CHAPTER TWENTY-FIVE

RAPSCALLION


I told her that I’m  not going to die but it was a lie. I couldn’t  see what’s ahead of me after this horrible scenario in my life. I don’t  know if I can survive with these human-eating monsters that created by CRYPTIC, our mortal enemy. I swore to Pauline that I need to protect Trudeau and I broke that promise. Trudeau despised me. I promise to Trudeau that I need to protect Arrya and I won’t let the history repeat itself again. In the fortress of RAPSCALLION, they can protect Arrya and they have defenses to kill these monsters. All I need right now is to lead this creepy monsters to RAPSCALLION’s base.

I need to do this, it’s  all or nothing. Pale skin they have will be burn under the weaponry of RAPSCALLION. Their black blood will dried up because of RAPSCALLION’s flamethrowers. Their breathing bare brain will splash into pieces when RAPSCALLION uses their ammos. I can’t wait to watch the disintegration of Killer Lizards’ bodies. I can’t  wait to escape from their claws. I thought I encountered CRYPTIC here in this forest but I encountered these monsters and it brought me tears and losses. I will make sure that CRYPTIC will pay after they did this to me. I will make sure that they will suffer the way I suffer.

When the time I finish my mission, I will go home. I will do a perfect plan to my new set of revenge of how to track down every member of CRYPTIC, the blood sucking leeches of Central City. I will make sure that they will pay. They have a lot of debts to me. I will make sure I’ll  take every last scent they have. For able to do that, I need first to stay alive. I need first to save myself from this danger. I need first to finish my mission no matter what.

While running as fast as I can while avoiding the attacks of Killer Lizard, I realized that I made two promises with Arrya. One is I need to rescue her friends from E.H. Laboratory and the second one is I need to stay alive. I guess I have already cemented my decision that I need to stay alive.

“Toby!” sigaw ni Arrya nang biglang sumulpot sa gilid namin ang isang Killer Lizard.

Sa tingin ko ay bumilis ang kanilang mga galaw. Habang tumatagal ang pakikipaglaban ko sa halimaw na ito ay lalo silang nag-eevolve. Hindi ko alam kung papaano sila tatalunin bukod sa pagtama sa kanilang utak. Kung magpapatuloy ang aking pagtakbo at nagagawa nilang makahabol ay paniguradong hindi na kami makakaabot ng buhay sa fortress ng RAPSCALLION.

“Lumiko ka rito!” sigaw muli ni Arrya.

Mabuti nalang ay hindi ako natamaan sa ginawang pag-atake ng isang Killer Lizard nang lumiko ako sa kaliwa. Hawak pa rin ni Arrya ang pen na naglalaman ng isang holographic map. Siya ang nagbibigay sa akin ng deriksyon papunta sa RAPSCALLION habang ako naman ay abal sa pag-iwas sa kalaban.

Hindi ko maiwasan na pumasok sa aking isip ang ginawa kong pangako kay Trudea. Kahit binabagabag ako ng kanyang ala-ala ay iyon ang ang nagbibigay sa akin ng pag-asa na mabuhay. Hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala ang kanyang pagkamatay.

Agad namang hinahawi ni Arrya ang mga dahong nakaharang sa aming tinatakbuhan. Kung minsan ay nadadapa ako, bigla naman siyang tumatayo at tinutulungan akong itayo. Dahil maliliit lang ang kanyang mga binti ay hindi ko siya puwedeng hayaan na tumakbo mag-isa. Hindi maiiwasang kailangan ko siyang buhatin para matupad ko ang aking pangako. Sa pagkakataong ito ay marami na akong responsibilidad na kailangang tapusin.

“Toby, Look!” halos mawalan ng hininga si Arrya sa kanuang pagsigaw habang tinuturo ang tamang lokasyon na nakasulat sa holographic map, “malapit na tayo sa ating distinasyon! Bilisan mo, Toby!”

Ngingiti pa sana ako nang biglang naramdaman ko ang matalim ba bagay na nagbigay ng malalim na sugat sa aking binti. Nabitawan ko si Arrya at tumilapon siya sa hindi kalayuan mula sa akin. Pinilit kong pagalawin ang isa kong paa na inatake ng Killer Lizard kanina pero ayaw nitong gumalaw. Nagsimula na akong kabahan sa aking nakikita. Bukod sa magkatapat kami ng Killar Lizard na nagbigay ng sugat sa aking binti ay kinakabahan rin ako na hindi ko na magagalaw ang aking isang paa kailanman.

