CHAPTER TWENTY-THREE

“Flashback: Kylvin Diasque”


Nakasuot kami ngayon ng itim na armor suit upang maproteksyunan ang aming mga sarili sa mga hindi inaashaang pag-atake ng kalaban. Nagawang makontak ni Mr. Siyaszo Diasque ang Headquarters tungkol sa kanilang naranasan nang makauwi sila sa kanilang tinitirahan. Ayon sa sinabi ni Mr. Diasque sa kanyang kapatid na si General Sebastian Diasque ay natuntun sila ng CRYPTIC.

Dahil sa sobrang pag-aalala ng General sa kaniyang kapatid ay agad siyang nagpatawag ng first batch ng Pack  upang sagipin ang mag-amang nasa bingit ng kamatayan. Kasapi pa rin ako ng first batch ng Pack matapos ang nangyaring aksidente sa aerial war na kinamatay ng maraming agents. Wala na akong balak na sumapi pa sa Elite Agents kahit eligible ang aking background para sa kanilang inaalok.

Matapos ang napakarami kong misyong natagumpayan ay nagawa kong maging Pack Leader at pinangunahan ko sila sa pagsugpo sa mga kalaban sa bawat misyon na aming tinatanggap. Simula ng ako ay naging Pack Lider ay wala pa akong misyon na nabibigo. Siguro ay dahil sa nangyaring pagkamatay ni Pauline ay naging maingat na ako sa pagpaplano at sa pag-aalaga sa aking mga taga-sunod sa aking Pack. Ang tawag sa first batch ng Pack ay Alpha. Sa kabilang grupo naman ay pinapangunahan ni Trudeau ang Pack na Beta. Pareho kaming Pack Lider ng aming sariling mga grupo.

I think the reason why we reached this kind of status is because of what we incurred from the past. Those are the wounds that will never heal. We only think in a one linear goal after the death of Pauline. That pain and wounds made us a good leader in our own Pack.  He changed a lot and he I think he is not the same Trudeau I once knew.

“Sir, our way in is clear,” sambit ng isang agents mula sa maliit na speaker na aming suot. Nakakabit ang maliit na communication device sa dibdib ng aming suot na armor suit.

Agad akong sumenyas sa iba kong mga kasamahan na dahan-dahang lumasok sa loob ng lumang bahay ng Diasque. Naiwang nakabukas ang ilaw ng kanilang salas at nagkalat ang dugo sa sahig at base sa aming nakikitang mga bakas ng dugo sa sahig ay mayroong hinilang katawan papasok sa kusina ng bahay.

Sinabihan ko naman ang aking ibang kasamahan na samahan ako sa loob ng kusina at ang iba naman ay sinabihan ko na hanapin ang mga kalaban sa ibang sulok ng bahay. Gumagamit ang iba kong kasamahan ng bomb detector device upang malaman namin kung mayroon bang mga bombang nakatago sa buong paligid. Mas mabuti nang magibg handa upang hindi maulit ang nangyari sa amin sa aerial war.

Alam ko na hanggang ngayon na sumisingit pa rin sa aking isipan ang aerial war na naganap ilang taon na ang nakalipas. Hanggang kase ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na nawala na si Pauline at hindi ko pa rin matanggap na hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin ang mga CRYPTIC matapos ang kanilang ginawa.

“Sir, we found something,” sabi ng isang agents at kinalabit ako mula sa aking likuran.

Nakita ko ang bangkay ni Mr. Siyaszo Diasque na nakahiga sa kaliwang bahagi ng kanilang kusina. Tatlo ang tama nitong bala sa katawan. Dalawa sa kanyang dibdib at isa sa kanyang ulo. Basang-basa ang kanyang damit ng nito ng kanyang sariling damit at nakahawak ito ng isang baril na walang lamang bala. Mayroon pa siyang marka ng mga daliri sa kanyang lalamunan na paniguradong sinakal muna siya bago siya tinuluyan.

“Is that Mr. Diasque?”

“I’m afraid, affirmative,” sagot ko sa isang agents nang biglang tumunog ang isang white noise mula sa aking communication device na nasa aking dibdib. Isang boses ng aking agents.

