CHAPTER TWO
"Flashback: The Day Before"
KASALUKUYANG nagdiriwang ako sa aking ika-labing-pitong kaarawan sa aking tahanan. Nandito lahat ang aking mga kaklase at mga kaibigan. Lahat sila ay masayang nilalantakan ang mga pagkaing aming hinahin. Mayroong nagtatawanan, nag-aasaran, nagkuwentuhan, magkasintahang naghahalikan, at mayroong naghahabulan.
Kahit gaano kadalas ko silang pinapaalalahananan na huwag masyadong gumawa ng malakas na ingay ay hindi pa rin sila nakikinig. Kasalanan ko rin naman kung bakit hindi ko makontrol silang lahat. Ang masaklap ay hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mamahaling vase ni Mom. Iyon pa naman ang huling ala-ala ni Dad sa kanya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nangyari. Hindi ko alam ang gagawin at wala akong kakayahang pabagalin ang oras. Hindi maiiwasang dadating si Dad ngayong 11:00 ng gabi. Mayroon siyang trabaho sa kanyang pinapasukang laboratoryo. Isa siyang assistant ng isang scientist. Hindi ko na alam ang mga detalye sa kanyang trabaho dahil wala naman siyang binabanggit sa akin liban lang sa kanyang oras ng trabaho.
"Dude, are you okay?" nang-aasar na tanong ng isang kong kaklase na hindi ko maman alam ang pangalan. Mayroon siyang bitbit na pulang cup at paniguradong ang laman ay hindi alak kundi isang soda.
Mahigpit kaseng pinagbabawal sa bahay ang magdala ng inuming nakakalasing. Pumayag naman si Dad na rito sa bahay ipagdiwang ang aking kaarawan. Nasa kaalaman naman niya na pupunta ang buo kong kaklase sa bahay pero hindi niya alam na malaking ingay ang gagawin ng aking mga kaklase. Ang ingay na nililikha nila ay tiyak magkakaroon ng malaking perwisyo sa mga kapit-bahay. Ang malalalang mangyari ay baka katukin kami ng mga Golden Troops at ipatigil ang ginagawa naming selebrasyon.
"I'm just picking some fragments," sagot ko sa kaklase kong hindi ko kilala ang pangalan. Wala naman kase akong balak na kilalanin ang buo kong kaklase.
"Is your dad gonna be mad about this?? This?"
"In your own perception, he might or he will?"
"Nah... I dunno. He's not my dad."
I just gave him a look that made his expression shifted from smiling to serious.
"I'll see you around," Pagpapaalam ko sa kanya at tinapik ang kanyang kaliwang balikat at sinimulang maglakad palayo sa kanya.
Nang naitapon ko na ang basag na vase ay isang malakas na kalabog ang umalingawngaw sa buong bahay. Nagkagulo ang buo kong mga kaklase at naghalo sa kanilang mga sigaw ang mga mabibigat na kalabog sa dingding at sahig. Hindi ko mawari kung sino ang gumagawa ng ganung ingay.
Mabilis akong pumunta sa pasilyo ng bahay at nandoon ko nadatnan ang mukha ni Dad na umuusok na sa galit. Mas lalong dumagdag ang kanyang galit nang makita niya ang sirang vase ni Mom. Sumigaw ito ng napakalakas at nagsintakbuhan ang buo kong mga kaklase palaba ng bahay hanggang dalawa nalang kami ni Dad ang naiwan sa loob ng bahay. Hindi ko nagawang makatingin sa kanya ng deritso.
"Ano ba ang iniisip ng mga kabataan ngayon?" mahinahon niyang tanong sa akin pero kapag hihimayin ng mabuti ang bawat salitang kanyang pinakawalan ay nakakasigurado akong pinipigilan niyang magalit ng husto.
"I-I-"
Hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin at mabilis itong niligpit ang mga nagkalat na pulang cups sa sahig at sa loob ng kusina. Napatawa naman ito bigla nang napag-alaman niyang ang inuming nilalantakan namin ay isang carbonated soft drinks. Alam niya na kahit hindi niya gusto ang nangyari ay sumunod pa rin naman ako sa kanyang bilin na huwag maglagay ng inuming nakakalasing.
Simula pa namna kase noong una ay wala sa aming pamilya ang uminom ng alak. For us, alcoholic drinks are the roots of evil. Call as weird or something like that but there's nothing's wrong with that kind of belief. Also, it didn't make as less being a human if we haven't tasted a single drop of alcohol.
"You know that I have a work. Right?"
Tumango ako sa kanyang sinabi.
"We are doing our best to track the main base of CRYPTIC. We have this few steps away before we finally discover their base," sabi niya at tinigil nito ang kanyang ginagawa at umupo sandali para pag-usapan ng husto ang topikong sinimulan niya, "It's not safe here. We have to leave as soon as possible. Some of the CRYPTIC are doing their best to find the rat of their group."
Sa kanyang sinabi ay napakunot ako ng noo at napataas ng kilay.
"What is the rat, Dad?"
