CHAPTER SIX
“Killer Lizard”
“WHAT ARE YOU DOING?!!!” sigaw sa akin ni Trudeau nang bigla niya akong tinulak palayo sa paparating na halimaw. Himalang nakaligtas ako sa pag-atake ng halimaw at nagpapasalamat talaga ako sa ginawa ni Trudeau. “You aren’t planning to feed yourself to that monster, aren’t you?”
Napahinto ang halimaw sa kanyang pagtakbo nang napag-alaman nitong nakaiwas ako sa kanyang pag-atake. Lumingon ito at nagpalabas ng napakalakas na ungol na ikinatyo ng mga buhok ko sa batok. Nakakapangilabot pakinggan, nakakahindik tignan.
The questions we needed to answer were the following: Why did the monster that was trying to kill us come out of the body of the Golden Troop? Why did he lose his leg? Why there was an animal that started like it was made inside a laboratory? If it was made by humans then surely only the CRYPTIC would have the ability to create that kind of animal.
Kahit ba naman sa aming paglalakbay papuntang RAPSCALLION ay mayroon pa ring CRYPTIC na bumabalakid sa aming daan?
“Watch out!” patuloy na pagsigaw ni Trudeau at muli na naman niya akong tinulak.
Nagawa ng halimaw na putulin ang mga hibla ng aking buhok dahil sa lakas ng kanyang pag-atake gamit ang kanyang matutulis at mahahabang kuko. Masasabi kong bihasa sa pag-atake itong si Trudeau dahil nagawa pa rin niyang makaiwasa sa pag-atake ng kalaban kahit nasa ere ito. Lumapag ang kanyang mga paa sa ulo ng halimaw at mabilis niyang hinugot ang kanyang baril at sinimulang pinutukan ng bala ang utak ng halimaw. Dahil sa kanyang ginawa ay tumalsik ang itim na dugo ng halimaw sa kasuotan ni Trudeau maging sa aking mukha.
Agad na bumangon ang halimaw mula sa pagkakabaril sa kanya ni Trudeau at sa isang iglap ay kumaripas ito ng takbo palayo sa amin.
“Pasalamat ka at hindi asido ang dugo ng halimaw na ito. Kung nagkataon ay paniguradong sira na ang mukha mo ngayon,” sambit ni Trudeau. Hindi ako nagbigay ng kahit anong reaksyon sa mga binitawan niyang mga salita.
Nasa gitna naming dalawa ni Trudeau ang wala ng buhay na halimaw. Kung titignan ng maigi ang halimaw ay kahawig nito ang anyo ng isang butiki kaya napagdesisyunan naming tawagin ang halimaw na ito na ‘Killer Lizard’. Malakas ang aking pakiramdam na isa ito sa mga eksperimento ng CRYPTIC. Sino pa bang organisasyon ang mayroong ideyang gumawa ng bagay na tulad nito?
Kung iisiping mabuti ay paniguradong ang bangkay ng Golden Troop ay ang host body ng Killer Lizard. Ang katawan ng Golden Troop ang siyang magsisilbing mundo bago ito lumabas sa katawan ng kanyang napiling host ng sapilitan. Brutal kung brutal ang mangyayaring panganganak ng host body sa enhanced killer lizard. Sa tingin ko ay nasagot ko ang unang katanungang bumabagabag sa aking isipan.
Ang sunod na tanong lang ay kung bakit nawalan siya ng binti? Hindi siya puwedeng mawalan ng binti habang hindi pa niya napapalabas sa kanyang katawan ang halimaw. Hindi kaya ay maaaring magkaroon ng dalawang killer lizard sa iisang host? O kung tama ang hinala ko ay mayroon pang ibang killer lizard sa paligid na siyang dahilan kung bakit nawawala ang binti ng Golden Troop?
“ARE YOU KIDDING ME?!” Trudeau shouted again when he saw the approaching killer lizard in the distance. “RUN!”