Sinabi nito na mayroon siyang nakitang isang binatang wala ng buhay sa loob ng kanyang sariling kuwarto. Dali-dali kaming umakyat sa pangalawang palapag ng bahay para tignan ang bangkay. Pumasok kami sa isang silid na nagkalat ang buong mga gamit sa loob. Kung tama ang aking hinala ay hinalughog ng CRYPTIC ang buong lugar upang mahanap ang metallic orb.

Dalawang agents ang nakatayo malapit sa isang binatang walang saplot pang-itaas at nababalutan ng dugo ang kanyang dalawang kamay. Inaakala ng dalawang agents na kasama ko ay wala na itong buhay pero nang nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang pulso sa kanyang leeg. Naramdaman ko ang pagpintig ng kanyang ugat at doon na ako nakahinga ng maluwag dahil buhay pa ang nag-iisang tagapag-mana ng Diasque’s wealth at ng Headquarters. Tinignan ko ng maigi ang kanyang mukha at kapareho talaga ang hulma ng kanilang mukha. Nasa dugo talaga ng Diasque ang ganoong klase ng mukha.

Narinig ko mula sa kanyang bunganga ang paglabas ng mainit na paghinga na hudyat na talagang hindi pa siya patay. Kung titignan ang buo niyang katawan ay wala siyang ibang sugat bukod sa kanyang noo. Ibig sabihin lang ay tinago siya ni Mr. Diasque upang harapin ng mag-isa ang CRYPTIC.

“Sir,” tawag sa akin ng isang agents at nakita ko ang isang lihim na pinto sa pader ng kuwarto ng binatang ito.

Mayroong ilaw ang lumalabas sa sekretong pinto at agad ko iyong pinuntahan. Hinanda ko ang aking hawak na baril para maging handa sa kung ano man ang naghihintay sa akin sa loob. Nang makapasok ako ng tuluyan sa loob ng sekretong silid ay nakita ng dalawa kong mga mata ang isang device. Parang isa iyong Brain-Machine Helmet na mayroong electroencephalography.

Bigla akong nagtaka kung para saan ang bagay na iyon. Tumingin ako sa machine at tumingin din ako sa binatang walang malay na nakahiga sa kanyang sailing sahig. Ano ba ang nangyari rito?

Isang tinig na naman ang aking narinig mula sa communication device at sinabi ng ibang mga agents na walang mga CRYPTIC sa paligid. Kung wala na sila rito ay paniguradong nakuha na nila ang kanilang hinahanap sa mag-ama. Hindi ko alam kung bakit mayroong pumipigil sa aking sarili na huwag lisanin ang sekretong silid. Sinunod ko ang aking nararamdaman at tinignan ng maigi ang machine. Nakita ko sa sahig ng silid ang mga maliliit na bahagi ng isang kumikinang na bagay. Pinulot ko ang mga ito at alam ko na ito yung sinasabi nilang metallic orb na dahilan kung bakit mas advance ang nga teknolohiya ng CRYPTIC kaysa sa Headquarters.

Ilang sandali pa ay mayroon kaming narinig na mga putok ng baril mula sa unang palapag ng bahay. Agad kong nilagay ang mga naititirang mga labi ng metallic orb sa aking bulsa at mabilis na lumabas sa sekretong silid. Nadatnan ko sa ibaba ang dalawang CRYPTIC na mayroong sugat sa kanilang mga balikat. Tinulak ni agent Kinoto ang isang CRYPTIC upang magsalita sa aking harapan.

“Now, speak!” sigaw ni Kinoto.

Bakas sa mukha ng isang CRYPTIC na kapag hindi siya napapalibutan ng aming mga kasamahan ay tiyak lalagyan niya ng kutsilyo ang lalamunan ni Kinoto kaso lang ay hindi siya sa ganoong kalagayan.

“Bakit kayo bumalik dito?” paunang tanong ko sa kanya, “Hulaan ko, dahil hindi pa ninyo nakita ang metallic orb?”