"Me and Mr. Siyaszo Diasque are the rats of CRYPTIC."
Alam ko na nagtatrabaho siya sa isa sa mga Laboratoryo ng CRYPTIC. Kung tama ang aking pagkakatanda ay ang tawag sa laboratoryong iyon ay HEXAGON. Hexagon dahil sa hugis ng mga salaming bumubuo sa buong gusali. Matagal ng panahon nang tinulungan kami ng Headquarters na makaligtas sa pamamaslang ng CRYPTIC. Nakaligtas kami ni Dad sa malagim na trahedya na ginawa ng CRYPTIC pero matagumpay na napaslang ng CRYPTIC si Mom.
Ang motibo ng grupo kung bakit nila nagawa iyon ay para sa isa nilang eksperimento. Nais nilang dumukot ng mga tao pero kapag manlaban ang taong dudukutin nila ay paniguradong papaslangin nila ito. Iyon ang nangyari sa aking Ina. Pinaslang nila ang aking Ina dahil nanlaban kami. Kami lang ni Dad ang nakaligtas dahil agad na dumating ang Headquarters para kami iligtas.
Sa mga sumunod na araw ay naging miyembro kami ni Dad ng Headquarters. Sa mga panahon na iyon ay labing-lima palang ako kaya hindi ako pinahintulutan ng Headquarters na sumulong sa pagsasanay upang maging agent ng Headquarters. Kasalukuyang nasa mabigat na misyon ang anak ng General na si Siyaszo Diasque dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa dahil sa panganganak kay Kylvin Diasque. Mag-iisang dekada na si Siyaszo sa pagpapanggap bilang CRYPTIC nang napagplanuhan ng buong Headquarters na ipasok si Dad sa loob ng CRYPTIC. Dahil nandoon naman si Siyaszo ay madaling nakapasok si Dad sa CRYPTIC.
Diangson Liu. Iyon ang buong pangalan ni Dad. Masyado kaming magkamukha ni Dad kaya kung minsan ay napagkakamalan kaming magkapatid o kambal dahil parehong-pareho ang hulma ng aming mga mukha sa isa't isa.
"Nakakapansin na ang CRYPTIC na mayroong traydor sa kanilang grupo."
"Paano sila nakakahalata?" tanong ko sa kanya habang pinapatong ko ang tasa ng kape sa katabi niyang lamesa. Sa totoo lang ay nag-aalala ako sa kanyang mga gagawin lalo na at nasa puder siya ng kalaban.
"Lahat ng mga operasyon ng CRYPTIC na dumukot ng tao ay palaging nabubulyaso. Palaging nakaabang ang Headquarters para sila ay pigilan. Doon na sila nagkakaroon ng hinala ang buong CRYPTIC na mayroong mga daga ang nakapasok sa loob ng kanilang lungga."
Nabanggit din sa akin ni Dad na kahit isang dekada na si Siyaszo sa loob ng CRYPTIC ay hindi pa rin niya napupuntahan ang Main Base ng grupo. Mayroon kaseng mga ranko ang kailangang makuha bago makapasok sa kanilang Main Base.
"Ano na po ang gagawin ninyo?" tanong ko sa kanya habang pinapanood ko siyang umiinom ng kape.
"All I know is to leave immediately. I can sense that they track me here so better pack all your clothes and we will leave tomorrow."
"I'm tired going places to another."
Hindi niya yata narinig ang pagrereklamo ko dahil nagsalita siya na hindi konektado sa aking sinabi.
"I gave Headquarters a permission to train you."
Napatigil ako sa aking narinig at hindi ko na nagawang pigilan ang aking sarili na sumabog dahil sa sobrang galit. Nasigawan ko siya at agad naman akong nagpaumanhin sa kanya dahil sa aking inasal. Hiniling ko lang sa kanya noon na ayokong maging agent dahil mayroon akong ibang gustong gawin. Nais ko lang ay mamuhay ng normal kagaya ng mga kaklase ko pero habang nasa gitna kami ng laban kontra sa CRYPTIC ay mukhang imposible ang hinihiling ko sa kanya.
"It's for your own good. Life is worst. We can't predict CRYPTIC's next move. Maybe this night they will attack, maybe tomorrow, maybe the day after tomorrow, next month, next year? We have no ability to have a short glimpse to the future. By having a ability to fight is the best way to protect yourself from CRYPTIC."
"I don't want it. In the first place, you're the only one who is a member of Headquarters, not me."
"I'm doing this for you. I'm working in a far distance from you and I can't protect you every hour." Pamimilit nito sa akin at inubos ang buong kape sa kanyang hawak na tasa. "Please, my son. For your own safety."
Wala akong sinabi sa kanyang kahit anong pangako dahil labag naman sa aking dibdib ang kanyang hiniling.
"I'm tired. I need to sleep. Don't worry, I'm going to clean this mess tomorrow," mahinahon pero nalulungkot kong sabi sa kanya at agad na tumalikod sa kanya. Huminto ako ng sandali para tignan siya. "Good night, Dad."
Thank you for reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top