My suspicion seems to be correct. There is another killer lizard inside this forest. The question is whether it is from the body of the Golden Troop who lost his leg or from another human body?
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpaputok na naman ng baril si Trudeau. Wala kaming ibang pagpipilian kundi ang iwan ang bangkay ni Taki at ang katawan ng Golden Troop. Kung bubuhatin pa namin ang mga katawan nila ay paniguradong mapapaslang kami ng killer lizard.
“So, What’s your plan now? Leader?” sarkastikong tanong nito.
“I’m trying to think here. Shut your blabber mouth of yours!” naiinis kong sigaw sa kanya habang iniiwasan ang mga puno na sumasagabal sa aming dinaraanan.
Matapos maubos ang bala ng baril ni Trudeau ay muli siyang nagsalita, “Marunong ka bang umakyat? Alam kong mukha kang unggoy pero marunong ka ba?”
Medyo hindi ako natuwa sa kanyang sinabi. Matalim talaga ang dila ng lalaking ito. Kung hindi ako makakapagtimpi ay ipapakain ko siya sa halimaw.
Hindi ko siya sinagot at dahil abala ako sa aking pag-iisip tungkol sa kanyang sinabi at hindi ko nakita na mayroon palang naka-usling ugat ng puno sa lupa at napatid ang aking paa at dahil doon ay nawalan ako ng balanse at nadapa.
Inangat ko ang aking ulo at nakita ko si Trudeau na hirap na hirap na umakyat sa malaking puno.
Lumingon ako at nakita ko ang killer lizard na papalapit sa akin na handang lapain ang mga buto ko sa katawan. Natataranta kong hinalungkat ang aking dalang bag para hanapin ang hand grenade. Hinugot ko ang safety pin nito at mabilis na hinagis sa nakabukang bunganga ng halimaw. Ilang saglit lang ay sumabog ang hand grenade sa loob ng halimaw at ang mga laman nito ay nagkalat sa mga ugat ng malaking puno.
“You did great, leader.” pang-iinsulto ni Trudeau at tinapik ang aking balikad para kunwaring natuwa siya sa aking ginawa. “Now, We have two options here,” sambit nito habang tinitignan ng maigi ang mga lamang nagkalat sa mga ugat ng puno. Nakapamewang itong lumingon sa akin at suot din niya ang matutulis nitong tingin. “ Either we go back to the HEADQUARTERS, report this mess, or we continue our mission and deal with this man-killing lizard?”
He raised his two eyebrows to indicate that he was waiting for what I had to say. I didn't know why he was still able to calm himself despite what we went through in the jungle. It was only our first day in our mission, but the we had experience was horrible. I didn't really think that we could survive the night if the thing would continue to appear in front of our faces.
“If you want to go back, then go. I’ll finish the mission,” seryosong sagot ko sa kanya na ikinabigla niya ng husto.
“Are you out of your mind? Does your ego strike you again?” Sa ikatlong pagkakataon ay nagsimula na naman siyang mang-insulto. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o hindi pero para sa kapayapaan ay hindi ko nalang pinapatulan. “Are you afraid to go back to the HEADQUARTERS because they might judge you and create a description that the flashy bulb named AGENT KINOTO is a chicken or should I say, a big COWARD?!”
“I am not afraid to be called as coward,” sagot ko sa kanya at mahinahong tumayo mula sa aking pagkakadapa at inayos ang aking sarili. “People always have something to say no matter what you did. I am not afraid with their judgement. The reason why I need to finish this is—” Sa walang kadahilanan ay napatigil ako sa aking pagsasalita.
“What’s the matter?”
“I-I…” Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makapagsalita sa mga oras na iyon. Pinilit kong ibuka ang aking bibig para iparating sa kanya kung ano ang dahilan. “Because of your sister.” Nang marinig niya iyon ay nanlaki ang kanyang mga mata.
Thank you for reading :)
P.S.
Boang kase yung AI, prompted blocked kaya ito nalang muna ang mukha mg lizard. Hahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top