Nanlilisik ang kanyang mga magang mata mula sa suntok na natanggap niya sa aking mga kasamahan. Ngumiti ito ng bahagya bago sinagot ang aking tanong. Mula sa kanyang mata at sa kung paaano ito makipag-usap ay halatang hindi ito takot sa amin.

“Go f*ck yourself!”

Sa kanyang sinabi ay nakatanggap muli siya ng suntok mula kay Kinoto. Dumura ito ng napakaraming dugo at nagawa pa niyang ngumiti sa harap naming lahat. Ang kanyang isang kasama ay tahimik lang na nakatulala sa nangyayari.

“Yes, you’re right. We didn’t expect you here. I thought that we will find the flash drive here but Erso was wrong, we don’t  know where it is. There’s no trace of metallic orb here, even the most important  datum we needed for our organization. We knew that brat boy hid the orb. We tried to kill that brat but he has an ability for hand-to-hand combats so we didn’t get a chance to retrieve the orb, happy now?” sagot nito sa akin at alam ko na hindi siya nagsisinungaling. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagdurusa sa sakit na kanyang natamo mula sa suntok.

Dahil nalaman ko mula sa kanya ang bagay na iyon ay malaki ang aming lamang mula sa CRYPTIC, kung wala ang orb ay paniguradong hihina ang puwersa ng kalaban. Agad kong tinutok ang baril sa kanyang ulo at mabilis ko siyang pinatay pati na rin ang nakatulala niyang kasama. Tumalsik ang ang dugo nitos sa dingding at sa armor suit ni Kinoto.

Agad kong inutusan ang ibang mga agents na buhatin ang binatang walang malay papunta sa aming sinasakyan na hovercraft. Sinunod nila ang aking pinag-uutos at agad naming nilisan ang bangkay ng dalawang CRYPTIC sa lumang bahay ng Diasque.

Habang lumilipad ang aming hovercraft ay mayroong bumabagabag sa aking isipan matapos kong makuha ang mga maliliit na bahagi nh metallic orb. Hindi ako sigurado kung tama ba ang aking iniisip. Tinignan ko ang binata at sa kanyang murang katawan ay imposible ang aking iniisip. Hindi puwedeng mangyari iyon. Kung ginawa nga iyon ni Mr. Diasque ay malaki ang posibilidad na mamamatay ang binata.

Ang mabuti pa ay ipasuri nalang ang binata kay Kelly upang magkaroon ng kapayapaan ang aking isipan. Sa aking iniisip tungkol sa posibleng nangyari sa kanila ay hindi iyon magagawang ma-adapt ng binata. Imposible talaga. Siguro ay nag-iisip na ako ng malayo mula sa realidad.


***


Matapos masuri ni Kelly ang katawan ng binata ay wala siyang nakitang kung anong bagay na maaring makapinsala sa murang katawan ng binatang Diasque. Hindi ko sinabi kay General Diasque ang tungkol sa aking iniiisip dahil baka nagkakamali lang ako. Mahirap na maniwala sa maling akala. Nang pinatawag ako ni General Diasque ay agad nito akong inutusan na sunduin ang kanyang nag-iisang pamangkin sa puntod ng kanyang yumaong kapatid.

Dahil umuulan ng malakas ay agad akong kumuha ng dalawang payong at naglakad papunta sa sementeryo ng Headquarters. Doon ay nakita ko ang binatang umiiyak at wala itong ibang ginagawa kundi ang tignan ang lapida ng kanyang ama. Ilang saglit pa ay biglang tumigil ang ulan at doon siya nagtaka kung ano ang kanyang naamoy sa paligid.

“It’s petrichor,” sabi ko na bigla niyang ikinagulat.

Hindi ito nagpahalata na nagulat sa aking biglang paglitaw sa kanyang tabi. Agad ko siyang inabutan ng payong tsaka muling nagsalita.

“Petrichor ang inaamoy mo, young master,” sabi ko ulit pero wala pa rin itong ekspresyon.