Nakatulala ako habang nakaupo sa lupa at tintignan ang mukha ng Killer Lizard. Naglalaway ito at handang lunukin ng buo ang aking ulo. Nasa tapat na niya ang isa pa niyang kasamahan at takam na takam na rin ito na pagsaluhan nilang dalawa ang aking katawan.

Nang akmang ibubuka ng halimaw ang kanyang bunganga ay biglang tumakbo si Arrya sa aking kinauupang lupa para gamitin ang kanyang abilidad. Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang gagawin dahil maaari siyang mamatay kapag pinilit niya ang kanyang binabalak. Mahina pa ang kanyang katawan upang gamitin ang kanyang kakayahang magpasabog ng katawan.

“You promise me to stay alive,” umiiyak na sabi nito habang tumatakbo palapit sa kin, “But I didn’t promise you anything.”

“W-What?” nahihirapang tanong ko sa kanya dahil sa aking iniindang sugat sa binti.

“Today, I’ll  promise you that I protect you so you can stay alive!” sigaw niya at nakita ko ang pag-ilaw ng kanyang mata na isang hudyat na gagamitin niyang muli ang kanyang abilidad upang talunin ang halimaw.

Mabilis niyang hinawakan ang braso ng halimaw at bigla sumabog ang kalahating katawan ng Killer Lizard dahil sa ginawa ni Arrya. Naligo ako sa itim na dugo ng haliamaw at ganun din ang nangyari kay Arrya. Nagawa pang makapaglakad ng halimaw kahit nawawala na ang kalahati ng kanyang kamay.

Agad namang sumugod ang isa nitong kasama para atakihin si Arrya pero kahit nanghihina na si Arrya ay pinilit niya pa rin na gamitin ang kanyang abilidad para lang maprotektahan ako. Mabilis na umiwas si Arrya sa biglaang pagkalmot sa kanya ng halimaw. Ang isang halimaw na walang kalahati ay pilit nitong tumayo pero hindi ito makagalaw ng mabuti dahil sa kanyang kakulangan sa kanyang katawan.

Dahil ayoko namang hayaan si Arrya sa kanyang laban ay agad akong gumapang papunta sa kahoy na hawak kanina ni Arrya. Ito ang ginamit niya para makuha nito ang atensyon ng halimaw nang nawalan na ako ng buong daliri sa aking kaliwang kamay.

Gumapang ako pabalik sa kinaroroonan ng hating katawan ng halimaw at sinimulan kong tusukin ang katawan nito ng kahoy at napaungol ito sa kanyang naramdaman at bigla nitong winasiwas ang kanyang nag-iisang braso para tamaan ako sa kanyang mahahabang mga kuko. Nabaling naman ang aking atensyon sa biglaang pagsabog ng panga ng isang Killer Lizard. Hindi magawang pasabugin ni Arrya ang buong katawan ng kalaban dahil hindi pa niya nababawi ang lakas na kanyang nawala sa mga nakaraang laban na ginawa niya.

Ilang sandali pa ay bigla kong hinawakan ng maigi ang aking hawak na kahoy at malakas ko iyong itinusok sa ulo ng Killer Lizard. Ang huminga nitong utak ay biglang nagkaroon ng malalim at malawak na butas dahil sa aking ginawa. Sa sobrang inis na aking nararamdaman at galit na aking natatamo sa tuwing nakakaharap ko ang halimaw na ito ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na tusukin pa lalo ng ilang beses ang kanyang utak.

Every time I hear its flesh being destroyed because of what I’m doing, I couldn’t help but scream with so much anger and joy. I couldn’t help but feel so disgusted with this monster that they have no right to live in the world in the first place. Hindi sila dapat ginawa. Hindi sila dapat nabuhay. Kailanman ay wala silang karapatang mamalagi sa mundong aming ginagalawan.

Napatigil lang ang aking pagpatay sa wala ng buhay na Killer Lizard nang naramdaman ko ang pagtalsik ng napakaraming dugo ng Killer Lizard mula sa aking katawan. Napalingon ako kay Arrya at nakita ko ang ang nakatayong ribcage ng halimaw sa harap ni Arrya. Lumingon naman si Arrya sa akin at agad itong humiga sa sobrang pagod.

She smiled at me and I smiled at what she did. I immediately approached her by crawling because I could no longer move one of my leg. We both laughed after we killed the two monsters that had been chasing us. It’s so ironic that we supposed to go insane but the emotion that thriving inside of our bodies was joy.

“I saved you, Toby,” sambit ni Arrya.

