa sobrang kaligayan dahil ngayon ay hindi na ako mamamatay sa loob ng kagubatan at matatapos ko na rin ang aking misyon. Ang inaakala ko na wala na akong pag-asa ay biglang nagbago nang makita ko ang isang miyembro ng RAPSCALLION.
"Can you get us to your fortress?" I asked Christian.
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top