Wala siyang natatandaan sa nangyari at kahit ang kanyang sariling pangalan ay hindi niya maalala. Sinabihan ako ni General Diasque na kapag pumayag ang kanyang pamangkin na tanggapin ang misyon ay ako ang magiging tagapagturo sa kanya kung paano makipaglaban. Dahil nagsagawa ako ng ilang mga pagsasaliksik tungkol sa buhay ng binatang ito ay mukhang hindi ko na siya kayang turuan. Likas sa kanya ang makipaglaban kahit sa payat nitong katawan.

Habang naglalakad kami papunta sa Headquarters ay para siyang isang batang namangha nang malaman niya ang tungkol sa Reflective Defense System ng Headquarters. Naaalala ko tuloy sa kanya ang mukha ni Trudeau nang unang beses silang pumunta rito. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ko sa batang ito. Siguro ay nakikita ko sa kanya si Trudeau, si Trudeau na tinuring kong bunsong kapatid na ngayon ay hindi na niya ako magawang batiin sa loob ng Headquarters.

“Kylvin, This is agent Kinoto,” pagpapakilala ko kay Kylvin nang nasa loob kami ng Training Centre, “Kung mayroon kang katanungan tungkol sa loob ng Headquarters ay sa kanya ka magtanong, maliwanag ba?”

Tumango naman ang bintana at dahil marunong makipagsalamuha si Kinoto ay nagawa nitong makipag-usap ng maayos kay Kylvin na parang matagal na silang magkakilala. Si Kinoto ang magiging tagapagturo sa history at division departments ng Headquarters. Siya rin ang magsasabi kay Kylvin sa iba’t ibang uri ng Golden Troops at ng history ng Central City. Siya rin ang magsasabi sa mga malalaki at matataas na pader na nakapalibot sa siyudad.

Kung malapit si Kylvin kay Kinoto ay kinaiinisan niya naman ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako kinaiinisan siguro ay sa mga training na pinapagawa ko sa kanya. Nasubaybayan ko kung paano nagiging bihasa sa pakikipaglaban ang binatang natagpuan naming walang malay sa kanilang bahay. Nasaksihan ko kung paano siya naging ganap na Diasque.

Nakikita ko sa kanya na siya ang maghahatid nag tagumpay ng buong Headquarters. Siya ang magiging pag-asa ng buong Central City. Siya ang pupuksa sa buong CRYPTIC. Siya ang magiging unang Diasque na tutuldok sa kasamaan ng aming kalaban.

“Where are you going, Tobias?”
Napalingon naman ako kay Kylvin na kumakain ng vegetables salad sa kanyang hawak na styrofoam. Nakita kase niya akong nagliligpit ng aking gamit sa loob ng locker ng Training Centre. Alam ng mokong na ito na mayroon akong pagtingin kay Kelly at ang dahilan kung bakit biglang pumasok si Kelly sa kanyang kuwarto ay para pagtaguan ako.

Napakakulit ko kaseng pagkalalaki. Gusto ko siyang yayain na kumain sa labas pero ayaw niya, gusto niya lang daw ay manatili dito sa loob ng Headquarters. Dahil pinipilit ko siya ay nagkaroon si Kelly ng desisyon na magtago. Doon rin nalaman ni Kylvin na mayroon kaming relasyon ni Kelly.

“I have a mission, you d*mb*ss,” sarkastikong sambit ko sa kanya.

“Well good luck, Me and Kinoto will prepare a Homecoming Celebration for your once your mission is over,” sarkastiko rin na tugon sa akin. Ngumiti ito para mas lalo akong inisin pero mas pinili kong manahinik at pinagpatuloy ang aking ginagawang pag-aayos.

“You better be good, okay. I’ll  see you little bro,”

“I’m not your little bro.”

“Yes, you are,” sagot ko naman sa kanya at agad na ginulo ang nakaayos niyang buhok.

Ngumiti ako sa kanya bago ko binuksan ang pinto ng locker room at nang bubuksan ko ang pinto ay bigla niya akong tinawag.

“Don’t die there. Tobias,” sabi ni Kylvin at sa kanyang sinabi ay medyo nakaramdam ako ng lungkot at kasiyahan. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang magkahalong magkaibang pakiramdam na iyon, “Don’t die there or I will kill you.”

I chuckled.

Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top