“And I saved you, Arrya,” sagot ko naman sa kanya.

Naputol ang aming kasiyahan nang makarinig kami ng isang tunog mula sa bulsa ni Arrya. It was like a beeping sound coming from the pen. Arrya immediately pulled the pen out on her pocket and she opened it. We saw the holographic map and we saw the red spot started to turned green. I don’t  know what was that but I assumed that we reached our destination. We finally made to RAPSCALLION’s fortress.

Lumapad ang aming mga ngiti nang mapatunayan naming dalawa ni Arrya na nasa fortress na kami ng RAPSCALLION. Agad na tumayo si Arrya at binalak niya pa akong tulungan sa pagtayo pero pinigilan ko siya at piniling tulungan ang aking sarili sa pagtayo. Ginawa kong tungkod ang kahoy na ginamit ko sa pagpatay ng Killer Lizard.

Nang makatayo ako ay agad na ngumiti si Arrya sa akin. Sinabi ko sa kanya na matapos kong makipag-usap sa lider ng RAPSCALLION ay uuwi muna kami sa Headquarters at kakain ng masarap na pagkain. Tinanong ko siya kung ano ang kanyang paboritong pagkain at ang sabi nito ay gusto niyang kumain ng lemon cake. Iyon daw ang palaging niluluto ng kanyang Ina nang nabubuhay pa ito.

Ang inaalala ko lang ngayon ay kung makikipagtulungan ba ang RAPSCALLION sa amin. Pero nang inisip ko ng mabuti ang aking misyon ay ang talagang misyon ko lang ay ang hanapin ang RAPSCALLION at sabihan sila kung pupuwede silang makipagtulungan sa amin upang sugpuin ang CRYPTIC. Kapag nakausap ko na ang lider nila ay doon ko na masisiguro ang pinagtibay nilang deisisyon.

“Kuya Toby,” biglang sabi ni Arrya na agad kong ikinagulat.

Mukhang napakagandang musika ang pumasok sa aking dalawang tenga nang marinig ko mula sa inosenteng bunganga ni Arrya ang salitang “Kuya”. Ngayon niya lang ako unang beses na tinawag na Kuya. Sa kanyang sinabi ay hindi ko mapigilang maluha. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Talagang nagiging emosyonal na ako sa pagkakataong ito.

“Can I hear it again, Arrya?”

“Kuya,” matamis nitong sambit, “Kuya—” naputol ang kanyang sinasabi nang makita niya ang nangyari sa akin.

Naramdaman ko any mainit na balang tumagos mula sa aking puso. Naramdaman ko ang napakatinding sakit at unti-unti akong hindi makahinga ng maayos. Dahil sa nangyari ay natumba ako sa lupa at nakita ko ang mukha ni Arrya na nanlaki ang mga mata nito sa pagkagulat. Hindi siya nakapagsalita habang umaagos ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Pinilit kong takpan ang sugat sa aking dibdib pero hindi ito kayang pigilan ang paglabas ng napakaraming dugo. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa tuwing ibubuka ko ang aking bunganga ay mas lalong nararamdaman ko ang butas sa aking puso.

Sa pagkakataong ito ay hinahabol ko na ang aking hininga.
Ilang sandali pa ay nakita ko ang grupo ng mga lalaking patakbong pumunta sa kinaroroonan naming dalawa ni Arrya. Lahat sila ay nagulat sa nangyari at ang isa nilang kasamahan ay agad na umiyak at humingi ng pasensya sa akin.

“I’m sorry, man. We thought you were CRYPTIC. I thought that—,” umiiyak na sabi ng lalaki, “I apologize that I accidentally shot you.”

“What the hell, you shot him in his heart. We should go to our fortress. Empress Jerline needs to see this,” sagot naman ng isa nilang kasamahan.

Narinig ko silang nagtatalo dahil sa aking kalagayan. Alam ko na mga miyembro sila ng RAPSCALLION. Agad nila akong binuhat at naririnig ko ang matinding pag-iyak ni Arrya. Agad siyang binuhat ng babaeng kasama nila. Pinilit kong magsalita pero hindi ko talaga magawa.

Kinakapos na rin ako ng hininga at nilalabanan ko na huwag matulog. Ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko ang matinding pagka-antok. Ito na siguro ang antok na ikakatulog ko habang buhay.

“Don’t worry, dude, RAPSCALLION will save you. Don’t let go,” sabi ng isang lalaking bumubuhat sa akin.

“I-I wanna—” nahihirapang sabi ko.

“You wanna what?”






Thank you for reading :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top